Sunday, May 8, 2016

Ano Ang Dapat Na Ihalal Na Kandidato Ayon sa Kalooban ng Dios ?


Malapit na ang eleksyon at ang bawat pilipino ay iniisip kung sino sa mga kandidato ang dapat na ihalal bilang pangulo ng bansa. Kung ang tao lang ang pipili ayon sa kaniyang nais ay maari siyang magkamali ng iboboto pero kung may gabay ng Salita ng Dios  hindi magkakamali ng pagpili.

Alamin natin ang pamantayan ng Dios sa pagpili ng pinuno para maging gabay natin kung sino sa mga tumatakbong Pangulo ang nararapat na ihalalal.


Ayon sa Biblia ang dapat na piliin ay:

Deuteronomy 1:13  Kumuha kayo sa inyo ng mga lalaking pantas, at nakakaalam, at kilala, ayon sa inyong mga lipi, at sila'y aking gagawing pangulo sa inyo.

Ang piliin po pala ay wise at men of understanding ,wise sa pamamahala, may kakayahan na solusyunan ang mga kinakailangan ng bansa at mga mahihirap na bagay sa kaniyang administrasyon. Makikilala natin ang isang kandidato kung siya ay wise at kaunawaan sumusunod sa utos ng Panginoon:

Psalm 111:10  Ang pagkatakot sa Panginoon ay pasimula ng karunungan; may mabuting pagkaunawa ang lahat na nagsisisunod ng kaniyang mga utos. Ang kaniyang kapurihan ay nananatili magpakailan man.

Siya ay may takot sa Dios:

Exodus 18:21  Bukod dito'y hahanap ka sa buong bayan ng mga taong bihasa, gaya ng matatakutin sa Dios, na mga taong mapagpatotoo, na mga napopoot sa kasakiman; at siyang mga ilagay mo sa kanila, na magpuno sa mga lilibuhin, magpuno sa mga dadaanin, magpuno sa mga lilimangpuin, at magpuno sa mga sasangpuin:

Hindi natatakot sa sinumang maimpluwensiyang tao kundi nagtitiwala sa Panginoon:

Proverbs 29:25  Ang pagkatakot sa tao ay nagdadala ng silo: nguni't ang naglalagak ng kaniyang tiwala sa Panginoon ay maliligtas.

Luke 12:4-5  At sinasabi ko sa inyo mga kaibigan ko, Huwag kayong mangatakot sa mga pumapatay ng katawan, na pagkatapos niyan ay wala na silang magagawa.
Datapuwa't ipinagpapauna ko sa inyo kung sino ang inyong katatakutan: Katakutan ninyo yaong pagkatapos na pumatay, ay may kapangyarihang magbulid sa impierno; tunay, sinasabi ko sa inyo, Siya ninyong katakutan.


Dapat lalaki ang leader dahil sa Dios pinipili niyang mga lider ng bansang Israel ay ang lalaki gaya ng sa Iglesia lalaki ang pangulo ng babae:

1Timothy_2:12  Nguni't hindi ko ipinahihintulot na ang babae ay magturo, ni magkaroon ng pamumuno sa lalake, kundi tumahimik.


Kailangan siya ay kilala ng tao mula sa kaniyang bayan hindi ibang lahi, subok ag kaniyang kakayahan sa pamamahala:

Deuteronomy 1:15  Sa gayo'y kinuha ko sa inyo ang mga pangulo ng inyong mga lipi, na mga taong pantas, at kilala, at akin silang ginawang pangulo sa inyo, na mga punong kawal ng libolibo, at mga punong kawal ng mga daandaan, at mga punong kawal ng mga limangpu-limangpu, at mga punong kawal ng mga sangpu-sangpu, at mga pinuno ayon sa inyong mga lipi.

Deuteronomy  17:15  Ay ilalagay mo ngang hari sa iyo, yaong pipiliin ng Panginoon mong Dios: na isa sa iyong mga kapatid ang ilalagay mong hari sa iyo: hindi mo mailalagay sa iyo ang isang taga ibang bayan, na hindi mo kapatid.

Humahatol ng matuwid na paghatol. Matuwid Siyang humatol, walang pinoprotektahang masasamang tao, walang tinatangi. Sapagkat ang Dios ay hindi nagtatangi ng sinuman kaya dapat ang pinuno ng bansa ay ganun din naman, dapat ang concern niya ay pantay sa lahat,  sa mayaman at mahirap, sa maliit o malaki. Kailangang ipatupad niya ang Hustisya  kahit ano mang lahi ito,maging  kasarian, katutubo o kahit sinuman sa society.


Deuteronomy 1:16-18  At aking pinagbilinan ang inyong mga hukom nang panahong yaon na sinasabi, Inyong dinggin ang mga usap ng inyong mga kapatid, at inyong hatulan ng matuwid ang tao at ang kaniyang kapatid, at ang taga ibang lupa na kasama niya. Huwag kayong magtatangi ng tao sa kahatulan; inyong didinggin ang maliliit, na gaya ng malaki: huwag kayong matatakot sa mukha ng tao; sapagka't ang kahatulan ay sa Dios: at ang usap na napakahirap sa inyo, ay inyong dadalhin sa akin, at aking didinggin. Maghahalal ka sa iyo ng mga hukom at ng mga pinuno sa lahat ng iyong mga pintuang-daan, na ibinibigay sa iyo ng Panginoon mong Dios, ayon sa iyong mga lipi: at sila'y hahatol sa bayan ng matuwid na paghatol.

Hindi nagliliko ng paghatol at hindi tumatanggap ng suhol:

Deuteronmy 16:19  Huwag kang magliliko ng paghatol; huwag kang tatangi ng mga pagkatao: ni kukuha ng suhol; sapagka't ang suhol ay bumubulag ng mga mata ng marunong, at nagliliko ng mga salita ng matuwid.


Mapagkakatiwalaan at tinutupad ang pangako, at sumusunod sa batas, ang kaniyang oo dapat maging oo  gaya ng sabi ng Panginoong Hesus:

Matthew 5:37  Datapuwa't ang magiging pananalita ninyo'y, Oo, oo; Hindi, hindi; sapagka't ang humigit pa rito ay buhat sa masama.

Hindi maraming asawa at hindi nagpapayaman  sa corruption, hindi siya madaling mahulog sa mga taong sipsip at kawatan at hinid mga sumasang-ayun sa pulitikal ambitions ng iba:

Deuteronomy 17:17  Ni huwag siyang magpaparami ng mga asawa, upang huwag maligaw ang kaniyang puso: ni huwag siyang magpaparami ng pilak at ginto.

Siya ay guided ng salita ng Dios, para siya ay wag magmataas at wag maligaw sa utos ng Dios:


Deuteronmy 17:18-20  At mangyayari, na pagka siya'y luluklok sa luklukan ng kaniyang kaharian, ay kaniyang susulatin ang isang salin ng kautusang ito sa isang aklat, na nasa harap ng mga saserdote na mga Levita: At mamamalagi sa kaniya, at kaniyang babasahin sa lahat ng mga araw ng kaniyang buhay: upang siya'y magaral na matakot sa Panginoon niyang Dios, upang isagawa ang lahat ng mga salita ng kautusang ito at ng mga palatuntunang ito; Upang ang kaniyang puso ay huwag magmataas sa kaniyang mga kapatid at siya'y huwag maligaw sa utos, maging sa kanan, o sa kaliwa: upang kaniyang maparami ang kaniyang mga araw sa kaniyang kaharian, niya, at ng kaniyang mga anak sa gitna ng Israel.


Click and watch this video:

Paano pumili ng karapat-dapat na kandidato ayon sa Biblia?


Sa inyo po mga kababayan na nagbabasa ngayon pasado po ba ang kandidatong inyong napili ayon sa pamantayang nakasulat sa Biblia? Maaring hindi lahat ng nasabing requirements ng Dios ay  taglay ng inyong napili subalit mas mabuti po na kahit hindi man pasok sa lahat ng pamantayang ito ang imprtante po ay ang may takot sa Dios. Dahil ang pinunong may takot sa Dios ay takot na  lumabag sa kautusan ng Panginoon, matatakot siyang gumawa ng masama sa kaniyang panunungkulan. Sa darating na halalan ay bumuto po tayo ayon sa pananampalataya at hindi ayon sa survey.

Salamat sa Dios!