Wednesday, October 29, 2014

Ano ba ang Ang Dating Daan

Sa mga hindi kaanib sa aming samahan napagkakamalan ng karamihang tao  na ang ANG DATING DAAN ay pangalan ng isang relihiyon o sekta na pinamumunuan ni Bro. Eli at nababasa kasi nila sa mga karatula ng coordinating center namin kaya inakala nila yun ang ngalan ng relihiyon namin. Ang dahilan po kaya yan ang nakalagay at hindi ang MCGI kasi ang ANG DATING DAAN ay kilala na ng tao na napapaunod  at napapakingan nila pero hindi po yun ang pangalan ng relihyon kundi yun ay programa at pagnagtanong sila sa Ang Dating Daan ay malalaman  nila na ang nasa loob nito ay ang Iglesia ng Dios na aming kinaniban. Actually po mapapansin naman ang logo ng aming kinaanib sa tabi ng pangalang ANG DATING DAAN.


Ang Dating Daan's (The Old Path) Humble Beginnings

 

Sa programang ito ay sinasagot ng aming Mangangaral ang lahat ng katanunangan ng ating mga kababayan na may kinalaman sa pananampalataya. Walang ibang pastor na nagsasalita o sumasagot na kagaya ni Bro. Eli na deretsahan at prangkahan. Kasi   maraming mga pastor  ngayon para mahikayat ang mga tao ay hindi nagsasalita ng makakasakit ng damdamin umiiwas sila na makapagbitaw ng hindi magugustuhan ng tao baka tumalikod at hindi na umanib. 

Hindi po ganun si Bro.Eli  para sa kanya basta naghahanap ka ng katotohanan at gusto mo makinig ng totoo ay sasabihin niya ang totoo masaktan ka man o hindi ay wala siyang pakialam. Ganun po kasi ang ating Panginon Jesus ng nangangaral Siya maraming galit sa kanya na  mga Priseo at Eskriba dahil inaatake ang kanilang relihiyon. Ganun din po si St. Paul sasabihin ang totoo kahit hindi malugod sa kanya ang mga tao...basa po tayo:

Gal_1:10  Sapagka't ako baga'y nanghihikayat ngayon sa mga tao o sa Dios? o ako baga'y nagsisikap na magbigay-lugod sa mga tao? kung ako'y magbibigay-lugod pa sa mga tao, ay hindi ako magiging alipin ni Cristo.


Para malaman niyo po ang kahulugan ng ang ANG DATING DAAN sa Biblia ay click nyo po ito: Kahulugan ng Ang Dating Daan

Ang  layunin ng programa ay ipangaral ang Salita ng Dios upang  ibalik ang mga  tao sa dating landas o daan na gusto ng Dios na ating lakaran.

Jer 6:16  Ganito ang sabi ng Panginoon, Magsitayo kayo sa mga daan at magsitingin kayo, at ipagtanong ninyo ang mga dating landas, kung saan nandoon ang mabuting daan; at magsilakad kayo roon, at kayo'y mangakakasumpong ng kapahingahan sa inyong mga kaluluwa: nguni't kanilang sinabi, Hindi kami magsisilakad doon.

Marami kasing bagong daan ang ginawa ng tao kaya gusto ng Dios doon tayo bumalik sa
dati...halimbawa sa pananamit ang gusto ng Dios ang dati:

1Ti 2:9  Gayon din naman, na ang mga babae ay magsigayak ng mahinhing damit na may katimtiman at hinahon; hindi ng mahalagang hiyas ng buhok, at ginto o perlas o damit na mahalaga;


Ang  nagpaligaw sa mga tao sa daan na dapat niyang lakaran  ay pag-imbento ng mga aral na  labag sa katwiran ng Dios. Ang halimbawa na iniwan na ng tao ang mga dating aral ay gaya na lamang   ang pag-gawa mga bagong pausong damit, mga sexy, labas kalahati ng dibdib, labas ang hita, labas ang pusod at iba pang mga mahalay.....gaya ng sinasabi sa aklat  ni Propeta  Jeremias:

Jer 4:30  At ikaw, pagka ikaw ay napahamak, anong iyong gagawin? Bagaman ikaw ay nananamit ng mainam na damit na mapula; bagaman ikaw ay gumagayak ng mga kagayakang ginto, bagaman iyong pinalalaki ang iyong mga mata ng pinta, sa walang kabuluhan nagpapakaganda ka; hinahamak ka ng mga mangingibig sa iyo, pinagsisikapan nila ang iyong buhay.

Ganyan po ngayon ang mundo kahit noon sa panahon ni Propeta Jeremias  nauso na ang pagpipinta ng mukha o sa ating panahon ay make-up, mga makikinang na damit, mga alahas na para sa Dios  ang ganitong pagpapaganda
ay wala pong kabuluhan. Ang hinahanap po ng ating  Dios ay ang dating aral para sa  babae na  gumayak ng  mahinhing damit , mabuti ang pag-uugali ( 1 Timoteo 2:9).


At dahil po jan sa pagkaligaw ng tao sa daan ng Panginoon  ay inibig  nila ang sanlibutan ang resulta ay  lumaganap sa mundo ang  masamang pita at kapalaluan sa buhay...basa po tayo:


1Jn 2:15  Huwag ninyong ibigin ang sanglibutan, ni ang mga bagay na nasa sanglibutan. Kung ang sinoman ay umiibig sa sanglibutan, ay wala sa kaniya ang pagibig ng Ama.
1Jn 2:16  Sapagka't ang lahat na nangasa sanglibutan, ang masamang pita ng laman at ang masamang pita ng mga mata at ang kapalaluan sa buhay, ay hindi mula sa Ama, kundi sa sanglibutan.


Kung Kristiyano ka tatalikuran mo ang lahat ng  gawang iyan  dahil ito ay pang-sanlibutan..


Joh 15:19
  Kung kayo'y taga sanglibutan, ay iibigin ng sanglibutan ang kaniyang sarili: nguni't sapagka't kayo'y hindi taga sanglibutan, kundi kayo'y hinirang ko sa sanglibutan, kaya napopoot sa inyo ang sanglibutan.
Joh 15:20  Alalahanin ninyo ang salitang sa inyo'y aking sinabi, Ang alipin ay hindi dakila kay sa kaniyang panginoon. Kung ako'y kanilang pinagusig, kayo man ay kanilang paguusigin din; kung tinupad nila ang aking salita, ang inyo man ay tutuparin din.

Para matuklasan niyo pa po ang mga aral ng Dios ay ipagtanong po niyo ang ANG DATING DAAN, inaanyayahan ko po kayo na manuod sa aming programa sa television sa UNTV 37 at makinig sa UNTV LA VERDAD RADIO 1350khz at bisitahin ang aming link na naka post sa blog na ito.
Ito pa po ang impormasyon na galing sa aming website:

http://angdatingdaan.org/about-angdatingdaan/


Ang Programang Ang Dating Daan

Makalipas ang 14 na taong pagpapalaganap ng Evangelio ng Dios sa pagbabayan-bayan, dinala ni Bro. Eli Soriano ang mga aral ng Dios sa mas maraming mga tao, sa pamamagitan ng mas mabilis na behikulo – ang mass media.

 

Ang Programa

Ang programang Ang Dating Daan ay tinaguriang longest-airing Philippine religious program sa radyo’t telebisyon. Ang award-winning host ng programa ay si Bro. Eli Soriano, na siyang Presiding Minister sa Members Church of God International (MCGI).


Program History

Sa pamamahayag ng Banal na Kasulatan, nakarating sa maraming lugar sa Pilipinas si Bro. Eli Soriano, na ang mayor parte nito ay sa hilagang parte ng bansa upang magsagawa ng mga Bible studies. Sa kaniyang pagbayan-bayan, maraming tao ang nakakilala ng katotohanan sa Biblia at nagpabautismo sa samahan. Bagama’t walang humpay sa pagganap ng tungkulin ng pangangaral sa iba’t ibang lugar, paglipas ng panahon ay naunawaan ni Bro. Eli na wala pang one-eight ng populasyon ng bansa ang naabot ng kaniyang pangangaral. Kung kaya ninasa niyang iparating sa mas maraming tao ang salita ng Dios sa pamamagitan ng pangmalawakang brodkast sa radyo, telebisyon, satellite, at Internet.


Serbisyong Pampubliko

Maliban sa pagpapalaganap ng salita ng Dios, ang grupong Ang Dating Daan ay nananatiling isa sa mga masugid na tagasuporta ng charities at mga proyektong social services ng maraming mga organisasyon at foundation sa buong Pilipinas. Mayor parte ng mga proyekto ng grupo ay nailulunsad at nakapagpapatuloy sa pagtutulungan ng mga kaanib sa Church of God International kahit walang direktong tulong na nakakamit sa mga ahensiya ng pamahalaan at mga pribadong sektor. Hindi balakid ang mga limitasyong pangpinansiyal upang maipagpatuloy ang libreng mga serbisyong pinasimulan ng grupo, tulad ng libreng kolehiyo, klinika, law center, at marami pang iba.



Salamat sa Dios!

Kahulugan ng Ang Dating Daan


Sa mga hindi members ng aming samahang kinaaniban maaring maitanong nila kung saan ba galing ang ANG DATING DAAN, saan ba kinuha ang diwang kahulugan nito.

Sa Tulong at Awa ng Panginoon ay ibabahagi ko sa inyo ang kahulugan na tinuro sa amin ng aming Mangangaral na si Bro. Eli  na galing sa Biblia.


 Ang ANGD DATING DAAN po ayon sa Biblia ay kapayapaan, kabutihan, kaligtasan, kagandahan loob. Ito po ay galing sa Dios...basa po tayo:

Jer 6:16  Ganito ang sabi ng Panginoon, Magsitayo kayo sa mga daan at magsitingin kayo, at ipagtanong ninyo ang mga dating landas, kung saan nandoon ang mabuting daan; at magsilakad kayo roon, at kayo'y mangakakasumpong ng kapahingahan sa inyong mga kaluluwa: nguni't kanilang sinabi, Hindi kami magsisilakad doon.

Ang ating Dios po mismo ang nagsabi niyan na ipagtanong ang mga dating landas kung saan nanduon ang mabuting daan at makakasumpong tayo ng kapahingahan ng ating kaluluwa ibig sabihin nanduon po ang ating kaligtasan. Kaya sinabi po ng Dios na ipagtanong ang mga dating landas kung saan nandoon ang mabuting daan kasi maraming tao na nagsiliko sa kanilang sariling daan at nagkaligaw-ligaw na...basa po tayo:

Mal 3:7  Mula nang mga kaarawan ng inyong mga magulang kayo'y nangagpakaligaw sa aking mga tuntunin, at hindi ninyo tinalima. Manumbalik kayo sa akin, at ako'y manunumbalik sa inyo, sabi ng Panginoon ng mga hukbo. Nguni't inyong sinasabi, Sa ano kami manunumbalik?

Sabi po sa talata mula pa noon ang tao ay hindi nagsitalima sa Dios, sila ay naligaw lumakad sa  maraming daan, ang tawag ng Biblia nga po ay mga tupang nangaligaw kasi naligaw sa daan ng Panginoon. Mayroong daan na dapat na daanan ang tao kaya iniutos ng Dios na tumayo sa mga daan at ipagtanong ang mga dating landas kung saan nadoon ang mabuting daan.

Ang  daan na inihanda ng Dios ay ang mabubuting gawa na dapat nating lakaran sa araw-araw...basa po tayo


Eph 2:10  Sapagka't tayo'y kaniyang gawa, na nilalang kay Cristo Jesus para sa mabubuting gawa, na mga inihanda ng Dios nang una upang siya nating lakaran.

Ang mabubuting gawa na inihanda ng Dios ay ang mga aral, mga batas, palatuntunan, mga kautusan, mga kalooban ng Dios na tinuturo  sa loob ng Iglesia ng Dios sa Biblia...na iniaral ng mga apostol gaya ni St.Paul :

                             
1Co 12:31
 
Datapuwa't maningas ninyong nasain, ang lalong dakilang mga kaloob. At itinuturo ko sa inyo ang isang daang kagalinggalingan.

Ang  Daan na tinutukoy  ay  hindi  literal na daan kundi spiritual na  daan na ang kahulugan nga po ay mga salita ng Dios na dapat doon tayo magsilakad, mga mabubuting gawa na inihanda noon pa, mga dating aral, dating katwiran, dating Iglesia  na pinagusig ni St. Paul ng hindi pa siya Kristiyano:


Act 22:4  At aking pinagusig ang Daang ito hanggang sa mamatay, na tinatalian at ipinapasok sa mga bilangguan ang mga lalake at gayon din ang mga babae.
Ang Daan na  tinutukoy ni St. Paul ng siya ay kabilang pa sa relihiyong ng mga Hudyo ay ang Iglesia ng Dios..basa po tayo: 

Gal 1:13  Sapagka't inyong nabalitaan ang aking pamumuhay nang nakaraang panahon sa relihion ng mga Judio, kung paanong aking inuusig na malabis, at nilipol ang iglesia ng Dios:


Maraming daan kasi ang pinauso ngayon ng mga tao at alam niyo ba kung sino ang nag-imbento ng mga bagong daan na ito...basa po tayo:

Isa_56:11  Oo, ang mga aso ay matatakaw, sila'y kailan man ay walang kabusugan; at ang mga ito ay mga pastor na hindi nangakakaunawa: sila'y nagsilikong lahat sa kanilang sariling daan na mula sa lahat ng dako, bawa't isa'y sa kaniyang pakinabang.

                                                  Pastor makes congregation drinks petrol

Yan po mga pastor na hindi nakakaunawa ang tawag po  ng ating  Dios ay mga aso na matatakaw at  walang kabusugan..hindi nakukuntento na nagsiliko sa kanilang sariling daan.
Mayroon na kasing Daan, ang dating landas na kung saan nadoon ang mabuting daan. Pero ang mga pastor na ito na walang pagkaalam sa katuwiran ng Dios ay gumawa ng sariling kanila:

Rom 10:3  Sapagka't sa hindi nila pagkaalam ng katuwiran ng Dios, at sa pagsusumakit na maitayo ang sariling kanila, ay hindi sila napasakop sa katuwiran ng Dios.

Ayaw po nilang magpasakop sa katuwiran ng Dios gusto nila yung sarili nilang katuwiran ang masunod , imbentong mga pamamaraan  ang pinapangaral sa tao na walang batayan sa Biblia...minsan ang ibang mga pastor inutusan kumain ng damo ang kanyang mga member, pinapainom ng gasolina, nagpapatuklaw pa sa mga ahas.

                                  Pastor tells congregation to eat grass to be closer t God.

Ayaw po ng Dios ang mga bagong daan na tayo ng tao ang gusto po ng ating Dios ay ang dati..basa po tayo:

Isa 43:9  Mapisan ang lahat na bansa, at magpulong ang mga bayan: sino sa gitna nila ang makapagpapahayag nito, at makapagpapakita sa amin ng mga dating bagay? dalhin nila ang kanilang mga saksi, upang sila'y mapatotohanan: o dinggin nila, at magsabi, Katotohanan nga.

Saan ba makikita ang mga dating bagay ? Nasa Biblia po...ang gagawin lang po natin ay magbasa at magsuri po tayo, magtanong sa nakakaunawang Mangangaral. Malinaw na po sa inyo kung ano ang diwang kahulugan ng ANG DATING DAAN  ito ay ang mabubuting gawa, salita ng Dios, mga batas, aral,  katwiran , palatuntunan ng Dios, ang Iglesia ng Dios  na siyang dapat nating lakaran.

Salamat sa Dios!







Monday, October 27, 2014

Bakla at Tomboy May Kaligtasan

Naging viral ang balita sa  pagpatay ng isang sundalong amerikano sa isang transgender  na  ikakasal sana sa  kasintahang German. Naging usapan ito sa social media at  umani ng  positive at negative comments.

Click Link:
US Marine na suspek sa pagpatay sa transgender sa Olongapo City, kinilala na

Dahil nga naging usap-usapan yan ay chance natin na alamin kung saan ba nagmula ang mga ganyan bakla at tomboy...sa society kasi ay nakakatanggap sila ng discriminations sa ibang tao na hindi nakakaunawa ng kanilang kalagayan
may iba din na nagsasabi na hindi sila galing sa Dios, hinahatulan at sinasabihang pang mga salot at ma-iimpierno.

Sa Biblia po ba ay ganun ba ang pananaw ng Dios sa mga ito gaya ng tingin ng  tao..umpisahan po natin na pag-aralan. Alam naman natin na ang nilikha ng Dios ang  tao na babae at lalaki...kaya nga ang conclusion agad ng ilan ang mga bakla at tomboy ay hindi likha ng Dios...

Genesis 1:27  At nilalang ng Dios ang tao ayon sa kaniyang sariling larawan, ayon sa larawan ng Dios siya nilalang; nilalang niya sila na lalake at babae.

Ang lalaking si Adan at babaeng si Eba ay nilikha na  walang kapintasan sa  pisikal na anyo masasabi nating sila ay maganda at makisig  katunayan:


Genesis 1:31  At nakita ng Dios ang lahat ng kaniyang nilikha, at, narito, napakabuti. At nagkahapon at nagkaumaga ang ikaanim na araw.

Napakabuti ng nilikha ng Dios noon ibig sabihin walang kapintasan na maiisip tayo. Pero habang lumalakad ang panahon ang tao ay nagkaroon na ng pagkakaiba-iba ng lumitaw na sina Cain, Abel at Seth at ang sunod-sunod na hanggang sa panahon natin  may pagbabago ng naganap sa mga tao tulad ng  hindi na magkakamukha, taas, kulay ng balat, etc.....kaya hindi maiiwasan na may mga  tao mula pa sa  pagkapanganak ay nagkaroon ng kaibahan sa iba sa kanyang anyo o kalagayan na minsan laban sa dapat na maging nature niya.

Ang lahat ng gawa ng Dios ay may karunungan at hindi yung basta naisip niya lang ng walang dahilan, hindi po kagustuhan ng tao na siya ay ipinanganak na mayroon ng kapintasan o kapansanan gaya ng pangyayari habang naglalakad ang mga Apostol  at Panginoong Hesus na  may nakita silang isang bulag mula ng ipinanganak...basa po tayo:


Joh 9:1  At sa pagdaraan niya, ay nakita niya ang isang lalaking bulag mula sa kaniyang kapanganakan.
Joh 9:2  At itinanong sa kaniya ng kaniyang mga alagad, na nangagsasabi, Rabi, sino ang nagkasala, ang taong ito, o ang kaniyang mga magulang, upang siya'y ipanganak na bulag?


Ito po ang sagot ng ating Panginoon:

Joh 9:3 
Sumagot si Jesus, Hindi dahil sa ang taong ito'y nagkasala, ni ang kaniyang mga magulang man: kundi upang mahayag sa kaniya ang mga gawa ng Dios.

Sabi po ng Panginoon  kaya siya pinanganak na bulag ay upang mahayag ang gawa ng Dios, upang makita natin na Siya ay may kapangyarihan at  karapatan sa Kanyang nilikha...kahit gumawa siya ng pangit at maganda ay hindi tayo pwedeng tumutol sa Kanya..wala po tayong karapatan na tumutol kung bakit ginawa niya tayo ayon sa gusto Niya...basa po tayo:


Romans 9:20  Nguni't, Oh tao, sino kang tumututol sa Dios? Sasabihin baga ng bagay na ginawa doon sa gumawa sa kaniya, Bakit mo ako ginawang ganito? 
:21
 
O wala bagang kapangyarihan sa putik ang magpapalyok, upang gawin sa isa lamang limpak ang isang sisidlan sa ikapupuri, at ang isa'y sa ikahihiya.

Nakakagawa ang Dios ng kahit anong gusto niya..ang mga bakla at tomboy o lahat ng uri ng tao ang may likha po noon sa kanila ay ang Dios at hindi naman natin pwede sabihin na komo hindi sila straight na lalaki at babae ay  demonyo ang lumikha sa kanila..dahil ang demonyo ay hindi naman po tagapaglikha.
Lahat po ng tao kahit ano pa siya ay mula sa iisang lahi...basa po tayo:

Genesis 3:20  At tinawag na Eva ng lalake ang kaniyang asawa, sapagka't siya ang naging ina ng lahat ng mga nabubuhay.


Ang mga bakla at tomboy ay nabubuhay din po di ba? kaya ang ina na pinagmulan nila  ay si Eva. Hindi naman po pwede na dahil ba sa may bakla at tomboy ay sumulpot na lang sila bigla sa tabi-tabi....natural na ipinangak din po sila, pinagbuntis din sila ng kanilang magulang..lahat ng pinanganak sa mundo ay galing sa lahi ni Eva at ni Adan na nilikha ng Dios.


Lahat po ng uri ng tao ang Dios po ang may likha sa kanila  may kapansanan man o wala gaya ng  bulag, pipi, bingi..etc..

Exodus 4:11  At sinabi sa kaniya ng Panginoon, Sinong gumawa ng bibig ng tao? o sinong gumawa ng pipi, o bingi, o may paningin, o bulag sa tao? Hindi ba akong Panginoon

Hindi naman kasalanan ng isang tao kung siya ay ipinanganak na bakla o tomboy kung talagang ipinanganak na siyang ganun...hindi po pwede natin sisihin kung sila ay ipinanganak sa katawang lalaki na may pusong babae gayun din naman sa mga tomboy. May mga bakla nga po na pilit magbago na nag-aasawa ang ilan para patunayang sila ay lalaki   pero lumalabas pa rin ang nature ng  pagiging bakla .

Basahin po natin ang sulat ni Apostol Pablo na binanggit niya ang mga bakla at tomboy...basa po tayo:


1Corinthians 6:9  O hindi baga ninyo nalalaman na ang mga liko ay hindi magsisipagmana ng kaharian ng Dios? Huwag kayong padaya: kahit ang mga mapakiapid, ni ang mga mananamba sa diosdiosan, ni ang mga mangangalunya, ni ang mga nangbababae, ni ang mga mapakiapid sa kapuwa lalake.

Ang binanggit na  mapakiapid sa  kapwa lalaki ang tawag natin sa ating term ay bakla...at sa  tomboy naman ..basa po tayo:

Romans 1:26  Dahil dito'y ibinigay sila ng Dios sa mga mahahalay na pita: sapagka't pinalitan ng kanilang mga babae ang katutubong kagamitan niyaong nalalaban sa katutubo:
:27  At gayon din naman ang mga lalake, na nang iwan na ang katutubong kagamitan sa mga babae, ay nangagningas sa kanilang karumihan ng pita ang isa't isa, na gumagawa ng kahalayan ang mga lalake sa mga kapuwa lalake, at tumatanggap sa kanilang sarili ng kagantihan ng kanilang pagkakamali.


Sabi pinalitan nila ang kanilang katutubo na laban sa katutubo....meaning yung nature nila na babae talaga ay kanilang iniwan na against sa kanilang nature ibig sabihin sa halip na magpakababae ay nagpapakalalaki yun nga ang tomboy...ganun din ang lalaki gumagawa ng kahalayan sa kapuwa lalaki yun nga po ang mga bakla.

Ang tanong natin may kaligtasan po ba sila? Opo naman ang  Dios po natin ay hindi nagtatangi ng tao:

Romans 2:11  Sapagka't ang Dios ay hindi nagtatangi ng mga tao.

Gusto niya lahat ng tao ay maligtas:

1Timothy 2:4  Na siyang may ibig na ang lahat ng mga tao'y mangaligtas, at mangakaalam ng katotohanan.


Maliwanag na ang Dios ay hindi nagtatangi at ang  lahat ng tao ibig Niyang maligtas...pag sinabing lahat yun po ay sumasaklaw sa lahat ng klase ng tao. kesa bakla, tomboy, silahis, lalaki, babae..etc.. dahil ayaw niya po na may mapahamak kahit isang tao: 

2Peter 3:9  Hindi mapagpaliban ang Panginoon tungkol sa kaniyang pangako, na gaya ng pagpapalibang ipinalalagay ng iba; kundi mapagpahinuhod sa inyo, na hindi niya ibig na sinoman ay mapahamak, kundi ang lahat ay magsipagsisi.


Hindi po gusto ng ating Dios ang may  mapahamak kahit isa maging tomboy pa o bakla basta sumunod lamang  sa Dios at nagsisi  sa kasalanan, nagbagong buhay, hindi lumabag sa utos...ang katunayan ang binganggit sa  Corinto  sa bandang huli sinabi ni Apostol Pablo  na sila ay nilinis na , binanal, nahugasan, inaring ganap sa pangalan ng ating Panginoong Jesus ...tingangap sila ng Dios sa Iglesia noong una...kaya kahit gaano pa kasama ang tao, kahit ano pa siya...bakla, tomboy,  silahis etc. basta sumunod siya sa Dios at nagbagong buhay at hindi nagagawa ng kalikuan ay may kaligtasan po ayon sa Biblia...basahin po natin ulit...gamitin natin ang Sambayanang Pilipino Biblia...basa po tayo:


Sambayanang Pilipino Biblia
1 Corinto 6: 9-11

9 Hindi ba ninyo alam na hindi mag-mamana ng kaharian ng Diyos ang mga sakim? Huwag kayong paloloko: ang mga mahalay, mga sumasamba sa mga idolo, mga nakikiapid, mga bastos, mga bakla,
10 mga magnanakaw, mga sakim, mga lasenggo, mga basagulero, at mga ganid ay hindi magmamana ng kaharian ngDiyos.
11 At ganyan nga ang ilan sa inyo; subalit hinugasan na kayo, pinabanal na kayo, pinawalang-sala na kayo sa ngalan ng Panginoong Jesucristo at sa Espiritu ng ating Diyos.



Ang Sodoma at Gomora na alam natin na pugad ng lahat ng uri ng tao na gumagawa ng kahalayan ay pinarusahan ng Dios sa pamamagitan ng pagpa-ulan sa kanila ng apoy dahil sa kanilang masasamang gawain:

Jude 1:7  Gayon din ang Sodoma at Gomorra, at ang mga bayang nasa palibot ng mga ito, na dahil sa pagpapakabuyo sa pakikiapid at sa pagsunod sa ibang laman, ay inilagay na pinakahalimbawa, na sila'y nagbabata ng parusang apoy na walang hanggan.

Pero gaya nga ng sabi ng mga talatang nabasa natin sa taas kahit bakla tomboy kung hindi naman niya ginagawa ang masamang gawa gaya ng ginagawa ng  sa Sodoma at Gomora ay may chance po sa kaligtasan basta magsisi po sila at sumunod sa Dios.


Sa aming samahan po ay maraming umaanib na mga  bakla at tomboy nagkakaroon kasi  sila ng pag-asa sa buhay na nakita nila na kahit ganun sila ay pare-pareho lang tayo sa mata ng Dios. Ang Isang bakla na nagbago ay dapat ng suunod sa palatuntunan ng Dios na nararapat niyang magawa gaya ng hindi na siya pwedeng magpahaba ng buhok, mag-make-up, mag-suot ng damit pambabae at maglandi o rumampa, bawal rin na mag-boyfren at gumawa ng kahalayan, in short dapat siyang umayos ng kagayakang panlalaki sa panlabas na kahit taglay niya pa rin ang pusong babae sa panloob.

Ganun din po sa mga tomboy na nagbalik loob sa Dios ang kagayakan nila ay gayak pambabae sa panlabas  na taglay ang pusong lalaki sa panloob...mahirap po sa kanila ito pero kung gusto nila maligtas ay kailangan nilang tiisin ang mga bagay ng kautusan.
Sa ibang relihiyon o Iglesia  kinokondena nila  ang mga bakla at tomboy  hindi 
tinatanggap kasi daw po wala ng kaligtasan ang mga ito  unless na magpakalalaki o magpakababae muna  sila meaning to say parang pipilitin  o dadayain ang kanilang sarili na mag-aaktong lalaki o babae sa panloob at panlabas ng sa ganun ay masabing nagbago na nga.

Sa paniwala kasi nila ang  labas daw sa kanilang Iglesia  o relihiyon ay may hatol  ng maiimpiyerno  ang ganyang Iglesia po ay hindi  yun sa Dios kasi kahit si Apostol Pablo ay hindi humahatol sa labas ng Iglesia ang may karapaan pong humatol ay ang Dios lamang...basa po tayo:

1Corinthians 5:12  Sapagka't ano sa akin ang humatol sa nangasa labas? Hindi baga kayo nagsisihatol sa nangasa loob?
:13
 
Datapuwa't sa nangasa labas ay Dios ang humahatol. Alisin nga ninyo sa inyo ang masamang tao.


Mga kababayan huwag po nating hatulan ang ating kapwa kahit sila man  ay bakla, tomboy, silahis..etc...Hayaan po natin ang Dios ang humatol sa kanila ang magagawa lang natin ay  hikayatin sila sa pagsunod sa  Dios. Hindi po pamantayan ng kalitasan ang pagiging tunay na lalaki o babae...may mga tunay na lalaki at babae na ma-iimpierno din  po kung sila ay hindi sumunod sa utos ng Dios. Tunay nga na lalaki at babae pero nagpapakabuyo naman sa kalayawan mga  lasenggo, mangangalunya, makikiapid, manloloko sa asawa, mga sinungaling   sila po  ay wala ding kaligtasan.

Galatians 5:19 
At hayag ang mga gawa ng laman, sa makatuwid ay ang mga ito: pakikiapid, karumihan, kalibugan,
:20
 
Pagsamba sa diosdiosan, pangkukulam, mga pagtataniman, mga pagtatalo, mga paninibugho, mga pagkakaalitan, mga pagkakampikampi, mga pagkakabahabahagi, mga hidwang pananampalataya,
:21 
Mga kapanaghilian, mga paglalasing, mga kalayawan, at ang mga katulad nito; tungkol sa mga bagay na ito ay aking ipinagpapaunang ipaalaala sa inyo, tulad sa aking pagpapaalaala nang una sa inyo, na ang mga nagsisigawa ng gayong mga bagay ay hindi magsisipagmana ng kaharian ng Dios.


Sa mga readers na bakla, tomboy at mga kauri nito may pag-asa po kayo sa kaligtasan, mahal po kayo ng ating Dios ayaw Niya po kayo ay mapahamak basta po hanapin Niyo po Siya, sundin ang Kanyang mga utos at makakaasa po kayo sa Kanyang pangako na buhay na walang hanggan. Mag-suri po kayo at isama niyo po  ang aming samahan na  inyong suriin nandiyan po ang aming Bro. Eli at Bro. Daniel na bukas palad  para sa inyo at magtuturo ng aral na dapat niyong matutunan ayon sa Biblia. Purihin ang Dios!

Salamat sa Dios! 

Wednesday, October 22, 2014

Ang Tungkulin ng Lalaki sa Kanyang Misis

Sa nakaraang post pinag-aralan natin ang tungkulin ng babae sa kanyang Mister ngayon naman ay alamin natin ang tungkulin ng lalaki sa kanyang Misis. Sa ibang relihiyon ay hindi ito tinuturo sa kanilang mga members kaya ang resulta minsan ay hindi pagkakaroon ng  magandang pagsasama sa pamilya. Sa aminng samahan po ay itinuro ito ng aming Mangangaral at nais ko namang  itawid  sa inyo mga readers sa mga hindi pa alam ang aral na ito.

Bago natin umpisahan ay review muna tayo ng kunti sa napag-aralan natin tungkol sa tungkulin ng babae..basa po tayo:

 Eph 5:23  Sapagka't ang lalake ay pangulo ng kaniyang asawa, gaya naman ni Cristo na pangulo ng iglesia, na siya rin ang tagapagligtas ng katawan.


Ang babae na nagbabalak mag-asawa ay dapat tanggapin na magkakaroon siya ng presidente sa buhay niya, ayon sa talata ang lalaki ang pangulo ng kanyang asawa gaya ng ating Panginoong Jesus na pangulo ng Iglesia. Sa lahat ng paraan ay kailangan na mataas ang lalaki sa kanyang Misis  sa apelyido dapat gamitin ng babae ang apelyido ng lalaki, sa pagde-desisyon kailanaan sumangguni muna si Misis sa lalaki hindi pwede yung kung ano ang gusto niya yun ang masusunod bawal po yun..basa po tayo:


Eph 5:24  Datapuwa't kung paanong ang iglesia ay nasasakop ni Cristo, ay gayon din naman ang mga babae ay pasakop sa kani-kaniyang asawa sa lahat ng mga bagay.

Isang aral na dapat tanggapin ng babae na nag-asawa ay magpasakop sa  lalaki at hindi  pwede na ang babae ay parang presidente na naka-pameywang at ang Mister  ang busabos, hindi niya pwede na lapastanganin ng basta-basta ang asawa...dahil ang ibinigay na tungkulin ng Dios sa lalaki  sa loob ng bahay ay maging presidente o pangulo.

Halimbawa kapag tanggap  na ng babae na si Mister ang presidente at nagpapasakop na siya..antanong ano namnan ang dapat na tungkulin ni Mister kay Misis?

Eph 5:25  Mga lalake, ibigin ninyo ang inyo-inyong asawa, gaya naman ni Cristo na umibig sa iglesia, at ibinigay ang kaniyang sarili dahil sa kaniya;

Inaamin ko po na ng hindi pa ako kaanib sa Iglesia at hindi ko pa alam ang talagang aral na dapat ko sanang matutunan bilang presidente ng pamilya ay hindi ako naging mabuting asawa sa aking maybahay, lagi po akong naglalasing, at tamad na tamad po ako sa bahay, at hindi po ako masyadong expressive  sa aking pagmamahal sa kanya.
Mali po pala yun bunga po yun ng walang aral ng Dios  na akala ko normal lang yun na gawin ng isang lalaki gaya ng ibang pamilya. Kaya po kayong mga Mister payo ko po na pag-aralan ang salita ng Dios tungkol sa tungkulin natin bilang pagulo ng tahanan ng hindi kayo magaya sa aking nakaraang pamumuhay.
Ayon sa nabasa natin sa efeso 5:25 dapat ibigin ng lalaki ang kanyang asawa..antanong paano iibigin ang asawa?...basa po tayo sa kasunod na verse:

Eph 5:28  Gayon din naman nararapat ibigin ng mga lalake ang kani-kaniyang sariling asawa, na gaya ng kanilang sariling mga katawan. Ang umiibig sa kaniyang sariling asawa ay umiibig sa kaniyang sarili:


Para maunawaan niyo po ang diwa ng talata mas mabuti po basahin niyo po ang paliwanag ni Bro. Eli sa nagtanong  na quote ko sa Bible Exposition videos ito po sabi niya:

 "Ayan ang mga lalaki iibigin ninyo ang inyong  asawa gaya ng inyong sariling katawan, kapag ikaw naman babae makunswelo ka naman na magpapasakop  eh! kasi ang sumasakop sayo mahal na mahal ka eh! ang pagmamahal sayo gaya ng sarili niyang katawan..siguro ako man ang babae pagka ang lalaking sasakop sa akin ay mahal ako kagaya ng sarili niya..ang ibig sabihin na mamahalin   ang asawa mo gaya ng sariling mong  katawan , ayaw mong nagugutom huwag mong gugutumin ang asawa mo, ayaw mong nasasaktan huwag mong sasaktan ang asawa mo, ayaw mong napapahiya huwag mong ipapahiya yung  asawa mo, kung lalaki ka yaw mong nagiginaw bibili ka ng jacket aba! kailangan ibili mo rin yung asawa mo... pangit yun! labag sa Dios yun ikaw lang ang may jacket ang asawa mo ay wala eh! maginaw kayong pareho diba? ganun kapatid kaya pag inibig mo yung asawa mo gaya ng iyong  sarili magkakaroon kayo ng mutual na proteksyon sa isat isa . Isa yan sa mga aral sa pag-aasawa ng lalaki kaya kung magpasakop ka man aba! ok naman kasi ang lalaki na pinagpapasakupan mo mapagmahal naman sayo hindi sasama ang loob mo na magpasakop. Napakaganda po ng aral sa mag-asawa mga kapatid sana ma-realize niyo ang punto na ibig kong sabihin."
Ganun po pala dapat  tayong mga lalaki ay iibigin natin ang ating mga asawa gaya ng ating sarili. Nakakalungkot isipin na sa hindi  pagka-alam sa aral ng Biblia  tayong mga Mister ay nakakagawa ng mga bagay na hindi dapat gawin sa kay Misis, nabibigyan natin sila ng pait o sama ng kalooban na pinagbabawal  po ng Dios...basa po tayo:


Col_3:19  Mga lalake, ibigin ninyo ang inyo-inyong asawa, at huwag kayong maging mapait sa kanila.

Naalala ko po ang aking nakaraang pamumuhay na sa hindi ko pagkilala ng katuwiran ay nasaktan ko ng kalooban ang aking maybahay, nakapagsalita ako ng masasakit na salita na hindi dapat sabihin ng isang nagmamahal sa asawa, pero salamat sa Dios at nakawala ako sa ganung masamang pag-uugali dahil sa pagkarinig ko ng pangangaral ng aming Kapatid na Eli.
 
Sina-suggest ko  po sa inyo mga kapwa ko Mister kung kayo po may takot sa Dios sundin niyo po  ang aral ng Biblia tungkol sa pag-asawa na dapat nating masunod bilang Kristiyano.

Lagi po tayong umunawa at habaan ang pasensiya dahil sensitive po ang mga babae dapat ingatan sila gaya ng sinasabi sa talata sa baba...basa po tayo:
1Pe_3:7  Gayon din naman kayong mga lalake, magsipamahay kayong kasama ng inyo-inyong asawa ayon sa pagkakilala, na pakundanganan ang babae, na gaya ng marupok na sisidlan, yamang kayo nama'y kasamang tagapagmana ng biyaya ng kabuhayan: upang ang inyong mga panalangin ay huwag mapigilan.

Para pala hindi mapigilan ang panalangin natin sa Dios ay pakundanganan natin ang ating mga Misis. Ano pa ang kasunod na tunkulin ng lalaki...basa po tayo:

1Co 7:3  Ibigay ng lalake sa asawa ang sa kaniya'y nararapat: at gayon din naman ang babae sa asawa.

Sabi nga po ni Bro. Eli kung minsan ang pagkawasak ng pamilya ay ng gagaling sa hindi pagkakaalam ng mag-asawa ng nararapat na ibigay sa isat isa. Kaya sabi ng Dios ibigay ng lalaki ang nararapat sa babae ganun din ang baabe sa lalaki dapat may  give and take relationship na pakikinabangan ng relasyon. Ano-ano po ba ang nararapat na ibigay ng lalaki sa babae na nararapat sa kanya? 

Tahanan kahit upahan lang kahit maliit lang na kuwarto sapat na muna yun sa mag-asawa na  nag-uumpisa , Suweldo dapat ibigay kay Misis bawas mo yung sayo tapos ibigay mo yung nararapat na pambili ng pangkabuhayan o para sa gastusin ng bahay at mga bata, pagkain, pananamit etc...

Dapat ding bigyan ni Mister ng karangalan ang babae at hindi yung siya ay kabit lang na nagtatago baka makita ng original...dapat nag-iisa lang siya sa buhay ni Mister. At lingap kay Misis dapat na alagaan at huwag pabayaan upang hindi magkasakit, alamin kung may sarili siyang problema na tinatago at baka nahihiya lang sabihin. At si Misis naman dapat ibigay niya rin ang nararapat kay Mister ang pagpapasakop sa kanyang Mister bilang presidente, paggalang at serbisyo gaya ng paglalaba, pagluto, pagmasahe kung gusto ni Mister etc..

At ang higit sa lahat ay ang ARAL NG DIOS na dapat ipakisama ng mag-asawa sa bawa't isa..kasi kung wala ito madali pong mawasak ang pamilya kasi ang dalawang mag-asawa ay pundasyon ng isang pamiya  pagmahina ang pundasyon, mahina ang kabahayan.. pag nag-umpisa sa magandang pundasyon maganda ang kayarian ng isang gusali. At kapag ang mag-asawa ay naturuan ng ARAL NG DIOS ang kanilang pagsasama ay hindi mabubuwag at lalo pa itong titibay.

Mga Binata na nais mag-asawa alamin niyo po ang aral na ito ng hindi naman magiging kaawa-awa ang magiging Misis ninyo, naranasan ko na rin po ang mamuhay ng walang ARAL NG DIOS hindi po maganda at nakakapangsisi sa huli. Sa mga lalaking may asawa na hindi pa alam ang aral na ito ay makakatulong po ito sa inyo bilang paalala.

Ang araling ito ay maiksi lamang na mas may malalim at mas malinaw pa na paliwanag ang aming mga Mangagaral na si Bro. Eli at Bro.Daniel, ako ay isang aliping walang kabuluhan lamang at ordinaryong member lang na maaring magkamali sa paliwanag at magkulang,  gusto ko lang na magtawid lang din po sa inyo ng amin ding natutunan mula sa kanila galing sa Biblia.


Salamat sa Dios!




Sunday, October 19, 2014

Ang Tamang Pananamit ng Kababaihan

 Hindi maiwasan sa pamamasyal   sa mga  mall o sa mga  ma-taong lugar na may  mga babaeng ang pananamit ay nakakatawag pansin...nakadamit ng hapit na hapit , maiiksing short, mga sexy clothings.

Marahil ang  ganitong mga kababaihan ay hindi naturuan ng kanilang mga lider relihiyon ng tamang pananamit.  Minsan pa nga kapag sinisipulan o binabati ng kalalakihan ay magagalit at sasabihing mga  bastos yung mga guys na yun samantalang siya ang nagbigay ng ikababastos sa sarili.

Meron naman babae nakasabay ko sa jeep ang suot eh!  napakaiksi tapos ng maupo ay pilit hinahatak pababa ang mini skirt at tinatakpan yung pagitan ng  hita ng hindi masilipan....napa isip tuloy ako...diba kaya siya nagsuot ng ganun upang makita ng mga lalaki tapos ng sumakay sa jeep ay pilit tinatakpan.

Meron naman naka-close neck na long sleeve pero may malaking butas naman sa dibdib...nakapantalon pero sadyang may butas-butas, iba naman naka-gown pero  butas ang likod at ang haba ng slit para makita ang legs, naka-full cover naman ang iba pero manipis ang tela parang screen kita pa rin ang balat... nakakatawa talaga.

May mga babae kasi na sadyang inilalabas nila ang kanilang mga hita, kalahati ng dibdib , pusod..ang mga ganun ay naghahanap yun ng lalaki..naghahanap yun ng damay...nag di-display  ng kahalayan.

Sa tamang relihiyon sa  Iglesia sa Biblia ang mga babae ay inutusan na huwag magsuot ng mahalay na damit..basa po tayo: 


1Timothy 2:9  Gayon din naman, na ang mga babae ay magsigayak ng mahinhing damit na may katimtiman at hinahon; hindi ng mahalagang hiyas ng buhok, at ginto o perlas o damit na mahalaga;

Kapag sinasabing mahinhin , matimtiman ibig sabihin ay hindi nakalabas ang hita, kalahati ng dibdib, hapit na hapit ang damit na bakat na ang hubog ng katawan kasi pag ganun  pangit po  yun dahil ang ganung klaseng pananamit ng babae  ay pagkaka-interesan ng lalaki.  Kaya sabi ng Dios ang babae ay gumayak ng mahinhing damit  dahil kung walang  aral ng Dios ang isang lalaki ay hindi maiiwasan na matukso o makagawa siya ng kahalayan sa gawa o sa isip man.

Ang normal na babae na nakakaalam ng kabutihang asal ay hindi nag-aayos ng ganun  dahil walang disenteng babae like mga presidente, senador tayo na makikita  na naglabas ng kalahati ng dibdib, hita, pusod etc...walang ganun kasi meron silang pagka-disente.

Ang babae na sadyang  nilalabas ang lahat ng balat ng katawan,  nagdadamit maghalay ay naghahanap po yun ng lalaki  ayon sa nakasulat sa  Biblia...basa po tayo:


Hosea 2:13  At aking dadalawin sa kaniya ang mga kaarawan ng mga Baal, na siya niyang pinagsusunugan ng kamangyan, nang siya'y nagpaparanya ng kaniyang mga hikaw at kaniyang mga hiyas, at sumusunod sa mga mangingibig sa kaniya, at kinalilimutan ako, sabi ng Panginoon.

Ang mga babaeng ganun naghahanap ng mangingibig..katwiran pa nila  yun daw ay for the sake of art, fashion...modern na daw tayo...hindi po yun art ang mga ganyang mga babae ay naghahanap ng damay  gaya ng sabi ng Dios sumusunod sa mangingibig niya..hindi lang nag-alahas ng hikaw o mga hiyas yan, hindi lang nagpapaganda yan pati pintura ay nagpipintura...sa ating panahon ang tawag ay "make-up"...basa po tayo:

Jer 4:30  At ikaw, pagka ikaw ay napahamak, anong iyong gagawin? Bagaman ikaw ay nananamit ng mainam na damit na mapula; bagaman ikaw ay gumagayak ng mga kagayakang ginto, bagaman iyong pinalalaki ang iyong mga mata ng pinta, sa walang kabuluhan nagpapakaganda ka; hinahamak ka ng mga mangingibig sa iyo, pinagsisikapan nila ang iyong buhay.

Sa walang kabuluhan nagpapakaganda ka sabi po sa talata...ginagawa nila kahit pag-pinta o nagmi-make-up, inaahit ang kilay na parang guhit na lang, kinukulayan ang mukha, etc para makatawag ng pansin sa mga lalaki pati ang paglakad ay pinapatunog pa upang mapansin..basa po tayo:


Isa 3:16  Bukod dito'y sinabi ng Panginoon, Sapagka't ang mga anak na babae ng Sion ay mga mapagmataas, at nagsisilakad na mga may kapalaluan at mga matang nakairap, na nagsisilakad at nagsisikendeng habang nagsisiyaon, at nagpapakalatis ng kanilang mga paa:
Kumikinding lumalakad ng pa-sexy...pinapakalatis ang paa. Ang mga ganung babae ay  naghahanap po ng damay kaya kung ang lalaki na walang aral ng Dios  nadamay, maghangad sa kanya ay  nagkakasala. Samakatuwid ang ganung mga babae ay nag-akay ng masamang pita ng laman  dahil sa mahalay na pananamit kaya dumadami ang  mangangalunya, nagkakasala ng pangangalunya dahil sa nakikita ng kanilang mata..basa po tayo:


2Pe 2:14  Na may mga matang puspos ng pangangalunya, at hindi maaaring maglikat sa pagkakasala; na umaakit sa mga kaluluwang walang tiyaga; na may pusong sanay sa kasakiman; mga anak ng paglait,

May mga mata sila na puspos ng pangangalunya hindi na tumitigil sa pagkakasala ang tao ngayon dahil sa nakikita kaya knug ano-ano na ang pumapasok sa isip... yan din minsan ang isa sa dahilan ng rape sa ating bansa ang pananamit ng mahalay.

 Sabi nga po ng ating Panginoong Jesus pagtumingin  pa lang sa babae na may taglay na may masamang hangad ay nagkakasala na ng pangangalunya sa puso..basa po tayo:


Mat 5:28 
Datapuwa't sinasabi ko sa inyo, na ang bawa't tumingin sa isang babae na taglay ang masamang hangad ay nagkakasala, na ng pangangalunya sa kaniyang puso.

Nabasa niyo po magkakasala  na ng pangangalunya sa patingin ka  pa lang..yung mga pananamit na may kahalayan ay nag-aanyaya sa kapwa tao na magkasala ng pangangalunya..tumitingin ng pagkakasala. Intention man o hindi na magkasala ang kapwa pero nagiging kasangkapan sila ng demonyo na magkasala ng pangangalunya ang kapwa. Kaya ang sabi ng Panginoon sa mga babaeng Kristiyana..kung Kristiyana ka talaga sabi ang  babae ay magsigayak ng mahinhing damit...basahin po natin ulit:


1Ti 2:9  Gayon din naman, na ang mga babae ay magsigayak ng mahinhing damit na may katimtiman at hinahon; hindi ng mahalagang hiyas ng buhok, at ginto o perlas o damit na mahalaga;

Sabi po ni Bro. Eli ang babae dapat may disiplina ng Dios sa pananamit..ang babae ay parang kasangkapan na iniingatan ng Dios...ayaw niyang malaspag, ayaw niyang mabasag,..kasi ang babae marami kang maiwawala, ang dangal, ang pagkadalaga ay pwedeng mawala kapag magaslaw ka..kaya para maingatan ka iniutos ng Dios na magdamit ng mahinhin na may katimtiman.

May mga babae din  naman na nag-dadamit ng maayos pero gumagawa ng gawang masama gaya ng  panlalaki at naglalandi. Mahinhin nga damit landita, malantud, kumakaringking naman kaya sabi ng Biblia hindi lang damit ang mahinhin dapat gagayak ang babae kndi pati dapat ang  ugali ay may kahinhinan...basa po tayo:

1Pe 3:2  Sa pagkamasid nila ng inyong ugaling mahinhin na may takot.
Sabi pati ugali dapat mahinhin at hindi lamang sa damit. Syempre pag-sinabing ugaling mahinhin hindi ka manlalaki, maglalandi, etc.. Sa napapansin ko sa ibang relihiyon ang ganitong aral ng pananamit ay hindi itinuturo o istriktong pinapatupad sa mga babaeng members, walang pakialam ang mga pastor at pari basta ang mahalaga sa kanila ay yung nakakapagbigay ng pera sa simbahan o ikapu.

Mapalad ang mga babaeng kaanib sa Iglesia ng Dios dahil naturuan ng tamang pananamit na ayon sa Biblia  at salamat po sa Dios sa aming mga Mangangaral na hindi napapagod sa  pag-tuturo sa amin ng dapat naming matutunang magkakapatid.

Sana po sa tulong at awa ng Dios  kayong mga readers ay makasama namin sa loob ng Bayan ng Dios.

Salamat sa Dios!

Friday, October 17, 2014

Magka-iba ang Relihiyon

Paano kung ang pamilya mo: magulang, kapatid, asawa, anak ay magkaiba kayo ng relihiyon sila ba ay may pag-asang din sa kaligtasan?  Mahal po natin ang ating pamilya at gusto natin na sila ay makasama sa pangako ng Dios sa mga nagsisi-ibig sa Kanya ang buhay na walang hanggan.
Sa amin po  magkaiba kami ng relihiyon ng aking mga magulang at kapatid sila  ay  devoted Catholics  at ng asawa ko naman ay member ng JIL  pero sa kabila ng ganitong sitwasyon  umaasa pa rin ako sa awa at tulong ng Dios na sana mabuksan ang kanilang puso't isip  at gabayan ng Dios na makita nila ang katotohanang nalaman ko at aking sinampalatayanan. May awa ang Dios.

Sabi po ni Bro. Eli ang chance ay hindi natin pwede alisin sa tao dahil yun ay bigay  ng Dios  sa tao kahit sinumang tao kahit na masamang tao pa siya ay  binibigyan ng ating Dios  ng chance...basa po tayo:
2Pe 3:9  Hindi mapagpaliban ang Panginoon tungkol sa kaniyang pangako, na gaya ng pagpapalibang ipinalalagay ng iba; kundi mapagpahinuhod sa inyo, na hindi niya ibig na sinoman ay mapahamak, kundi ang lahat ay magsipagsisi.


Sabi ng talata ang Dios po ay  mapagpahinuhod sa atin at gusto niya na magsipagsisi ang tao dahil ayaw niya na ang sinuman ay mapahamak, wala pong tinatangi ang ating Dios gusto niya po lahat tayo ay maligtas...basa po tayo:


1Ti 2:4  Na siyang may ibig na ang lahat ng mga tao'y mangaligtas, at mangakaalam ng katotohanan.

May chance po ang lahat ng tao na maligtas basta tanggapin lang natin ang katotohanan ibig sabihin para tayo ay maligtas dapat po sumunod tayo sa Kanya dahil kung hindi tayo susunod ay wala tayong pag-asang makamtan ang buhay na walang hanggan...basa po tayo:


2Th 2:11  At dahil dito'y ipinadadala sa kanila ng Dios ang paggawa ng kamalian, upang magsipaniwala sila sa kasinungalingan:
2Th 2:12  Upang mangahatulan silang lahat na hindi nagsisampalataya sa katotohanan, kundi nangalugod sa kalikuan.


Hahatulan po ng Dios ang ayaw sumampalataya sa katotohanan...basa po tayo:
2Th 1:8  Na maghihiganti sa hindi nagsisikilala sa Dios, at sa kanila na hindi nagsisitalima sa evangelio ng ating Panginoong Jesus:
2Th 1:9  Na siyang tatanggap ng kaparusahan, na walang hanggang kapahamakang mula sa harapan ng Panginoon at mula sa kaluwalhatian ng kaniyang kapangyarihan.


Wala po talagang kaligtasan  ang mga taong ayaw  sumampalataya  at sumunod sa Ebanghelyo ng ating Panginoong Hesus. Ang ating pamilya, mga kamgag-anak  po ay may chance, may pag-asa sa buhay na walang hanggan kung sila po ay susunod sa utos, sa tunay na aral ng Biblia.
Hindi po pwede biruin ang Dios na magpapatuloy pa rin tayo  sa mali pero ligtas pa rin, ang Dios po ay kapangyarihang sinusunod at pinag-pagpapasakupan para tayo ay maligtas. Mahirap po maligtas ang taong tumatanggi na magpasakop at tumatangging sumunod sa Dios.

Ang magagawa na lang   natin ay manalangin sa Dios para tulungan tayo na hikayatin sila na makaaalam ng tunay na aral ng ating Panginoong Jesus.

Salamat sa Dios!



Tuesday, October 14, 2014

Aral na Pagpapasakop ng Babae sa Asawa

Ang paksang ito ay makapagbibigay ng kaalaman  patungkol sa tungkulin ng babae sa kanyang asawa. Marami kasing mga babae na hindi alam ang ganitong aral  dahil hindi naituro ng kanilang pastor  at ang kakulangan sa aral ng Dios ay nagbubungan ng pagaaway at nauuwi pa sa hiwalayan.

May mga babae kasi na ang pag-iisip ay isip-superior at ma-pride gusto nila sila ang nasusunod at namumuno sa isang pamilya. Ina-under ang asawa minsan  siya pa  ang nagde-desisiyon sa pamilya, umaalis ng bahay hindi nagpapaalam sa asawa, nagbebenta ng gamit o bumibili ng mga bagay na walang pahinutlot sa asawang lalaki.

Para maiwasan ang ganito dapat maalaman ng isang babae kung saan nararapat ilagay ang kanyang sarili sa pamilya. Sa aming Iglesiang kinaaniban ay hindi problema ito  dahil majority sa mga babaeng kaanib ay tanggap ang aral na ito na tinuro ng atin ng Panginoong Jesus
sa pagtatawid  ng aming kinikilalang mga sugo na akin din naman nais maibahagi sa kapwa.


Ikaw na babae nagbabasa ngayon kung kino-consider mo na ikaw ay lingkod ng Dios , Isang Kristiyana ay alamin mo ito:

1Ti 2:11  Ang babae'y magaral na tumahimik na may buong pagkapasakop.
1Ti 2:12  Nguni't hindi ko ipinahihintulot na ang babae ay magturo, ni magkaroon ng pamumuno sa lalake, kundi tumahimik.
1Ti 2:13  Sapagka't si Adam ay siyang unang nilalang, saka si Eva;
1Ti 2:14  At si Adam ay hindi nadaya, kundi ang babae nang madaya ay nahulog sa pagsalangsang;

Nabasa niyo po malinaw na ang babae ay dapat pasakop, ang pakahulugan po ni St. Paul ang babae po pala ay under sa lalaki sapagkat ang babae po sa totoo lang ay madaling madaya gaya ng ngyari kay Eva,  madaling maloko, mahina ang kalooban mahina ang katawan kumpara sa lalaki,  kung meron man exceptional na lang po yun pero in general mahina ang babae kaya siya ang unang inatake ni Satanas sa hardin ng Eden.

Paulit-ulit po itong iniaaral ng mga Apostol sa mga babaeng Kristiyana...basahin po natin ang mga sumusunod na talata:

Eph 5:22  Mga babae, pasakop kayo sa inyo-inyong sariling asawa, na gaya ng sa Panginoon.

Col_3:18  Mga babae, pasakop kayo sa inyo-inyong asawa, gaya ng nararapat sa Panginoon.
Tit 2:1  Nguni't magsalita ka ng mga bagay na nauukol sa aral na magaling:.....Tit 2:4  Upang kanilang maturuan ang mga babaing may kabataan na magsiibig sa kanikaniyang asawa, magsiibig sa kanilang mga anak, mangagpakahinahon, Tit 2:5  Mangagpakahinahon, mangagpakalinis, mangagpakasipag sa bahay, magagandang-loob, pasakop sa kanikaniyang asawa, upang huwag lapastanganin ang salita ng Dios:

1Pe 3:1  Gayon din naman, kayong mga asawang babae, pasakop kayo sa inyong sarisariling asawa; upang, kung ang ilan ay hindi tumalima sa salita, ay mangahikayat ng walang salita sa pamamagitan ng ugali ng kanikaniyang asawang babae;


Maaring itanong niyo kung anong uri ng pagpapasakop po ba ang dapat ipasakop ng babae sa lalaki...basa po tayo:

Eph 5:24  Datapuwa't kung paanong ang iglesia ay nasasakop ni Cristo, ay gayon din naman ang mga babae ay pasakop sa kani-kaniyang asawa sa lahat ng mga bagay.

May comparative statements po  si St. Paul sabi niya kung paano ang Iglesia ay nasasakop ng ating Panginoong Jesus gayun din  ang babae ay pasakop sa kaniyang asawa sa lahat ng bagay. Ganun po kasi ang ating Panginoong Jesus  nasasakop niya ang Iglesia sa lahat ng aspeto ng buhay ng Kristiyano sa pamamagitan ng Kanyang kautusan na dapat masunod ng Kanyang nasasakupan kaya nga po tinawag ang ating Panginoon na Dakilang Mananakop. Sa ganitong statement ni St. Paul ang babae ay nararapat lamang magpasakop sa kanyang asawa sa lahat ng bagay.



Teka po ang pinag-uusapan na dapat pagpapasakupan ng babae sa lahat ng bagay ay lalaking Kristiyano  at hindi lalaking lasenggo o sugarol dhil kung pasasakop ka sa ganitong klase ng lalaki eh! baka pati ikaw ay painumin din at utusang magsugal eh! di dalawa na kayo ngayon. Naalala ko pa noon na hindi pa ako kaanib at hindi ko pa alam ang ganitong aral ay isa po akong lasenggo at minsan ay kasama ko po ang asawa ko sa inuman. Salamat sa Dios at naalis ang bisyo kung yun.

Ang Kristiyanong lalaki naman po kasi ay hindi naman yun mag-uutos o magdidikta ng ikakasama ng kanyang misis dahil nga po siya ay may aral na natutunan  sa Bblia kaya dapat maging kampante ang babae na sumunod sa kanya ng walang question.

Kahit pati sa pananamit ng misis ang dapat masunod ang lalaki , kung ayaw niyang pasuot ang damit na mahalay ay huwag mag-reklamo dahil hindi ka naman uutusan na  mananamit na hindi ayon sa pamantayan  ng Biblia.

Pag-sinabi ng lalaki  halimbawa na  huwag makipag usap sa ibang lalaki   dapat sumunod for the own sake para maiwasan ang tukso ni Satanas na makakapagdulot ng hiwalayan.

Kung may plano na gawin  dapat  isangguni muna sa asawang lalaki at pagkasunduan ng maayos kung ano ang nararapat at ikabubuti at ang final decision ay nasa lalaki na dapat masunod ng babaeng nagpapasakop.


Kayong mga dalaga na nagbabasa ngayon ay mag-isip isip po muna  kayo bago mag desisyon na  mag-asawa dahil ang pag aasawa ay may kaakibat na  obligasyon at yun ay  magpapasakop ka sa iyong asawa sa lahat ng bagay ibig sabihin magkakaroon ka ng amo o boss sa buhay mo.

Isipin mo ha! kapag  dalaga ka ang  ang nanay mo pa nga siguro  ang naglalaba ng panty at bra mo  pero pagmay asawa ka na kahit brief ng asawa mo na parang bacon na yung garter ay lalabahan mo yun.

Kahit anong pabango na gusto mo ay mabibili at magagamit mo pero pag may asawa ka na pag sinabi ng asawa na ayaw niya ng pabango mo ay susundin mo yun dahil  tungkulin no na magpasakop na hindi na pwede mabago sapagkat iyun ang katalagahan ng Dios...basa po tayo..na dapat malaman ng isang babaeng Kristiyana:

1Co 11:3  Datapuwa't ibig ko na inyong maalaman, na ang pangulo ng bawa't lalake ay si Cristo, at ang pangulo ng babae ay ang lalake, at ang pangulo ni Cristo ay ang Dios.

Nabasa nyo po na ang pangulo ng bawat't lalaki ay ang ating Panginoong Jesus at ang pangulo Niya ay ang Dios Ama at ang pangulo ng babae ay ang lalaki. Kaya hindi po pwede baguhin ang katalagahan iyan dahil si Lord Jesus nga ay hindi payag baliktarin ang katalgahan ito na ang Panginoong Jesus ang ilalagay na nasa taas ng Dios Ama...basa po tayo:

Joh 14:28  Narinig ninyo kung paanong sinabi ko sa inyo, Papanaw ako, at paririto ako sa inyo. Kung ako'y inyong iniibig, kayo'y mangagagalak, dahil sa ako'y pasasa Ama: sapagka't ang Ama ay lalong dakila kay sa akin.

Malinaw po na ang Dios Ama ay dakila kesa sa ating Panginoong Jesus therefore hindi po maari baliktarin ang sistema ng Dios sa leadership ang unang authority ay ang Dios Ama kasunod ating Panginoong Jesus, ang lalaki at sailalaim nito ay  ang babae. Kaya dapat itong tupdin ng isang sumsampalatayang babae sa aral ng Dios na siya ay may pangulo at yun ang lalaki na naitalaga ng Dios na maging gayun.

Maliban sa pagpapasakop ng babae sa lalaki ano pa ang tungkulin niya sa kanyang asawa?...basa po tayo:

Eph 5:33  Gayon man ay umibig naman ang bawa't isa sa inyo sa kani-kaniyang sariling asawa gaya ng sa kaniyang sarili; at ang babae ay gumalang sa kaniyang asawa.

Sabi po ni Bro. Eli ayon sa Biblia isang malaking batas ng Dios sa babae ay ang paggalang sa kanyang asawa..alam nyo po kung bakit? May instinct kasi ang babae pag-nagsama na sila bilang mag-asawa at nabisto na niya ang buong pagkatao ng kanyang partner nawawala niya ang paggalang sa kanyang asawa .

Minsan ang iba pa nga naririnig at nakikita ko sa kapitbahay pinapahiya ang asawa, kinagagalitan sa harap ng ibang tao, sinisigawan at minumura pa nga..hindi na binigyan ng kahihiyan ang asawa niya.

Ang babaeng lingkod ng Dios, isang Kristiyana ay hindi po dapat nag-uugaling ganun sa halip ay igalang niya ang msiter gaya ng paggalang na binigay ni Sarah kay Abraham.


1Pe 3:5  Sapagka't nang unang panahon, ay ganito naman nagsigayak ang mga babaing banal na nagsiasa sa Dios, na pasakop sa kanikaniyang asawa;
1Pe 3:6  Na gaya ni Sara na tumalima kay Abraham, na kaniyang tinawag na panginoon: na kayo ang mga anak niya ngayon, kung nagsisigawa kayo ng mabuti, at di kayo nangatatakot sa anomang kasindakan.

Kita nyo po sa paggalang ni Sara kay  Abraham tinawag niya itong panginoon...imagine nyo po yun sa sobrang ginalang niya Panginoon  ang tawag niya po. Kaya mga babae
 para mabilang kayo na  anak  ni Sara at Propeta Abraham dapat matuto kayong gumalang at magpasakop sa inyo-inyong asawa.

Ang kawalan ng kaalaman ng mag-asawa sa batas ng Dios ay nagbubunga ng broken family at ang apektado  ay  mga bata huwag po sanang ganito kasi ayaw ng Dios na may nasisirang pamilya.

Sa mag-asawa dapat  pareho  sumumpa na  sumunod sa  batas ng Dios .. dapat alam ng babae  na  tungkulin niya ang gumalang at magpasakop sa mister  at syempre pag-ganun ang ugali ng babae  ang lalaki naman ay susuklian niya ng pagmamahal. Para maging   maayos ang pag-sasama  alam dapat ng magakapareha kung paano i-adjust ang sarili ayon sa batas ng Dios.

Sa mga kababaihan, kung ibinibilang mo ang iyong sarili na Kristiyana sumunod ka po sa utos ng Dios magpasakop ka po sa iyong asawa nasa Biblia po yan ng sa ganun ay magkaroon ng continous at harmonious relationship. Paano ka iibigin ng asawa mo ng nararapat kung sinusuway mo mismo ang batas ng Dios na dapat kang gumalang sa asawa at magpasakop.

Sana po ay may natutunan kayo sa paksang ito na naitawid lamang sa amin ng aming Mangangaral na maaring hindi naituro sa inyo ng pastor. Makinig po kayo sa aming programa  ANG DATING DAAN.

Salamat sa Dios!