Ang isang babaeng asawa na walang aral ng Biblia na natutunan o hindi naturuan ng kanilang pastor ay tutol na magpasakop sa kanyang asawa, ayaw niyang sumunod kundi sinusunod lamang ang gustuhin niyang sundin. Ang ganito po bang pag-uugali ay kasang-ayon sa Biblia? Ang ibang babae kasi nangngatwiran na hindi daw po dapat sundin ang asawa sa lahat ng bagay. kahit ba masama at mali na ang iniuutos ay dapat pa ring sundin? Alamin po natin kung paano malalaman ng babae kung ang inuutos ng lalaking asawa ay tama at dapat sundin bilang bahagi ng pagpapasakop.
Ayon sa tinuro ni Bro.Eli wala ng ibang paraan para malaman ang tama kundi ang aral ng ating Panginoong Jesus kapag ang sinasabi ng asawa ay kasang-ayon sa aral ng Panginoon ay obligadong sundin niya ito pero paglabag sa aral ng Panginoon ay huwag sundin. Ito ay sumasakop kung parehong Kristiyano ang lalaki at babae, wala ng question dapat ang babae na siya ay magpasakop sa kanyang asawa kung siya at ang asawa niya ay kapwa Kristiyano at ang pagpapasakop na ito ay malinaw na nakasaad sa Biblia ay sa lahat ng bagay...basa po tayo:

Eph 5:24 Datapuwa't kung paanong ang iglesia ay nasasakop ni Cristo, ay gayon din naman ang mga babae ay pasakop sa kani-kaniyang asawa sa lahat ng mga bagay.
Ibig sabihin dahil Kristiyano ang asawa mo ay hindi ka naman tuturuan ng mali o uutusan ng mali. Sabi ni Bro.Eli sa kanyang halimbawa kahit sa pagluluto ay dapat masunod ang asawa, kung ikaw halimbawa ay bikolanang babae ay huwag ka namang magluto lagi ng maanghang na ulam kung asawa mo ay hindi mahilig sa maanghang. Magluto din ng iba na magugustuhan niya o pagkasunduan kung ano ang masarap na uulamin.
Kaya po ginaganyan ay para walang away at para hindi magkaroon ng hindi pagkakaunawaan sa mag-asawa. Nararapat na ang babae at lalaki ay mabuhay in harmony for the sake of preserving marriage and living a Christian life dapat mayroon symbiotics at harmonious relationship ang lalak at babae...sabi po ng aming Mangangaral.
Ang lalaki ay sinabihan ng Panginoog Jesus na siya ang mangungulo...basa po tayo:

Eph 5:23 Sapagka't ang lalake ay pangulo ng kaniyang asawa, gaya naman ni Cristo na pangulo ng iglesia, na siya rin ang tagapagligtas ng katawan.
Nabasa niyo po ang lalaki ang pangulo ng kanyang asawa na ang babae naman ay pasasakop sa pangungulo ng lalaki..sinong pong lalalki ? eh! yung lalaking Kristyano po at hindi yung lalaking walang aral ng Dios at baka kung ano pang gawaing masama ang ipagawa sa asawa.
Kailangan po pala masakop ang babae ng lalaking pinapanguluhan ng ating Panginoong Jesus kasi parang chain of command po yan, ang lalaki ay nag-dederived ng authority sa Panginoong Jesus at ang Panginoong Jesus naman ay nagdederived ng authority sa Dios Ama ..basa po tayo:

1Co 11:3 Datapuwa't ibig ko na inyong maalaman, na ang pangulo ng bawa't lalake ay si Cristo, at ang pangulo ng babae ay ang lalake, at ang pangulo ni Cristo ay ang Dios.
Napakaliwanag na may chain of authority , hierarchy, ang Panginoong Jesus ay pinapanguluhan ng Dios at ang Panginoong Jesus naman ang nagungulo sa lalaki at ang lalaki naman pinapanguluhan ng Panginoong Jesus ay mangungulo sa babae.
Maraming pamilya na sa kanilang bahay ang nasusunod ay ang babae dahil natatakot ang lalaki na kapag hindi siya sumunod ay iiwan o di kaya naman kapag ang babae ay nagtatrabaho at may malaking suweldo kesa sa lalaki siya ang namumuno. Sa isang Christian home ang dapat na presidente ay ang lalaki at hindi ang babae dahil pinagbabawal po ng Panginoong Jesus sa mga babae na maging pangulo at i-under ang mga lalaki..bawal po ang under de saya sa Biblia...basa po tayo:

1Ti 2:12 Nguni't hindi ko ipinahihintulot na ang babae ay magturo, ni magkaroon ng pamumuno sa lalake, kundi tumahimik.
1Ti 2:13 Sapagka't si Adam ay siyang unang nilalang, saka si Eva;
1Ti 2:14 At si Adam ay hindi nadaya, kundi ang babae nang madaya ay nahulog sa pagsalangsang;
Sa mga babaeng asawa at sa mga dalaga na rin na may balak mag-asawa kung kayo po ay Kristiyano wala po kayong karapatan na mamuno sa inyong asawa kundi kayo ay pasakop. Pasakop sa lalaking Kristiyano upang maganap ninyo ang aral na tinuturo ng ating Panginoong Jesus at magsasama ng masaya at may pagkakaunawaan. Magsuri po tayo mga kaibigan at dumalo sa ginaganap na Bible Exposition ng aming samahan doon po itanong kahit anong tanong na may kinalaman sa pananampalataya.
Salamat sa Dios!
Salamat sa Dios
ReplyDelete