Sunday, May 8, 2016

Ano Ang Dapat Na Ihalal Na Kandidato Ayon sa Kalooban ng Dios ?


Malapit na ang eleksyon at ang bawat pilipino ay iniisip kung sino sa mga kandidato ang dapat na ihalal bilang pangulo ng bansa. Kung ang tao lang ang pipili ayon sa kaniyang nais ay maari siyang magkamali ng iboboto pero kung may gabay ng Salita ng Dios  hindi magkakamali ng pagpili.

Alamin natin ang pamantayan ng Dios sa pagpili ng pinuno para maging gabay natin kung sino sa mga tumatakbong Pangulo ang nararapat na ihalalal.


Ayon sa Biblia ang dapat na piliin ay:

Deuteronomy 1:13  Kumuha kayo sa inyo ng mga lalaking pantas, at nakakaalam, at kilala, ayon sa inyong mga lipi, at sila'y aking gagawing pangulo sa inyo.

Ang piliin po pala ay wise at men of understanding ,wise sa pamamahala, may kakayahan na solusyunan ang mga kinakailangan ng bansa at mga mahihirap na bagay sa kaniyang administrasyon. Makikilala natin ang isang kandidato kung siya ay wise at kaunawaan sumusunod sa utos ng Panginoon:

Psalm 111:10  Ang pagkatakot sa Panginoon ay pasimula ng karunungan; may mabuting pagkaunawa ang lahat na nagsisisunod ng kaniyang mga utos. Ang kaniyang kapurihan ay nananatili magpakailan man.

Siya ay may takot sa Dios:

Exodus 18:21  Bukod dito'y hahanap ka sa buong bayan ng mga taong bihasa, gaya ng matatakutin sa Dios, na mga taong mapagpatotoo, na mga napopoot sa kasakiman; at siyang mga ilagay mo sa kanila, na magpuno sa mga lilibuhin, magpuno sa mga dadaanin, magpuno sa mga lilimangpuin, at magpuno sa mga sasangpuin:

Hindi natatakot sa sinumang maimpluwensiyang tao kundi nagtitiwala sa Panginoon:

Proverbs 29:25  Ang pagkatakot sa tao ay nagdadala ng silo: nguni't ang naglalagak ng kaniyang tiwala sa Panginoon ay maliligtas.

Luke 12:4-5  At sinasabi ko sa inyo mga kaibigan ko, Huwag kayong mangatakot sa mga pumapatay ng katawan, na pagkatapos niyan ay wala na silang magagawa.
Datapuwa't ipinagpapauna ko sa inyo kung sino ang inyong katatakutan: Katakutan ninyo yaong pagkatapos na pumatay, ay may kapangyarihang magbulid sa impierno; tunay, sinasabi ko sa inyo, Siya ninyong katakutan.


Dapat lalaki ang leader dahil sa Dios pinipili niyang mga lider ng bansang Israel ay ang lalaki gaya ng sa Iglesia lalaki ang pangulo ng babae:

1Timothy_2:12  Nguni't hindi ko ipinahihintulot na ang babae ay magturo, ni magkaroon ng pamumuno sa lalake, kundi tumahimik.


Kailangan siya ay kilala ng tao mula sa kaniyang bayan hindi ibang lahi, subok ag kaniyang kakayahan sa pamamahala:

Deuteronomy 1:15  Sa gayo'y kinuha ko sa inyo ang mga pangulo ng inyong mga lipi, na mga taong pantas, at kilala, at akin silang ginawang pangulo sa inyo, na mga punong kawal ng libolibo, at mga punong kawal ng mga daandaan, at mga punong kawal ng mga limangpu-limangpu, at mga punong kawal ng mga sangpu-sangpu, at mga pinuno ayon sa inyong mga lipi.

Deuteronomy  17:15  Ay ilalagay mo ngang hari sa iyo, yaong pipiliin ng Panginoon mong Dios: na isa sa iyong mga kapatid ang ilalagay mong hari sa iyo: hindi mo mailalagay sa iyo ang isang taga ibang bayan, na hindi mo kapatid.

Humahatol ng matuwid na paghatol. Matuwid Siyang humatol, walang pinoprotektahang masasamang tao, walang tinatangi. Sapagkat ang Dios ay hindi nagtatangi ng sinuman kaya dapat ang pinuno ng bansa ay ganun din naman, dapat ang concern niya ay pantay sa lahat,  sa mayaman at mahirap, sa maliit o malaki. Kailangang ipatupad niya ang Hustisya  kahit ano mang lahi ito,maging  kasarian, katutubo o kahit sinuman sa society.


Deuteronomy 1:16-18  At aking pinagbilinan ang inyong mga hukom nang panahong yaon na sinasabi, Inyong dinggin ang mga usap ng inyong mga kapatid, at inyong hatulan ng matuwid ang tao at ang kaniyang kapatid, at ang taga ibang lupa na kasama niya. Huwag kayong magtatangi ng tao sa kahatulan; inyong didinggin ang maliliit, na gaya ng malaki: huwag kayong matatakot sa mukha ng tao; sapagka't ang kahatulan ay sa Dios: at ang usap na napakahirap sa inyo, ay inyong dadalhin sa akin, at aking didinggin. Maghahalal ka sa iyo ng mga hukom at ng mga pinuno sa lahat ng iyong mga pintuang-daan, na ibinibigay sa iyo ng Panginoon mong Dios, ayon sa iyong mga lipi: at sila'y hahatol sa bayan ng matuwid na paghatol.

Hindi nagliliko ng paghatol at hindi tumatanggap ng suhol:

Deuteronmy 16:19  Huwag kang magliliko ng paghatol; huwag kang tatangi ng mga pagkatao: ni kukuha ng suhol; sapagka't ang suhol ay bumubulag ng mga mata ng marunong, at nagliliko ng mga salita ng matuwid.


Mapagkakatiwalaan at tinutupad ang pangako, at sumusunod sa batas, ang kaniyang oo dapat maging oo  gaya ng sabi ng Panginoong Hesus:

Matthew 5:37  Datapuwa't ang magiging pananalita ninyo'y, Oo, oo; Hindi, hindi; sapagka't ang humigit pa rito ay buhat sa masama.

Hindi maraming asawa at hindi nagpapayaman  sa corruption, hindi siya madaling mahulog sa mga taong sipsip at kawatan at hinid mga sumasang-ayun sa pulitikal ambitions ng iba:

Deuteronomy 17:17  Ni huwag siyang magpaparami ng mga asawa, upang huwag maligaw ang kaniyang puso: ni huwag siyang magpaparami ng pilak at ginto.

Siya ay guided ng salita ng Dios, para siya ay wag magmataas at wag maligaw sa utos ng Dios:


Deuteronmy 17:18-20  At mangyayari, na pagka siya'y luluklok sa luklukan ng kaniyang kaharian, ay kaniyang susulatin ang isang salin ng kautusang ito sa isang aklat, na nasa harap ng mga saserdote na mga Levita: At mamamalagi sa kaniya, at kaniyang babasahin sa lahat ng mga araw ng kaniyang buhay: upang siya'y magaral na matakot sa Panginoon niyang Dios, upang isagawa ang lahat ng mga salita ng kautusang ito at ng mga palatuntunang ito; Upang ang kaniyang puso ay huwag magmataas sa kaniyang mga kapatid at siya'y huwag maligaw sa utos, maging sa kanan, o sa kaliwa: upang kaniyang maparami ang kaniyang mga araw sa kaniyang kaharian, niya, at ng kaniyang mga anak sa gitna ng Israel.


Click and watch this video:

Paano pumili ng karapat-dapat na kandidato ayon sa Biblia?


Sa inyo po mga kababayan na nagbabasa ngayon pasado po ba ang kandidatong inyong napili ayon sa pamantayang nakasulat sa Biblia? Maaring hindi lahat ng nasabing requirements ng Dios ay  taglay ng inyong napili subalit mas mabuti po na kahit hindi man pasok sa lahat ng pamantayang ito ang imprtante po ay ang may takot sa Dios. Dahil ang pinunong may takot sa Dios ay takot na  lumabag sa kautusan ng Panginoon, matatakot siyang gumawa ng masama sa kaniyang panunungkulan. Sa darating na halalan ay bumuto po tayo ayon sa pananampalataya at hindi ayon sa survey.

Salamat sa Dios!

Thursday, February 18, 2016

Pananaw ng Biblia sa Same Sex Marriage



Nitong nakaraang mga araw naging trending sa  social media ang naging pahayag ni Pambansang Kamao Manny Pacquiao ng tanungin siya kung pabor ba siya sa pag-promote ni Pres. Obama ng gay marriage ang sagot niya hindi siya pabor subalit nagbitiw siya ng paghahalintulad ito ang kaniyang pahayag:




"Commonsense lang. Makakita ka ba ng any animals na lalaki sa lalaki o babae sa babae? Mas mabuti pa yung hayop, marunong kumilala kung lalaki o lalaki kung  babae o babae...ah! diba. ngayon kung lalaki sa lalaki o babae sa babae eh! mas masahol pa sa hayop ang tao".


Maraming nag-react nagalit sa kanya lalo na ang LGBT community, ang mga kilalang TV personalities ay nagalit ng sobra at naghiganti din ng mga salitang pang-atake. Siguro dahil  may mga tao na isinasama yung kanilang sarili sa comparison ni Manny sa tao at sa hayop kaya nasaktan. Hindi  naman masasaktan kung hindi  ginagawa commonsense  siguro dahil gawain kaya normal na mag-against sa sinabi ng boksingero. Tinanggal din ng kumpayang NIKE ang kontrata niya sa athleta dahil ang kumpanyang ito ay matagal ng sumusuporta sa LGBT.

Tama naman na hindi dapat suportahan ang same sex marriage kung kinikilala natin ang ating sarili na  tunay Kristyanong sumusunod sa aral  ng Biblia. Maraming tao na against sa Bible kaya kung magibitaw tayo  ng salita  mula sa diwa ng Biblia ay makakagalitan tayo ng mga taong ito, dahil sa laban ito sa kanilang gawain.


Mali daw ang comparsion niya na tao sa hayop, sa pananaw ng nasaktan syempre masakit sa kanila yun. Dapat din natin maunawaan na  minsan kahit tayo kapag nakikita natin ang isang tao na gumagawa ng kasamaan na hindi normal na ginagawa ay kinukumpara o sinasabihan natin ng hayop. Gaya halimbawa ng isang rapist na ni-rape ang kanyang anak,magulang o ng mga bata at babae, mga mamatay tao ang tawag  dun ng iba ay hayop dahil sa kanilang masamang gawain. Pati mga corrupt na politicians tinatawag na buwaya, kahit ang pambansang bayani kinumpara ang tao na hindi magmahal sa sariling wika ay mas higit pa sa hayop at malansang isda.


Sa Biblia kahit ang Pangninoong Hesus tinatawag niya direkta ang mga taong may masamang gawain na  MGA ULUPONG O AHAS , ASONG GUBAT. 

Luke 13:31-32  Dumating nang oras ding iyon ang ilang Fariseo na nagsabi sa kanya, "Lumabas ka na at umalis dito, sapagkat ibig kang patayin ni Herodes." At sinabi niya sa kanila, "Humayo kayo at inyong sabihin sa asong-gubat na iyon, 'Narito, nagpapalayas ako ng mga demonyo at nagpapagaling ngayon at bukas, at sa ikatlong araw ay matatapos ko ang aking gawain. 

Matthew 12:34  Kayong lahi ng mga ulupong, papaano kayo na masasama, ay makapagsasalita ng mabubuting bagay? sapagka't sa kasaganaan ng puso ay nagsasalita ang bibig.

Kahit ang mga bulaang Pastor tinatawag ng Dios na ASO:


Isaiah 56:11  Oo, ang mga aso ay matatakaw, sila'y kailan man ay walang kabusugan; at ang mga ito ay mga pastor na hindi nangakakaunawa: sila'y nagsilikong lahat sa kanilang sariling daan na mula sa lahat ng dako, bawa't isa'y sa kaniyang pakinabang. 


May mga tao talaga na pinanganak na talagang mga hayop:


2Peter 2:12  Datapuwa't ang mga ito, na gaya ng mga kinapal na walang bait, na ipinanganak na talagang mga hayop upang hulihin at lipulin, na nagsisialipusta sa mga bagay na hindi nila nalalaman ay walang pagsalang lilipulin sa kanila ring pagkalipol. 

Titus 1:12  Sinabi ng isa sa kanila rin, ng isang propetang sarili nila, Ang mga taga Creta kailan pa man ay mga sinungaling, masasamang hayop, matatakaw na mga tamad. 


Hindi ko naman po kinakampihan si Manny Pacquiao dahil bilang tao ay mayroon din siyang mga gawa na laban sa nakasulat sa Biblia, gaya ng nagkaroon siya ng babae dati, o yung Boxing na isang sugal. Sabi ni Manny hindi naman siya tutol sa pagiging bakla o tomboy, ang mali niya hindi muna siya naglatag ng premise bago mag-conclusion, hindi niya muna inisip na mayroon siyang masasaktan na mga LGBT, sana hindi na lang siyang nag bigay ng halimbawa. Yung sinabi niyang about sa same sex marriage na masahol pa ang tao sa hayop sana sinasabi niya yan sa kanilang church preaching kasi dun maka-clarify niya ng mabuti ang dahilan kung bakit niya nasabi yun.

Ang sa akin ay yung view na ipinahayag niya about sa same sex marriage kung yun ba ay tama na hindi dapat sang-ayunan na ipatupad ito. Alamin po natin sa Biblia kung payag ba ang Dios sa same sex marriage.

Bago yan ay alamin natin muna sa Biblia kung masama ba ang maging bakla at tomboy?

Ang karaniwang nasa isip ng marami kapag ikaw ay bakla at tomboy ang hatol  hindi ka nilikha ng Dios, kasi nga daw po  ang nilikha ng Dios sa umpisa ayon sa Biblia ay dalawa lang  lalaki at babae. Tama po yun sa umpisa Opo, pero ng dumami na tao nagkaroon na ng bakla at tomboy. Sino gumawa sa kanila? Syempre ang Dios pa rin...kasi lahat ng tao ay galing sa Dios, siya ang lumikha ng lahat ng bagay:

Acts 17:26  At ginawa niya sa isa ang bawa't bansa ng mga tao upang magsipanahan sa balat ng buong lupa, na itinakda ang kanilang talagang ayos ng mga kapanahunan at ang mga hangganan ng kanilang tahanan; 

Colossians 1:16  Sapagka't sa kaniya nilalang ang lahat na mga bagay, sa sangkalangitan at sa sangkalupaan, na mga bagay na nakikita at ang mga bagay na di nakikita, maging mga luklukan o mga pagsakop o mga pamunuan o mga kapangyarihan; lahat ng mga bagay ay nilalang sa pamamagitan niya at ukol sa kaniya; 

Lahat pala ng tao na nasa sangkalupaan ay nilalang Dios, maging ito ay lalaki , babae  bakla o tomboy o ano pa man ang tawag, sila ay tao pa rin at ang Dios ang lumikha sa kanila. 
Wala pong kinalaman sa pagiging masama kung ikaw ay babae, lalaki, silahis o tomboy,bakla o bading o kahit ano pa ang tawag, walang kinalaman sa pagiging masama yun. Kasi lahat naman ng tao sa umpisa ay mabuti, nung bata pa  mabuting tao pa tayo wala  pa naman tayong ginagawang masama, kaya walang kinalaman sa sex gender yung pagiging masama.

Sa ibang tao kasi pagsinabing bakla o tomboy automatic ang label nila ay masamang tao na agad. Mali hatol po yun, dahil ang pagiging straight na lalaki o straight na  babae ay hindi nangangahulugan na mabuti ka ng tao. May lalaki o babae na mabuti meron ding masama, may bakla o tomboy na mabuti at meron ding masama kaya hindi po basehan ang sex gender para sabihin na dahil bakla  o tomboy ay masamang tao na agad.Yung mga taong humahatol sa mga bakla at tomboy ay wala pong alam yun sa katuwiran ng Biblia ukol diyan.


Ang nagpapasama sa tao ay yung kasamaan na kaniyang ginagawa pero kahit meron mang kasamaaan pero hindi naman  ginagawa at  lumalayo naman, hindi ka magiging masama:

1Thesalonians 5:22  Layuan ninyo ang bawa't anyo ng masama. 

Ibig sabhin para maging mabuti tayo lalayuan pala natin ang anyo ng masama at paglumayo ka hindi ka masama, kaya kahit bakla o tomboy ka kapag lumalayo ka sa masama hindi ka tatawaging masamang tao. Kaya mali yung sinasabi ng iba na  komo pinanganak na tomboy o bakla masama kana agad sa Dios.


Meron nga akong naka-usap na ang sabi niya ang nilikha ng Dios ay babae at lalaki lang walang bakla at tomboy. Tinanong ko kung hindi Dios ang lumikha sa bakla at tomboy eh!sino? ang sagot ang demonyo o si Satanas daw. sinundan ko ng isa pang tanong sabi ko: ibig mo bang sabihin bukod sa Dios na kinikilala mong Creator ay kinikilala mo ring Creator si Satanas? Saang verse na lumikha din si Satanas ng tao  na bakla at tomboy mula sa alabok?
Hindi na sumagot.


Balikan natin yung issue ng same sex marriage, pinapauna ko po na sa aming kinaanibang Iglesia ay hindi namin tinatakwil ang mga bakla at tomboy, hinihikayat namin sila na makaalam ng katotohanan, katunayan marami po kaming kapatid na mga ganyan. Ang tinututulan lang namin ay ang same sex marriage kaya kung ikaw na nagbabasa ngayon ay isang  LGBT ay pasensiya na po kasi bubuklatin natin ang nakasaad sa Biblia na  katotohanan tungkol sa issue na ito. 

Hindi po pinapayagan ng Biblia ang same sex marriage sapagkat ang kasunod pagkatpos nito ay sexual act ng magparther. Malinaw po sa Biblia na ang homosexual sex  ay isang immoral at kasalanan, lilinawin ko lang po hindi kami laban sa mga bakla at tomboy kundi yung gawa na  gagawin nila na karumaldumal sa Dios:

Leviticus 18:22  Huwag kang sisiping sa lalake ng gaya sa babae: karumaldumal nga. 

Leviticus 20:13  At kung ang isang lalake ay sumiping sa kapuwa lalake, na gaya ng pagsiping sa babae: ay kapuwa sila nagkasala ng karumaldumal: sila'y papatayin na walang pagsala: mabububo ang kanilang dugo sa kanila.

Ang Dios po ay hindi nagtatangi  ng tao kaya kahit ano pa ang gender  maging lalaki o babae ang hatol niya ay patas kapag nakipagtalik sa kaparehong gender ang babae o lalaki  ay paparusahan, sapagkat karumaldumal sa Kaniyang paningin. Baka naman mangangatuwiran ang ibang LGBT na sa Old Testament pa yan, puntahan natin ang New Testament naman.



Sumulat si Apostol Pablo kay Timoteo tungkol sa mga kasalanan na laban sa aral ng Biblia ang sabi niya:

1Timothy 1:9  Yamang nalalaman ito, na ang kautusan ay hindi ginawa dahil sa taong matuwid, kundi sa mga walang kautusan at manggugulo, dahil sa masasama at mga makasalanan, dahil sa mga di banal at mapaglapastangan, dahil sa nagsisipatay sa ama at sa nagsisipatay sa ina, dahil sa mga mamamatay-tao, :10  Dahil sa mga nakikiapid, dahil sa mga mapakiapid sa kapuwa lalake, dahil sa mga nagnanakaw ng tao, dahil sa mga bulaan, dahil sa mga mapagsumpa ng kabulaanan, at kung mayroon pang ibang bagay laban sa mabuting aral; 

Ang kautusan po ay ginawa para sa makasalanan at mga gumagawa ng kasamaan kabilang na diyan ang nakikiapid sa kapuwa lalaki. Sinasabi niya na ang gawang homosexual sex ay isang kahalayan na  hindi nararapat:

Romans 1:26  Dahil dito'y ibinigay sila ng Dios sa mga mahahalay na pita: sapagka't pinalitan ng kanilang mga babae ang katutubong kagamitan niyaong nalalaban sa katutubo: :27  At gayon din naman ang mga lalake, na nang iwan na ang katutubong kagamitan sa mga babae, ay nangagningas sa kanilang karumihan ng pita ang isa't isa, na gumagawa ng kahalayan ang mga lalake sa mga kapuwa lalake, at tumatanggap sa kanilang sarili ng kagantihan ng kanilang pagkakamali. 

At hindi magmamana ng kaharian ng Dios:

1Corinthians 6:9  O hindi baga ninyo nalalaman na ang mga liko ay hindi magsisipagmana ng kaharian ng Dios? Huwag kayong padaya: kahit ang mga mapakiapid, ni ang mga mananamba sa diosdiosan, ni ang mga mangangalunya, ni ang mga nangbababae, ni ang mga mapakiapid sa kapuwa lalake. 

Malinaw sa nasusulat na  ang pakikipagtalik sa kaparehong gender ay hindi pinapayagan ng Biblia ibig sabihin ang same sex marriage ay hindi kalooban ng Dios  kundi ito ay kasalanan. Hindi ko po ito  sariling opinion kundi galing sa Biblia, paparusahan ng Dios ang gumagawa ng kasalanan at kasamaan.

Revelations 21:8  Nguni't sa mga duwag, at sa mga hindi mananampalataya, at sa mga kasuklamsuklam, at sa mga mamamatay-tao, at sa mga mapakiapid, at sa mga manggagaway, at sa mga mapagsamba sa diosdiosan, at sa lahat na mga sinungaling, ang kanilang bahagi ay sa dagatdagatang nagniningas sa apoy at asupre; na siyang ikalawang kamatayan. 

Hindi makakapasok sa kaharian ang anumang bagay na karumal-dumal, at ayon sa Biblia ang pakikipagtalik sa kapwa parehong kasarian ay karumal-dumal.

Revelations 21:27  At hindi papasok doon sa anomang paraan ang anomang bagay na karumaldumal, o siyang gumagawa ng kasuklamsuklam at ng kasinungalingan: kundi yaon lamang na mga nakasulat sa aklat ng buhay ng Cordero. 
Pero kahit ikaw ay isang bakla o tomboy mayroong ka pong pag-asa na maligtas..click ang link sa baba:



Kung mayroon pong mga masasakit na pahayag ang post na ito na laban sa LGBT ay pasensiya na kailangan lang po maipahayag ang Salita ng Dios. Kung may mga katanungan po kayo maaring magsadya sa aming ginaganap na Bible Exposition upang magtanong personal sa aming Mangangaral.

Salamat sa Dios!




Friday, February 5, 2016

Masama Ba Sa Pananaw Ng Panginoon Bilang Mangangaral Ng Salita Ng Dios Ang Pagmumura?


Sa mga hindi pa lubusang kilala ang aming Mangangaral at sa mga hindi namin kapananampalataya pinipintasan  nila  ang pagsasalita niya  ng mga salitang gaya ng gago, tanga, tarantado, walang hiya at binansagan pa nila na palamura.

 Sa karanasan ko ng hindi pa ako kaanib naririnig ko sa Radyo ang aming Mangangaral na nagsasalita ng ganung pananalita pero sa halip na madismaya mas lalo pa akong nagsuri para alamin kung bakit niya ginagamit ang gayung pananalita sa kaniyang pangangaral. Sa pakikinig ko unti-unti kong naunawaan ang mga dahilan kaya lalo akong naakit na patuloy na makinig hanggang sa ako ay naanib. Salamat sa Dios!

Nagsasalita po ang aming Mangangaral  hindi para mang insulto, maghamak, manlait o mag-alipusta ng kapwa tao  nagsasalita siya ng mga ganung pananalita para sabihin ang totoo. Hindi marami ang kagaya ng aming Mangangaral na nakahandang kagalitan ng tao huwag lang siya kagalitan ng Dios, basta nababasa sa Biblia ginagamit niya po yun. Pinapasama lang ng mga kalaban namin sa pananampalataya ang kanyang imahe sa madla para palitawing masama at huwag paniwalaan ang sinasabi.

Ang mga nakasulat po sa Biblia ay hindi naman lahat matamis sa pandinig  dahil may mga tamang salitang ginagamit para sa kinauukulan kahit masakit sa damdamin ito ay upang  matuto tayo, prangka po ang Biblia masaktan ka man o hindi nagsasalita ito ng katotohanan.

Hebrew 4:12  Sapagka't ang salita ng Dios ay buhay, at mabisa, at matalas kay sa alin mang tabak na may dalawang talim, at bumabaon hanggang sa paghihiwalay ng kaluluwa at espiritu, ng mga kasukasuan at ng utak, at madaling kumilala ng mga pagiisip at mga haka ng puso. 


Wala pong tinuturo ang aming Mangangaral na kaming mga kaanib ay maging palamura o murahin ang kahit sinong ibig naming murahin o gawing expression sa bawat salitang binibitawan. At lalong hindi po itinuturo ito sa aming mga anak o kabataan sa Iglesia. Tinuturo niya rin na huwag gamitin ang mga salitang nabanggit sa magulang, kapatid, asawa, anak, mga kamag-anak, kaibigan, kapatid sa pananampalataya at kapwa tao na hindi kinauukulan. Ang aming Mangangaral  gumagamit ng salita (na akala ng mga tao ay pagmumura)  sa mga bulaang pastor at mga ministro na kinauukulan lamang nung salita at sa mga taong hindi nakakaunawa ng Kasulatan na kahit pinapaliwanag na ng tama mula sa Biblia ay ayaw pa ring tanggapin sa halip naninidigan pa kahit mali na. 

Ang iba naman nagagalit  dahil sumisigaw  pa ang aming Mangangaral, ginagawa po niya  yan hindi para  malugod ang tao bahala na kung magalit sila o sumama ang loob ang mahalaga ay maparating sa kanila ang sinasabi ng Biblia. Hindi naman po masama ang sumigaw basta totoo ang sinasabi mo:

Isaiah 58:1 Humiyaw ka ng malakas, huwag kang magpigil, ilakas mo ang iyong tinig na parang pakakak, at iyong ipahayag sa aking bayan ang kanilang pagsalangsang, at sa sangbahayan ni Jacob ang kanilang mga kasalanan.

Lagi daw galit ang aming Mangangaral, Hindi po masama ang magalit basta makatuwiran ang pagkagalit hindi lahat ng galit ay masama, utos pa nga po:

Ephesians 4:26  Kayo'y mangagalit at huwag kayong mangakasala: huwag lumubog ang araw sa inyong galit: 


Pero syempre minsan bilang tao na nagkakamali minsan  nakakapagbitaw ang bawat isa sa atin ng mga salitang iyan sa kapwa na hindi tamang pag-ukulan, kaya naman kapag hindi tayo sure na lapat sa tao ang mga salitang yan ay huwag na huwag gumamit dahil ito ay magiging panlait, pang-aalipusta panghamak ng kapwa  kapag sinabi sa hindi karapatdapat. Kahit si Apostol Pedro hindi nakapagpigil at  nakapagmura, nanumpa ng siya ay kinukulit ng mga tao na siya ay kasamahan ng Panginoong Hesus..humingi naman po siya ng tawad sa kaniyang mga nagawa ng naalala niya ang mga sinabi ng Panginoon sa kaniya:


Ang Bagong Ang Biblia
Mark 14:71 Ngunit siya'y nagsimulang magmura at sumumpa, "Hindi ko nakikilala ang taong ito na inyong sinasabi."


Nakasanayan na kasi ng Pilipino mula pa noong una  na pag-nagsabi ka ng mga ganung pananalita nagsasalita ka na ng  salitang pagmumura, ang social norms po ng society natin  ang nagtakda na yan ay pagmumura. Pero kung pag-aaralan natin ang tamang gamit ngsalita hindi po pala ito pagmumura.

 Yung salitang gago hindi naman po iyon mura ayon sa the most trusted dictionary in the Philippines regarding tagalog language na UP DICTIONARY: 

GAGA: babae na mahina ang ulo o walang talino, GAGO kung lalaki. Salitang kasingkahulugan ng Bobo.

ULOL: baliw. o sira uo

TARANTADO: mula sa spanish word na "atarantar" nawala sa wisyo, nataranta,  walang prinsipyo o pag-aatubiling moral. Ikalawang kahulugan: May masamang gawain o pag-aasal.

TANGA:  tao na kulang sa kakayahang humatol at magpasya.

Ginagamit  ang salitang  tanga kapag yung  sinasabihan ay nawala dun sa  line of reasoning o logic gaya ng mga bulaang pastor at ministro. Halimbawa ikaw ay naglalakad na alam mo mabatong daan pero  hindi tinitignan ang dinaraan dahil may iniisip at bigla kang nadapa...tawag dun katangahan. Halimbawa ikaw ay nakipagkita sa kaibigan at naghintay ka ng matagal tapos hindi dumating..ang tawag sayo nagmukha kang tanga...kasi naghintay ka sa wala..sinasabi lamang ang naging kalagayan mo at hindi ang buong pagkatao mo. 

Ang mga salitang yan dapat alam natin kung papaano at kanino lamang dapat na gamitin, sabihin, at pagsalitaan, at  dun lamang dapat sa kinauukulan na mga bulaang pastor, mangangaral o mga ministro na kalaban ng katuwiran ng Dios.  Hindi sa kung kani-kanino na lang sasabihin, kapag hindi sigurado na lapat ito  sa taong kausap na hindi naman pala ukol sa kaniya ang mga salitang yan ay huwag ng salitain pa baka makasakit lang ng damdamin, makahila ng galit at ikakatisod pa ng kapatid sa iglesia,  huwag tularan ang iba na ginagawa na lang expression ang mga salita na yan na nagti-trip lang o dahil sa nadala ng galit.


Hindi maitatanggi na sa buhay na ito ay mayroon naman talagan mga tanga:

Magandang Balita Biblia
Psalm 49:10
Ang lahat ay mamamatay, ito nama'y alam niya, Maging mangmang o marunong, kahit hangal, pati tanga; Yaman nila'y maiiwan, sa lahi na magmamana. -Magandang Balita Biblia

Sambayanang Pilipino Biblia 
Galatians 3:1
O tangang mga taga-Galasya! Sino ang kumulam sa inyo, na sa inyong mga mata’y lantaran pa namang itinanghal si Jesucristong nakapako sa krus? -Sambayanang Plilipino Biblia


ANONG KLASENG KATANGAHAN BA YUNG SINASABI NI APOSTOL PABLO:

Sambayanang Pilipino Biblia 
Galatians 3:3
Ta­ngang-tanga na ba kayo? Nagsimula na kayo sa espiritu at ngayo’y magtatapos kayo  sa laman. -Sambayanang Plilipino Biblia

Mas pangit naman yung ginawa mo ay katangahan tapos sinabi sayo "ang talino mo naman" ,  parang  binobola ka na lang nun para dika ma-offend. Mas mabuti na yung sabihan kang tanga para malaman mo kung ano ba ang katangahan na ginawa mo para matuwid mo ito kesa sa sabihan kang matalino na hindi naman totoo.



Kung ikukumpara pa nga  ang ulol sa gago at tarantado, tanga..mas mabigat pa nga po ang sabihan ka ng ulol, kasi kung ulol wala na pong pag-asa yun, sira na ang ulo. Mas may pag-asa pa nga ang sabihan kang tarantado kesa sabihan kang ulol kasi yung tarantado ay natataranta lang pero pagnatuwid maalis na ang pagkataranta...pero pag ulol mahirap ng maalis.

ANO BA ANG DAPAT NA KARAKTER NG ISANG MANGANGARAL NG DIOS PAG NANGANGARAL?


Ang Mangangaral ng Dios nagsasalta ng Salita ng Dios. Halimbawa si Haring Solomon isa din siyang sugo ng Dios pero nagsalita siya ng ulol.

Proverbs 5:23  Siya'y mamamatay sa kakulangan ng turo; at sa kadahilanan ng kaniyang pagkaulol ay maliligaw siya. 

Meron po bang ulol? meron po sinabi nga po ni Haring Solomon masakit man sa tainga sa katotohanan may ulol talaga. 

 Isa pang halimbawa ng ulol..basa:

2Peter 2:16  Datapuwa't siya'y sinasaway dahil sa kaniyang sariling pagsalangsang: na isang asnong pipi ay nangusap ng tinig ng tao at pinigil ang kaululan ng propeta. 

Sabi po ni Apostol Pedro si Propeta Balaam pinigilan ng asno ang kaululuan niya eh! di nagsalita din po si Apostol Pedro ng ulol. Sabi ng Dios yang mga ulol  yung nagliligaw ng turo gaya ni Propeta Balaam.Maraming ulol  dahil sa kawalan ng turo maliligaw. Ang Ulol po hindi lang yung nakikita natin sa kalsada na may hilang lata o na sa mental hospital dahil sa Biblia tinatawag na Ulol yung nagliligaw ng aral.                           


MASAMA PONG SABIHIN ANG SALITANG ULOL KUNG SA KAPATID NATIN SA DIOS ANG SABIHAN NITO:

Matthew 5:22  Datapuwa't sinasabi ko sa inyo, na ang bawa't mapoot sa kaniyang kapatid ay mapapasa panganib sa kahatulan; at ang sinomang magsabi sa kaniyang kapatid, Raca, ay mapapasa panganib sa Sanedrin; at ang sinomang magsabi, Ulol ka, ay mapapasa panganib sa impierno ng apoy. 


Masama palang sabihin ng ulol ang  kapatid mo sa Dios.Sino ba yung kapatid natin sa Dios..na sinasabi ng Panginoong Hesus..basa:

Matthew 12:50  Sapagka't sinomang gumaganap ng kalooban ng aking Ama na nasa langit, ay siyang aking kapatid na lalake at aking kapatid na babae, at ina. 


Yung tinuturing pa lang kapatid at ina ay yung tumutupad ng kalooban ng Dios sa langit. Halimbawa ikaw at ako magkapatid tayo, pareho tayong gumaganap ng kalooban  ng Ama sa langit masama kitang  pagsabihan ng ulol.

Pero halimbawa isang ministro o pastor na gumagawa ng mga kasinungalingan pinuputol ang mga video ng aming Mangangaral tapos pagdudug-dugtungin para palitawing nagkontrahan at nagsinungaling, ang ganung tao po ay ulol gaya ni Propeta Balaam kasi inliligaw ang tao sa katotohanan.


Kung halimbawa naman sabihin  ng Dios na walang hiya ang isang tao at pag hindi mo sasabihin ay hindi ka sa Dios..pag hindi mo sinasabi ang sinabi ng Dios: Meron bang walang hiya?..meron nasa Biblia sinabi po  ng  Dios..

Proverbs 7:13  Sa gayo'y hinahawakan niya siya at hinahagkan siya, at may mukhang walang hiya na nagsasabi siya sa kaniya: 

Kaya pag-nabasa mo ang walang hiya ay sasabihin mo yun sa kinuukulan pero hindi naman lahat ng tao sasabihan mo ng walang hiya..sino ba ang dapat sabihan ng walang hiya eh! di yung talagang walang hiya..sino ba yung walang hiya:

1Corinthians 15:34  Gumising kayo ng ayon sa katuwiran, at huwag mangagkasala; sapagka't may mga ibang walang pagkakilala sa Dios: sinasabi ko ito upang kayo'y kilusin sa kahihiyan.

May mga tao kasi na namamalagi sa kahihiyan hindi umaalis sa kaihiyan upang gisingin at kilusin..meron bang mga taong walang hiya?

1Corinthians 6:5  Sinasabi ko ito upang mangahiya kayo. Ano, diyata't wala baga sa inyo na isa mang marunong na makapagpapayo sa kaniyang mga kapatid, 


Hindi nakakaramdam ng kahihiyan ang iba sa Corinto,  ganyan ang Mangangaral ng Dios masaktan ka matuwa ka basta pinapasabi ng Dios..kung babasahin pa natin yung mga bagong  salin ng BIbliya loko-loko pa tawag ni Apostol Pablo yan:

Sambayanang Pilipino Biblia 
Romans 1:2 Sila’y mga lokong nag­ma­ma­runong


Bakit sila tinawag na loko:

Romans 1:23  At pinalitan nila ang kaluwalhatian ng Dios na hindi nasisira, ng isang katulad ng larawan ng tao na nasisira, at ng mga ibon, at ng mga hayop na may apat na paa, at ng mga nagsisigapang. 

Kaya pala loko-loko kasi pinalitan nila ang kaluwalhatian ng Dios na walang kamatayan at pinalitan nila ng mga larawang inanyuan kaya  sabi ni Apostol Pablo sa kanila sila'y mga lokong nagmamarunong.


Ang Mangangaral na Sugo ng Dios ay nag sasalita ng mga ganyan pero  alam nila  kung kanino at kung Kailan lamang dapat na gamitin at sinasabi lamang sa kinauukulan. Trabaho po ng isang Mangangral na itaboy ang manglilibak ng katotohanan at katuwiran ng Dios sa Biblia:

Proverbs 22:10  Itaboy mo ang manglilibak, at ang pagtatalo ay maalis; Oo, ang pagkakaalit at pagduwahagi ay matitigil. 

Dapat pa lang saktan ng sa ganun ay makaunawa, sasawayin siya:

Proverbs 19:25  Iyong saktan ang manglilibak, at ang musmos ay magaaral ng kabaitan: at iyong sawayin ang naguunawa, at siya'y makakaunawa ng kaalaman.

At ang pagsaway ginagamitan ng kabagsikan para gumaling:

Titus 1:13  Ang patotoong ito ay tunay. Dahil dito'y sawayin mong may kabagsikan sila, upang mangapakagaling sa pananampalataya, 

May utos po sa isang Mangangaral na sumuway gamit ang pangangaral ng Salita ng Dios:

2 Timotthy 4:2  Ipangaral mo ang salita; magsikap ka sa kapanahunan, at sa di kapanahunan, sumawata ka, sumaway ka, mangaral ka na may buong pagpapahinuhod at pagtuturo.

Ang mga sugo noon gaya ni Apostol Pablo dapat isalita kung ano yung pinapasalita ng Dios hindi  gaya ibang mga pastor  na takot gumamit ng salitang makakapanakit sa kapwa baka hindi na umanib:

1Thessalonians 2:4  Kundi kung paanong kami'y minarapat ng Dios upang pagkatiwalaan kami ng evangelio, ay gayon namin sinasalita; hindi gaya ng nangagbibigay lugod sa mga tao, kundi sa Dios na sumusubok ng aming mga puso. 

Kaya marapat lamang na gawin ng isang Mangangaral ang kaniyang tungkulin na salitain ang salita ng Dios:

John 3:34  Sapagka't ang sinugo ng Dios ay nagsasalita ng mga salita ng Dios: sapagka't hindi niya ibinibigay ang Espiritu sa pamamagitan ng sukat. 



Ang sinugo ng Dios dapat nagsasalita ng salita ng Dios  masakit man o matamis sa pandinig kung sa Dios   dapat sabihin yun ..basa:

Jeremiah 26:2  Ganito ang sabi ng Panginoon, Tumayo ka sa looban ng bahay ng Panginoon at salitain mo sa lahat ng bayan ng Juda, na nagsisiparoon upang magsisamba sa bahay ng Panginoon, ang lahat na salita na iniutos ko sa iyo upang salitain sa kanila; huwag kang magbawas ng kahit isang salita. 


Bawal bawasan kung Mangangaral ng Dios ang kahit isang salita ang pinapasabi ng Dios. Ang aming Mangangaral nagsasabi siya  ng mga salita sa kinauukulan..basa:

Proverbs 25:11  Salitang sinalita sa kaukulan ay gaya ng mga mansanang ginto sa mga bilaong pilak. 

Parang ginto pala yung salitang sinalita mo sa kinaukulan, napakahalaga noon dahil magbibigay yun ng karunungan , nagbibigay ng pagkatuto, pagsinabi mo sa kaukulan, Halimbawa may magnanakaw, sinabihan mong magnanakaw hindi po yun paninira o panlalait kasi nakita mong gumawa siya ng pagnanakaw na sadya at para mahiya siya at baka sakaling magbago.  Si Judas tinawag ng Panginoong Hesus na magnanakaw at tulisan pa:

John 10:1  Katotohanan, katotohanang sinasabi ko sa inyo, Ang pumapasok sa hindi pintuan ng kulungan ng mga tupa kundi umaakyat sa ibang daan, ang gayon ay tulisan at magnanakaw. 


Ang Biblia po ay nagsasalita ng mga  deretsahang salita ,at lahat ng kamalian ng tao para matuto at wag  maloko...basahin natin ang sinabi ni Propeta Isaiah:


Isaiah 56:11  Oo, ang mga aso ay matatakaw, sila'y kailan man ay walang kabusugan; at ang mga ito ay mga pastor na hindi nangakakaunawa: sila'y nagsilikong lahat sa kanilang sariling daan na mula sa lahat ng dako, bawa't isa'y sa kaniyang pakinabang. 

Sinabi niya mga aso pala yung mga pastor na hindi nakakaunawa,pakinabang kasi ang gusto nila mga walang pagkaunawa sa salita ng Dios. Tawag ng Dios mga aso..ikaw tao ka tinawag kang aso..maganda ba yun? pero ang Dios tinatawag niya na aso ang mga pastor na hindi nakakaunawa, mga matatakaw..eh! nagmumura ba ang Dios? Syempre hindi po, nagsasabi lang Siya ng totoo na ugaling aso ang mga pastor na yun.


Ang masama tinatarantado, ginagagago na tayo ng mga pastor at mga ministro ay sasabihan mo pang mabait tapos pupurihin  mo pa na sila na kagalang galang. Hindi po payag ang Biblia ng ganun..basa:

Proverbs 24:24  Siyang nagsasabi sa masama, Ikaw ay matuwid; susumpain siya ng mga bayan, kayayamutan siya ng mga bansa: 

Masama pala yung sasabihan mo ng matuwid ang masama ang sabi  susumpain siya, kasumpa-sumpa sa harapan  ng Dios yung masama sasabihin mong matuwid at yung matuwid sasabihin mong masama...basa:

Isaiah 5:20  Sa aba nila na nagsisitawag ng mabuti ay masama, at ng masama ay mabuti; na inaaring dilim ang liwanag, at liwanag ang dilim; na inaaring mapait ang matamis, at matamis ang mapait! 


Yung binabaliktad mo pala yun  ay masama pero halimbawa ang isang tao ay ulol naman talaga sabihin mo mang ulol hindi masama yun...sinabi mo lang yung kalagayan niya, ganun din ang gago, tanga, tarantado kung talaga namang ganun nga sila at lapat naman wala namang masama dahil totoo naman. Ang masama hindi naman gago, tanga o tarantado ay sasabihan mo ng ganun yun po ay panlalait at panghahamak na yun sa kapwa. Dapat bago ka bumitaw ng ganun salita siguraduhin na talagang siya ay nasa kalagayang ganun. Ang masama lalaitin mo ang kapwa mo tao na hindin naman gumagawa ng kagaguhan at sasabihin mong gago.

Ito pa po ang sinabi ng Dios, masakit at masama sa iba pero katotohanan po ito, sinabi ng Dios malilibog ang mga babaeng yun:

Ezekiel 23:44  At sinipingan nila siya, na parang sumiping sa isang patutot: gayon nila sinipingan si Ohola at si Oholiba, na malibog na mga babae

Papalitan mo ba yun dahil masama pakingggan...malibog, Bakit malibog ano ba ginawa?

Ezekiel 23:3  At sila'y nagpatutot sa Egipto; sila'y nagpatutot sa kanilang kadalagahan: doo'y nangahigpit ang kanilang mga dibdib, at doo'y nangahipo ang mga suso ng kanilang pagkadalaga.

Kaya pala tinawag na malibog kasi ang propesyon ay patutot, tutulan ba natin yan na nasa Biblia. Masyado na tayong plastik kapag sinabi na ng Dios tutulan natin. Ito pa isang talata  sa Apocalipisis  Ina ng mga patutot..eh! di may anak pala ang mga patutot, ibig lamang sabihin na kahit masama ang salita sa pakinig, pagka inuukol sa kinauukulan hindi masama yun..pero kung ang isang babaeng mabuti kagaya ni Maria at sabihan mo ng puta yun ay pagmumura.

Reveation 17:5  At sa kaniyang noo ay nakasulat ang isang pangalan, HIWAGA, DAKILANG BABILONIA, INA NG MGA PATUTOT AT NG MGA KASUKLAMSUKLAM SA LUPA. 

Ang PATUTOT [1] (Ingles: whore, harlot, hooker, "entertainer," prostitute[2]) ay isang salitang may hindi mainam na kahulugan. Tumutukoy ito sa isang babae, maaari ring lalaki, na binabayaran o nagpapabayad para sa kapalit na serbisyong may kaugnayan sa pakikipagtalik at seksuwalidad ng mga tao. Kasingkahulugan ito ng prostituta (partikular para sa isang babaeng patutot), prosti (pinaikling bersiyon ng prostituta), masamang babae[3], babaeng bayaran, masamang lalaki, at lalaking bayaran. Binabansagang din silang kalapating mababa ang lipad, puta (mula sa Kastila), at ng mga salitang balbal na kokak, burikit, burikat, japayuki, GRO, at donut [bigkas: do-nat]. Tumutukoy ang "burikit" sa isang patutot na naghahanap-buhay sa mga bahay-aliwan, bar, klab, bahay-diskuhan, at iba pang aliwang panggabi. Nagmula ang salitang "donut" mula sa Ingles na doughnut. Isang walang-paggalang na katawagan naman ang "japayuki" (bigkas: dya-pa-yu-ki) para sa isang Pilipinang nagtatrabaho bilang tagapagbigay ng saya o panandaliang aliw, sumasayaw at kumakanta habang nasa Hapon. Nag-ugat naman ang GRO o G.R.O. mula sa Ingles na guest relations officer o guest services officer, isang "tagapagpasinaya" ng mga "bisita" o hostes.[1] Dinaglat ito upang maging isang magalang at nagpapahiwatig na katawagan lamang para sa isang kilala at lantad na patutot.



Meron mga pastorat ministro na para wag masaktan ang kapwa tao pinapalitan yung totoo, pinapagaan ang salita, hindi dapat ganun sabi ng Dios wag babaguhin ang nakasulat. Yung mga salitang yaon na sinasabi ng society natin na pagmumura kahit hindi naman dahil nasa Biblia din naman ito ay dapat  inuukol lamang  dun talaga sa mga loko, o kaya sa talagng tanga o sa talagang patutot, hindi naman dapat mangimi ang isang Mangangaral kasi meron naman talagang tagalog na salitang ganun, ang masama ay murahin ka ng ganun eh! halimbawa sabihan ka ng puta ang ina mo pero  hindi naman ganun ang nanay mo..yun ang panlalait sa kapwa, yun ang pagmumura. Hindi pagmumura kung sinasabi ang katotohanan.

Kahit si Propeta Samuel ng nagalit kay Jonathan sabi niya:

1Samuel 20:30  Nang magkagayo'y nagalab ang galit ni Saul laban kay Jonathan, at sinabi niya sa kaniya, Ikaw ay anak ng masama at mapanghimagsik na babae, hindi ko ba nalalaman na iyong pinili ang anak ni Isai sa ikahihiya mo, at sa ikahihiya ng kahubaran ng iyong ina? 

Sinabihan niya ng "Ikaw ay anak ng masama at mapanghimagsik na babae" Sa iba na hindi nakakaunawa ng tamang paggamit ng salita sasabihin nila nanlait si Propeta Samuel.

Ang Panginoong Hesus sinabihang "ASONG GUBAT" si Herodes: 

Luke 13:31-32  Dumating nang oras ding iyon ang ilang Fariseo na nagsabi sa kanya, "Lumabas ka na at umalis dito, sapagkat ibig kang patayin ni Herodes." At sinabi niya sa kanila, "Humayo kayo at inyong sabihin sa asong-gubat na iyon, 'Narito, nagpapalayas ako ng mga demonyo at nagpapagaling ngayon at bukas, at sa ikatlong araw ay matatapos ko ang aking gawain. 

Kahit po si Apostol Pablo ay sinabihan na SATANAS ng Panginoong Hesus dahil sa kaniyang ginawa:

Matthew 16:23  Datapuwa't lumingon siya, at sinabi kay Pedro, Lumagay ka sa likuran ko, Satanas: ikaw ay tisod sa akin: sapagka't hindi mo pinagiisip ang mga bagay ng Dios, kundi ang mga bagay ng tao. 

Pati mga Pariseo sinabihang ULUPONG

Matthew 12:34  Kayong lahi ng mga ulupong, papaano kayo na masasama, ay makapagsasalita ng mabubuting bagay? sapagka't sa kasaganaan ng puso ay nagsasalita ang bibig.

Si Apostol Pablo sinabihan niya ng ANAK NG DIABLO ang Mangagaway:

Acts 13:10  At sinabi, Oh puspos ng lahat ng karayaan at ng lahat ng kasamaan, ikaw na anak ng diablo, ikaw na kaaway ng lahat ng katuwiran, hindi ka baga titigil ng pagpapasama sa mga daang matuwid ng Panginoon?

Sana po makatulong sa iba ang mga paliwanag na ito na maunawaan ang dahilan kung bakit nagsasalita ng ganung pananalita ang aming Mangangaral na sa pananaw ng iba ay pagmumura daw yun. Ang aming Mangangaral ay prangka po, matatanong mo siya ng personal sa aming Bible Expostion, kahit siraan pa siya , kagalitan ng tao, pintasan at palitawing masama at sinungaling sa madla ay mananatili kaming mga tunay na magkakapatid sa Iglesia ng Dios na pinapangaral niya na mula sa ating Dios Ama at Panginoong Hesus.


Salamat sa Dios!


Saturday, January 9, 2016

Ano Ba Ang Dapat Na Maging Pananaw Ng Kristyano Sa Death Penalty?


 Hindi lingid sa atin na lumala na ang krimen sa ating bansa binabalita ng media ang mga karumaldumal na pagpatay, massacre, rape slay, drugs cases at iba pang heinous crime at ang agad nating naiisip para matigil o mabawasan ay ibalik ang Death Penalty.

At kung tayo ang biktima o kamag-anak ng biktima ay magpupuyos tayo sa galit sa kriminal at nais din natin na sila ay mamatay at kung maari nga ang iba sila na mismo ang gaganti para patayin ang may sala. Alamin natin sa Biblia kung ano ba ang dapat nating maging pananaw sa parusang kamatayan kung tayo ay tagasunod ng Panginoong Hesus.


Sa katotohanan ang death penalty ay mula sa Dios kaya ito ay biblical pero dapat din natin i-condider ang mga circumstances na pinapayagan ng Biblia o ang tinuturo tungkol sa death penalty. Sa panahon  ni Propeta Moises ang death penalty ay umiiral sa bayan ng Israel:

Hebrew 10:28  Ang magpawalang halaga sa kautusan ni Moises sa patotoo ng dalawa o tatlong saksi, ay mamamatay na walang awa: 

Maliwanag sa panahon ni Propeta Moises pinapatupad ang death penalty sa mga israelita na lahat ng lumalabag sa batas  ay papatayin ng walang awa sa patotoo ng dalawa o tatlong saksi at yun ay sa pamamagitan ng Stoning o pagbato na ang taong bayan mismo ang gagawa. Mga listahan ng krimen na pinapatawan ng death penalty sa Lumang Tipan:
PAGPATAY (Exodus 21:12-14; Leviticus 24:17,21), PAGLAPASTANGAN  (Leviticus 24:14,16, 23), PAGTATRABAHO SA ARAW NG SABBATH (Exodus 31:14, 35:2, Numbers 15:32-36), PANANAKIT  O PANLALAIT SA MAGULANG (Exodus 21:15,17), HINDI PAGSUNOD SA MAGULANG (Deuteronomy 21:18-21), KIDNAPPING (Exodus 21:16), PAGHAHANDOG NG TAO (Leviticus 20:2-5), ANG HINDI MAGKULONG NG ISANG MAPANGANIB NA HAYOP NA NAGRESULTA SA KAMATAYAN (Exodus 21:28-29), PAKIKIPAGTALIK SA HAYOP (Exodus 22:19, Leviticus 20:16), PANGANGALUNYA (Leviticus 20:10; Deuteronomy 22:22), INCEST (Leviticus 18:6-18, 20:11-12,14,17,19-21), PANGKUKULAM AT PANGGAGAWAY (Exodus 22:18, Leviticus 20:27, Deuteronomy 13:5, 1 Samuel 28:9), PAGSISINUNGALING SA MGA KASO (Deuteronomy 19:16-19), GAWANG HOMOSEXUAL  (Leviticus 20:13), MALING PROPESIYA (Deuteronomy 18:20), PROSTITUSYON SA ANAK NA BABAE NG SASERDOTE (Leviticus 21:9)
PAKIKIPAGTALIK SA BABAENG NAKATALAGANG IKASAL AT  SA LALAKING  HINDI NAMAN KATIPAN (Deuteronomy 22:23-24), PAGBIBINTANG NA HINDI BIRHEN ANG ISANG BABAE SA ORAS NG PAG-AASAWA (DEUTERONOMY 22:13-21)
HINDI PAGSUNOD  SA PASYA NG HUKOM O SASERDOTE (Deuteronomy 17:12)


Ganun po kahigpit ang Batas ni Moises na bigay ng Dios na ang lahat ng lumalabag ay pinapatawan ng kamatayan. Sa panahon ng dispensation ng Panginoong Hesus hindi siya  pabor sa pisikal na kamatayan  at wala tayong mababasa na kahit isa na inutusan niya na patayin pagnagkasala. Para sa kaniya ang makasalanan kahit gaano kasama pagnagkaroon ng pananamplataya maaring makapagbago, magsisi at bumalik sa Dios at magbagong buhay. Dahil nais ng Dios na lahat ng tao ay mangaligtas:

1Timothy 2:3  Ito'y mabuti at nakalulugod sa paningin ng Dios na ating Tagapagligtas; :4  Na siyang may ibig na ang lahat ng mga tao'y mangaligtas, at mangakaalam ng katotohanan. 

2Peter 3:9  Hindi mapagpaliban ang Panginoon tungkol sa kaniyang pangako, na gaya ng pagpapalibang ipinalalagay ng iba; kundi mapagpahinuhod sa inyo, na hindi niya ibig na sinoman ay mapahamak, kundi ang lahat ay magsipagsisi. 

Sa New Testament labag sa kalooban ng Dios ang death penalty  kasi yun ngang magnanakaw na masamang masama na pinatawan ng death penalty katabi  ng Panginoong Hesus na nakabayubay sa krus pero at the point of death  nakakita ng kabutihan ang Panginoon sa kaniya at tinanggap. Ang death penalty is not applicable in the christian era kung Biblia ang pag uusapan. Sa loob ng Church during that time  ang sinumang lumabag sa Batas ni Cristo, mga hindi sumunod sa Batas ng Dios ay inaalis lang  sa Church at hindi pinapatawan ng death penalty:

1Corinthians 5:11  Datapuwa't sinusulatan ko nga kayo, na huwag kayong makisama sa kanino mang tinatawag na kapatid, kung siya'y mapakiapid, o masakim, o mananamba sa diosdiosan, o mapagtungayaw, o manglalasing, o manglulupig; sa gayo'y huwag man lamang kayong makisalo. :12  Sapagka't ano sa akin ang humatol sa nangasa labas? Hindi baga kayo nagsisihatol sa nangasa loob? :13  Datapuwa't sa nangasa labas ay Dios ang humahatol. Alisin nga ninyo sa inyo ang masamang tao. 

Ang nakasulat ang sinumang lumabag sa utos sa loob ng Church ay aalisin sa iglesia ini-excommunicate at hindi binabato hanggang sa mamatay, kaya walang possession ang death penalty sa panahon ng Christian era o Christian dispensation..inaalis lamang ang masasasama. 

Sa ating panahon especially sa ating bansa  kahit Biblical ang death penalty hindi dapat ito ipatupad  kung saan ang Supreme Justice ay umaamin na may miscarriage of justice ( primarily is the conviction and punishment of a person for a crime they did not commit.)

 Hindi gaya ng sa panahon ng mga israelita  pinapatupad ang death penalty kasi ang mga judges are appointed by God, si Moises ay appointed ng Dios, sila ay mapagkakatiwalaang mga hukom. Hindi sila corrupt walang silid para sa corruption at ang mga saksi na magpapatunay ng krimen ay mga tunay na saksi hindi sila binayaran o mga bulaang saksi at sila ay ginagabayan ng mga anghel na nagsasabi kay Moises kung ano ang gagawin:

Acts  7:37  Ito'y yaong Moises, na nagsabi sa mga anak ni Israel, Palilitawin ng Dios sa inyo ang isang propeta na gaya ko, mula sa inyong mga kapatid. :38  Ito'y yaong naroon sa iglesia sa ilang na kasama ang anghel na nagsalita sa kaniya sa bundok ng Sinai, at kasama ang ating mga magulang: na siyang nagsitanggap ng mga aral na buhay upang ibigay sa atin: Acts 7:53  Kayo na nagsitanggap ng kautusan ayon sa pangangasiwa ng mga anghel, at hindi ninyo ginanap. 

Ngayon kung ibabalik ang death penalty sa Pilipinas ay  wala tayong magagawa hindi naman tayo pwedeng lumaban sa pamahalaan bawal naman ng Dios na lalaban sa awtoridad pero kung ipagtibay ng Saligang Batas yan ng Kongreso ng Pilipinas susunod kami  kahit hindi kami  sang-ayon hindi kami pwede tumutol sa batas na yan. Hindi naman ibig sabihin na dahil hindi kami sumasang-ayon sa death penalty ay ayaw na naming mawala ang krimen o gusto naming proteksiyonan ang mga kriminal nilalagay lamang natin sa tama ang pagiging Kristyano natin na siyang nararapat. Kung ibabalik nga ang parusang yan ay pasasakop kami sa batas dahil mismong si Apostol Pablo ay nagpahayag ng kanyang pagkilala sa kapangyarihan ng pamahalaan na magpataw ng parusang kamatayan kung kinakailangan:

Romans 13:1  Ang bawa't kaluluwa ay pasakop sa matataas na kapangyarihan: sapagka't walang kapangyarihan na hindi mula sa Dios; at ang mga kapangyarihang yao'y hinirang ng Dios. :2  Kaya nga't ang sumasalangsang sa kapangyarihan, ay sa utos ng Dios sumasalangsang: at ang mga nagsisalangsang ay magsisitanggap ng kahatulan sa kanilang sarili. :3  Sapagka't ang mga pinuno ay hindi kilabot sa gawang mabuti, kundi sa masama. At ibig mo bagang mawalaan ng takot sa may kapangyarihan? gawin mo ang mabuti, at magkakamit ka ng kapurihan sa kaniya: :4  Sapagka't siya'y ministro ng Dios sa ikagagaling mo. Datapuwa't kung ginagawa mo ang masama, ay matakot ka; sapagka't hindi walang kabuluhan ang pagdadala niya ng tabak: sapagka't siya'y ministro ng Dios, tagapaghiganti sa ikagagalit sa gumagawa ng masama. :5  Kaya nga't dapat na kayo'y pasakop, hindi lamang dahil sa kagalitan, kundi naman dahil sa budhi. 


Si Apostol Pablo ay hindi sang-ayon sa death penalty dahil siya ay tagasunod ng kaustuan ng Panginoong Hesus subalit dahil may utos din  ang Dios na sumunod sa awtoridad, magpasakop ay nagpasailalim siya sa batas ng tao. Minsan sa buhay niya muntik na siyang patawan ng death penalty at hindi naman siya tumutol basta mapatunayan lamang na siya ay tunay na lumabag.

Acts 25:11  Kung ako nga'y isang makasalanan, at nakagawa ng anomang bagay na marapat sa kamatayan, ay hindi ako tumatangging mamatay; datapuwa't kung walang katotohanan ang mga bagay na ipinagsasakdal ng mga ito laban sa akin, ay hindi ako maibibigay ninoman sa kanila. Maghahabol ako kay Cesar. 


Mayroon di namang limitasyon ang pagsunod sa pamahalaan, hindi kumo may utos ang Dios na magpasakop sa gobyerno ay tatalima tayo. Kapag ang gobyerno ay lumabag sa tinuturo ng Biblia obligado tayong huwag sumunod:


Acts 5:29  Datapuwa't nagsisagot si Pedro at ang mga apostol at nangagsabi, Dapat muna kaming magsitalima sa Dios bago sa mga tao. 


Halimbawa nito  kung ang pinuno ng gobyerno ay nagbaba ng utos na patayin lahat ng mongoloid o baliw na makita sa daan ay hindi dapat tayo sumunod. O kaya naman kung magpatupad ng batas na legal na ang pag-kasal  ng bakla o tomboy, o legal na ang abortion o legal na ang marijuana at shabu ay dapat huwag nating sang-ayunan ang mga ganitong batas. Dahil wala namang tinuro ang Biblia na sumunod tayo sa gobyerno kahit na kontra na sa salita ng Dios.


Sa pagtatapos bilang mga Kristiyano, hindi tayo dapat matuwa kung may death penalty  pero hindi rin tayo dapat lumaban sa kapangyarihan ng gobyerno na maglapat ng death penalty sa mga gumagawa ng mga karumaldumal na krimen.


Salamat Sa Dios!