Showing posts with label Aral. Show all posts
Showing posts with label Aral. Show all posts

Saturday, January 9, 2016

Ano Ba Ang Dapat Na Maging Pananaw Ng Kristyano Sa Death Penalty?


 Hindi lingid sa atin na lumala na ang krimen sa ating bansa binabalita ng media ang mga karumaldumal na pagpatay, massacre, rape slay, drugs cases at iba pang heinous crime at ang agad nating naiisip para matigil o mabawasan ay ibalik ang Death Penalty.

At kung tayo ang biktima o kamag-anak ng biktima ay magpupuyos tayo sa galit sa kriminal at nais din natin na sila ay mamatay at kung maari nga ang iba sila na mismo ang gaganti para patayin ang may sala. Alamin natin sa Biblia kung ano ba ang dapat nating maging pananaw sa parusang kamatayan kung tayo ay tagasunod ng Panginoong Hesus.


Sa katotohanan ang death penalty ay mula sa Dios kaya ito ay biblical pero dapat din natin i-condider ang mga circumstances na pinapayagan ng Biblia o ang tinuturo tungkol sa death penalty. Sa panahon  ni Propeta Moises ang death penalty ay umiiral sa bayan ng Israel:

Hebrew 10:28  Ang magpawalang halaga sa kautusan ni Moises sa patotoo ng dalawa o tatlong saksi, ay mamamatay na walang awa: 

Maliwanag sa panahon ni Propeta Moises pinapatupad ang death penalty sa mga israelita na lahat ng lumalabag sa batas  ay papatayin ng walang awa sa patotoo ng dalawa o tatlong saksi at yun ay sa pamamagitan ng Stoning o pagbato na ang taong bayan mismo ang gagawa. Mga listahan ng krimen na pinapatawan ng death penalty sa Lumang Tipan:
PAGPATAY (Exodus 21:12-14; Leviticus 24:17,21), PAGLAPASTANGAN  (Leviticus 24:14,16, 23), PAGTATRABAHO SA ARAW NG SABBATH (Exodus 31:14, 35:2, Numbers 15:32-36), PANANAKIT  O PANLALAIT SA MAGULANG (Exodus 21:15,17), HINDI PAGSUNOD SA MAGULANG (Deuteronomy 21:18-21), KIDNAPPING (Exodus 21:16), PAGHAHANDOG NG TAO (Leviticus 20:2-5), ANG HINDI MAGKULONG NG ISANG MAPANGANIB NA HAYOP NA NAGRESULTA SA KAMATAYAN (Exodus 21:28-29), PAKIKIPAGTALIK SA HAYOP (Exodus 22:19, Leviticus 20:16), PANGANGALUNYA (Leviticus 20:10; Deuteronomy 22:22), INCEST (Leviticus 18:6-18, 20:11-12,14,17,19-21), PANGKUKULAM AT PANGGAGAWAY (Exodus 22:18, Leviticus 20:27, Deuteronomy 13:5, 1 Samuel 28:9), PAGSISINUNGALING SA MGA KASO (Deuteronomy 19:16-19), GAWANG HOMOSEXUAL  (Leviticus 20:13), MALING PROPESIYA (Deuteronomy 18:20), PROSTITUSYON SA ANAK NA BABAE NG SASERDOTE (Leviticus 21:9)
PAKIKIPAGTALIK SA BABAENG NAKATALAGANG IKASAL AT  SA LALAKING  HINDI NAMAN KATIPAN (Deuteronomy 22:23-24), PAGBIBINTANG NA HINDI BIRHEN ANG ISANG BABAE SA ORAS NG PAG-AASAWA (DEUTERONOMY 22:13-21)
HINDI PAGSUNOD  SA PASYA NG HUKOM O SASERDOTE (Deuteronomy 17:12)


Ganun po kahigpit ang Batas ni Moises na bigay ng Dios na ang lahat ng lumalabag ay pinapatawan ng kamatayan. Sa panahon ng dispensation ng Panginoong Hesus hindi siya  pabor sa pisikal na kamatayan  at wala tayong mababasa na kahit isa na inutusan niya na patayin pagnagkasala. Para sa kaniya ang makasalanan kahit gaano kasama pagnagkaroon ng pananamplataya maaring makapagbago, magsisi at bumalik sa Dios at magbagong buhay. Dahil nais ng Dios na lahat ng tao ay mangaligtas:

1Timothy 2:3  Ito'y mabuti at nakalulugod sa paningin ng Dios na ating Tagapagligtas; :4  Na siyang may ibig na ang lahat ng mga tao'y mangaligtas, at mangakaalam ng katotohanan. 

2Peter 3:9  Hindi mapagpaliban ang Panginoon tungkol sa kaniyang pangako, na gaya ng pagpapalibang ipinalalagay ng iba; kundi mapagpahinuhod sa inyo, na hindi niya ibig na sinoman ay mapahamak, kundi ang lahat ay magsipagsisi. 

Sa New Testament labag sa kalooban ng Dios ang death penalty  kasi yun ngang magnanakaw na masamang masama na pinatawan ng death penalty katabi  ng Panginoong Hesus na nakabayubay sa krus pero at the point of death  nakakita ng kabutihan ang Panginoon sa kaniya at tinanggap. Ang death penalty is not applicable in the christian era kung Biblia ang pag uusapan. Sa loob ng Church during that time  ang sinumang lumabag sa Batas ni Cristo, mga hindi sumunod sa Batas ng Dios ay inaalis lang  sa Church at hindi pinapatawan ng death penalty:

1Corinthians 5:11  Datapuwa't sinusulatan ko nga kayo, na huwag kayong makisama sa kanino mang tinatawag na kapatid, kung siya'y mapakiapid, o masakim, o mananamba sa diosdiosan, o mapagtungayaw, o manglalasing, o manglulupig; sa gayo'y huwag man lamang kayong makisalo. :12  Sapagka't ano sa akin ang humatol sa nangasa labas? Hindi baga kayo nagsisihatol sa nangasa loob? :13  Datapuwa't sa nangasa labas ay Dios ang humahatol. Alisin nga ninyo sa inyo ang masamang tao. 

Ang nakasulat ang sinumang lumabag sa utos sa loob ng Church ay aalisin sa iglesia ini-excommunicate at hindi binabato hanggang sa mamatay, kaya walang possession ang death penalty sa panahon ng Christian era o Christian dispensation..inaalis lamang ang masasasama. 

Sa ating panahon especially sa ating bansa  kahit Biblical ang death penalty hindi dapat ito ipatupad  kung saan ang Supreme Justice ay umaamin na may miscarriage of justice ( primarily is the conviction and punishment of a person for a crime they did not commit.)

 Hindi gaya ng sa panahon ng mga israelita  pinapatupad ang death penalty kasi ang mga judges are appointed by God, si Moises ay appointed ng Dios, sila ay mapagkakatiwalaang mga hukom. Hindi sila corrupt walang silid para sa corruption at ang mga saksi na magpapatunay ng krimen ay mga tunay na saksi hindi sila binayaran o mga bulaang saksi at sila ay ginagabayan ng mga anghel na nagsasabi kay Moises kung ano ang gagawin:

Acts  7:37  Ito'y yaong Moises, na nagsabi sa mga anak ni Israel, Palilitawin ng Dios sa inyo ang isang propeta na gaya ko, mula sa inyong mga kapatid. :38  Ito'y yaong naroon sa iglesia sa ilang na kasama ang anghel na nagsalita sa kaniya sa bundok ng Sinai, at kasama ang ating mga magulang: na siyang nagsitanggap ng mga aral na buhay upang ibigay sa atin: Acts 7:53  Kayo na nagsitanggap ng kautusan ayon sa pangangasiwa ng mga anghel, at hindi ninyo ginanap. 

Ngayon kung ibabalik ang death penalty sa Pilipinas ay  wala tayong magagawa hindi naman tayo pwedeng lumaban sa pamahalaan bawal naman ng Dios na lalaban sa awtoridad pero kung ipagtibay ng Saligang Batas yan ng Kongreso ng Pilipinas susunod kami  kahit hindi kami  sang-ayon hindi kami pwede tumutol sa batas na yan. Hindi naman ibig sabihin na dahil hindi kami sumasang-ayon sa death penalty ay ayaw na naming mawala ang krimen o gusto naming proteksiyonan ang mga kriminal nilalagay lamang natin sa tama ang pagiging Kristyano natin na siyang nararapat. Kung ibabalik nga ang parusang yan ay pasasakop kami sa batas dahil mismong si Apostol Pablo ay nagpahayag ng kanyang pagkilala sa kapangyarihan ng pamahalaan na magpataw ng parusang kamatayan kung kinakailangan:

Romans 13:1  Ang bawa't kaluluwa ay pasakop sa matataas na kapangyarihan: sapagka't walang kapangyarihan na hindi mula sa Dios; at ang mga kapangyarihang yao'y hinirang ng Dios. :2  Kaya nga't ang sumasalangsang sa kapangyarihan, ay sa utos ng Dios sumasalangsang: at ang mga nagsisalangsang ay magsisitanggap ng kahatulan sa kanilang sarili. :3  Sapagka't ang mga pinuno ay hindi kilabot sa gawang mabuti, kundi sa masama. At ibig mo bagang mawalaan ng takot sa may kapangyarihan? gawin mo ang mabuti, at magkakamit ka ng kapurihan sa kaniya: :4  Sapagka't siya'y ministro ng Dios sa ikagagaling mo. Datapuwa't kung ginagawa mo ang masama, ay matakot ka; sapagka't hindi walang kabuluhan ang pagdadala niya ng tabak: sapagka't siya'y ministro ng Dios, tagapaghiganti sa ikagagalit sa gumagawa ng masama. :5  Kaya nga't dapat na kayo'y pasakop, hindi lamang dahil sa kagalitan, kundi naman dahil sa budhi. 


Si Apostol Pablo ay hindi sang-ayon sa death penalty dahil siya ay tagasunod ng kaustuan ng Panginoong Hesus subalit dahil may utos din  ang Dios na sumunod sa awtoridad, magpasakop ay nagpasailalim siya sa batas ng tao. Minsan sa buhay niya muntik na siyang patawan ng death penalty at hindi naman siya tumutol basta mapatunayan lamang na siya ay tunay na lumabag.

Acts 25:11  Kung ako nga'y isang makasalanan, at nakagawa ng anomang bagay na marapat sa kamatayan, ay hindi ako tumatangging mamatay; datapuwa't kung walang katotohanan ang mga bagay na ipinagsasakdal ng mga ito laban sa akin, ay hindi ako maibibigay ninoman sa kanila. Maghahabol ako kay Cesar. 


Mayroon di namang limitasyon ang pagsunod sa pamahalaan, hindi kumo may utos ang Dios na magpasakop sa gobyerno ay tatalima tayo. Kapag ang gobyerno ay lumabag sa tinuturo ng Biblia obligado tayong huwag sumunod:


Acts 5:29  Datapuwa't nagsisagot si Pedro at ang mga apostol at nangagsabi, Dapat muna kaming magsitalima sa Dios bago sa mga tao. 


Halimbawa nito  kung ang pinuno ng gobyerno ay nagbaba ng utos na patayin lahat ng mongoloid o baliw na makita sa daan ay hindi dapat tayo sumunod. O kaya naman kung magpatupad ng batas na legal na ang pag-kasal  ng bakla o tomboy, o legal na ang abortion o legal na ang marijuana at shabu ay dapat huwag nating sang-ayunan ang mga ganitong batas. Dahil wala namang tinuro ang Biblia na sumunod tayo sa gobyerno kahit na kontra na sa salita ng Dios.


Sa pagtatapos bilang mga Kristiyano, hindi tayo dapat matuwa kung may death penalty  pero hindi rin tayo dapat lumaban sa kapangyarihan ng gobyerno na maglapat ng death penalty sa mga gumagawa ng mga karumaldumal na krimen.


Salamat Sa Dios!

Tuesday, December 29, 2015

Ang Position Sa Pananalangin


Alamin natin ngayon kung ano ba ang pinakatamang position sa  pananalangin na nakasulat sa Biblia na tinuro sa amin ng aming Mangangaral. Marami tayong mababasa na mga talata sa Biblia na position ng panalangin na ginawa ng mga unang lingkod ng Dios tulad ng pagluhod, pagpatirapa, patayo o nakataas ang kamay, lahat ng ito ay hindi naman natin sinasabing mali ang aalamin natin ay ang pinakatamang postion ng pananalangin na mas nararapat gawin ng isang Kristiyano.


Maraming sekta ng relihiyon ang  tumututol sa paraan ng aming pananalangin ito daw ay imbento lamang ng aming Mangangaral at walang batayan sa Biblia, sinasabi din nila na mali daw ang pakahulugan at unawa namin  sa salitang ginamit sa greek kaya kinukutya at pilit nilang gibain. Ang masasabi lang namin ay inggit lang sila dahil kami lang ang totally nakasunod sa position ng panalangin na nasa Biblia.



Ano ang dapat na position sa pananalangin?

Suriin muna natin ang Koine Greek words ng ilang  verses. Basahin natin una ang Matthew 26:39 na  ginawa ng ating Panginoong Hesus ng siya ay nanalangin sa Dios Ama:

Actual copy of the Codex Sinaiticus (Mat 26:39):




KAI - and
ΠPOCEΛΘωN - He went further
MIKPON - a little
EΠECEN - bowed
EΠI - upon
ΠPOCωΠON - face
AYTOY - of him
ΠPOCEUXOMENOC - praying


Ang sabi ang Panginoong Hesus ng nanalangin naka- "bowed upon face" o sa ibang salin ay “fell on his face”   sa tagalog "nagpatirapa":


Mat 26:39  At lumakad siya sa dako pa roon, at siya'y nagpatirapa, at nanalangin, na nagsasabi, Ama ko, kung baga maaari, ay lumampas sa akin ang sarong ito: gayon ma'y huwag ang ayon sa ibig ko, kundi ang ayon sa ibig mo.

Basahin pa natin ang isa pang verse:

Acts 9:40  But Peter put them all forth, and kneeled down, and prayed;

Acts 9:40  Datapuwa't pinalabas silang lahat ni Pedro, at lumuhod, at nanalangin;

Acts 9:40  ButG1161 PeterG4074 putG1544 them allG3956 forth,G1854 and kneeled down,G5087 G1119 and prayed;G4336



Acts 9:40 (pseudo-copy Codex Vaticanus):


TRANSCRIPTION - translation:

ΠETPOC - Peter
KAI - and
θEIC TA ΓONATA - kneeled down
ΠPOCHYξATO - prayed


Ayon sa talata si Apostol Pedro ay :nag- "kneeled down and prayed".
"TA ΓONATA" to be specific means "the knees"
"θEIC" means the "down" part.

Kung kukunin natin ang root word ng θEIC, ito ay τίθημι (tithemi): Ano ang kahulugan ng Tithemi?

Greek Strong Lexicon

G5087
τίθημι
tithēmi
tith'-ay-mee

A prolonged form of a primary word θέω theō (which is used only as an alternate in certain tenses); to place (in the widest application, literally and figuratively; properly in a passive or horizontal posture.

Marami pong verses sa New Testament na ginamitan  ng word na "tithemi" at hindi lamang sa pananalangin dahil ito ay may iba't-ibang kahulugan depende sa nilalaman ng context. Ngayon kumuha tayo ng mga sitas na ginamitan ng tithemi at tignan natin kung ano ang kahulugan nito ayon sa nilalaman ng context.

Ang word na TITHEMI ay sinalin sa english na "KNEEL DOWN"  at sa tagalog ay "NANIKLUHOD" na ginawa din naman ng Panginoong Hesus at ng mga Apostol sa panalangin:

Luke 22:41  And he was withdrawn from them about a stone's cast, and kneeled down, and prayed,

Luke 22:41  At siya'y humiwalay sa kanila na may agwat na isang itsang bato; at siya'y nanikluhod at nanalangin,

Luke 22:41  AndG2532 heG846 was withdrawnG645 fromG575 themG846 aboutG5616 a stone'sG3037 cast,G1000 andG2532 kneeled down,G5087 G1119 and prayed,G4336


Acts 20:36  At nang makapagsalita na siya ng gayon, ay nanikluhod siya at nanalanging kasama silang lahat.

Acts 20:36  And when he had thus spoken, he kneeled down, and prayed with them all.

Acts 20:36  AndG2532 when he had thusG5023 spoken,G2036 he kneeled down,G5087 G846 G1119 and prayedG4336 withG4862 themG846 all.G3956

G5087
τίθημι
tithēmi
tith'-ay-mee

Sa mga nabanggit na talata ang "tithemi" ay may kinalaman sa position kaya ang kahulugan nito sa loob ng context ng verses  ay  properly in a passive or horizontal posture. Pero bakit sigurado kami na kailangan magawa ang horizontal posture  sa pananalangin?

Kasi ng nanalangin ang Panginoong Hesus ang kanyang mukha ay nakaharap malapit sa lupa o nakayukod, he fell on his face o nagpatirapa at yun ay magagawa lamang sa pananalangin kung nasa passive, horizontal posture postion. Ang Panginoong Hesus at ang mga Apostol ay ating mga halimbawa kaya kung ano ang kanilang paraan sa panalangin ay gayon din dapat isagawa. Kaya ito ang dahilan kung bakit  ang aming paraan ng panalangin ay panikluhod o patirapa in horizontal posture na hindi ginagawa ng ibang relihiyon .





Nalaman na   natin na ang Panginoong Hesus at ang mga alagad sa pananalangin na naka-"kneel down" nanikluhod, nagpatirapa, nakayukod sa lupa , naka-prostrate na horizontal posture sa greek ay tithemi, kaya sa mga talata na ginamit sa taas ang kahulugan ng Tithemi ayon sa nilalaman ng context ay patungkol sa position ng panalangin. Ang Tithemi sa Hebrew word ay “Kara” or pronounced “Kaw-rah” :

Psalm 95:6  Oh magsiparito kayo, tayo'y magsisamba at magsiyukod; tayo'y magsiluhod sa harap ng Panginoon na May-lalang sa atin.

Psalm 95:6  O come,H935 let us worshipH7812 and bow down:H3766 let us kneelH1288 beforeH6440 the LORDH3068 our maker.H6213


H3766

כָּרַע
kâra‛
kaw-rah'
A primitive root; to bend the knee; by implication to sink, to prostrate: - bow (down, self), bring down (low), cast down, couch, fall, feeble, kneeling, sink, smite (stoop) down, subdue, X very.

Allam na natin na ang katumbas ng greek word na TITHEMI na translated sa english na
"kneel down" at ang sa hebrew ay KAWRAH na  ang meaning ay  "to bend the knee".

Ano ba ang ibig sabihin ng  “bending of the knee”?


Ito ay pagluhod pero hindi kagaya ng luhod na ginagawa ng mga katoliko o ng ibang sekta na 90 degrees angle, ang pagluhod na ito ay pag-bend ng tuhod na nilalagay mo ang iyong sarili  sa postrate position o  nagpapatirapa kao sa ibang salita ay paninikluhod, in short kapag nagpapatirapa ka ang tuhod mo ay naka bend. Hindi ito katulad ng a muslim na nakatuwad na nakaharap ang ulo sa lupa pero ang puwit ay nakaangat. Ang paninikluhod o pagtitirapa ay horirzontal posture na naka-fully bend ang tuhod na nakababa ang puwit , nakaharap ang mukha sa lupa.


  Kneeling down, bow down o pagluhod na horizontal posture (tithemi, kawrah), pagpatirapa, paninikluhod, pagyukod

   
Pagluhod na 90 degrees



Ang posisyong  TITHEMI O KAWRAH ay  sinasagawa  during ng aming  worship services sa Iglesia, sa panalangin ng buong congregation at sa silid kung mananalangin. Pero case to case basis din, halimbawa kung incapable ang isang member  na makapag kneel down gaya ng mga disable people o may sakit na hindi makaka-pagtirapa o makapanikluhod dahil sa kanilang karamdaman, pwede manatiling nakatayo o nakaupo sa pananalangin. Hindi rin ito ginagawa in public places o bumibyahe sa loob ng sasakyan dahil may utos na bawal manalangin ng nakikita ng ibang tao, pwedeng manalangin ng pa-usal o sa isip lang sa ganitong mga sitwasyon. Pero kung magagawa  naman ito na wala namang balakid  ay gawin dahil ito ang nararapat ayon sa Biblia.

Salamat sa Dios!

Sunday, December 27, 2015

Dapat Ba Tayong Gumanti O Pumatay Ng Kriminal?


 Malapit na ang halalan at ang trending ngayon ay kung sino ang mananalo sa pagiging Presidente ng Pilpinas. Ang isa sa popular na presedential candidate ay si Mayor Duterte ng Davao City, sa totoo lang humahanga ako sa kaniyang mga magagandang nagawa  sa kaniyang lungsod katunayan na katanggap pa ito ng Seal of Good  Local Governance at ayon pa sa Sunstar Davao  ito ay pang apat sa safest city in the world.

DAVAO NOW THE 4TH SAFEST CITY IN THW WORLD
http://www.sunstar.com.ph/davao/local-news/2015/06/23/davao-now-4th-safest-city-414856







Kaya hindi kataka-taka na marami sa ating mga kababayan ang humanga din sa  kaniyang magaling na pamamahala dahilan para siya ay suportahan ng karamihang Pilipino sa bansa at ng OFW na iboto sa 2016 bilang bagong Presidente ng Pilipinas. Lahat naman tayo gusto ng pagbabago sa ating bansa dahil sawa na tayo sa mga pangako ng mga pulitiko kaya napupusuan ng karamihan ay si Mayor Duterte ang solusyon para sa pagbabago.



Nakilala si Mayor Duterte dahil sa kaniyang katapangan at mga pagbabanta sa mga kriminal  sa mga binibitawang salita na papatayin niya ang mga ito, maraming mga kababayan natin ang sumang-ayon sa kaniyang mga sinabi. Pero  hindi rin nilinaw ni Mayor kung ano ang ibig niyang sabihin na papatayin niya ang mga kriminal, maaring ito ay hyperbole lamang gaya ng sabi ni Sen. Mirriam Santiago na ine-exaggerate lang ang pananalita para makakuha ng public attentions.

Pero ang pumapasok sa kaisipan ng lahat ay ang papatay siya gaya ng vigilante group na DDS o Davao Death Squad. Ngayon kung ganito nga ang sistema na papatay siya ng kriminal na hindi dadaan sa paglilitis bago patawan ng parusa ang kriminal ay hindi po ako sumasang-ayon. Hindi po dapat na umasta ang sinuman na parang Dios na magde-desisyon kung bubuhayin o papatayin ang isang masama o mabuti. Ang may karapatan lamang na kumitil ng buhay ay ang Dios:

Deuteronomy 32:39  Tingnan ninyo ngayon, na ako, sa makatuwid baga'y ako nga, At walang dios sa akin: Ako'y pumapatay, at ako'y bumubuhay; Ako'y ang sumusugat, at ako'y ang nagpapagaling: At walang makaliligtas sa aking kamay.

1Samuel 2:6  Ang Panginoo'y pumapatay, at bumubuhay: Siya ang nagbababa sa Sheol, at nagsasampa.


Baka mangangatuwiran po ang iba na may utos na bawal pumatay pero bakit  ang Dios ay pumamatay din, lumabag yata ang Dios sa kanyang utos?
Ang Dios po ay hindi under the law, He is above the law, Siya ay law maker. Walang batas na sumasakop sa Dios kaya wala Siyang nilalabag dahil Siya ang Batas, Siya ang may karapatan na mag-desisyon sa gusto Niyang gawin sa Kaniyang mga nilikha. Pag-inutos Niya na huwag kang papatay ay sumunod po tayo pag-sinabi Niyang pumatay ka ay sumunod pa rin tayo, gaya ng pag-sunod ng mga Propeta noon na bawal sa kanila ang pumatay at pag inutos naman ng Dios na pumatay sila ay papatayin nila.


Maaring mangangatuwiran ang ilan para ma-justify ang killing, na ang papatayin naman n Mayor Duterte ay ang mga masasama, mga kriminal, mga salot gaya ng ginawa ni Propeta Moises, King David at iba pang mga lingkod ng Dios sa Old Testament. Tama po na pumatay sila ng taong masasama pero sila po ay may Direct Authority mula sa Dios ang Dios po ang may utos na patayin nila ang masasama. Bawal ang pumatay sa ating sariling pagpapasiya maliban na lamang kung binigyan ng karapatan ng Dios na gawin ito.


Si Mayor po ay walang direct authority mula sa Dios para maging executioner na papatay ng masama at hindi po siya Dios na hawak niya ang magpapasiya sa mga kriminal at hindi rin siya  propeta na inutusan magsagawa nito, wala po siyang karapatang mula sa Dios dahil hindi naman niya ito nakausap. Kaya kung gagawin niya man ito na papatay na labag sa Batas ng Dios at labag sa batas ng tao ay mapapabilang din siyang isang masama at kriminal.


Masakit po sa damdamin lalo na kung tayo ang  biktima ng karahasan ng kapwa tao, ginawan tayo ng karumadumal gaya ng na sa balita na rape ang bata tapos pinatay at tinapon na lamang sa kung saan-saan. Magpupuyos tayo sa galit at ang iisipin ay ang gumanti at patayin ang may sala. Hindi natin masisi ang ilan sa atin na makaramdam ng ganun dahil ayaw natin ng kriminalidad pero huwag po natin kalimutan na kung tayo man ay Kristyano ay may aral ang Biblia na huwag gumanti.

Isipin mo na lang ang ngyari sa ating Panginoong Hesus siya ay sinaktan, binubog at pinako sa krus di ba masakit yun sa kaniyang Ina na si Maria at pati ng mga alagd, na nakikita ang kaniyang anak na sinasaktan ng harap-harapan pero di sila gumanti dahil nagtitiwala sila sa kaloban ng Dios Ama.  At hayaan na lamang ang Dios ang magsagawa nito, hindi man sa ngayon kundi sa hinaharap na paghuhukom.


Romans 12:19  Huwag kayong mangaghigantihan, mga iniibig, kundi bigyan ninyong daan ang galit ng Dios: sapagka't nasusulat, Akin ang paghihiganti; ako ang gaganti, sabi ng Panginoon.

Hebrew 10:30  Sapagka't ating nakikilala yaong nagsabi, Akin ang paghihiganti, ako ang gaganti. At muli, Huhukuman ng Panginoon ang kaniyang bayan.

Ezekiel 25:17  At ako'y gagawa ng malaking panghihiganti sa kanila na may malupit na mga pagsaway; at kanilang malalaman na ako ang Panginoon, pagka aking isinagawa ang aking panghihiganti sa kanila. 


Ang ating Panginoong Hesus ay nagturo pa nga na kahit sampalin ka ay iharap pa ang kabila na ang kahulugan ay huwag tayong gumanti:

Matthew 5:38
  Narinig ninyong sinabi, Mata sa mata, at ngipin sa ngipin: 
:39  Datapuwa't sinasabi ko sa inyo, Huwag kayong makilaban sa masamang tao: kundi sa sinomang sa iyo'y sumampal sa kanan mong pisngi, iharap mo naman sa kaniya ang kabila.


1Thesalonians 5:15  Tingnan nga ninyo na huwag gumanti ang sinoman ng masama sa masama; nguni't sundin ninyong lagi ang mabuti, ang isa'y sa iba, at sa lahat.


Kahit ang Panginoong Hesus nakaranas ng karahasan sa mga nghuli sa kaniya, pinagtanggol siya ng isang alagad pero pinagsabihan niya:

Matthew 26:51  At narito, ang isa sa mga kasama ni Jesus ay iniunat ang kaniyang kamay at binunot ang kaniyang tabak, at sinugatan ang alipin ng dakilang saserdote, at tinagpas ang kaniyang tainga. :52  Nang magkagayo'y sinabi sa kaniya ni Jesus, Isauli mo ang iyong tabak sa kaniyang lalagyan: sapagka't ang lahat ng nangagtatangan ng tabak ay sa tabak mangamamatay.

Ang mapoot pa nga lang sa kapwa ay tinatawag na namamatay tao lalo na siguro kung papatayin mo pa pisikal.

1John 3:15  Ang sinomang napopoot sa kaniyang kapatid ay mamamatay-tao: at nalalaman ninyong sinomang mamamatay-tao ay hindi pinananahanan ng buhay na walang hanggan.



Kung nais nyo pong mahalal si Mayor Duterte bilang panglo sa 2016 ay nasa pagpasiya niyo po yan, suportahan natin siya sa mabubuting plano niya sa ating bansa  pero huwag po tayong sumang-ayon kung ang kaniyang mga lakad ay gaya na rin ng lakad ng isang masama, huwag tayong makiisa sa kaniya kung ang kilos niya ay labag na sa katuwiran ng Biblia. Kung talagang tayo ay Kristyano sumunod po tayo sa utos  ng Panginoong Hesus:



John 14:15  Kung ako'y inyong iniibig, ay tutuparin ninyo ang aking mga utos. 

Pagtiisan lang natin ang kasamaan ng mga tao dahil malapit na rin matapos ang kanilang pagtatagumpay:

Job 20:5  Na ang pagtatagumpay ng masama ay maikli, at ang kagalakan ng di banal ay sandali lamang?
Hayaan natin na ang Dios ang gumangi kapag nasagawa na Niya ang Paghuhukom sa lahat:

Jude 1:15  Upang isagawa ang paghuhukom sa lahat, at upang sumbatan ang lahat ng masasama sa lahat ng kanilang mga gawang masasama na kanilang ginawang may kasamaan, at sa lahat ng mga bagay na mabibigat na sinalita laban sa kaniya ng mga makasalanang masasama.


Revelations 21:8  Nguni't sa mga duwag, at sa mga hindi mananampalataya, at sa mga kasuklamsuklam, at sa mga mamamatay-tao, at sa mga mapakiapid, at sa mga manggagaway, at sa mga mapagsamba sa diosdiosan, at sa lahat na mga sinungaling, ang kanilang bahagi ay sa dagatdagatang nagniningas sa apoy at asupre; na siyang ikalawang kamatayan.

Sabi nga ng aming Mangangaral minsan ang mga masasama kaya buhay pa ay dahil binibigyan pa sila ng pagkakataong magbago at magbalik loob dahil ibig niya lahat ng tao ay mangaligtas.


1Timothy 2:4  Na siyang may ibig na ang lahat ng mga tao'y mangaligtas, at mangakaalam ng katotohanan. 


Sa ibang artikulo ay alamin naman natin kung ang Death Penalty ay dapat sang-ayunan  at kung ano ang sinasabi ng Biblia about sa Killing for Self Defense.

Salamat sa Dios!

Wednesday, April 22, 2015

Pakikipagkaibigan


Marami po ba kayong kaibigan? Masaya po diba kasi marami kang kilala, maraming  kasama sa kasiyahan, marami kang malalapitan sa panahon ng kalungkutan at mga problemang kinakaharap. Madali lang magkaroon ng kaibigan  kahit sa social media tulad ng Facebook makakahanap tayo kahit hindi man lubusang kilala nagse-sent at nag-aaccept ng friend request ang ilan sa atin.

Ano naman kaya ang aral ng  Biblia sa pakikipagkaibigan? Pwede ba tayong makipagkaibigan sa lahat ng tao? Alamin natin ang sagot ng Biblia na tinuro  sa amin ng aming Mangangaral na ibabahagi ko rin naman sa inyo.

 Basa po tayo:


1Corinthians    9:20  At sa mga Judio, ako'y nagaring tulad sa Judio, upang mahikayat ko ang mga Judio; sa mga nasa ilalim ng kautusan ay gaya ng nasa ilalim ng kautusan, bagaman wala ako sa ilalim ng kautusan upang mahikayat ang mga nasa ilalim ng kautusan; :21  Sa mga walang kautusan, ay tulad sa walang kautusan, bagama't hindi ako walang kautusan sa Dios, kundi nasa ilalim ng kautusan ni Cristo, upang mahikayat ko ang mga walang kautusan. :22  Sa mga mahihina ako'y nagaring mahina, upang mahikayat ko ang mahihina: sa lahat ng mga bagay ay nakibagay ako sa lahat ng mga tao, upang sa lahat ng mga paraan ay mailigtas ko ang ilan.

Hindi naman po pala masama makisama sa lahat ng klase ng tao maging ito ay bakla, tomboy, may kapansanan, mahirap, mayaman o kung ano pa man basta ang importante ay  ang layunin na  maakay ang kapwa tao sa kaligtasan, makabuo ng magandang relasyon sa kanila para madala sa magandang gawain gaya ni Apostol Pablo na nakibagay siya sa lahat ng mga tao upang papaano  may ilang mailigtas siya. Wala namang problema kahit sinong tao ang ating pakisamahan para maakay natin sila sa Dios.


Kung ang intention  sa pakikisama ay upang magkaroon lang ng maraming kaibigan nagiging delikado po yun, masama po ang bunga nito...basa po tayo:



Proverbs 18:24  Ang nagpaparami ng mga kaibigan ay sa kaniyang sariling kapahamakan: nguni't may kaibigan na mahigit kay sa isang kapatid.


Binalita nga minsan na dahil sa pakikipag-accept ng friendship sa facebook may napahamak nakipag eyeball at yun napagsamantalahan, ang iba naman naloloko ng mga scammers.
Kaya tama po talaga ang Biblia na ang nagpaparami ng kaibigan ay sa kanyang sariling kapahamakan. Mapapahamak lang po talaga kung magpaparami  ng kaibigan na  kahit sino na lang, na wala namang mabuting layunin, basta ang gusto lang barkada, may kainuman, may katambay, may makasama sa sugal at kalayawan. Pag ganito  ang hangarin  sa pakikipagkaibigan makakapagpahamak lang ito dahil  ang masamang kaibigan makakasira ng mabuting ugali...basa po tayo:



1Corinthians 15:33  Huwag kayong padaya: Ang masasamang kasama ay sumisira ng magagandang ugali.

Kaya kung nais  makipag-kaibigan mag-ingat po hindi lang basta makikipag-kaibigan para masabing friendly person ka, at saka magastos po ang maraming kaibigan lalo na hindi makaunawa sa sitwasyon mo, ang iba nakikipagkaibigan sayo dahil lang sa pakinabang. Huwag makipagkaibigan sa taong magagalitin , maiksi ang pasensiya sandali galit agad... bawal po ng Dios ang ganun:


Proverbs 22:24  Huwag kang makipagkaibigan sa taong magagalitin; at sa mainiting tao ay huwag kang sasama: :25  Baka ka matuto ng kaniyang mga lakad, at magtamo ng silo sa iyong kaluluwa.



Sabi po huwag makipagkaibigan sa magagalitin, bakit? kasi ang mga ganun ay malapit sa kaguluhan, malapit sa pagpatay ng kapwa kapag magagalitin at baka madamay ka pa ikaw pa mismo gawan ng masama.

Hindi po masama ang makipagkaibigan o pakisamahan ang lahat ng tao basta ang hangad ay maakay sila sa kabutihan, maimpluwensiyahan sila ng kabutihan. Yun naman talaga ang isa sa misyon natin ang makaakay ng kaluluwa upang manumbalik sa Dios kaya gamitin natin ang pakikipagkaibigan na may mabuting layunin. Mas mainam na  imbitahan ang mga kaibigan na dumalo  sa Bible Exposition upang makapakinig ng salita ng Dios , akayin sa mabubuting gawa, mga paglilingkod sa Dios.


Salamat sa Dios!







Tuesday, April 21, 2015

Pwede bang Kumandidato ang isang Mangangaral?

Hindi na bago sa atin na kapag topic ang PULITIKA ang unang sumasagi sa ating isip palagi ay madumi, corruption, mga katiwalian, sabwatan, atbp. pang masamang gawain ng pulitiko sa loob ng kanyang opisina. Pansamantala alisin muna natin yung negative definition sa word na PULITIKA at alamin ang talagang tunay na kahulugan nito.


ANO BA ANG MEANING NG POLITICS?

Word Origin and History for politics
n.

1520s, "science of government," from politic (adj.), modeled on Aristotle's ta politika "affairs of state," the name of his book on governing and governments, which was in English mid-15c. as "Polettiques." Also see -ics.

    Politicks is the science of good sense, applied to public affairs, and, as those are forever changing, what is wisdom to-day would be folly and perhaps, ruin to-morrow. Politicks is not a science so properly as a business. It cannot have fixed principles, from which a wise man would never swerve, unless the inconstancy of men's view of interest and the capriciousness of the tempers could be fixed. [Fisher Ames (1758-1808)]

*** http://dictionary.reference.com/browse/politics


Ang Politics sa orihinal na kahugan  pala ay mabuting pamamahala, is the science of good sense, may kinalaman sa pamamahala ng sambayanan, a science of government.
Hindi pala tama ang sinasabi ng iba na ang Pulitika ay marumi hindi po totoo yun, kaya nagkaroon ng masamang kahulugan ang Politics dahil  ang mga tao na pumasok sa pulitika ang gumawa na maging marumi ito gaya ng ginagawang palakasan, kampi-kampi, mga katiwalian,at iba pang gawang masama na ipinasok  sa pulitika. Sa ating bansa ang Politics ay hindi naman  masama kundi ginawa lamang itong pugad ng kasamaan  ng mga taong matatakaw sa kapangyarihan at kayamanan, ginamit ang pulitika sa sariling interests.

Syempre naman may mga pulitiko din naman na maayos at mabuti  ang kanyang panunungkulan na  mahal ng taong bayan pero majority talaga ang corrupt na pulitiko. Hindi din naman natin masisisi ang mga tao nakasanayan na nilang isipin na ang pulitika ay masama dahil na rin sa mga naitalang kasamaang ginagawa ng mga masamang pulitiko na na bubulgar.


Hindi po  marumi ang Pulitika o ang Gobyerno katunayan tinuro ni Apostol Pablo na magpasakop tayo dahil ang Dios ang naghalal ng mga kapangyarihan ng pamahalaan:

Romans 13:1  Ang bawa't kaluluwa ay pasakop sa matataas na kapangyarihan: sapagka't walang kapangyarihan na hindi mula sa Dios; at ang mga kapangyarihang yao'y hinirang ng Dios. :2  Kaya nga't ang sumasalangsang sa kapangyarihan, ay sa utos ng Dios sumasalangsang: at ang mga nagsisalangsang ay magsisitanggap ng kahatulan sa kanilang sarili.

Tinuro ni Apostol Pablo na dapat magpasakop sa gobyerno o pamahalaan, sumunod sa batas. Ito ngayon ang nagbibigay sa atin ng karapatan na pumili ng leader na bobotohin na sa paningin natin ay karapatdapat na mamuno.

Hindi hindi rin iniaral ng Panginoong Hesus na mag rebelde sa gobyerno ang mga Kristiyano sa  panahong yaon, bagkus inutos pa nga niya na ibigay ang nararapat na buwis sa gobyerno at ibigay ang nararapat sa Dios:

Matthew 22:21  Sinabi nila sa kaniya, Kay Cesar. Nang magkagayo'y sinabi niya sa kanila, Kaya't ibigay ninyo kay Cesar ang sa kay Cesar; at sa Dios ang sa Dios.


Iniutos din ng mga Kristiyano na isama sa panalangin ang mga pinuno:


1Ti 2:1  Una-una nga sa lahat ng mga bagay, ay iniaaral ko na manaing, manalangin, mamagitan, at magpasalamat na patungkol sa lahat ng mga tao; :2  Ang mga hari at ang lahat ng nangasa mataas na kalagayan; upang tayo'y mangabuhay na tahimik at payapa sa buong kabanalan at kahusayan.


PWEDE BANG SUMAMA SA PULITIKA ANG ISANG MANGANGARAL?
Hindi masama na sumama sa pulitika ang isang Mangangaral  kung siya ay mamahala ayon sa kalooban ng Dios gaya din naman ni Propeta Moises na naging pinuno ng bayang Israel na pinamumunan niya ng Theocratic form of Goverment o Gobyernong Maka-Dios. Mabuting gawin ng isang Mangangaral na makapasok sa pulitika ay gumawa ng mga batas na naayon sa Biblia, makatao, maka-Dios na pamamahala.


Sa Dios nagmumula ang pamumuno ng sambayanan sapagkat Siya naglalagay ng mga Hari  o  pinuno at  Siya din naman ang nag-aalis:

Daniel 2:21  At kaniyang binabago ang mga panahon at mga kapanahunan; siya'y nagaalis ng mga hari, at naglalagay ng mga hari; siya'y nagbibigay ng karunungan sa marunong at ng kaalaman sa makakaalam ng unawa;

Ang Dios na  Makapangyarihan sa lahat ang Siyang nagkakaloob ng pamumuno sa sinuman na karapatdapat ayon sa Kanyang ibigin:
Daniel 4:17  Ang hatol ay sa pamamagitan ng pasiya ng mga bantay, at ang utos ay sa pamamagitan ng salita ng mga banal; upang makilala ng mga may buhay na ang Kataastaasan ay nagpupuno sa kaharian ng mga tao, at ibinibigay niya ito sa kanino mang kaniyang ibigin, at itinataas niya sa kaniya ang pinakamababa sa mga tao.

Ang isa pang halimbawa na sumama sa pulitika ay gaya ni Propeta Daniel at ang kanyang mga kaibigan:

Daniel 2:48  Nang magkagayo'y pinadakila ng hari si Daniel, at binigyan siya ng maraming dakilang kaloob, at pinapagpuno siya sa buong lalawigan ng Babilonia, at pinapaging pangulo ng mga tagapamahala sa lahat na pantas sa Babilonia. :49  At si Daniel ay humiling sa hari, at kaniyang inihalal, si Sadrach, si Mesach, at si Abed-nego, sa mga gawain sa lalawigan ng Babilonia; nguni't si Daniel ay nasa pintuang-daan ng hari.


Ang masama ay kung ang Isang Mangangaral  kumandidato sasama sa karumihan ng mga pulitikong nagpaparumi sa pulitika, kung siya ay sasama sa paraan na kanilang pamumuhay, sasama sa kanilang maruruming pamamaraan ng pamamahala. Gaya ni Propeta Daniel na nagkaroon ng mataas na katungkulan  sa pulitika o gobyerno  ni King Nebuchadnessar pero hindi siya nakihalubilo sa karumihan ng pamahalaang yao gaya ng pagsamba sa dios-diosan.

Kaya kung ang isang Mangangaral kumandidato na alam niyang maraming dumi ang pulitikang sasamahan niya gaya halimbawa ng pamamalakad ni Ex. Pres. Arroyo, Erap..etc. o kaya naman ng mga nakakulong na senador na sina Revilla, Estrada at Enrile dahil sa katiwalian ng panahon ng termino nila at nakihalubilo ang Mangangaral sa maruming gawain ng mga pinunong ganun sa ilalim ng pamamahala niya hindi dapat botohin ang Mangangaral na yun.

Hindi masama ang pulitika pero kapag narumihan na ito gaya ng ginagawa ng masasamang  pulitiko na gustong magpayaman ng mapayaman nagiging pansanlibutan na ito sapagkat ang hangarin ng kayang puso  ay magnakaw na ng pera sa kaban ng bayan sa ganitong sitwasyon hindi dapat humalubilo ang isang Mangangaral sa sanlibutan gaya ng karumihan na ginawa ng tao sa pulitika.

Hindi nararapat ihalal ang isang Mangangaral  na  kumandidato sa pulitkang alam niyang maraming dumi dahil sa kagagawan ng tao,  hindi siya maaring kumandidato dahil mahirap maglingkod  sa dalawang panginoon.


Matthew 6:24  Sinoma'y hindi makapaglilingkod sa dalawang panginoon: sapagka't kapopootan niya ang isa, at iibigin ang ikalawa: o kaya'y magtatapat siya sa isa, at pawawalang halaga ang ikalawa. Hindi kayo makapaglilingkod sa Dios at sa mga kayamanan.

Kasi kapag ang isang Mangangaral pumasok sa pulitika at nakiayon siya sa mga karumihang ng masasamang  pulitiko gaya ng pagnanakaw ng pera, masisira ang kanyang paglilingkod sa Dios,  hindi niya magagawang maglingkod na pagsabayin ang paglilinkod sa Dios at paglilingkod sa pera o kayamanan , dahil ang resulta maaring mabulag siya ng pera at lisanin ang paglilingkod sa Dios.
Sapagkat ang kawal ng Dios ay hindi dapat makihalubili sa mga bagay ng buhay:

2Timothy 2:4  Sinomang kawal na nasa pagkakawal ay hindi nahalubilo sa mga bagay ng buhay na ito; upang siya'y kalugdan niyaong nagtala sa pagkakawal.

Ibig sabihin ang mga bagay ng buhay gaya ng mga worldy things, corruptions, evil affairs  hindi dapat makihalubilo ang isang Mangangaral, kaya kahit na sa loob siya ng pulitika na namamahala manatili siyang kawal o Mangangaral  na hindi humahalubilo sa mga karumihanng nasa loob nito, makisama siya ng pakikiasamang Kristiyano pero hindi dapat makihalubilo sa kanilang maruruming pamamaraan ng pamamalakad.


Nasagot na po natin ang tanong, pwede kumandidato ang isang Mangangaral sa pulitika basta wag lamang siyang sasama o makihalubilo  sa karumihang nasa loob nito, mamahala siya ng may pagka-Dios na ang layunin ay maglingkod sa Dios at sa sambayanang nasasakupan niya at hindi dahil sa perang kikitain o magpayaman na gaya ng ginagawa ng ibang masamang pulitiko.

Salamat sa Dios!



Thursday, April 16, 2015

Ang Utos sa Babaeng Kristiyana


May naka-usap ako na isang babae pero hindi ako sure kung saang denominations siya kabilang, kung sa  born again sect ba siya o katoliko ang sabi niya kasi  hindi naman bawal sa isang babaeng Kristiyana ang magsuot ng alahas at mamahaling damit kundi ang mahalaga daw ay walang intensiyong masama sa pag-suot nito.

Sa palagay ko hindi siya naturuan ng kanilang preacher kung ano ang mga utos na dapat sundin ng isang babaeng Kristiyana. Ngayon ay ibabahagi ko sa inyo ang aral na tinuro ng aming Mangangaral tungkol sa mga ilang utos sa isang babaeng Kristiyana.

Ang una-unang kautusan sa babae ay pagiging mahinhin:

1Peter 3:2  Sa pagkamasid nila ng inyong ugaling mahinhin na may takot. :3  Na huwag sa labas ang kanilang paggayak na gaya ng pagpapahiyas ng buhok, at pagsusuot ng mga hiyas na ginto, o pagbibihis ng maringal na damit; :4  Kundi ang pagkataong natatago sa puso na may damit na walang kasiraan ng espiritung maamo at payapa, na may malaking halaga sa paningin ng Dios. :5  Sapagka't nang unang panahon, ay ganito naman nagsigayak ang mga babaing banal na nagsiasa sa Dios, na pasakop sa kanikaniyang asawa;

Marami po kasing kababaihan ang reckless sa kanilang pananamit na halos gusto ng ilabas  ang hindi naman dapat ilabas. Sumasabay sa fashion kung ano ang uso yun din ang gagayahinkahit mahalay na sa mata. Ayon sa verse dapat may ugaling mahinhin, ang pagayak ay hindi mga palamuti ng buhok, pagsuot na mga hiyas na ginto (alahas) o marinagl na damit (branded clothes) , tinuturo sa kababaihan ang maging simple, lamang dahil ang mahalaga sa Dios ay ang pagkataong natatago sa puso. Ganyan kasi nanamit ang mga babaing banal noon kaya dapat din silang tularan at hindi yung mga artista o model na napapanood. Sinasabi din ng verse na ang babae ay  dapat umaasa sa Dios, pasakop sa kani-anilang asawa:


1Timothy 2:11  Ang babae'y magaral na tumahimik na may buong pagkapasakop. :12  Nguni't hindi ko ipinahihintulot na ang babae ay magturo, ni magkaroon ng pamumuno sa lalake, kundi tumahimik. :13  Sapagka't si Adam ay siyang unang nilalang, saka si Eva;

Kailangan pala pasakop ang isang Kristiyang babae sa kaniyang asawa, mag-aral na tumahimik o huwag yung bungangera na laging dinadakdakan ang asawa. Walangkarapatan ang babae na pamunuan ang lalaki bawal na bawal ng Biblia yun na i-under ni babae si asawang lalaki. Baka ma-misinterpret niyo po  ang tinutukoy na asawang pagpapasakupan ng babae ay lalaking kristiyano at hindi lasenggo o masamang asawa.

Ito pa ang aral ng Dios sa babae:


Proverbs 31:11  Ang puso ng kaniyang asawa ay tumitiwala sa kaniya, at siya'y hindi kukulangin ng pakinabang. :12  Gumagawa siya ng mabuti sa kaniya at hindi kasamaan lahat ng mga kaarawan ng kaniyang buhay. :13  Siya'y humahanap ng balahibo ng tupa at lino, at gumagawang kusa ng kaniyang mga kamay.


Yan ay  aral ng Dios lalo na sa babaeng Kistiyanang may asawa. Siya ay dapat katiwa-tiwala, kapaki-pakinabang, gumagawang kusa ang kaniyang kamay o ibig sabihin naghahanap buhay  o kung hindi man ay gumagawa ng kusa ng gawaing bahay,at  gumagawa ng kabutihan sa kanyang asawa.




Napakaganda talaga ng aral ng Dios  sa babae na sana mataglay ito ng bawat isa na  naniniwala na Kristiyana sila. Marami pa pong aral ang Biblia at kung gusto niyo po ay iniimbitahan kopo kayo na dumalo sa aming mga ginaganap na Bible Exposition o Mass Indoctrination sa malalim pa na pagsusuri ng Banal na Kasulatan sa pangunguna ng aming mga Mangangaral.




Salamat sa Dios!









Wednesday, March 4, 2015

Huwag Patulan ang Maninira Sayo


Sadyang may mga tao talaga na ang ugali ay siraan ang kapwa dahl sa inggit kadalasan ngyayari ito sa trabaho na may mga taong gusto mapadali ang promotion ay sisiraan ka sa inyong boss.

Kahit pagdating sa relihiyon may mga kaibayo tayo sa pananampalataya na nais ibagsak ang ating kinaaniban  na pasamain sa mata ng tao,  ngyayari po ito sa aming samahan na lahat halos ng sekta sa Pilipinas ay nagsanib pwersa para ibagsak ang Iglesia na kinaaniban namin.

Kahit na ganun tinuturo sa amin ng aming mga Mangangaral na mga taogaun ay huwag dapat labanan. uao a Kristano  ang Dios ang lalaban para sa atin..sabi niya magiging kaaaway ako ng iyong mga kaaway:

Exodus 23:22  Datapuwa't kung didinggin mong lubos ang kaniyang tinig, at gagawin mo ang lahat ng aking sinasalita; ay magiging kaaway nga ako ng iyong mga kaaway, kaalit ng iyong mga kaalit.

Pabayaan lang natin sila at huwag mag alala kung may taong gustong magbagsak sayo ang Dios ang magbabagsak sa kanya gigibain sila ng Dios...basa po tayo:

1Corinhans  3:16  Hindi baga ninyo nalalaman na kayo'y templo ng Dios, at ang Espiritu ng Dios ay nananahan sa inyo?  Kung gibain ng sinoman ang templo ng Dios, siya'y igigiba ng Dios; sapagka't ang templo ng Dios ay banal, na ang templong ito ay kayo.

Ang Dios ang gigiba sa mga gustong gumiba sakanyang mga lingkod ipaubaya natin sa ating Ama ang lahat Siya na ang bahala sa kanila huwag tayong mag-isip man na gumanti mga kapatid at kababayan ko ang Dios ang gaganti para sa atin bigyan daan natin ang Kanyang galit:

Romans 12:19  Huwag kayong mangaghigantihan, mga iniibig, kundi bigyan ninyong daan ang galit ng Dios: sapagka't nasusulat, Akin ang paghihiganti; ako ang gaganti, sabi ng Panginoon.

Hebrews 10:30  Sapagka't ating nakikilala yaong nagsabi, Akin ang paghihiganti, ako ang gaganti. At muli, Huhukuman ng Panginoon ang kaniyang bayan.



Salamat sa Dios!

Wednesday, February 11, 2015

Huwag Gumanti ng Masama sa Masama


Natural na reaksiyon ng tao pag ginawan ng masama ay ang makaisip na gumanti din ng masama halimbawa minura ng isang tao ang kausap niya  ang kadalasan na ganti ng minura ay magmura din ng pabalik  doble o triple pa, sunod-sunod na pagmumura. Iba naman kapag sinaktan pisikal ang resbak ay  gumanti din ng pananakit, naturalisa po talaga ng tao yun lalo na kapag short temper person  at wala pang alam sa aral ng Dios.

 Ang iba naman kung hindi pisikal na pag-higanti ay dinadaan sa emotional na paghihiganti, pagnasaktan ang damdamin nais din makasakit ng feelings ng iba. Narinig ko nga minsan sa kasamahan ko sabi niya  niloloko siya ng kanyang asawa dahil nambabae  ang  advice naman sa kanya ng isa ko pang kasamahan na manlalaki din siya ng makaganti para quits na.

Masama po ang gumanti ng masama sa masama yan po ay pinagbabawal ng Dios na gawin natin hindi naman kasi makakatulong yan para mapabuti tayo bagkus nakakadagdag pa ng galit at nagkakasala pa tayo.
 


1Th 5:15  Tingnan nga ninyo na huwag gumanti ang sinoman ng masama sa masama; nguni't sundin ninyong lagi ang mabuti, ang isa'y sa iba, at sa lahat.
Sa halip na masama ang iganti natin ang nararapat gawin ay daigin ito ng mabuti:


Rom 12:21  Huwag kang padaig sa masama, kundi bagkus daigin mo ng mabuti ang masama.

Kabutihan ang pinang-gaganti sa masama...pag minura o pinagsasalitaan tayo ng masasakit huwag ng pumatol pa at mas  lalo na kung inanalimura tayo dahil sa Panginoong Hesus mas mabuting manahimik na lang at tanggapin na mapalad tayo.

Mat 5:11  Mapapalad kayo pagka kayo'y inaalimura, at kayo'y pinaguusig, at kayo'y pinagwiwikaan ng sarisaring masama na pawang kasinungalingan, dahil sa akin.


Kapag nambabae  si Mister  mga Misis huwag mo namang gantihan ng panlalaki kasi sa halip na siya lang ang nagkasala ay madadamay ka rin dahil gagantihan mo rin ng paggawa ng isa pang kasalanan magiging dalawa na kayo na nagkakasala, mali po ang ganun. 

Ang nararapat na iganti ay pagmamahal, pagtatapat sa kapareha malay mo loobin balang araw mare-realize din niya at makonsensiya at  titigil din siya at mamahalin kapa lalo.

Sinaktan ka man pisikal huwag na lang gumanti ng pananakit pabalik umiwas na lang pero kung hindi mo talaga matangap maari din naman daanin na lang sa hustisya ng tao. Mahirap talaga  gawin lalo na kung sobrang kasamaan na ang ginawa sa atin pero dahil Kristiyano tayo dapat ipaubaya na lang natin sa Dios Ama ang pag-higanti bahala na sa Kanya ang Ama kung  anong paraan niya sasawayin ang taong gumawa sayo:



Rom_12:19  Huwag kayong mangaghigantihan, mga iniibig, kundi bigyan ninyong daan ang galit ng Dios: sapagka't nasusulat, Akin ang paghihiganti; ako ang gaganti, sabi ng Panginoon.

Salamat sa Dios dahil kinasangkapan Niya ang  aming kinikilalang Mangangaral na turuan kami na huwag gumanti ng masama sa masama ayon sa Biblia.


Salamat sa Dios!



Thursday, January 22, 2015

May Perpekto Bang Tao?

Kadalasan nating naririnig ang katuwiran na "walang perpektong tao" kapag nagkakamali o sumasablay sa pagkios o may nakikitang kapintasan sa kapwa. Pero totoo po ba na walang perpektong tao na nabuhay sa mundo?

Bago natin sagutin yan mula sa Biblia bigyan ko muna  kayo ng maikling paunang paliwanag ng sa ganun ay maiwasan ang katanungang gugulo sa inyong kaisipan.

Sa pamantayan ng tao ang salitang "PERPEKTO" sa kastila, "perfect" sa english at "sakdal" sa tagalog  ay yaong hindi nagkakasala, walang kapintasan sa pisikal, pag-uugali, walang sablay na kilos o gawa man sa mga pantayan na ganyan  nasasabi nating wala talagang perpektong tao  sa mundo sapagkat walang indibidual  may taglay ng ganyang lahat na katangian sa basehan ng tao.

Sa Biblia po iba ang kahulugan ng Perfect o sakdal kesa sa alam nating mga tao, kung sa pamantayan ng tao ang ating standard para matawag na perpekto sa Makapangyarihang Dios po iba dahil para sa Kanya pwede Niyang tawaging perpekto ang tao kahit hindi ganun sa  tingin ng tao.

Ano ba ang kahulugan ng PERFECT o Sakdal sa Biblia?...basa po tayo:

 Jas 3:2  For in many things we offend all. If any man offend not in word, the same is a perfect man, and able also to bridle the whole body.

 Jas 3:2  Sapagka't sa maraming mga bagay tayong lahat ay nangatitisod. Kung ang sinoman ay hindi natitisod sa salita, ay isang taong sakdal ang gayon, may kaya rin namang makapigil ng buong katawan.


Ang tinatawag na sakdal o PERFECT pala  ay yung taong hindi natitisod sa Salita ng Dios pagka lahat ng Salita ng Dios pinaniniwalaan ng tao tinatawag siyang  sakdal o perfect.  Pero kahit na perfect ang tawag ng Biblia hindi naman ibig sabihin na hindi sila nakakagawa ng kasalanan o pagkakamali..hindi po ganun kasi kahit matuwid ang tao nagkakasala pa rin naman siya:

Ecc 7:20  Tunay na walang matuwid sa lupa, na gumagawa ng mabuti, at hindi nagkakasala.

Kahit na matuwid ka man gaya ng mga Apostol ay nagkakasala pa rin subalit  tinatawag pa rin silang sakdal,  PERFECT ng Biblia. Ang mga halimbawa na PERPEKTONG TAO  ayon sa pagpapakilala ng Biblia:

Si Noah...


Gen 6:9  These are the generations of Noah: Noah was a just man and perfect in his generations, and Noah walked with God.


Si Job...


Job 1:1  There was a man in the land of Uz, whose name was Job; and that man was perfect and upright, and one that feared God, and eschewed evil.


Si Zacarias at Elisabeth mga taong lumalakad ng walang kapintasan sa utos ng Dios at matuwid  sa harapan ng Dios...

Luk 1:5  There was in the days of Herod, the king of Judaea, a certain priest named Zacharias, of the course of Abia: and his wife was of the daughters of Aaron, and her name was Elisabeth.
Luk 1:6  And they were both righteous before God, walking in all the commandments and ordinances of the Lord blameless.


Kahit si Apostol Pablo ay perpekto din pati ang mga kausap niya sa verse kapareho niyang perpekto:


Php 3:15  Let us therefore, as many as be perfect, be thus minded: and if in any thing ye be otherwise minded, God shall reveal even this unto you.

Php 3:15  Kaya nga, kung ilan tayong mga sakdal, ay magisip ng gayon: at kung sa anoma'y nangagkakaiba kayo ng iniisip ay ipahahayag naman ito sa inyo ng Dios:



Ang Dios may  ginawa Siyang perpektong mga tao...

Heb 12:23  To the general assembly and church of the firstborn, which are written in heaven, and to God the Judge of all, and to the spirits of just men made perfect,

Tayong mga tao ay inuutusan ng Dios na maging perfect at alam naman natin na ang ating Dios ay hindi mag-uutos ng non-sense na hindi kayang gawin ng tao kaya niya inutos dahil pwede nating magawa ang maging perpekto sa paningin Niya kahit hindi sa pamantayan ng tao...


Mat 5:48  Be ye therefore perfect, even as your Father which is in heaven is perfect.

2Co_13:11  Finally, brethren, farewell. Be perfect, be of good comfort, be of one mind, live in peace; and the God of love and peace shall be with you.


Nasagot na ang ating katanungan kung may tao bang perpekto na nabuhay sa mundo at ayon sa ating nabasa mula sa kasulatan ay meron po. Sa pamantayan ng tao hindi papasa ang sinuman sa salitang "perfect" pero dapat po nating mas paniwalaan ang pamantayan ng Dios kesa sa tao.

Sa ating Mapagmahal na  Dios basta't hindi tayo natitisod sa Kanyang mga salita, pinaniniwalaan natin tayo man ay maaring tawaging PERPEKTONG TAO ng Dios.



Salamat sa Dios!

Thursday, January 8, 2015

Matuto Tayong Magpatawad

Hindi talaga maiiwasan minsan na kapag ang isang tao ay nakagawa ng kasalanan sa atin lalo na kapag masamang-masama na yung ginawa niya ay ang hirap magbitaw ng pagpapatawad sa taong yaon.

Pero bilang mga tagasunod ng ating Panginoong Hesus paano ba natin patatawarin yung mga taong nagdulot sa atin ng sama ng loob, mga pang-aapi, pang-alipusta o pananakit pisikal.

Instinct na kasi sa tao na kapag ang kapwa nakagawa ng kasamaan sa kanyang kapwa ang reaction ng taong nasaktan ay ang makaganti. Nawawala sa control ang tao, may mga tao na mainitin ang ulo...madaling magalit  halimbawa may sumuntok sayo ang agad na papasok sa isip mo ay suntukin din siya pabalik..ang iba pa nga sa tindi ng galit papatayin pa ang gumawa nun sa kanya.

Ang isang Kristiyano ay hindi dapat malungkot o magalit kung ang kapwa ay makagawa ng kasalanan bagkus dapat pa ngang maging masaya  yan ang turo po sa amin ng aming Mangangaral na galing sa diwa ng Biblia. Parang iisipin niyo na kalokohan yata yun na ginawan ka nga ng masama, nagkasala na nga sayo ay magiging masaya pa ang reaction natin.


Ganito po ang paliwanag ng aming Tagapagturo na  kung ang isang tao ay nagkasala laban sayo ito ay isang opportunity na binibigay sayo ng Dios para magpatawad ka.  Kasi  ang kasunod na iisipin mo bilang Kristiyano   kapag nakaranas ka ng ganun   ay ang magpatawad.
Bakit po?...basa po tayo:


Mat 6:14 
Sapagka't kung ipatawad ninyo sa mga tao ang kanilang mga kasalanan, ay patatawarin naman kayo ng inyong Ama sa kalangitan.


Sabi po ng Panginoon  pag pinatawad mo ang tao sa kanilang mga kasalanan patatawarin ka rin ng Dios Ama. Kaya kapag ang isang tao makagawa ng kasalanan sa atin  ay mabuti po yun kasi may opportunity ka na magpatawad at kapag nagawa mong magpatawad ang Dios Ama naman ay makakahanap ng opportunity na patatawarin ka rin  Niya  sa iyong mga kasalanan.

Kaya sa ating sariling pakinabang pa rin kung magpapatawad tayo kasi kapag nagpatawad ka binibigyan mo ng opportunity ang Dios Ama na patawarin ka rin pero kung hindi ka naman  magpatawad ay tinatanggal mo ang pagkakataon na patawarin ka ng Dios  Ama sa iyong mga kasalanan. Bakit?...basa po tayo sa kasunod na verse:


Mat 6:15  Datapuwa't kung hindi ninyo ipatawad sa mga tao ang kanilang mga kasalanan, ay hindi rin naman kayo patatawarin ng inyong Ama ng inyong mga kasalanan.


Sabi kapag hindi ka nagpatawad hindi ka rin patatawarin kaya kapag binigyan ka ng chance na magpatawad at nagpatawad ka sa mga taong nagkasala sayo ay binigbigyan mo ng chance ang Dios Ama na patawarin ka rin, yun ang gusto niya sa atin na matuto po tayong  magpatawad para patawarin tayo, pinapraktis ng Dios ang Kanyang Hustisya.

Napakahirap po talaga magpatawad pero kailangan nating sumunod sa utos ng ating Panginoong Hesus, sa halip na magalit tayo sa mga taong gumagawa sa atin ng pagkakasala ay mas dapat na lalo tayong matuwa kasi pagkakataon na po natin yun na tayo ay mapatawad din naman ng ating Dios Ama kung sila ay ating patatawarin.


Salamat sa Dios!



Friday, January 2, 2015

Ang Armageddon


Ang salitang  Armageddon ay mula sa Hebrew na "har magiddo"


Ἀρμαγεδδών
Armageddōn
ar-mag-ed-dohn'
Of Hebrew origin [H2022] and [H4023]; Armageddon (or Har-Megiddon), a symbolical name: - Armageddon.

 har - Strong H2022 - meaning "a mountain or range of hills (sometimes used figuratively): - hill (country), mount (-ain), X promotion." This is a shortened form of Harar -

Megiddo - Strong מְגִדּוֹן H4023 /meg-id-do'/ "Megiddon or Megiddo, a place of crowds.")


Ang salitang Armageddon ay isang beses na binaggit sa Biblia sa aklat ng Apocalipsis 16: 16 basahin po natin sa loob ng context para malaman natin kung ano ito..basa po tayo


Rev 16:14  Sapagka't sila'y mga espiritu ng mga demonio, na nagsisigawa ng mga tanda; na pinaparoonan nila ang mga hari sa buong sanglibutan, upang tipunin sa pagbabaka sa dakilang araw ng Dios, na Makapangyarihan sa lahat.
Rev 16:15  (Narito, ako'y pumaparitong gaya ng magnanakaw. Mapalad siyang nagpupuyat, at nagiingat ng kaniyang mga damit, na baka siya'y lumakad na hubad, at makita nila ang kaniyang kahihiyan.)
Rev 16:16  At tinipon sila sa dako na sa Hebreo ay tinatawag na Armagedon.
Rev 16:17  At ibinuhos ng ikapito ang kaniyang mangkok sa hangin; at lumabas sa santuario ang isang malakas na tinig, mula sa luklukan na nagsasabi, Nagawa na:
Rev 16:18  At nagkaroon ng mga kidlat, at mga tinig, at mga kulog; at nagkaroon ng malakas na lindol, na di nangyari kailan man mula nang magkatao sa lupa, isang lindol na lubhang malakas, lubhang kakilakilabot.
Rev 16:19  At ang dakilang bayan ay nabahagi sa tatlo, at ang mga bayan ng mga bansa ay nangaguho: at ang dakilang Babilonia ay napagalaala sa paningin ng Dios, upang siya'y bigyan ng inuman ng alak ng kabagsikan ng kaniyang kagalitan.
Rev 16:20  At tumakas ang bawa't pulo, at ang mga bundok ay hindi nangasumpungan.



Ang Armageddon ayon sa Biblia  ay isang lugar na kung saan magaganap ang huling pagbabaka sa pagitan ng mabuti at masama. Ang  mga espiritu ng demonio ay paparoon sa mga hari ng sanlibutan upang tipunin sila sa pagbabaka sa dakilang araw ng Dios na Makapangyarihan sa lahat. Sa dako na tinatawag na Armageddon doon magaganap ang huling pagbabaka ng masama at mabuti at pagkatapos na magtagumapay ang mabubuti laban sa masasama magkakaroon ng malakas na lindol pagkatapos  mga guguho ang mga bansa at kakilakilabot na mga bagay ang kasunod nito yun na ang umpisa ng pagpaparusa ng Dios ng walang hanggan sa mga taong masasama.

Salamat sa Dios!

Tuesday, December 23, 2014

Kahalagahan ng Pagpapatawad sa Panalangin


Hindi po lahat ng panalangin natin ay dinidinig Dios kung tayo ay hindi  marunong magpatawad sa mga taong nakagawa sa atin ng kasalanan.

Halimbawa may na kaaway tayo na nakagawa  ng kasamaan sa atin tapos hindi natin magawang magpatawad ay hindi rin po tayo patatawarin ng Dios at ang ating mga panalangin ay hindi Niya pakikinggan. Basa po tayo...


Mat 6:14  Sapagka't kung ipatawad ninyo sa mga tao ang kanilang mga kasalanan, ay patatawarin naman kayo ng inyong Ama sa kalangitan.
Mat 6:15  Datapuwa't kung hindi ninyo ipatawad sa mga tao ang kanilang mga kasalanan, ay hindi rin naman kayo patatawarin ng inyong Ama ng inyong mga kasalanan.


Papaano tayo pakikinggan ng ating Dakilang Dios kung meron din tayong ayaw patawarin. Hanggang hindi tayo marunong magpatawad muna ay hindi Niya tayo pakikinggan at hindi din naman makakatamo ng  kapatawaran.

Napakahirap po talaga minsan  magpatawad lalo na kung sobrang kasamaan ang nagawa sa atin pero kailangan nating magpatawad kung gusto nating mapakinggan ng Dios ang ating mga kahilingan sa panalangin. Kaya  nagturo ang Panginoon Hesus ng ganitong panalangin:


Mat 6:9-13  Magsidalangin nga kayo ng ganito: Ama namin na nasa langit ka, Sambahin nawa ang pangalan mo. Dumating nawa ang kaharian mo. Gawin nawa ang iyong kalooban, kung paano sa langit, gayon din naman sa lupa.  Ibigay mo sa amin ngayon ang aming kakanin sa araw-araw.  At ipatawad mo sa amin ang aming mga utang, gaya naman namin na nagpatawad sa mga may utang sa amin.   At huwag mo kaming ihatid sa tukso, kundi iligtas mo kami sa masama. Sapagka't iyo ang kaharian, at ang kapangyarihan, at ang kaluwalhatian, magpakailan man. Siya nawa.

Yan ang modelong panalangin na inihalimbawa ng Panginoong Hesus nandoon yung pagpapatawad para marinig ng Dios  Ama. Turo nga po ng aming Mangangaral na kapag may makagawa sa atin ng kasalanan ay magpasalamat tayo sa halip na magalit kasi opportunity po yun na tayo ay mapatawad ng Dios sa ating mga kasalanan. Bakit ganun? Kasi pagnakagawa ang kapwa ng kasalanan sa atin ay mapipilitan tayong patawarin siya para mapatawad  din tayo ng Dios Ama sa mga kasalanang nagawa natin at pakikinggan Niya pa ang ating panalangin.

Kung halimbawa naman hindi mo talaga mapatawad yung kaaway mo dahil ginawan ka ng krimen, pinatay yung mahal sa buhay o di kaya naman ni-rape yung anak mo, etc..napakabigat po sa loob na patawarin ang mga taong ganun. Pero ganun pa man kung hindi mo magawang patawarin ang taong yaon ang advice ng aming Tagapagturo ay dumiretso na lang tayong humingi ng tawad sa Dios:


Psa 32:5  Aking kinilala ang aking kasalanan sa iyo, at ang aking kasamaan ay hindi ko ikinubli: aking sinabi, aking ipahahayag ang aking pagsalangsang sa Panginoon; at iyong ipinatawad ang kasamaan ng aking kasalanan.

Sa Panginoon na lang humingi  ng tawad kung hindi  mapatawad, mauunawaan po ng Dios dahil Siya naman ay Hustisya kaya po ipasa kamay ng Dios na lang  ang taong yaon at hayaan na lang ang Makapangyarihan ang gumanti sa kanya  sa ganung paraan mawawala ang pait na nasa puso.

Kaya po bago  tayo dumaing, humingi ng tawad sa panalangin natin sa Dios Ama  ay isipin po muna natin kung may mga tao tayong hindi pa napatawad kasi magiging walang kabuluhan lang ang ating dasal kung mayroon naiwan sa likod natin na hindi  napatawad. Patawarin muna natin sila saka tayo manalangin sa Dios upang ang ating mga kahilingan ay pakinggan.

Salamat sa Dios!



Sunday, November 23, 2014

Upang Maligtas Umalis Ka sa Mali

Maraming relihiyon ngayon ang naglipana  sa mundo at ang bawat isa ay nag-aangkin na sila ang nasa katotohanan subali't hindi maaring ang lahat ay nasa katotohanan kasi ang katotohanan ay isa lamang hindi pwede yung isa ay  totoo at ang isa ay totoo din o ang iba ay totoo din naman.

Pag-ganun kung lahat ay nasa katotohanan bakit hindi nagkakaisa sa pananampalataya at sa aral na kanilang pinapangaral. Iisa lamang po ang totoong relihiyong nasa Biblia at yun ang Iglesia ng Dios na dapat aniban ng mga tao. Maliban sa Iglesia ng Dios lahat ba ng relihiyon ay may kaligtasan?

Turo  po ni Bro.Eli ang lahat ng tao po ay may kaligtasan hindi natin  pwedeng tanggalin ang karapatang ito  kahit ano pa ang relihiyon niya basta susunod siya  sa Dios ay may pag-asa po  sa buhay na walang hanggan. Ang gagawin lamang po halimbawa natuklasan mong mali pala yung kinakaaniban mong relihiyon at nabasa mo sa Biblia na dapat kang sumunod sa Dios na umalis ka sa mali  ay may pag-asang maliligtas ka...basa po tayo:


2Co 6:17  Kaya nga, Magsialis kayo sa kanila, at magsihiwalay kayo, sabi ng Panginoon, At huwag kayong magsihipo ng mga bagay na marumi, At kayo'y aking tatanggapin,
 
Ang Dios po natin ay nakahandang tanggapin ang sinuman na sumunod sa Kanyang utos at ang isa dun ay ang umalis sa mali. Pag-nakita mong mali na  ang tinuturo ng relihiyon mo na walang batayan sa Biblia at puro imbento lang lisanin mo na po at sumunod  sa sinasabi ng Dios na umalis gaya ng mga Israelita na pinapaalis ng Dios sa mali...basa po tayo:

Isa 52:11  Kayo'y magsiyaon, kayo'y magsiyaon, kayo'y magsialis doon, huwag kayong magsisihipo ng maruming bagay; kayo'y magsilabas sa gitna niya; kayo'y mangagpakalinis, kayong nangagdadala ng mga sisidlan ng Panginoon.


Maliwanag na pinapaalis ng Dios ang tao  sa mali at upang magpakalinis, sinabi rin po yan sa mga taga-Roma na umalis sa mali...basa po tayo:


Rom 16:17  Ngayo'y ipinamamanhik ko sa inyo, mga kapatid, na tandaan ninyo yaong mga pinanggagalingan ng pagkakabahabahagi at ng mga katitisuran, laban sa mga aral na inyong nangapagaralan: at kayo'y magsilayo sa kanila.
Rom 16:18  Sapagka't ang mga gayon ay hindi nagsisipaglingkod sa Cristong Panginoon, kundi sa kanilang sariling tiyan; at sa pamamagitan ng kanilang mabuting pananalita at maiinam na mga talumpati ay dinadaya ang mga puso ng mga walang malay.

Kaya pinapaalis tayo ng Dios sa mga manloloko  gaya ng mga pastor na nangangaral na walang batayan sa kasulatan kundi nandadaya ng walang malay na miembro  sa pamamagitan ng matatamis na pananalita  sapagkat sila ay naglilingkod sa kanilang tiyan at  hindi sa  Cristong Panginoon natin.


Mga kababayan huwag po nating gawing katwiran na kahit anong relihiyon basta naniniwala sa Dios ay ok na, alamin po natin kung ang Iglesiang ating kinabibilangan ay nakaayon ang aral sa mga nakasulat sa Biblia. Magsuri po tayo at magbasa ng Biblia ng sa ganun kung matuklasan mong mali ang relihiyon mo ay sumunod po tayo sa Dios na  umalis sa mali  at hanapin ang totoo ng makamtan natin ang ating inaasam na kaligtasan.

Salamat sa Dios!