Masaya po ang may kasama tayo sa buhay dahil malungkot po talaga ang nag-iisa, at ng may makakatulong sa lahat ng pag-subok na hinaharap natin pero ang tanong paano ba tayo makakasiguro na ang ating mapipili ay siya yung nararapat para sa atin. Sa paksang ito ay pag-aralan natin ang patungkol sa paghahanap ng makakasama sa buhay o mapapangasawa.
Ako po ay may asawa na kaya ang paksang ito ay hindi na applicable pa sa akin, ito po ay maikling insert lamang na mula sa pagtuturo ni Bro.Eli. Hindi ko narinig ang aral na ito bago ako mag-asawa at hindi pa ako kaanib that time ang mga gawa ko ay kalaban ng Biblia pero salamat sa Dios kahit papaano ay nagsisikap ako makasunod sa awa at tulong ng Dios. Ganun pa man ibabahagi ko po ito sa mga dalaga at binata na bisita sa blog na ito na nag-iisip kung paano matutumbok ang tamang kapareha nakasang-ayon sa Biblia.

Problema sa iba kung paano sila makakatagpo ng perfect someone, ang iba naman ay natatakot mag-asawa baka mali ang kanilang mapili. Alam niyo po kung nagtitiwala po kayo sa magagawa ng Dios ay hindi ito makakapagpabalisa sa inyo sabi nga po ni Bro. Eli si Adan nga ay hindi humanap o humingi ng asawa pero pagkagising niya meron na siyang asawa...malay niyo kayo din...basa po tayo:
Gen 2:21 At hinulugan ng Panginoong Dios ng di kawasang himbing ang lalake, at siya'y natulog: at kinuha ang isa sa kaniyang mga tadyang at pinapaghilom ang laman sa dakong yaon:
Gen 2:22 At ang tadyang na kinuha ng Panginoong Dios sa lalake ay ginawang isang babae, at ito'y dinala niya sa lalake.
Gen 2:23 At sinabi ng lalake, Ito nga'y buto ng aking mga buto at laman ng aking laman: siya'y tatawaging Babae, sapagka't sa Lalake siya kinuha.
Gen 2:24 Kaya't iiwan ng lalake ang kaniyang ama at ang kaniyang ina, at makikipisan sa kaniyang asawa: at sila'y magiging isang laman.

Diba po hindi po humingi si Adan ng mapapangasawa niya pero ng makita ng Dios na hindi mabuti na siya ay nag-iisa ay nilalang si Eba na maging kanyang asawa mula sa kanyang tadyang. Kapag nakita ng Dios na tayo ay karapatdapat bigyan ng asawa Siya po ang magpo-provide nito kahit hindi natin hanapin o hingin sa Kanya.
May possibility po na ang Dios ay magbigay ng asawa sa tao...basa po tayo:
Pro 19:14 Bahay at mga kayamanan ay minamana sa mga magulang: nguni't ang mabait na asawa ay galing sa Panginoon.
Nabasa niyo po ang bahay at kayamanan namamana sa magulang ngunit ang MABAIT NA ASAWA AY GALING SA PANGINOON. In contrary kapag hindi mabait, walang hiya, bungangera ang asawa sa tingin nyo po kanino nggaling yun?
Joh 8:47 Ang sa Dios ay nakikinig ng mga salita ng Dios: dahil dito'y hindi ninyo dinirinig, sapagka't kayo'y hindi sa Dios.
Joh 8:44 Kayo'y sa inyong amang diablo, at ang mga nais ng inyong ama ang ibig ninyong gawin....
Joh 8:44 Kayo'y sa inyong amang diablo, at ang mga nais ng inyong ama ang ibig ninyong gawin....
Sa dalawang verse sa taas sabi po ng ating Panginoong Jesus may dalawang klase ng tao isa sa Dios at ang isa naman ay hindi sa Dios kundi sa diablo. Ibig sabihin ang taong mabait yun ay sa Dios at ang masamang tao ay sa diablo therefore kapag mabait ang asawa galing po yun sa Dios at kapag masama ang asawa galing sa diablo.
Hindi natin mahahanap sa ating sariling kaparaanan ang mabait na asawa sapagkat kung tayo ang maghahanap kadalasan ay bigo tayo sa gusto natin sa ating sarili.
1Co 7:27 Natatali ka ba sa asawa? huwag mong pagsikapang ikaw ay makakalag. Ikaw baga'y kalag sa asawa? huwag kang humanap ng asawa.
Sa Dios po tayo magdasal at humingi ng asawa..actually po ang asawa ko ngayon ay hindi ko po siya hinanap kundi na meet at nakasama ko siya sa work, lagi nga akong inaaway noon dahil hindi niya ako gusto...pero ng hiningi ko sa Dios na kung loobin siya ang mapangasawa ko ay ngyari po yun. Salamat sa Dios. Kahit hindi naman natin sinasadya na maghanap ay makakatapo tayo ng partner either makikilala mo lang ng hindi sinasadya o nakapunta ka sa isang lugar at nakita mo siya pero kilatisisn mo muna kung siya ay may takot sa Dios.
Pagmula sa Dios wala kang po-problemahin kasi kung tayo ang pipili ay may palpak po naniniwala po kasi ako na kapag Dios ang magbibigay yun ay perfect...hindi man perfect sa pamantayan ng tao like in physical appearance, wealth na kadalasang basis ng iba sa pag search ng partner pero sa attitude at spiritual ay perfect po yun. Antanong po natin paano malalaman na ang isang tao ay mabuti na tanda na ito ay galing sa Dios...basa po tayo:
2Ti 3:17 Upang ang tao ng Dios ay maging sakdal, tinuruang lubos sa lahat ng mga gawang mabuti.
Ayan po ang palatandaan, makikilala ang taong sa Dios dahil siya ay babae o lalaking may pananamplataya sa Dios, naturuan sa gawang mabuti, sa aral, sa katwiran, sa kautusan ng Dios.
Alam nyo po sabi nga ni Bro. Eli isang "Pagnagkaroon ka mg isang mabait na asawa Milagro ng Dios yun".Totoo po yun maraming biyaya sa isang babae na kasama sa matuwid na pamamaraan ng Dios. Pero kapag walang natutunang aral ng Dios ang nakuha nyo po ay para ka naring nasa impierno, pagnakuha mo halimbawa ay isang bungangera, malandi, tsismosa, lasenggo, sugarol at tamad.
Ang pagkakaroon ng asawa na galing sa Dios ayon sa Biblia ay nakasumpong na rin ito ng mabuting bagay at lingap ng Panginoon...basa po tayo:
Pro 18:22 Sinomang lalaking nakakasumpong ng asawa ay nakasumpong ng mabuting bagay, at nagtatamo ng lingap ng Panginoon.
Kaya masuwerte po talaga ang mabigyan ng Dios ng mabait na asawa kasi hindi ka po makakasumpong ng mabait na asawa maliban na ipagkaloob sayo ito ng Dios....at ang halaga niya ay higit pa sa mamahaling batong rubi..basa po tayo:
Pro 31:10 Isang mabait na babae sinong makakasumpong? Sapagka't ang kaniyang halaga ay higit na makapupo kay sa mga rubi.
Bakit ganun kahalaga ang mabait na asawa?...ituloy po natin ang basa:
Pro 31:11 Ang puso ng kaniyang asawa ay tumitiwala sa kaniya, at siya'y hindi kukulangin ng pakinabang.
Katiwa-tiwala po pala ang ganitong asawa na galing sa Dios, ang asawa ay nagtitiwala sa kanya ibig sabihin kahit iwan siya sa bahay o mag-abroad ang asawa at pagbalik siya pa rin.
Naalala ko yung kasamahan ko nagta-trabaho kami sa Saudi nalaman niya ang ang asawa niya ay may kalaguyong iba sa Pilipinas, padala siya ng pera pero nilulustay lang ng asawang babae ang kanyang padala... sa di kalaunan ay naghiwalay din sila...kawawa naman po ano.
Tama po talaga ang Biblia na ang mabait na asawa na natuto ng aral ay katiwa-tiwala at ang asawa ay hindi mag-aalala na maari siyang ipagpapalit sa iba.

Ayon pa sa verse ang mabait na asawa ay hindi kukulangin sa pakinabang..ang ibig pong sabihin ay kapaki-pakinabang po hindi siya ang tipong patamad-tamad sa bahay kundi maasahan po siya sa gawaing bahay at gumagawa ng mabuti sa kanyang asawa at hindi gumagawa ng kasamaan like pagtataksil, paglulustay ng pera, at pagpapabaya sa mga anak...ituloy natin ang verse..basa po tayo:
Pro 31:12 Gumagawa siya ng mabuti sa kaniya at hindi kasamaan lahat ng mga kaarawan ng kaniyang buhay.
Nalaman na natin kung paano tayo magkakasumpong ng mabait na asawa at yun ay galing sa Dios. Mga binata at dalaga para hindi kayo magsisi sa huli dahil sa maling napili na napangasawa ay siguraduhin nyo po na ang lalaki o babaeng nagugustuhan niyo ay may pananampalataya sa Dios, natuto ng katwiran ng Dios dahil tiyak hindi nyo yun pagisisihan dahil yun ay bigay na mula sa Dios.
Mas lalong mabuti po na makinig kayo sa aming programa na ANG DATING DAAN dahil mas malawak pa ang ipapaliwanag ni Bro.Eli patungkol sa paksang ito kasi maaring may kulang o magkamali ako ng paliwanag. Dahil itong aking mga post ay mula lamang sa aking naririnig at napapanuod sa mga Bible Exposition at sa aming Pagkakatipon na sini-share ko lamang po sa inyo.
Salamat sa Dios!
No comments:
Post a Comment