Pages

Monday, October 13, 2014

Sapat na ba ang Maniwala sa Dios ang tao para maligtas?

Naranasan ko minsan na kapag pinag-uusapan ang mga bagay patungkol sa tunay na relihiyon may mga taong umiiwas na makipagtalakayan ukol dito ang lagi nilang katwiran ay sapat na ang maniwala sa Dios at gumawa ng mabuti  ibig nilang sabihin kahit anong relihiyon ka pa basta naniniwala ka na may Dios sapat na yun para maligtas.

Sinasagot ko rin naman sila ng patanong na sabi ko: May mga tao naniniwala sa Dios pero si Buddha yung Dios nila...at gumagawa ng mabuti ligtas din ba yun?

Alam po natin na ang maniwala at sumamba sa ibang Dios liban sa Dios ng Biblia ay hindi makakapasok sa kaharian ng langit. Kaya dapat po na kilalanin nating yung Dios na dapat nating paniwalaan kung yun  ba talaga ang Dios  na pinapakilala ng Biblia.
Hindi po  totoo ang paniwala ng iba na sapat na ang maniwala sa Dios at gumawa ng mabuti. Hindi po ito Biblical kasi sa Biblia mauuna ang maniwala tayo sa Dios at ang Dios ang magbibgay sa atin ng instuctions kung paano gumawa ng mabuti...basa po tayo:

Mat 7:21  Hindi ang bawa't nagsasabi sa akin, Panginoon, Panginoon, ay papasok sa kaharian ng langit; kundi ang gumaganap ng kalooban ng aking Ama na nasa langit.

Ayon sa talata  tinawag nila ang pangalan ng Panginoon ibig sabihin naniniwala ag mga taong ito sa Dios pero sabi ng ating Panginoong Hesus hindi lahat ng  naniniwala o tumatawag sa Kanya ay makakapasok sa langit. Kahit naniniwala tayo sa Panginoon kung hindi natin ini-execute ang kanyang kalooban ay hindi pa rin ticket para makapasok sa Kanyang kaharian.
At tungkol naman sa paggawa ng mabuti ay kasunod lamang ito kapag  maniniwala tayo sa Dios. Meron kasing kabutihang ginagawa ang tao na hindi consider na mabuti sa paningin ng Dios.

Halimbawa para sa mga Katoliko naniniwala sila sa Dios at para sa kanila mabuti ang gumawa ng rebulto na gawa sa kahoy at bato  para ilarawan ang Dios samantalang masama yun sa paningin ng Dios. Gaya din ng sektang  Pentecostal  church ng hihingi ng pera sa daan at bus para sa kanila ay mabutin yun pero hindi po dahil walang ganung instructions ang Dios na dapat gawin. Gaya din ng isang taong nagnanakaw para may mapakain sa pamilya yun ang naiisp niyang mabuting paraan para mabuhay niya ang pamilya pero yun ay hindi ayon sa kalooban ng Dios.

Ang kabutihan na dapat nating magawa ay yung kabutihang tinuturo ng Dios na nasa Biblia, ang kalooban ng Dios na dapat nating maganap at hindi yung sarili nating kabutihang na-iisip.

Mahalaga po talaga ang maniwala tayo sa Dios pero dapat dagdagan natin ng pagsunod sa kanyang mga salita hindi lang dapat tumigil tayo na maniwala lang sa Dios ay ok na. Halimbawa nito ng panahon ng ating Panginoong Jesus ay may mga naniwala sa Kanya sumasampalataya pero hindi nananatili  sa Kanyang mga salita...basa po tayo:

Joh 8:31  Sinabi nga ni Jesus sa mga Judiong yaon na nagsisisampalataya sa kaniya, Kung kayo'y magsisipanatili sa aking salita, kung magkagayo'y tunay nga kayong mga alagad ko;


Sabi pag-nagpatuloy tayo sa salita ng ating Panginoong Jesus ay magiging alagad Niya ibig sabihin hindi sapat na maniwala lamang tayo sa Kanya, hindi  dapat doon natatapos  dapat ilagay natin sa gawa  ang kanyang mga salita. At  mangyayari lang yan sa pamamagitan ng instructions ng Dios na nasa Biblia. Hindi totoo na kapag maniwala tayo sa Dios  ay automatic makagagawa ka na ng mabuti , ang paggawa ng mabuti ay manggagaling sa instrustions ng Dios..basa po tayo:


2Ti 3:16  Ang lahat ng mga kasulatan na kinasihan ng Dios ay mapapakinabangan din naman sa pagtuturo, sa pagsansala, sa pagsaway, sa ikatututo na nasa katuwiran:
2Ti 3:17  Upang ang tao ng Dios ay maging sakdal, tinuruang lubos sa lahat ng mga gawang mabuti.

Ang mga kasulatan o Biblia ang instructions natin at upang tayo maging sakdal ay dapat tinuturuang lubos sa paggawa ng mabuti.  Hindi naman pala  komo naniniwala na sa Dios ay alam na natin automatic ang gawaing  mabuti ang kabutihan pala na dapat nating magawa ay yung tinuturo ng kasulatan. Kapag ang mabuting gawa na mula lamang sa ating sarili at walang batayan sa salita ng Dios ay hindi makakapagpasakdal sa atin. Ang salita ng Dios sa Biblia na makakapagligtas sa tao ay mga  instructions sa paggawa ng kabutihan na dapat nating matutunan.

Jas 1:21  Kaya't ihiwalay ninyo ang lahat na karumihan at ang pagapaw ng kasamaan, at tanggapin ninyo na may kaamuan ang salitang itinanim, na makapagliligtas ng inyong mga kaluluwa.
Jas 1:22  Datapuwa't maging tagatupad kayo ng salita, at huwag tagapakinig lamang, na inyong dinadaya ang inyong sarili.


 At  siyempre dapat maging tagapagtupad tayo ng Salita  gaya ng nakasulat sa verse sa taas dapat nakikita sa ating sarili  umeepekto ang  salita ng Dios na ating natutunan:

Php 4:9  Ang mga bagay na inyong natutuhan at tinanggap at narinig at nakita sa akin, ang mga bagay na ito ang gawin ninyo: at ang Dios ng kapayapaan ay sasa inyo.


Ang ating natutunan na tinanggap mula sa mga halimbawang ginawa ng mga alagad  ay dapat nating gawin gaya din ng ating Panginoong Jesus na  hindi lamang nagturo sa mga alagad Niya kundi naging halimbawa pa siya na  live niyang ginagawa  kung paano gawin ang kalooban ng Dios.

Sa Biblia kasi dapat yung nagtuturo sa atin na Mangangaral ay dapat nakikitaan na ginagawa niya ang kanyang tinuturo sa iba. Hindi sa Dios yung isang Mangangaral na nagtuturo lamang sa iba  pero hindi nakikita sa kanyang sarili  ang pinapangaral.

Rom 2:21  Ikaw nga na nagtuturo sa iba, hindi mo tinuturuan ang iyong sarili? ikaw na nangangaral sa tao na huwag magnanakaw, ay nagnanakaw ka?
Rom 2:22  Ikaw na nagsasabing ang tao ay huwag mangalunya, ay nangangalunya ka? ikaw na nasusuklam sa mga diosdiosan, ay nanakawan mo ang mga templo?
Rom 2:23  Ikaw na nagmamapuri sa kautusan, sa iyong pagsuway sa kautusan ay niwawalan mo ng puri ang Dios?

Maramin pastor na ganyan ang pag-uugali nangangaral pero hindi sinasabuhay ang pinapangaral  minsan nga nababalitaan pa na ang mga members ay ginagawan ng kahalayan at iba pang gawang masama.
Baguhin natin ang  paniniwala na kapag maniwala lang sa Dios ay alam na natin automatic ang mabuting gawa na gagawin...ang kailangan po  natin ay instructor na magututuro sa ating kung paano ang kabutihang gagawin ayon sa kalooban ng Dios na nasa Biblia.

Ang good teacher po natin ay ang ating Panginong Hesus at ang instructions ay nasa Biblia at ang Kanyang mga kinakasangkapang Mangangaral na magtuturo sa atin. At wala na po akong ibang nalalaman na Mangangaral sa panahon natin na ginagawa ang pinapangaral nila maliban sa aming mga kinikilalang mga sugo sina Bro.Eli at Bro. Daniel na pawang naging halimbawa sa amin sa paggawa ng kabutihan sa kapwa.

Salamat sa Dios!



No comments:

Post a Comment