Sunday, November 30, 2014

Ang Palatandaan na ang Mangangaral ay sa Dios

Sa paghahanap ng totoo mahalaga na maalaman muna natin kung ang Mangangaral na ating pakikingan ay  sa Dios, hindi dapat basta may hawak ng biblia at nagsasalita ng mga verses ng kasulatan ay tatanggapin na natin na siya ay  Manganagaral na sa Dios kasi may iba na ang intensiyon ay magpayaman lamang at ginagawang pagkakakitaan ang relihiyon.

Para matukoy natin ang sa Dios na Mangagaral alamin natin sa Biblia kung ano ba ang mga palatandaang ibinigay ng Dios sa kanyang Mangangaral  para makita natin  kung ang nangangaral ay  totoo ang sinasabi o hindi at ang kanyang tinataguyod na aral  ay tama o mali.

Batay sa Biblia ang palatandaan sa Mangagaral o Sugo ng Dios ay may kaalamang hindi masusukat,  kailangang  hanapin natin yung nagsasalita ng Salita ng Dios na  ang intensiyon   yung Salita ng Dios ay maipangaral sa mga tao sapagkat yun ay kaligtasan..basa po tayo:

Joh 3:34  Sapagka't ang sinugo ng Dios ay nagsasalita ng mga salita ng Dios: sapagka't hindi niya ibinibigay ang Espiritu sa pamamagitan ng sukat.



Yung Mangangaral o Sugo ng ng Dios mayron pa lang  Espiritu na hindi makakayang sukatin basta pag nagsalita siya ng Salita ng Dios ay tuloy-tuloy, dere-deretso siyang nagsasalita ng Salita ng Dios at ang sinasabi niya hindi galing sa kanyang sarili...basa po tayo:


Joh 7:17 
Kung ang sinomang tao ay nagiibig gumawa ng kaniyang kalooban, ay makikilala niya ang turo, kung ito'y sa Dios, o kung ako'y nagsasalita na mula sa aking sarili.
Joh 7:18  Ang nagsasalita ng sa ganang kaniyang sarili'y humahanap ng kaniyang sariling kaluwalhatian: datapuwa't ang humahanap ng kaluwalhatian niyaong sa kaniya'y nagsugo, ang gayon ay totoo, at sa kaniya'y walang kalikuan.




Ang pinadala po pala ng Dios hindi mula sa sarili ang sinasalita niya ibig pong sabihin hindi siya nag-iimbento ng iniaaral niya at  ang kanyang kaalaman ay hindi kayang gibain ng kahit sino...basa po tayo:

Luk 21:13  Ito'y magiging patotoo sa inyo.

Sabi ng Panginoong Hesus "Ito'y magiging patotoo sa inyo." sa kanyang mga Mangangaral...nagbigay siya ng ebidensiya na patotoo..ano po yun?  ituloy natin sa kasunod na talata...basa po tayo:


Luk 21:14  Pagtibayin nga ninyo ang inyong mga puso, na huwag munang isipin kung paano ang inyong isasagot:
Luk 21:15  Sapagka't bibigyan ko kayo ng isang bibig at karunungan, na hindi mangyayaring masalangsang o matutulan man ng lahat ninyong mga kaalit.



Kapag nakakita ka ng Mangangaral na kung sumagot ay hindi nag-iisip kasi binibigay lang ng Dios sa kanya ang isasagot na hindi mula sa kanyang sarili  yun
ang bigay ng Dios na palatandaan sa Kanyang Sugo. Ang karunungan at bibig niya ay mula sa Dios ang sinasagot niya  ay hindi matutulan ng lahat niyang kaaway yun po ang ebidensiya na  ang Mangangaral na yun ay nagsasalita ng  totoo. Maghanap po kayo  ng Mangangaral na pag tinanong mo hindi nag-iisip ng sagot may sagot agad ang sagot  galing sa Dios sa  Karunungan ng Dios na nababasa sa Biblia at hindi kayang tutulan ng kahit na sino sa kanyang mga kaalit o kaaway. Kapag yung pastor niyo po ayaw magpatanong o kung sumagot ay kwento dinadaan ka lang sa matatamis na salita na mula sa kanyang pagkaunawa at walang batayan sa Biblia hindi po yun sa Dios.

Ngyari po sa mga Apostol na walang nanalo sa kanilang mga sinasabing karunungan walang maaring makatutol at walang maaring manaig sa mga Apostol kaya ang ginawa sa kanila ay ginipit, pinatay, pinag-usig dahil ang kanilang sinasabi ay hindi matutulan mga eskriba, pariseo, saduceo at mga relihiyosong tao  nasa panahon nila gaya ng alagad na si Esteban...basa po tayo:

Act 6:9  Datapuwa't nagsitindig ang ilan sa nangasa sinagoga, na tinatawag na sinagoga ng mga Libertino, at ng mga Cireneo, at ng mga Alejandrino, at ng mga taga Cilicia, at taga Asia, na nangakipagtalo kay Esteban.


Natupad po kay Esteban na alagad ng ating Panginoong Hesus  ang Lukas 21:13-15 na hindi kayang malabanan ng mga ito ang kanyang karunungan at ang espiritu  na kanyang pinapangungusap ganun din po kapag nakakita ka ng ganung Mangangaral na hindi matutulan yun po ay Kinasiyahan ng Dios hindi ka pa natatapos magtanong may sagot na siya.
Ako po ay naniniwala na natagpuan  ko na ang Mangangaral na yun at  natupad sa kanya ang Lukas 21:13-15 sa katauhan ni Bro. Eli.

Kahit maging hanggang ngayon may mga tanong ako na gusto kong itanong ng personal sa kanyan  pero nasasagot na sa tuwing ako ay nanonood ng programang Ang Dating Daan at sa pagdalo lagi ng pagkakatipon.

Sana po nakatulong ang paksang ito kung kayo ay naghahanap ng Mangangaral na sa Dios o di kaya naman ay upang maalaman din po ninyo kung ang inyong pastor ay lumalapat sa mga palatandaang ibinigay ng Dios sa Kanyang Mangangaral.

Huwag po tayong basta-basta nakikinig lang sa kung sino-sino na may hawak ng Biblia at nagdadaldal ng talata  magkaroon po tayo ng pag-susuri at magtanong dahil ang pinag-uusapan natin dito ay ang ating kaligtasan.

  
Salamat sa Dios!

Wednesday, November 26, 2014

Katiyakang Kami ay Kaanib sa Iglesiang nasa Biblia

Sa pamamagitan ng blog na ito ay layon  kong  makabahagi sa pagpapalaganap ng katotohanang nasa Biblia kahi sa malit na paraan lamang sa tulong at awa ng Dios. Naniniwala kasi ako na itong Iglesiang kinaaniban ko ay ang tunay na bayan ng Dios  pero marahil maraming tutol sa mga hindi kapananampalataya at maghahanap ng katiyakan kung ito nga ay ang tunay na Iglesia na tinatag ng Dios.

Ang Dios po  nagtayo ng Iglesia ng una 2000  years ago sa pamamamagitan ng ating Panginoong Hesus at dahil nga meron ng Iglesiang nakatayo ay hindi marapat na sa ating panahon ay magtayo pa tayo ulit ng atin ang gagawin na lamang po natin ay aniban yung dating nakatayo na, upang magkaroon tayo ng affiliation  sa naunang Iglesia...basa po tayo:


Eph 3:6  Na ang mga Gentil ay mga tagapagmana, at mga kasangkap ng katawan, at mga may bahagi sa pangako na kay Cristo Jesus sa pamamagitan ng evangelio,


Ang mga Gentil na tinatawag sa Biblia ay tumutukoy sa mga bansang nasa labas ng Israel ibig pong sabihin kasama ang Pilipinas sa Gentile Nations  dun kasi hindi naman tayo mga Israelita. Ang unang Relihiyon ay natatag noon sa Israel at ang mga nasa labas ay tinatawag na mga Gentiles pero ayon sa nabasa nating talata sa taas tayong mga Gentil ay tagapagmana din naman may bahagi sa pangako. Ang hawak nating Biblia ang Salita ng Dios ang siyang daan natin para tayo ay masangkap sa katawan na siyang Iglesia...basa po tayo:


Col 1:18  At siya ang ulo ng katawan, sa makatuwid baga'y ng iglesia; na siya ang pasimula, ang panganay sa mga patay; upang sa lahat ng mga bagay, ay magkaroon siya ng kadakilaan.



Ang Iglesia ang katawan at  tayong mga Gentil ay sasangkap sa  katawan sa pamamagitan ng ebanghelyo. Halimbawa  parang ganito..sabi ng mga Kristiyano ng una nasa Biblia huwag kang papatay sinunod nila yun ngayon ng nakarating sa atin ang Biblia nabasa natin  sinunod din natin na huwag pumatay, nanalangin sila hindi paulit-ulit nabasa natin sinunod natin yung paraan ng panalangin na tinuturo ng Biblia...lahat ng nabasa natin  na sinulat ng mga unang Kristiyano sinunod natin sa ganung paraan nagkakaroon tayo  ng kaugnayan sa kanila...sa Iglesia...basa po tayo:

1Jn 1:3  Yaong aming nakita at narinig ay siya rin naming ibinabalita sa inyo, upang kayo naman ay magkaroon ng pakikisama sa amin: oo, at tayo ay may pakikisama sa Ama, at sa kaniyang Anak na si Jesucristo:


Ang mga nakita at narinig ng mga Apostol ay ibinalita nila yun ay  ang Aral, ang Ebanghelyo upang ang sabi ay magkaroon tayo ng pakikisama sa kanila. Ang tanong matagal na silang patay paano natin malalaman yung balita na kanilang narinig at nakita...tuloy natin ang basa sa kasunod na verse:


1Jn 1:4  At ang mga bagay na ito ay aming isinusulat, upang ang ating kagalakan ay malubos


Ang mga narinig nilang aral sa ating Panginoon  ay sinulat nila na  kapag yun ay tinanggap din naman natin ngayon nagkakaroon na  tayo ng fellowship sa mga Apostol , sa Panginong Hesus at sa ating Dakilang Dios Ama.



Parang ganito halimbawa kahit hindi ka pumunta ng TESDA mismo para mag-aral ay pwede ka makapag-aral sa pamamagitan ng kanilang programa nila sa Internet na online course makakapag-aral...ibig sabihin kahit hindi tayo pumunta sa Israel o hindi man natin sila personal na na-meet para umanib ay  nandito naman sa atin ang Biblia  kumbaga yan ang plano... sabi ni Bro. Eli kung kumbaga sa building nanjan ang plan tinayo sa Israel ng una ang plano na yun ng tinayo ay kumpleto nasa plano eh!...ngayon nakarating sa ating panahon ang plano tinayo rin natin...pero hindi kami  nagtayo ng bago kundi yun pa rin yung dati  kasi sinunod lamang namin yung pattern o plano pareho lang yun ang aral na sinunod ng mga unang Kristiyano at nakarating sa atin  at sinunod naman natin yun nagkakaroon tayo ng felllowship o   ugnayan sa kanila.

Kaya kami po  ay hindi nagtayo ng sariling relihiyon gaya ng iniisip ng iba tinawag kaming Members ng Church of God o MCGI...ipina-rehistro lamang sa SEC para maging legal sa batas ng tao ang mga transactions nito..members lang po kami sa Iglesiang nasa Biblia kasi ang aming sinampalatayan ay ang nasa Biblia at kami po ay nakakatiyak na yun ang totoo kasi ang buong aral na sinunod ng mga unang Kristiyano  ay sinusunod naman  namin dito sa Pilipinas at sa iba pang bansa na umanib din sa Iglesiang nasa Biblia. Sana loobin ng Dios na kayo po ay makasangkap din sa katawan na siyang Iglesia.

Salamat sa Dios!




Monday, November 24, 2014

Dahilan Kung Bakit Maraming Relihiyon

Dati naitanong ko sa aking sarili  na isa lang naman ang Biblia pero bakit maraming relihiyon ang nagsilitawan sa mundo at alam ko ilan sa inyo ay may ganito ding katanungan.

Ng nagsuri ako ay napag-alaman ko na  ang isa po sa number one na dahilan ay ang pera, nagtuturo ang mga pastors  upang magkamal ng salapi. Gawain po ng mga maling relihiyon ang  kuwartahan na ginagawang pagkakakitaan ng mga pastor ang pangangaral.

Naalaala ko sa tuwing  palapit na ang pasko ng mga Katoliko sa habang bumibyahe ako pauwi  sakay  ng jeep o di ka ay bus ay biglang may aakyat at mamumudmud ng sobre na kadalasan iniaabot sa mga pasahero o minsan  inilalapag sa tuhod ng sa ganun hindi mo na maayawan  at pagkatapos ay magbabasa ng ilang talata sa Bibla ay saka kokolektahin ang sobre saka lilipat g ibang sasakyan naman.

 MGA BULAANG MGA MANGANGARAL


Mapapansin niyo po ibat-ibang style ng paghingi ng pera ang kanilang ginagawa  minsan sa palengke na may dalang supot for  love offering daw po yun, minsan naman sa isang box bago pumasok ng pagkakatipunan nila, iba naman nagbabahay bahay pa nga po. Hindi naman po masama ang humingi sila ng pera kung ang layunin ay para sa kabutihan pero huwag naman sana gawing sangkalan pa ang Dios sa kalolokohan.

Hindi lang naman ako ang nakaranas nito at alam ko na kayo din naman. Kaya nagtataka tayo minsan kung bakit isa lang naman ang Biblia pero ibat-iba ang paniniwala..yun po pala ay dahil sa pera...basa po tayo:



Mic 3:11  Ang mga pangulo niya'y nagsisihatol dahil sa suhol, at ang mga saserdote, niya'y nangagtuturo dahil sa upa, at ang mga propeta niya'y nanganghuhula dahil sa salapi: gayon ma'y sila'y sasandal sa Panginoon, at mangagsasabi, Hindi baga ang Panginoon ay nasa gitna natin? walang kasamaang darating sa akin.

Ang Totoong Relihiyon May Libre


Ang mga ito pala ay nagtuturo dahil sa salapi, sa relihiyong mali walang libre, kuwartaha kasi pinagkakakitaan po  yan ngmga pastor. Nagkakaroon ng iba't-ibang belief o relihiyon ay dahil nga po may iba't- ibang intesyon sila sa  paggamit ng Biblia para kumita ng  pera...basa po tayo:



2Co 2:17  Sapagka't hindi kami gaya ng karamihan na kinakalakal ang salita ng Dios: kundi sa pagtatapat, at gaya ng mula sa Dios, sa harapan ng Dios ay nagsasalita kami para kay Cristo.


Sabi po ni Apostol  Pablo  marami ginagawang  kakalakal ang Salita ng Dios ginagawang negosyo at ang pangangaral ay naging hanap buhay nila maski  nga po mga members ay ginagamit din nila sa pangangalakal...basa po tayo:

2Pe 2:3  At sa kasakiman sa mga pakunwaring salita ay ipangangalakal kayo: na ang hatol nga sa kanila mula nang una ay hindi nagluluwat, at ang kanilang kapahamakan ay hindi nagugupiling.

Ang intensyon ng iba maliban sa kinakalakal ang Salita ng Dios ang iba naman ay pinapangaral ang ating Panginoong Hesus sa pagkakampi-kampi gaya ng pinighati nila si Apostol Pablo noong una ansabi niya...basa po tayo:


Php 1:17  Datapuwa't itinatanyag ng iba si Cristo dahil sa pagkakampikampi, hindi sa pagtatapat, na ang iniisip ay dalhan ako ng kapighatian sa aking mga tanikala.


Mag-ingat po tayo mga kababayan sa pagpili ng relihiyong aaniban alamin po natin ang intensiyon ng samahang ito kung ito ba ay pinapangaral ang Salita ng Dios sa kaligtasan o ginagamit lamang para sa sariling interest gaya ng pagpapayaman ng mga pastor sa Relihiyon. Lagi ko po pinapaalala sa inyo gaya ng sinisigaw ng aming Mangangaral na magsuri, magbasa po tayo ng Biblia. Let's Be Biblical!.

Salamat sa Dios!

Sunday, November 23, 2014

Upang Maligtas Umalis Ka sa Mali

Maraming relihiyon ngayon ang naglipana  sa mundo at ang bawat isa ay nag-aangkin na sila ang nasa katotohanan subali't hindi maaring ang lahat ay nasa katotohanan kasi ang katotohanan ay isa lamang hindi pwede yung isa ay  totoo at ang isa ay totoo din o ang iba ay totoo din naman.

Pag-ganun kung lahat ay nasa katotohanan bakit hindi nagkakaisa sa pananampalataya at sa aral na kanilang pinapangaral. Iisa lamang po ang totoong relihiyong nasa Biblia at yun ang Iglesia ng Dios na dapat aniban ng mga tao. Maliban sa Iglesia ng Dios lahat ba ng relihiyon ay may kaligtasan?

Turo  po ni Bro.Eli ang lahat ng tao po ay may kaligtasan hindi natin  pwedeng tanggalin ang karapatang ito  kahit ano pa ang relihiyon niya basta susunod siya  sa Dios ay may pag-asa po  sa buhay na walang hanggan. Ang gagawin lamang po halimbawa natuklasan mong mali pala yung kinakaaniban mong relihiyon at nabasa mo sa Biblia na dapat kang sumunod sa Dios na umalis ka sa mali  ay may pag-asang maliligtas ka...basa po tayo:


2Co 6:17  Kaya nga, Magsialis kayo sa kanila, at magsihiwalay kayo, sabi ng Panginoon, At huwag kayong magsihipo ng mga bagay na marumi, At kayo'y aking tatanggapin,
 
Ang Dios po natin ay nakahandang tanggapin ang sinuman na sumunod sa Kanyang utos at ang isa dun ay ang umalis sa mali. Pag-nakita mong mali na  ang tinuturo ng relihiyon mo na walang batayan sa Biblia at puro imbento lang lisanin mo na po at sumunod  sa sinasabi ng Dios na umalis gaya ng mga Israelita na pinapaalis ng Dios sa mali...basa po tayo:

Isa 52:11  Kayo'y magsiyaon, kayo'y magsiyaon, kayo'y magsialis doon, huwag kayong magsisihipo ng maruming bagay; kayo'y magsilabas sa gitna niya; kayo'y mangagpakalinis, kayong nangagdadala ng mga sisidlan ng Panginoon.


Maliwanag na pinapaalis ng Dios ang tao  sa mali at upang magpakalinis, sinabi rin po yan sa mga taga-Roma na umalis sa mali...basa po tayo:


Rom 16:17  Ngayo'y ipinamamanhik ko sa inyo, mga kapatid, na tandaan ninyo yaong mga pinanggagalingan ng pagkakabahabahagi at ng mga katitisuran, laban sa mga aral na inyong nangapagaralan: at kayo'y magsilayo sa kanila.
Rom 16:18  Sapagka't ang mga gayon ay hindi nagsisipaglingkod sa Cristong Panginoon, kundi sa kanilang sariling tiyan; at sa pamamagitan ng kanilang mabuting pananalita at maiinam na mga talumpati ay dinadaya ang mga puso ng mga walang malay.

Kaya pinapaalis tayo ng Dios sa mga manloloko  gaya ng mga pastor na nangangaral na walang batayan sa kasulatan kundi nandadaya ng walang malay na miembro  sa pamamagitan ng matatamis na pananalita  sapagkat sila ay naglilingkod sa kanilang tiyan at  hindi sa  Cristong Panginoon natin.


Mga kababayan huwag po nating gawing katwiran na kahit anong relihiyon basta naniniwala sa Dios ay ok na, alamin po natin kung ang Iglesiang ating kinabibilangan ay nakaayon ang aral sa mga nakasulat sa Biblia. Magsuri po tayo at magbasa ng Biblia ng sa ganun kung matuklasan mong mali ang relihiyon mo ay sumunod po tayo sa Dios na  umalis sa mali  at hanapin ang totoo ng makamtan natin ang ating inaasam na kaligtasan.

Salamat sa Dios!

Wednesday, November 19, 2014

Kailangan ba ang Gawa sa Kaligtasan?

Hindi po lahat ng nangangaral ng Biblia ay naiintindihan ang nakasulat sa loob nito kaya mahalaga na tayo ay magsuri din ng sa ganun  maalaman natin kung yung tinatawid sa ating pananampalataya ay nakaayon ng tama sa mga talata ng Biblia. 

Ang isa sa kapansin-pansin na paniniwala ng  mga Bornagain at Baptists ay yung iniaaral nila sa tao   na sapat na ang sumampalataya sa ating Panginoong Hesus upang  maligtas kahit ano pang gawin na kasalanan ay hindi aapekto sa kaligtasang nasa iyo na mula ng tanggaping tagapagligtas ang Panginoon. Naniniwala din ang mga grupong ito na  yung gawa natin ay hindi makapagliligtas sa tao kundi dahil sa BIYAYA sa pamamagitan ng pananampalataya  at ang  batayan na ginagamit nila ay ang nasa Efeso 2:8-9 ...basahin po natin:


Eph 2:8  Sapagka't sa biyaya kayo'y nangaligtas sa pamamagitan ng pananampalataya; at ito'y hindi sa inyong sarili, ito'y kaloob ng Dios;
Eph 2:9  Hindi sa pamamagitan ng mga gawa, upang ang sinoman ay huwag magmapuri.



Kung uunawain maiigi wala namang sinasabi sa talata kahit sa diwa nito na  kapag sumampalataya ka lang ligats kana  kahit magkasala pa basta  ligtas na,  yan yung doktrinang OSAS o One Saved Always Saved. Tama po ba ang kanilang pagkaunawa sa talatang ito? Alamin po natin sa diwang tinuturo ng kasulatan para maunawa natin ang kahulugan ng Efeso 2:8-9. Ito po ay mula pa rin sa pagtuturo ng aming kinikilalang Sugo ng Dios si Bro.Eli na aking ibabahagi din  sa inyo ang kanyang paliwanag.

Kung tayo po  ay Kristiyano papano ba tayo naliligtas?  Tama po ang nakasulat sa Efesos 2:8-9 na Sa BIYAYA tayo ay nangaligtas..ang kasunod na tanong ay kung papaano ba nagliligtas ang BIYAYA? basa po tayo:


Tit 2:11  Sapagka't napakita ang biyaya ng Dios, na may dalang kaligtasan sa lahat ng mga tao,
Tit 2:12  Na nagtuturo sa atin, upang, pagtanggi natin sa kalikuan at sa mga kahalayan ng sanglibutan, ay marapat mabuhay tayong may pagpipigil at matuwid at banal sa panahong kasalukuyan ng sanglibutang ito;


Ayon sa talata ano po ang  napakita?  sagot: ang BIYAYA NG DIOS, Ano ang dala ng Biyaya ng Dios? sagot: kaligtasan  sa lahat ng tao, Paano maliligtas? sagot: ang sabi ng Biyaya ng Dios mabuhay tayo ng may pagpipigil, matuwid  at banal  yan ang kaligtasan. Ibig sabihin  kung nabuhay ka na hindi sa kabanalan , nabuhay ka na walang pagpipigil, at hindi ka huminto sa paggawa ng kung ano-anong kasalanan ay walang kaligtasan  kasi ang BIYAYA nagpakita at nagtuturo para ka  maligtas at mabuhay  na may pagpipigil, walang kalikuan at kahalayan, mabuhay ng matuwid at banal. Kapag  ayaw pong  mag- banal ng tao ano  ba ang mangyayari sa kanya?...basa po tayo:


1Th 4:7  Sapagka't tayo'y tinawag ng Dios hindi sa ikarurumi, kundi sa pagpapakabanal.
1Th 4:8  Kaya't ang nagtatakuwil, hindi ang tao ang itinatakuwil, kundi ang Dios, na nagbibigay sa inyo ng kaniyang Espiritu Santo.

Sino ang tinatakuwil natin kapag ayaw  nating magpakabanal? sagot: ang Dios,  pwede pala itakuwil ng Dios ang tao pag hindi nagbabanal   ang gusto kasi ng Biyaya ng Dios magpakabanal tayo napakita siya para magligtas at nagtuturo Siya na mabuhay tayo ng may pagpipigil at matuwid at banal. Kaya yang paniniwalang OSAS ay napakamali kasi ang Dios ay pwedeng itakuwil ang tao na kontra sa paniwala ng mga pastor na kapag tinanggap na ang Panginoon ay hindi na matatakuwil pa kasi sure na yung salvation niya ...isa pang katunayan na ang Dios ay pwede itakuwil ang tao...basa po tayo:

1Ch 28:9 
At ikaw, Salomon na aking anak, kilalanin mo ang Dios ng iyong ama, at paglingkuran mo siya ng sakdal na puso at ng kusang pagiisip: sapagka't sinasaliksik ng Panginoon ang lahat na puso, at naaalaman ang lahat na akala ng pagiisip: kung iyong hanapin siya, ay masusumpungan siya sa iyo; nguni't kung pabayaan mo siya, kaniyang itatakwil ka magpakailan man.



Ang paghahanap po sa Dios ay kabanalan po yun pinapakita lamang na gusto nating magpasakop sa Kanya kaya natin Siya hinahanap at pag ganun ang intensiyon ng ating puso ay masusumpungan po natin ang Dios pero pag pinabayaan po natin Siya meaning lalabagin natin o babalewalain natin Siya ay itatakuwil Niya tayo magpakailanman.


Balikan natin yung  Efeso 2:8-9 wala namang nakasulat  na hindi na kailangan ang gumawa ng mabuti kasi ang sabi raw ayon sa unawa ng mga pastor hindi dahil sa gawa tayo naligtas dahil baka ang sinuman ay magmapuri... ibig nilang sabihin kahit ano pang klaseng gawa kahit mabuting gawa pa yan basta gawa hindi daw yun makakatulong sa kaligtasan ng tao...basahin po natin ulit:

Eph 2:8  Sapagka't sa biyaya kayo'y nangaligtas sa pamamagitan ng pananampalataya; at ito'y hindi sa inyong sarili, ito'y kaloob ng Dios;
Eph 2:9  Hindi sa pamamagitan ng mga gawa, upang ang sinoman ay huwag magmapuri.

Mali po ang interpretasyon nila diyan dahil lalabas hindi na kailangan ng gawa o gumawa  kasi hindi naman daw kailangan ang gawang mabuti para maligtas baka daw magmapuri ang tao. Suriin po natin kung tama ang pakahulugan ng mga pastor na ito tanong natin  bakit ba sinabi ni Apostol Pablo na hindi sa pamamagitan ng mga gawa? Anong  gawa ba yun na na magagawa ng tao na ipagmamapuri  niya? Anong gawa ba yun  ang tinutukoy ng talata na hindi dahil dun ay maliligtas tayo? Basahin po natin ang sagot ng Biblia:

Tit 3:5  Na hindi dahil sa mga gawa sa katuwiran na ginawa nating sarili, kundi ayon sa kaniyang kaawaan ay kaniyang iniligtas tayo, sa pamamagitan ng paghuhugas sa muling kapanganakan at ng pagbabago sa Espiritu Santo,


Yun po pala yun, ang hindi natin  ikaliligtas na gagawin natin ay yung gagawin nating katuwiran na sarili lang natin  pero kung ang gagawin ay ang Katuwiran ng Dios ay iba po  yun, iba yung Katuwiran mula sa ating sarili at iba ang Katuwiran ng Dios..basa po tayo:

Rom 10:3  Sapagka't sa hindi nila pagkaalam ng katuwiran ng Dios, at sa pagsusumakit na maitayo ang sariling kanila, ay hindi sila napasakop sa katuwiran ng Dios.


Meron po pala mga tao ang ginagawa ay katuwiran ng mula sa kanilang sarili at yun ang hindi natin  ikaliligtas pero pag ang gagawin po natin ay ang Katuwiran ng Dios yun nga ang kailangan  nating gawin para maligtas tayo kasi sabi ng Bibliya hanapin ang Katuwiran ng Dios:



Mat 6:33  Datapuwa't hanapin muna ninyo ang kaniyang kaharian, at ang kaniyang katuwiran; at ang lahat ng mga bagay na ito ay pawang idaragdag sa inyo. 


Anlinaw po talaga na may gagawin tayo yun nga po ang Katuwiran ng Dios tapos sasabihin nitong mga pastor sa kanilang members na hindi na gagawa, hindi na kailangang gumawa ng mabuti , isa po yang panloloko sa kapwa tao yan  ang katunayan na kailangan yang gawang mabuti ituloy lang po  natin ang Efeso 2:8-9 na kanilang ginagamit na batayan sa verse 10..kasi pinuputol nila ang mga verses po eh!...basa po tayo:


Eph 2:10  Sapagka't tayo'y kaniyang gawa, na nilalang kay Cristo Jesus para sa mabubuting gawa, na mga inihanda ng Dios nang una upang siya nating lakaran.



Ngayon nakita na natin   kung alin yung tinutukoy na gawa na sa pamamagitan ng gawa na yan ay hindi tayo nangaligtas upang ang sinuman ay huwag magmapuri. Yun ang gawang sariling katuwiran natin  pero ang sabi ni Apostol Pablo kung itutuloy  sa verse  10 sabi sapagkat tayo ay kanyang gawa...yan ang dahilan kaya hindi dahil sa gawang katuwiran ng sarili maliligtas tayo sapagkat tayo'y kanyang gawa na nilalang kay Cristo Jesus para sa mabubuting gawa na inihanda ng Dios. Nabasa niyo po sa verse 10 na  meron palang gawa na inihanda ang Dios na yun ang gagawin natin hindi yung gawa ng katuwiran na gawang ating sarili kaya tama ang sabi ni Apostol Pablo sa verse  9 na hindi dahil sa gawa upang ang sinuman ay huwag magmapuri...aling gawa yun?

Yung  gawang maipagmamapuri mo na ikaw mag-isa ang gumawa pero kung ang ginagawa mo ay Katuwiran ng Dios hindi mo yun pwedeng ipamagmapuri o ipagyabang  kasi ang Dios ang gumagawa nun, hindi mo yun magagawa kung hindi ka tulungan ng Dios kaya sabi ni Apostol Pablo sapagkat tayo ay kanyang gawa yun ang dahilan kaya hindi dahil sa gawang katuwiran ng sarili maliligtas tayo sapagkat tayo'y Kanyang gawa na nilalang kay Cristo Jesus para sa mabubuting gawa na inihanda ng Dios.  Ibig pong sabihin meron po talaga tayong hindi dapat na gawin yung gawang pansarili pero yung gawang pinapagawa ng Dios na inihanda niya ng una  pa ay kailanagan nating gawin po yun ang mabubuting gawa upang siya nating lakaran at pag hindi natin ginawa yun hindi po tayo maliligtas...basa po tayo:



1Jn 3:18  Mumunti kong mga anak, huwag tayong magsiibig ng salita, ni ng dila man; kundi ng gawa at katotohanan. 

Kailangan pala may gawa talaga tayong gagawin at  hindi yung salita lang ng salita gaya ng mga pastor na daldal sila ng daldal na manampalataya lang kay Cristo ay ligtas na at hindi kailangan ng gawa . 

Maliwanag naman po kung nauunawaan lamang ng mga taong ito hindi sila maliligaw na ang tinutukoy na gawa na hindi batayan para maligtas ang tao ay yung gawa na mula sariling katuwiran.

Pero kung ang gagawin ay yung pinapagawa ng Dios na inihanda niya ng una na sa verse 10 ay maiintindihan na kailangan talaga natin gumawa kasi kapag hindi tayo gumawa ay hindi tayo maliligtas at pag hindi tayo gumawa ibig sabihin hindi tayo sumusunod sa Dios..


Rev 14:12  Narito ang pagtitiyaga ng mga banal, ng mga nagsisitupad ng mga utos ng Dios, at ng pananampalataya kay Jesus.
Rev 14:13  At narinig ko ang isang tinig na mula sa langit na nagsasabi, Isulat mo, Mapapalad ang mga patay na nangamamatay sa Panginoon mula ngayon: oo, sinasabi ng Espiritu, upang sila'y mangagpahinga sa kanilang mga gawa; sapagka't ang kanilang mga gawa ay sumusunod sa kanila.



Ayan po ang mga nagtiyaga ng mga banal o mga taong nagpakabanal na gumawa sa pamamagitan ng pagtupad ng utos ng Dios, ang utos po ng Dios ay ginagawa po yan tinutupad  at hindi binabasa lang. 

Ayon sa talata nagpahinga sa gawa ang mga ito.. Ibig sabihin nung sila ay buhay pa  gumawa ng gumawa tapos ng namatay na nagpahinga na sa paggawa  kaya ang mga taong ito ay guwawa sila hanggang mamatay... kaya nga sabi nangagpahinga sa kanilang mga gawa. Kailangan po  talaga natin ang gawa ang gawang pinapagawa ng Dios at hindi yung gawa na mula sa ating sariling katuwiran.

Mag-aral po tayo ng kasulatan mga Kababayan, suriin po natin kung yung pinapangaral ng mga pastor  ay nakabatay sa Biblia. Salamat po sa Dios nalaman natin sa paksang ito na mali po ang aral ng OSAS ng mga Bornagain at Baptists na  hindi na kailangan ng gawa basta sumamaplataya ka lang ay ligtas na forever.


Salamat sa Dios dahil natuto ako ng katuwiran sa Biblia sa pamamagitan ng Kanyang mga   lingkod na Mangangaral. Mga kababayan dalo po kayo sa ginaganap na Bible Exposition ng aming samahan upang matutunan niyo rin po ang tamang aral ng ating Panginoon.


Salamat sa Dios!

Monday, November 17, 2014

Once Saves Always Saved, Totoo ba?

Kung kaanib  ka sa sektang Baptists ay siguradong alam mo ang doktrinang tinatawag na OSAS o Once Saved Always Saved pero sa mga hindi pa pamilyar sa teachings na ito ang ibig sabihin ayon sa kanila kapag tinanggap muna ang kanilang kinikilalang Cristo bilang tagapagligtas ay forever saved kana ,kahit anong gawin mong kasalanan halimbawa magnakaw, makapatay o di kaya maka-rape ay hindi mo  pa rin maiwawala ang iyong kaligtasan. Kaya ko po nasabing Cristo nila kasi ang tunay na Cristo na nasa Biblia ay hindi nangaral ng ganitong katuruan.

Masasabi ko po na napaka-garapal ng ganyang aral imagine kahit anong gawin mo kahit gawang masama ay ligtas pa rin, hindi nakakapagtataka na ang mga taong naniniwala sa ganito ay mga  walang takot na gumawa ng kasamaan kasi paniwala nila ligtas pa rin sila. Hindi po totoo ang doktrinang ito dahil ayon sa Biblia kahit pa nasumpungan mo na ang ating Panginoong Hesus kung hindi naman nag-iingat sa paggawa ng kabutihan ay mapapahamak pa rin...basa po tayo:

2Co 13:5  Siyasatin ninyo ang inyong sarili, kung kayo'y nangasa pananampalataya; subukin ninyo ang inyong sarili. Hindi baga ninyo nalalaman sa ganang inyong sarili, na si Jesucristo ay nasa inyo? maliban na nga kung kayo'y itinakuwil na.



Nabasa nyo po pinapasiyasat kung tayo ay nasa pananampalataya at pinapasubok pa ang ating sarili kasi may possibility na kahit ang Panginoon ay nasa atin na ay pwede pa rin tayong itakuwil kapag hindi tayo nag-ingat. Katunayan si Apostol Pablo sinabi niya ang ganito:


1Co 9:27  Nguni't hinahampas ko ang aking katawan, at aking sinusupil: baka sakaling sa anomang paraan, pagkapangaral ko sa iba, ay ako rin ay itakuwil.

Si Apostol Pablo na po yan isang pinagkatiwalaang Apostol ng ating Panginoon sabi niya  hinahampas at sinusupil niya ang kaniyang katawan kasi pagka ika pagkapagaral niya sa iba siya rin ay maaring itakuwil din...may possibility kasi pag nag-abuso tayo ay  pwede tayong itakuwil ng Dios...basa po tayo:



1Ch 28:9  At ikaw, Salomon na aking anak, kilalanin mo ang Dios ng iyong ama, at paglingkuran mo siya ng sakdal na puso at ng kusang pagiisip: sapagka't sinasaliksik ng Panginoon ang lahat na puso, at naaalaman ang lahat na akala ng pagiisip: kung iyong hanapin siya, ay masusumpungan siya sa iyo; nguni't kung pabayaan mo siya, kaniyang itatakwil ka magpakailan man.



Ayon sa talata kung hahanapin natin  ang Panginoon ay atin siyang masususmpungan ngunit  kapag pinabayaan mo ang Panginoon itatakuwil ka niya magpakailanman. Kaya labag po sa Biblia yang doktrina ng OSAS kasi may pagtatakuwil na gagawin ang Dios sa mga taong hindi nag-ingat sa pananampalataya at tumalikod sa Kanya.  Katunayan kapag pinabayaan mo ang Panginoon  kahit nakakilala kana ay imposible ka ng  maligtas kung tinalikuran mo na  siya..basa po tayo:

Heb 6:4  Sapagka't tungkol sa mga minsang naliwanagan at nakalasap ng kaloob ng kalangitan, at mga nakabahagi ng Espiritu Santo,
Heb 6:5  At nakalasap ng mabuting salita ng Dios, at ng mga kapangyarihan ng panahong darating,
Heb 6:6  At saka nahiwalay sa Dios ay di maaaring baguhin silang muli sa pagsisisi; yamang kanilang ipinapapakong muli sa ganang kanilang sarili ang Anak ng Dios, at inilalagay na muli siya sa hayag na kahihiyan.


Sa talatang yan pa lang giba na ang aral ng mga Baptists na OSAS, ulitin natin ang sabi po yang mga taong yan ay naliwanagan na, nakalasap na ng kaloob ng kalangitan, nakabahagi ng Holy Spirit , nakalasap ng mabuting salita ng Dios at mga kapangyarihan ng panahong darating pero nagawa pa rin nilang nahiwalay sa Dios ay di maaaring baguhin pa ng pagsisisi.

Wala na sa kanila ang kaligtasan pag-ganun ang gagawin nila. Pinapakita lamang na kahit nakakilala ka sa Panginoong Hesus ay hindi na ngangahulugan na pwede na nating gawin kahit ano at forever saved pa rin gaya ng paniwala ng mga Baptists sapagkat kapag hindi tayo nag-ingat, hindi nanatili sa pagtupad at tinalikuran natin ang aral na ating nakilala ay para tayong aso na bumalik sa suka pag ganun gaya ng sabi ni Apostol Pablo...basa po tayo:


2Pe 2:20  Sapagka't kung, pagkatapos na sila'y makatakas sa mga pagkahawa sa sanglibutan sa pamamagitan ng pagkakilala sa Panginoon at Tagapagligtas na si Jesucristo, ay muling mahalubiluhan at madaig niyaon, ay lalong sumasama ang huling kalagayan nila kay sa nang una.
2Pe 2:21  Sapagka't magaling pa sa kanila ang hindi nakakilala ng daan ng katuwiran, kay sa, pagkatapos na makakilala ito ay tumalikod sa banal na utos na ibinigay sa kanila.
2Pe 2:22  Nangyari sa kanila ang ayon sa kawikaang tunay, Nagbabalik na muli ang aso sa kaniyang sariling suka, at sa paglulubalob sa pusali ang babaing baboy na nahugasan.

Maliwanag na maliwanag na kapag ang tao ay tumalikod sa  aral na nakilala niya ay para siyang  aso na bumalik sa kanyang suka at sa paglulubalob sa pusali ang babaing baboy na nahugasan. Marami talagang naloko ang aral ng OSAS na yan ng mga Baptists hanggang ngayon nananatili sila sa ganyang katuruan.

Salamat sa Dios dahil sa aming Mangangaral na patuloy na nagbu-bulgar ng mga maling aral ng iba't-ibang relihiyon. Sa isang  paksa ay isa-isahin natin yung mga ginagamit na talata ng mga pastor na Bapstist na kanila daw ebidensiya na ang ONCE SAVED ALWAYS SAVED ay Biblical. Naalala ko po  kasi yung video kung saan ang Baptists at Bornagain ay nakipag-debate kay Bro. Eli tungkol jan sa doktrinang OSAS, ibabahagi ko po yan sa inyo sa susunod.

Salamat sa Dios!

Saturday, November 15, 2014

Ang Paghihiwalay

Sa buhay mag-asawa hindi maiiwasan na maraming bagay ang hindi pinagkakasunduan ng dalawa na humahantong  sa hiwalayan. Kahit ako naman noon sa di ko pagkaalam sa aral ng Dios sa mag-asawa ay madalas kaming nag-aaway  na mag-asawa at sa sobrang galit ay nasabihan ko ng maraming beses  ang aking  maybahay  na hiwalayan na lang  ako ng sa ganun ay maging malaya na siya sa akin at gawin ang gusto niyang naisin sa buhay.

Bilang tao na nagnanais makasunod sa aral ng ating Panginoon  hindi nararapat na gawin pala natin ang makipaghiwalay sa asawa. Sa pagtuturo ni Bro. Eli ay natutunan kong baguhin ang ganitong pananalita sa asawa at hindi ko na ito inulit pang muli dahil sa  Biblia po galit pala  ang Dios sa mga naghihiwalay...basa po tayo:

Mal_2:16  Sapagka't aking kinapopootan ang paghihiwalay, sabi ng Panginoon, ng Dios ng Israel,...

Sa Batas ng Dios ang dalawang taong nagkasundo  na magsama sa iisang bubong  ay magiging isang laman na huwag  paghiwalayin ng tao:

Mat 19:5 
At sinabi, Dahil dito'y iiwan ng lalake ang kaniyang ama at ina, at makikisama sa kaniyang asawa; at ang dalawa ay magiging isang laman?
Mat 19:6  Kaya nga hindi na sila dalawa, kundi isang laman. Ang pinapagsama nga ng Dios, ay huwag papaghiwalayin ng tao.

Tayong mga tao ay  hindi binigyan ng  kapangyarihan mag-desisyon na hiwalayan ang ating  asawa o maging  sinuman na  payagan paghiwalayin ang pinapagsama ng Dios maghigpit po ang batas na yan na huwag salangsangin.

Katunayan hinikayat ni Apostol Pablo ang mag-asawa na  huwag talagang maghiwalay bawal po pala sa babae o lalaki  ang humiwalay sa kanyang asawa. Subalit nagbigay po siya ng option na  kung humiwalay ang may-asawa ay manatiling walang asawa o makipagkasundo kung maari...basa po tayo:

1Co 7:10  Datapuwa't sa mga may asawa ay aking ipinaguutos, Nguni't hindi ako, kundi ang Panginoon, na ang babae ay huwag humiwalay sa kaniyang asawa.
1Co 7:11  (Datapuwa't kung siya'y humiwalay, ay manatiling walang asawa, o kaya'y makipagkasundo sa kaniyang asawa); at huwag hiwalayan ng lalake ang kaniyang asawa.

Sabi pa ni Apostol Pablo pag-sikapang huwag makalag pero kung ayaw na papigil at gusto na  kumalag hindi siya pwedeng humanap na asawa muli...basa po tayo:

1Co 7:27  Natatali ka ba sa asawa? huwag mong pagsikapang ikaw ay makakalag. Ikaw baga'y kalag sa asawa? huwag kang humanap ng asawa.


Bakit po sinabi ito ni Apostol Pablo ibig bang sabihin na pumapayag siyang maghiwalay ang dalawa? Hindi po ganun  sapagkat may mag-asawa talaga na hindi magkasundo at hindi na mapigilan ang maghiwalay kung kaya sinabi niya na kung gagawin nila ito ay manatiling walang asawa. Dahil kahit na naghiwalay sila sa kanilang sariling desisyon pero sa mata ng Dios ay hindi sila hiwalay  kasi po ang babae o lalaki  ay nakatali sa kautusan sa asawa habang buhay...basa po tayo:


Rom 7:2  Sapagka't ang babae na may asawa ay itinali ng kautusan sa asawa samantalang ito ay nabubuhay; datapuwa't kung ang asawa'y mamatay, ay kalag na sa kautusan ng asawa.
Rom 7:3  Kaya nga kung, samantalang nabubuhay ang asawa, siya'y makikisama sa ibang lalake, siya'y tatawaging mangangalunya: datapuwa't kung mamatay ang asawa, ay laya na siya sa kautusan, ano pa't siya'y hindi na mangangalunya, bagaman siya'y makisama sa ibang lalake.


Ang kamatayan ng isa ang makapagpa-kalag sa kautusan ng asawa. Halimbawa ang dalawang partido ay nagkasundo na maghiwalay na totally ay hindi pa rin nagangahulgan na malaya na silang mag-asawa ulit pero kung nais  mag-asawa talaga  kailangang hitntayin niyang mamatay yung kapareha. Kapag nilabag ng isang partido at nag-asawa sa iba tatawagin siyang mangangalunya at yung natirang partido na nanatiling walang asawa ay magbibigay naman sa kanya ng ground na hiwalayan niya ang nangalunya o nakiapid na asawa at may chance na mag-hanap ng bagong iibigin  ng hindi nagkakasala.

Mat 5:32  Datapuwa't sinasabi ko sa inyo, na ang sinomang lalake na ihiwalay ang kaniyang asawa, liban na lamang kung sa pakikiapid ang dahil, ay siya ang sa kaniya'y nagbibigay kadahilanan ng pangangalunya: at ang sinomang magasawa sa kaniya kung naihiwalay na siya ay nagkakasala ng pangangalunya.


Ulitin po natin..ganito yun: Ang utos huwag maghiwalay ang  mag-asawa kung maaring madaan sa pakikipagkasundo ay gawin sana ito. Ngayon kung gusto talagang maghiwalay at hindi naman pakikiapid ang dahilan ay manatiling walang asawa ang isa't-isa bawal sa kanila ang maghanap ng bagong makakasama dahil nakatali sila sa kautusan na ang kamatayan lamang ang makakapagpalaya sa kanila.
Pinapayagan  lamang ng kasulatan na mag-asawa ulit ang babae o lalaki  ng hindi nagkakasala kung ang dahil ng paghihiwalay ay  pakikiapid o pangangalunya ng isa.

Mga Kababayan ang paksang ito ay naghihikayat na huwag po tayong makipag-hiwalay sa ating asawa dahil ayaw po ng Dios na nasisira ang pamilya kung maaari na pagkasunduan ang mga bagay na hindi pinagsasang-ayunan ay gawin po natin, kailangan lang magparaya, magpatawad at magpakababa tayo.

Ang paliwanag ko pong ito maikli lamang na maaring magkulang o magkamali, kulang pa po ang aking kaalaman at umaasa lamang sa pagtuturo mula sa  kinikilala kong Sugo ng Dios at bilang ordinaryong kaanib ay pwede po akong magkamali ng pagkaunawa  kaya minumungkahi ko na mainam pag may mga katanungan kayo tungkol sa buhay mag-asawa ay direkta po kayong mag-sangguni at magtanong sa aming Mangangaral na si Bro. Eli at Bro. Daniel dahil sila ang mas lalong nakakaunawa ng mga bagay na nasusulat sa Biblia.

Salamat sa Dios!

Wednesday, November 12, 2014

Malaya Ba Mag-Asawa Ulit Kapag Hiwalay na sa Una


Maraming mag-asawa ang hindi mag-kasundo sa maraming bagay na nauuwi sa pagtatalo at hiwalayan. Tumatabang ang relasyon hanggang  sa bandang huli ay napagpasiyahan na lamang na maghiwalay kesa sa patuloy na magsama ng hindi na masaya at wala ng pagmamahalan sa isat'-isa.

Sa ganitong sitwasyon kapag ang mag-asawa ay naghiwalay sila ba ay malaya ng makakahanap ulit ng bagong makakasama sa buhay ng hindi nagkakasala? Alamin natin ang sagot ng ating Panginoong Hesus...basa po tayo:


Mat 5:32  Datapuwa't sinasabi ko sa inyo, na ang sinomang lalake na ihiwalay ang kaniyang asawa, liban na lamang kung sa pakikiapid ang dahil, ay siya ang sa kaniya'y nagbibigay kadahilanan ng pangangalunya: at ang sinomang magasawa sa kaniya kung naihiwalay na siya ay nagkakasala ng pangangalunya.


Karamihan sa  nag-sasama ang hindi alam ang aral na ito akala nila dahil hiwalay na sila sa kanilang pareha ay malaya na silang uli makakahanap ng makakasama. Mayroon ding iba na nais  hiwalayan ang asawa dahil siguro sa nagsasawa na   kahit mabait naman ang asawa at mapagmahal pero  hindi siya nakuntento ang ginawa naghahanap ng paraan para ma-justify ang paghihiwalay niya ng sa ganun ay makahanap ulit ng bagong kakasamahin
.

Sa talatang nabasa natin sa taas ang unawang pinaparating nito na  kapag inihiwalay  ng Mister  ang Misis  niya ay nagbibigay siya ng kadahilanan sa babae na ito ay mangangalunya ibig sabihin magiging prone sa adultery ang babae  kasi may tendency na ito ay maghanap ng lalaki at malalapit sa kasalanang pangangalunya.

Kung ang lalaki naman ay inihiwalay sa asawa at may nagkagusto sa kanya  at napangasawa niya ito  ay nagkakasala din ng pangangalunya. Ang kalalabasan magiging apat na silang mangangalunya...ang dalawang asawang nag-hiwalay , ang lalaking nag-asawa sa babaeng hiwalay sa Mister  at ang babaeng nag-asawa sa lalaking hiwalay sa kanyang Misis. Ang mga gumagawa ng pangangalunya at pakikiapaid ay paparusahan ng Dios...basa po tayo:




Heb_13:4 
Maging marangal nawa sa lahat ang pagaasawa, at huwag nawang magkadungis ang higaan: sapagka't ang mga mapakiapid at ang mga mapangalunya ay pawang hahatulan ng Dios.



Halimbawa naman  kung ang babae ay iniwan lang pero hindi naman siya naghanap ng lalaki yung  Mister na ng iwan ay hindi pwedeng mag-asawa  sapagkat   pag nag-asawa siya magkakasala siya ng pangangalunya ganun din kapag ang lalaki ay iniwan ni Misis at hindi naman siya naghanap ng bagong mapapangasawa ang Misis ay hindi pwedeng mag-asawa dahil kapag ginawa niya ito magkakasala ng pangangalunya.
Basahin ulit natin ang sinabi ng ating Panginoong Hesus:


Mar 10:11  At sinabi niya sa kanila, Ang sinomang lalake na ihiwalay ang kaniyang asawa, at magasawa sa iba, ay nagkakasala ng pangangalunya laban sa unang asawa:
Mar 10:12  At kung ihiwalay ng babae ang kaniyang asawa, at magasawa sa iba, ay nagkakasala siya ng pangangalunya.


Ang isang ground na pwede makipaghiwalay  ang isa sa kanyang asawa kung napatunayan niya na nagkasala ng sekswal na imoralidad  gaya ng pangangalunya o pakikiapid ito ay  sapat ng dahilan para hiwalayan niya ito. Ayon sa talata ang tanging ang inosenteng partido o yung nagawan ng kasalanan ng kapareha lamang ang pinapayagan ng kasulatan mag-asawang muli.


Halimbawa naman  kung  ang dalawa ay nagkasundo kapwa na maghiwalay at hindi sekswal immorality ( pangangalunya o pakikiapid) ang dahilan o sabihin na natin gusto nila maghiwalay dahil sa hindi magkasundo sa maraming bagay sila ay nararapat pa ring  manatiling walang asawa kasi sa Batas ng Dios nakatali pa rin sila sa kautusan.


1Co 7:27  Natatali ka ba sa asawa? huwag mong pagsikapang ikaw ay makakalag. Ikaw baga'y kalag sa asawa? huwag kang humanap ng asawa.

Ngayon halimbawa may ilang buwan o taon na silang hiwalay at  ang isa sa kanila ay hindi nakatiis at talagang nilalamig sa gabi at gusto may makayakap na unan na buhay at nag-desisyon na maghanap ng bagong mapapangasawa magkakasala siya ng pangangalunya at magbibigay naman ng chance o karapatan na makapag-asawa ng hindi nagkakasala ng pangangalunya ang isang nakapagtiis na partido.

Ituloy po natin ito sa isa pang paksa: Bakit hindi pwede mag-asawa ulit ang nag-hiwalay liban sa pangangalunya?


Salamat sa Dios!

Monday, November 10, 2014

Aral sa Mag-asawa

Napag-aralan natin sa nakaraang  post ang tungkulin ng Mister at Misis sa isa't-isa ng sa ganun maging maayos ang pagsasama sa loob ng tahanan. Kung hindi niyo pa po nabasa ay maaring i-click ang mga link sa baba:
Ituloy po natin ang iba pang aral ng Biblia patungkol sa pag-aasawa. Ano pa ba ang batas sa pag-aasawa?

Ayon sa nasusulat iiwan ng lalaki ang kanyang mga magulang at makikisama sa kanyang  asawa at ang dalawa ay magiging isang laman at ang pinagsama ng Dios huwag paghiwalayin ng tao.


Mat 19:3  At nagsilapit sa kaniya ang mga Fariseo, na siya'y tinutukso nila, at kanilang sinasabi, Naaayon baga sa kautusan na ihiwalay ng isang lalake ang kaniyang asawa sa bawa't kadahilanan?
Mat 19:4  At siya'y sumagot at sinabi, Hindi baga ninyo nabasa, na ang lumalang sa kanila buhat sa pasimula, ay sila'y nilalang niya na lalake at babae,
Mat 19:5  At sinabi, Dahil dito'y iiwan ng lalake ang kaniyang ama at ina, at makikisama sa kaniyang asawa; at ang dalawa ay magiging isang laman?


Mag-sasama po ang dalawa na iisang laman...ano po ang kasunod?...basa po tayo:

1Co 7:4  Ang babae ay walang kapangyarihan sa kaniyang sariling katawan, kundi ang asawa: at gayon din naman ang lalake ay walang kapangyarihan sa kaniyang sariling katawan, kundi ang asawa.


Ang sabi po ng talata ang babae ay walang kapangyarihan  sa kanyang sariling katawan ganun din naman ang lalaki ibig sabihin may karapatan ang isa't-isa sa katawan ng kanyang asawa halimbawa  kung gusto yakapin ni Mister si Misis dapat ay magpayakap,  kung gusto halikan ni Misis ay magpahalik si Mister ibigay ng bawa't isa ang nararapat kasi pag hindi pagsisimulan yan ng away....may parehong  karapatan ang  isat isa. Ano naman ang limitasyon?...basa po tayo:



1Co 7:5  Huwag magpigil ang isa't isa, maliban kung pagkasunduan sa ilang panahon, upang kayo'y mamalagi sa pananalangin, at muling kayo'y magsama, baka kayo'y tuksuhin ni Satanas dahil sa inyong kawalan ng pagpipigil.

Batas kasi ng Dios yan sa mag-asawa. Huwag magpipigil maliban na lang pagkasunduan. Gaya ng sabi may karapatan ang mag-asawa sa katawan ng isat'isa pero kapag  halimbawa may naisip na plano ang asawa na ayaw munang magka-anak o di kaya naman ayaw pang sundan ang anak sa dahilang  nagpa-plano na magpatayo ng bahay o mag-ipon muna para pang negosyo dapat unawain ang kagustuhan ni Mister o Misis  at pagkasunduan ang pagpipigil.

Kailangan mag-usap at  ipaalam ng isa kung ano ang dahilan niya kaya siya nagpipigil, masama kasi yung hindi pinapaalam baka mag-isip ng masama ang asawa. Akala eh! nagsasawa na o may iba ng ka-relasyon kaya natatabanagan na.


Sabi nga ni Bro.Eli Kung papasaganahin natin ang ating puso sa batas ng Dios ay mami-minimize ang kagalit..magkatampuhan man ang mag-asawa  ay nakukuha naman sa paglalambing pero yung tampuhan na uuwi sa legal seperation o di kaya sa tindi  ng galit at away magpapatayan jan nag uumpisa ng pagkawasak ng pamilya, kawawa naman ang mga bata.

Ang kasunod ay ang karangalan ng mag-asawa:


Heb_13:4  Maging marangal nawa sa lahat ang pagaasawa, at huwag nawang magkadungis ang higaan: sapagka't ang mga mapakiapid at ang mga mapangalunya ay pawang hahatulan ng Dios.


Ibig sabihin mag-sasama ng may dangal  hindi kagaya ng iba na mag-asawa na walang aral ng Dios ang isa ay nagkakasala ng pangangalunya, pakikiapid.
Ang iba naman may pamilya nga pero nagtatago kasi ang babae ay number 2 lang natatakot na mahuli ng legal wife kundi malaking gulo ang aabutin.

Ang pagmamahal at  katapatan sa bawat isa ay napakahalaga sa relasyong mag-asawa at yan ay maipagtibay sa pamamagitan ng aral ng Dios.

Mahalaga na malaman natin bilang may asawa at sa mag-aasawa pa lang ang aral ng Dios sa pag-aasawa upang maging matibay ang pundasyon ng pamilya. Napakasaya ng pamilya kung ang bawa't miembro ng pamilya ay namumuhay sa aral ng ating Panginoong Hesus.



Salamat sa Dios!



Sunday, November 9, 2014

Pagtuturo sa Anak


Ipanuod niyo po ito sa mga anak sa UNTV 37
Kadalasan naririnig natin na sinasabi ng iba na ang misyon nila sa buhay ay mabigyan ng magandang kinabukasan ang kanilang mga anak, nagsusumikap na magtrabaho na ang iba pa  nga ay lumalabas ng bansa upang maitaguyod ang pag-aaral ng anak at pagna-katapos at maging stable na ang kalagayan ay pwede na daw silang mamatay.

Ang taong may ganyang pananaw sa buhay ay malamang hindi naturuan ng tamang aral sa Biblia, pero papano ba dapat ang maging misyon  ng mga magulang sa mga anak? Sapat na ba ang mabigyan sila ng edukasyon?...hanapin po natin ang sagot sa Banal na Kasulatan...basa po tayo:



Eph 6:4  At, kayong mga ama, huwag ninyong ipamungkahi sa galit ang inyong mga anak: kundi inyong turuan sila ayon sa saway at aral ng Panginoon.

Ayon sa talata ang mga anak  dapat po pa lang turuan ng saway at aral ng Panginoon subalit paano natin matuturuan ang mga anak kung tayo ay wala ding alam sa saway at aral ng Panginoon. Kaya para magawa natin ito tayong mga magulang muna ang matuto kasi papaano natin sila matuturuan kung hindi natin alam ang ituturo. Sabi po ni Bro. Eli yan ang magbibigay sa magulang ng pananagutan na mag-aral ng saway at aral ng Panginoon kasi sa ating natutunan  natin  palalakihin ang ating mga anak.

Pro 22:6  Turuan mo ang bata sa daan na dapat niyang lakaran, at pagka tumanda man siya ay hindi niya hihiwalayan. 

Sa madaling salita mula sa pagkabata ay dapat ng ituro ng magulang ang aral ng Dios at hindi lamang yung laging nasa isip ay yung mapaaral lang sa eskwela at maipagtapos ng college ay sapat na. Natuto nga sa paaralan at naging dalubhasa sa karunungan  pero salat naman sa pagkatuto sa aral ng Dios ay wala din pong saysay kasi pwede na maging ugat ng pagkaligaw na ikapapahamak ng kaluluwa ng ating mga anak. Dahil sa sobrang katalinuhan kasi minsan ay hindi na naniniwala sa Dios gaya na lamang ng mga scientists na naging atheist ang pinagmulan kasi natutunan nila sa school ang karunungang kinakalaban ang Dios halimbawa ay  tinuturo nila ang Big Bang Theory na tutol  sa creation na nakasaad sa  Biblia  at ang tao ay bunga lamang ng Evolution mula sa unggoy.


Hindi naman po masama na paaralin natin ang ating mga anak dahil obligasyon po ng mga magulang na sa abot ng makakaya ay maipagtapos ang anak pero bilang magulang gawin nating misyon na kaalinsabay nito ay dapat huwag nating kalimutan na ituro ang aral ng Panginoon para hindi maligaw ang ating mga anak.

Ako po ay OFW na  nagtatrabaho para sa kinabukasan ng anak ko ginagawa ko naman minsan kapag  kami ay nag-uusap sa skype ay tinturuan ko ang anak ko na maging mabuti  masunurin, magalang at maging mabait na bata. Alam kong hindi sapat ito sa ngayon sapagkat nasa malayong bayan ako pero sana sa awa at tulong ng Dios ay maituro ko ng paunti-unti ang mga aral ng Dios sa Biblia na aking natutunan din naman sa aming Mangangaral na si Bro.Eli.




Salamat sa Dios!

Wednesday, November 5, 2014

Panalangin para sa Patay

Sa Iglesia Katolika isang doktrina ang manalangin para sa mga minamahal nating mga kamag-anak na pumanaw na  ng sa ganun mabawasan ang kanilang paghihirap sa purgatoryo. 

Paniwala ko noon kasi kapag hidni naman masyadong makasalanan ang namatay ay pupunta siya sa Purgatoryo...sabi ng lola ko ang kondisyon daw dun ay medyo hindi raw masyadong mainit  kumpara sa Impierno. At dahil nga mahal natin sila ang isang paraan para matulungan sila  makaalis  sa kanilang kalagayan ay dapat  ang palaging pananalangin sa Dios para sa patay upang patawarin sila ng unti-unting mabawasan ang kasalanan hanggang sa sila ay maging malinis bago makapasok sa langit.

Sa ganyang paniniwala po ako lumaki pero sumagi din naman sa isip ko noon ang katanungan kung totoo nga ba ang paniniwalang ganun. Natugunan ang tanong ko ng marinig ko ang kasagutan  sa pakikinig ko kay Bro. Eli noon ang pananalangin para sa patay ay wala o pala  sa loob ng Biblia at kahit ang mga unang Kristiyano ay hindi nagsagawa ng pagdarasal sa patay. Kasi ayon sa Biblia ang kaluluwa ng lahat ng tao ay nasa kamay na ng Dios kapag siya ay namatay...basa po tayo:



Job 12:10  Nasa kamay niya ang kaluluwa ng bawa't bagay na may buhay, at ang hininga ng lahat ng mga tao.

Click Here:
Nakakagala pa ba ang Espiritu ng Taong Namatay
Kaluluwang Nagpaparamdam
Araw ng Patay

Wala ng magagawa pa ang mga taong buhay para sa mga patay kahit ano pang panalangin na gawin natin ay useless na dahil ang kapalaran ng mga taong namatay ay nasa Dios na po, ang Panginoon na ang bahala sa kanila at wala na tayong pakialam pa. Ang mga patay ay nasa ilalim na ng kapangyarihan at pangangalaga ng ating Dakilang Dios  at bubuhayin lamang sila sa pagdating ng paghuhukom para panagutan ang kanilang mga nagawa ng sila ay nabubuhay pa.

Ang sabi po ni Bro. Eli ang dapat po nating ipanalangin sa Dios ay ang buhay at hindi ang patay dahil  po yan ang utos sa Biblia, ipagdasal mo ako at ipagdadasal din naman kita, Kung magkapatid tayo sa Iglesia ang sabi  magpatawaran tayo at magpanalanginan  tayo sa isa't-isa...basa po tayo:


Jas 5:16 
Mangagpahayagan nga kayo sa isa't isa ng inyong mga kasalanan, at ipanalangin ng isa't isa ang iba, upang kayo'y magsigaling. Malaki ang nagagawa ng maningas na panalangin ng taong matuwid.


1Jn 5:16  Kung makita ng sinoman na ang kaniyang kapatid ay nagkakasala ng kasalanang hindi ikamamatay, ay idalangin siya at bibigyan siya ng Dios ng buhay, na ukol sa mga nagkakasala nang hindi ikamamatay. May kasalanang ikamamatay: hindi tungkol dito ang sinasabi ko na idalangin niya.

Yan po ang dapat nating gawin ang ipanalangin ang buhay at hindi ang patay, iwan na po natin ang mga imbentong doktrina na  itinuro sa atin na wala sa Biblia gaya ng  pagdarasal para sa patay na  hindi naman po pala  makakatulong sa mga namatay na.

Mag-basa po tayo ng Biblia  at mag-suri po  mga kababayan para mabuksan ang ating kaisipan ng maalis tayo sa maling turo na  utos lamang ng tao upang ang ating pagsamba ay maging makabuluhan.

Mar 7:7  Datapuwa't walang kabuluhan ang pagsamba nila sa akin, Na nagtuturo ng kanilang pinakaaral ng mga utos ng mga tao.


Salamat sa Dios!