Tuesday, November 4, 2014

Nakakagala pa ba ang Espiritu ng Taong Namatay

 Nang hindi pa ako naanib sa tunay na Iglesia ang paniwala ko noon  ang mga kaluluwa ng patay ay nakakagala pa at bumabalik sa kanilang bahay  para magparamdam sa mga naiwang pamilya. Hindi ako nag-iisa sa paniniwalang ganito kundi halos karamihan sa mga Katoliko ay may ganitong belief.

Kahit hindi  pa naman ako naka- encounter ng pag-mumulto ay naniniwala po ako noon base na rin sa mga kwento ng ibang tao na nakaranas na. Wala namang tayong tutol na may nagmumulto pero hindi po yun ang kaluluwa ng ating mga namatay na kamag-anak.


Click  nyo po ito: Kaluluwang Nagpaparamdam

May kaugalian ang  mga Pilipinong Katoliko  na 40 days na pagluluksa sa patay na ang sabi  ang espiritu ng namatay ay namamalagi pa ng 40 days dito sa lupa bago ito umakyat sa dapat niyang kalagayan  ito po ay walang katotohanan dahil ayon sa Biblia kapag ang tao ay pumanaw na agad-agd na ang kanyang espiritu ay babalik sa Dios na nagbigay sa Kanya:



Ecc 12:7  At ang alabok ay mauuwi sa lupa gaya ng una, at ang diwa ay mababalik sa Dios na nagbigay sa kaniya. 


Pag-patay na po ang tao ibig sabihin wala na ang kanyang espiritu...basa po tayo:


Jas 2:26  Sapagka't kung paanong ang katawan na walang espiritu ay patay, ay gayon din ang pananampalataya na walang mga gawa ay patay. 

Ayon po sa talata kung papano ang katawan ay walang espiritu ay patay ganun din ang pananampalatayang hiwalay sa gawa ay patay..kaya pag wala na ang espiritu  ibig sabihin patay na kinuha na  ng Dios. Ang ating Panginoong Jesus bago mamatay ay tinagubilin sa Dios Ama ang Kanyang espiritu...basa po tayo:


Luk 23:46  At si Jesus, na sumigaw ng malakas na tinig, ay nagsabi, Ama, sa mga kamay mo ay ipinagtatagubilin ko ang aking espiritu: at pagkasabi nito, ay nalagot ang hininga.


Pagka-alis kasi  ng espiritu sa katawan ng tao  ito ay  pupunta  sa nagbigay nito...basa po tayo:


Job 12:10
  Nasa kamay niya ang kaluluwa ng bawa't bagay na may buhay, at ang hininga ng lahat ng mga tao.


Kaya imposible na pong bumalik at pagala-gala sa paligid  ang patay dahil na sa kamay na siya ng Dios. Pagdating ng paghuhukom saka muling  ibabalik ng Dios ang ang espiritu dun sa natunaw na  laman ng patay...basa po tayo:



Eze 37:4  Muling sinabi niya sa akin, Manghula ka sa mga butong ito, at sabihin mo sa kanila, Oh kayong mga tuyong buto, inyong pakinggan ang salita ng Panginoon.
Eze 37:5  Ganito ang sabi ng Panginoong Dios sa mga butong ito: Narito, aking papapasukin ang hinga sa inyo, at kayo'y mangabubuhay.

Eze 37:6  At lalagyan ko kayo ng mga litid, at babalutin ko kayo ng laman, at tatakpan ko kayo ng balat, at lalagyan ko kayo ng hininga, at kayo'y mangabubuhay; at inyong malalaman na ako ang Panginoon.

Bubuhayin ulit ang katawang namatay,  ang mga buto ay babalutin muli at haharap sa hukuman...kaya pagkamatay na pagkamatay ay babalik na derecho ang espiritu sa Dios at hindi na mananatili pa sa lupa.


No comments:

Post a Comment