Napag-aralan natin sa nakaraang post ang tungkulin ng Mister at Misis sa isa't-isa ng sa ganun maging maayos ang pagsasama sa loob ng tahanan. Kung hindi niyo pa po nabasa ay maaring i-click ang mga link sa baba:
- Sa Mag-asawa kailangan bang sumunod ang babae sa lalaki sa lahat ng bagay?
- Ang Aral na Pagpapasakop ng Babae sa Asawa
- Ang Tungkulin ng Lalaki sa Kanyang Misis
Ituloy po natin ang iba pang aral ng Biblia patungkol sa pag-aasawa. Ano pa ba ang batas sa pag-aasawa?
Ayon sa nasusulat iiwan ng lalaki ang kanyang mga magulang at makikisama sa kanyang asawa at ang dalawa ay magiging isang laman at ang pinagsama ng Dios huwag paghiwalayin ng tao.
Mat 19:3 At nagsilapit sa kaniya ang mga Fariseo, na siya'y tinutukso nila, at kanilang sinasabi, Naaayon baga sa kautusan na ihiwalay ng isang lalake ang kaniyang asawa sa bawa't kadahilanan?
Mat 19:4 At siya'y sumagot at sinabi, Hindi baga ninyo nabasa, na ang lumalang sa kanila buhat sa pasimula, ay sila'y nilalang niya na lalake at babae,
Mat 19:5 At sinabi, Dahil dito'y iiwan ng lalake ang kaniyang ama at ina, at makikisama sa kaniyang asawa; at ang dalawa ay magiging isang laman?
Mag-sasama po ang dalawa na iisang laman...ano po ang kasunod?...basa po tayo:
1Co 7:4 Ang babae ay walang kapangyarihan sa kaniyang sariling katawan, kundi ang asawa: at gayon din naman ang lalake ay walang kapangyarihan sa kaniyang sariling katawan, kundi ang asawa.
Ang sabi po ng talata ang babae ay walang kapangyarihan sa kanyang sariling katawan ganun din naman ang lalaki ibig sabihin may karapatan ang isa't-isa sa katawan ng kanyang asawa halimbawa kung gusto yakapin ni Mister si Misis dapat ay magpayakap, kung gusto halikan ni Misis ay magpahalik si Mister ibigay ng bawa't isa ang nararapat kasi pag hindi pagsisimulan yan ng away....may parehong karapatan ang isat isa. Ano naman ang limitasyon?...basa po tayo:
1Co 7:5 Huwag magpigil ang isa't isa, maliban kung pagkasunduan sa ilang panahon, upang kayo'y mamalagi sa pananalangin, at muling kayo'y magsama, baka kayo'y tuksuhin ni Satanas dahil sa inyong kawalan ng pagpipigil.
Batas kasi ng Dios yan sa mag-asawa. Huwag magpipigil maliban na lang pagkasunduan. Gaya ng sabi may karapatan ang mag-asawa sa katawan ng isat'isa pero kapag halimbawa may naisip na plano ang asawa na ayaw munang magka-anak o di kaya naman ayaw pang sundan ang anak sa dahilang nagpa-plano na magpatayo ng bahay o mag-ipon muna para pang negosyo dapat unawain ang kagustuhan ni Mister o Misis at pagkasunduan ang pagpipigil.
Kailangan mag-usap at ipaalam ng isa kung ano ang dahilan niya kaya siya nagpipigil, masama kasi yung hindi pinapaalam baka mag-isip ng masama ang asawa. Akala eh! nagsasawa na o may iba ng ka-relasyon kaya natatabanagan na.
Sabi nga ni Bro.Eli Kung papasaganahin natin ang ating puso sa batas ng Dios ay mami-minimize ang kagalit..magkatampuhan man ang mag-asawa ay nakukuha naman sa paglalambing pero yung tampuhan na uuwi sa legal seperation o di kaya sa tindi ng galit at away magpapatayan jan nag uumpisa ng pagkawasak ng pamilya, kawawa naman ang mga bata.
Ang kasunod ay ang karangalan ng mag-asawa:
Heb_13:4 Maging marangal nawa sa lahat ang pagaasawa, at huwag nawang magkadungis ang higaan: sapagka't ang mga mapakiapid at ang mga mapangalunya ay pawang hahatulan ng Dios.
Ibig sabihin mag-sasama ng may dangal hindi kagaya ng iba na mag-asawa na walang aral ng Dios ang isa ay nagkakasala ng pangangalunya, pakikiapid.
Ang iba naman may pamilya nga pero nagtatago kasi ang babae ay number 2 lang natatakot na mahuli ng legal wife kundi malaking gulo ang aabutin.
Ang pagmamahal at katapatan sa bawat isa ay napakahalaga sa relasyong mag-asawa at yan ay maipagtibay sa pamamagitan ng aral ng Dios.
Mahalaga na malaman natin bilang may asawa at sa mag-aasawa pa lang ang aral ng Dios sa pag-aasawa upang maging matibay ang pundasyon ng pamilya. Napakasaya ng pamilya kung ang bawa't miembro ng pamilya ay namumuhay sa aral ng ating Panginoong Hesus.
Salamat sa Dios!

No comments:
Post a Comment