Pages

Tuesday, December 9, 2014

Ang Dahil Kung Bakit May Incompatible na Mag-asawa

Incompatible ba kayong mag-asawa? Bakit hindi mo nalaman ng umpisa pa lang bago kayo nagsama?

Ang pagiging Incompatible ng mag-asawa ang dahilan din  minsan ng hiwalayan halimbawa ang babae naghihinala  na may kabit ang lalaki o ang kanyang nobyo na meron ng ibang gusto pero sa umpisa naman hindi naman ganun kasi mahal na mahal nila ang isa't-isa tapos sa bandang huli ng mag-asawa ang sabi hindi daw sila compatible, sino may kasalanan?

Sabi ng aming Mangangaral:   It is the general order of God na bawat tao mayrong tinatawag na FREEWILL  that sometimes we ignorantly and sometimes we recklessly use our freewill.
Halimbawa ng pagiging reckless sa paggamit ng freewill kumo nakakita ka ng babae o kaya lalaki  na medyo napahanga ka ng kaunti at  hindi ka naman nag-imbestiga kung anong ugali meron siya at hindi medyo nag-isip nagpadala na dun sa simboyo ng damdamin nagsama, nagpakasal at pagkatapos ay saka nalang nila nalaman sa bandang huli na hindi sila compatible sa isa't-isa.

Ang incompatibleness ng mag-partner  ay natutuklasan nila pareho sa loob ng mahabang panahon na nag-sasama sila na may mga punto na hindi matanggap ng bawa't isa may mga  hindi  gusto ang lalaki sa isang bagay sa babae at si babae ganun din may ayaw na nakita sa lalaki na hindi niya nakita ng hindi pa sila kasal.
At minsan sinisi pa ang Dios kung bakit pinagtagpo pa sila, hindi po kasalanan ng Dios yun tayong mga tao ang may gawa nun sa hindi natin maingat na paggamit ng FREEWILL .

Hindi po natin pwedeng ibentang sa Dios na siya ang nagpatagpo sa dalawang taong hindi mag-compatible  kasi kahit ayaw mong makatagpo o hindi mo inaasahang makatagpo ang isang tao ay ngyayaring magtatagpo at magtatagpo pa rin kayo.  Halimbawa kahit ayaw makatagpo ng mayaman ang mahirap dahil mabaho, madungis  ay hindi maiiwasang magtatagpo pa rin sila...basa po tayo:

Pro 22:2  Ang mayaman at ang dukha ay nagkakasalubong kapuwa: ang Panginoon ang May-lalang sa kanilang lahat.

Paliwanag po ng aming Mangangaral na, It is inevitable that the rich and the poor encounter each other that is God's order in this universe, it is inevitable kahit ayaw mo yung mahirap eh! inevitable yun hindi maiiwasan namakakatagpo mo bakit?

Mayaman ka nga bilyonaryo eh! nagbara ang iyong kasilyas ikaw ba babakbak ng kasilyas mo gayong  bilyonaryo ka babakbakin mo ba yung kasilyas mo para linisin ang tae mong sarili eh! nandidiri ka sarili mong tae tatawag ka ngayon ng mahirap na dahil wala siyang pera willing siya dahil kikita siya ng pera roon.

Kaya inevitable na magkikita yung mayaman at mahirap sa mundo that is general order in society because the poor will work for the rich and the rich will pay the poor. Econimically speaking it is God's passion and design in society. Hindi pwedeng walang mahirap kasi kung puro bilyonaryo tayo lahat sinong gagawa ng kalsada palagay mo kung ikaw si Belgates  magpapakapagod ka ba sa kalsada na puro usok?, magpupulis kaba?..hindi ka pupunta sa kalsada kasi bilyonaryo ka para mag pulis eh! kaya may mahirap ay dahil doon, may economic reasons, may justifiable reasons.

Ang ibig lang sabihin na ang tao may roong FREEWILL makakatagpo mo, babae, lalaki ,bading, tomboy marami kang makakatagpo sa buhay along the way pero kung nakakita ka ng isang partner na hindi compatible sayo hindi kasalanan ng Dios yun ikaw may kasalanan nun may freewill ka kasi, you took him in or he took you in kinuha ka niya at tapos later you realize na hindi pala kayo compatible sa isa't-isa.
Hindi po natin pwede ibentang sa Dios yun kasi  binigyan tayo ng kalayaang mamili FREEWILL  ung pagiging masyadong  reckless natin sa paggamit ng kalayaan na  kahit sino na lang sinunggaban, niligawan, pinakasalan ng hindi man lang kinilalang mabuti ang kanyang naibigan ayon sa  bandang huli sasabihin hindi sila compatible tapos isisisi  sa Dios na sabi: "binigay-bigay mo pa sa akin eh!". Mali po  yun.

Payo ng aming Mangangaral na,  Remember always we are living by general principles of justice and nature and nature allowed us to live the way we want to live our lives and justice disipline that life now if  by nature you are reckless then you have to suffer the consequences.


Salamat sa Dios!

No comments:

Post a Comment