Isaias 34:16 Inyong saliksikin sa aklat ng Panginoon, at inyong basahin: kahit isa sa mga ito ay hindi magkukulang, walang mangangailangan ng kaniyang kasama; sapagka't iniutos ng aking bibig, at pinisan sila ng kaniyang Espiritu.
Tuesday, December 23, 2014
Kahalagahan ng Pagpapatawad sa Panalangin
Hindi po lahat ng panalangin natin ay dinidinig Dios kung tayo ay hindi marunong magpatawad sa mga taong nakagawa sa atin ng kasalanan.
Halimbawa may na kaaway tayo na nakagawa ng kasamaan sa atin tapos hindi natin magawang magpatawad ay hindi rin po tayo patatawarin ng Dios at ang ating mga panalangin ay hindi Niya pakikinggan. Basa po tayo...
Mat 6:14 Sapagka't kung ipatawad ninyo sa mga tao ang kanilang mga kasalanan, ay patatawarin naman kayo ng inyong Ama sa kalangitan.
Mat 6:15 Datapuwa't kung hindi ninyo ipatawad sa mga tao ang kanilang mga kasalanan, ay hindi rin naman kayo patatawarin ng inyong Ama ng inyong mga kasalanan.
Papaano tayo pakikinggan ng ating Dakilang Dios kung meron din tayong ayaw patawarin. Hanggang hindi tayo marunong magpatawad muna ay hindi Niya tayo pakikinggan at hindi din naman makakatamo ng kapatawaran.
Napakahirap po talaga minsan magpatawad lalo na kung sobrang kasamaan ang nagawa sa atin pero kailangan nating magpatawad kung gusto nating mapakinggan ng Dios ang ating mga kahilingan sa panalangin. Kaya nagturo ang Panginoon Hesus ng ganitong panalangin:
Mat 6:9-13 Magsidalangin nga kayo ng ganito: Ama namin na nasa langit ka, Sambahin nawa ang pangalan mo. Dumating nawa ang kaharian mo. Gawin nawa ang iyong kalooban, kung paano sa langit, gayon din naman sa lupa. Ibigay mo sa amin ngayon ang aming kakanin sa araw-araw. At ipatawad mo sa amin ang aming mga utang, gaya naman namin na nagpatawad sa mga may utang sa amin. At huwag mo kaming ihatid sa tukso, kundi iligtas mo kami sa masama. Sapagka't iyo ang kaharian, at ang kapangyarihan, at ang kaluwalhatian, magpakailan man. Siya nawa.
Yan ang modelong panalangin na inihalimbawa ng Panginoong Hesus nandoon yung pagpapatawad para marinig ng Dios Ama. Turo nga po ng aming Mangangaral na kapag may makagawa sa atin ng kasalanan ay magpasalamat tayo sa halip na magalit kasi opportunity po yun na tayo ay mapatawad ng Dios sa ating mga kasalanan. Bakit ganun? Kasi pagnakagawa ang kapwa ng kasalanan sa atin ay mapipilitan tayong patawarin siya para mapatawad din tayo ng Dios Ama sa mga kasalanang nagawa natin at pakikinggan Niya pa ang ating panalangin.
Kung halimbawa naman hindi mo talaga mapatawad yung kaaway mo dahil ginawan ka ng krimen, pinatay yung mahal sa buhay o di kaya naman ni-rape yung anak mo, etc..napakabigat po sa loob na patawarin ang mga taong ganun. Pero ganun pa man kung hindi mo magawang patawarin ang taong yaon ang advice ng aming Tagapagturo ay dumiretso na lang tayong humingi ng tawad sa Dios:
Psa 32:5 Aking kinilala ang aking kasalanan sa iyo, at ang aking kasamaan ay hindi ko ikinubli: aking sinabi, aking ipahahayag ang aking pagsalangsang sa Panginoon; at iyong ipinatawad ang kasamaan ng aking kasalanan.
Sa Panginoon na lang humingi ng tawad kung hindi mapatawad, mauunawaan po ng Dios dahil Siya naman ay Hustisya kaya po ipasa kamay ng Dios na lang ang taong yaon at hayaan na lang ang Makapangyarihan ang gumanti sa kanya sa ganung paraan mawawala ang pait na nasa puso.
Kaya po bago tayo dumaing, humingi ng tawad sa panalangin natin sa Dios Ama ay isipin po muna natin kung may mga tao tayong hindi pa napatawad kasi magiging walang kabuluhan lang ang ating dasal kung mayroon naiwan sa likod natin na hindi napatawad. Patawarin muna natin sila saka tayo manalangin sa Dios upang ang ating mga kahilingan ay pakinggan.
Salamat sa Dios!
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
Napakagandang pangagaral sa mga nagbabasa...
ReplyDeleteAng pagpapatawad ay mahirap pero may kapalit na ligaya na hindi nino man o kailan man maibibigay ng isang tao. Lalo't ang pinatawad natin isang makasalanang tao...
Salamat po!
Napakagandang pangagaral sa mga nagbabasa...
ReplyDeleteAng pagpapatawad ay mahirap pero may kapalit na ligaya na hindi nino man o kailan man maibibigay ng isang tao. Lalo't ang pinatawad natin isang makasalanang tao...
Salamat po!