Kadalasan nating naririnig ang katuwiran na "walang perpektong tao" kapag nagkakamali o sumasablay sa pagkios o may nakikitang kapintasan sa kapwa. Pero totoo po ba na walang perpektong tao na nabuhay sa mundo?
Bago natin sagutin yan mula sa Biblia bigyan ko muna kayo ng maikling paunang paliwanag ng sa ganun ay maiwasan ang katanungang gugulo sa inyong kaisipan.
Sa pamantayan ng tao ang salitang "PERPEKTO" sa kastila, "perfect" sa english at "sakdal" sa tagalog ay yaong hindi nagkakasala, walang kapintasan sa pisikal, pag-uugali, walang sablay na kilos o gawa man sa mga pantayan na ganyan nasasabi nating wala talagang perpektong tao sa mundo sapagkat walang indibidual may taglay ng ganyang lahat na katangian sa basehan ng tao.
Sa Biblia po iba ang kahulugan ng Perfect o sakdal kesa sa alam nating mga tao, kung sa pamantayan ng tao ang ating standard para matawag na perpekto sa Makapangyarihang Dios po iba dahil para sa Kanya pwede Niyang tawaging perpekto ang tao kahit hindi ganun sa tingin ng tao.
Ano ba ang kahulugan ng PERFECT o Sakdal sa Biblia?...basa po tayo:
Jas 3:2 For in many things we offend all. If any man offend not in word, the same is a perfect man, and able also to bridle the whole body.
Jas 3:2 Sapagka't sa maraming mga bagay tayong lahat ay nangatitisod. Kung ang sinoman ay hindi natitisod sa salita, ay isang taong sakdal ang gayon, may kaya rin namang makapigil ng buong katawan.
Ang tinatawag na sakdal o PERFECT pala ay yung taong hindi natitisod sa Salita ng Dios pagka lahat ng Salita ng Dios pinaniniwalaan ng tao tinatawag siyang sakdal o perfect. Pero kahit na perfect ang tawag ng Biblia hindi naman ibig sabihin na hindi sila nakakagawa ng kasalanan o pagkakamali..hindi po ganun kasi kahit matuwid ang tao nagkakasala pa rin naman siya:
Ecc 7:20 Tunay na walang matuwid sa lupa, na gumagawa ng mabuti, at hindi nagkakasala.
Kahit na matuwid ka man gaya ng mga Apostol ay nagkakasala pa rin subalit tinatawag pa rin silang sakdal, PERFECT ng Biblia. Ang mga halimbawa na PERPEKTONG TAO ayon sa pagpapakilala ng Biblia:
Si Noah...
Gen 6:9 These are the generations of Noah: Noah was a just man and perfect in his generations, and Noah walked with God.
Si Job...
Job 1:1 There was a man in the land of Uz, whose name was Job; and that man was perfect and upright, and one that feared God, and eschewed evil.
Si Zacarias at Elisabeth mga taong lumalakad ng walang kapintasan sa utos ng Dios at matuwid sa harapan ng Dios...
Luk 1:5 There was in the days of Herod, the king of Judaea, a certain priest named Zacharias, of the course of Abia: and his wife was of the daughters of Aaron, and her name was Elisabeth.
Luk 1:6 And they were both righteous before God, walking in all the commandments and ordinances of the Lord blameless.
Kahit si Apostol Pablo ay perpekto din pati ang mga kausap niya sa verse kapareho niyang perpekto:
Php 3:15 Let us therefore, as many as be perfect, be thus minded: and if in any thing ye be otherwise minded, God shall reveal even this unto you.
Php 3:15 Kaya nga, kung ilan tayong mga sakdal, ay magisip ng gayon: at kung sa anoma'y nangagkakaiba kayo ng iniisip ay ipahahayag naman ito sa inyo ng Dios:
Ang Dios may ginawa Siyang perpektong mga tao...
Heb 12:23 To the general assembly and church of the firstborn, which are written in heaven, and to God the Judge of all, and to the spirits of just men made perfect,
Tayong mga tao ay inuutusan ng Dios na maging perfect at alam naman natin na ang ating Dios ay hindi mag-uutos ng non-sense na hindi kayang gawin ng tao kaya niya inutos dahil pwede nating magawa ang maging perpekto sa paningin Niya kahit hindi sa pamantayan ng tao...
Mat 5:48 Be ye therefore perfect, even as your Father which is in heaven is perfect.
2Co_13:11 Finally, brethren, farewell. Be perfect, be of good comfort, be of one mind, live in peace; and the God of love and peace shall be with you.
Nasagot na ang ating katanungan kung may tao bang perpekto na nabuhay sa mundo at ayon sa ating nabasa mula sa kasulatan ay meron po. Sa pamantayan ng tao hindi papasa ang sinuman sa salitang "perfect" pero dapat po nating mas paniwalaan ang pamantayan ng Dios kesa sa tao.
Sa ating Mapagmahal na Dios basta't hindi tayo natitisod sa Kanyang mga salita, pinaniniwalaan natin tayo man ay maaring tawaging PERPEKTONG TAO ng Dios.
Salamat sa Dios!
No comments:
Post a Comment