Ngayon ang araw na pinagdiriwang sa halos lahat ng panig ng mundo ang VALENTINE'S DAY, ang mga nag-iibigan ay masaya sa araw na ito andiyan ang pagbibigay ng regalo, card greetings, pagbibigay ng bulaklak ..etc..sa minamahal.
Subalit karamihan sa mga taong ito ay walang kaalam-ala sa origin ng tradition na ito basta ang sa kanila ay maidaos nila ang araw na sinasabi nilang Araw ng mga Puso. Sa pagkakataong ito ibabahagi ko sa inyo ang kaunting impormasyon tungkol sa araw ng Valentines.
Ayon pagsusuri ng mga tao ang origin ng VALENTINE'S DAY ay hindi nagsimula sa Roman Catholics kundi nagmula ito sa Roman fertility festival na tinatawag na Lupercalia na idinaraos tuwing February 13- 15 kada taon. Sabi habang pinagdidiwang ito ang mga lalaki daw ay hinuhubaran at ang mga dalagang babae ay hinahampas ng latigong gawa sa balat ng aso o balat ng kambing para tumaas daw ang fertility.
click the link below for more info:
http://www.ancient-origins.net/history/day-love-complex-origins-valentine-s-day-002672
Ang practice na ito adopted ng Roman Empire hanggang sa gawing kaugalian na sa relihiyong Catholicism. Ayon naman sa belief ng Roman Catholic si Saint Valentine ay isa sa santong martyr na kilala mula noong 3rd century at ang petsang February 14 ay pinili para sa pagpapaalaala sa kanya. Ngunit ng taong 1969 tinanggal siya sa listahan ng 200 santong inalis ng Vatican sa kadahilang walang sapat na information kung sila talaga ay nag-exist sa history ng tao.
"Because so little is known of him, in 1969 the Roman Catholic Church removed his name from the General Roman Calendar, leaving his liturgical celebration to local calendars."--- Calendarium Romanum Libreria Editrice Vaticana (1969), p. 117
click the link below for more info:
http://en.wikipedia.org/wiki/Saint_Valentine
Ganun pa man hindi na maalis pa ang traditons na kanilang naitinuro sa tao naging bahagi na ang maling aral na ito, ANG VALENTINES DAY AY HINDI BIBLICAL ito ay paniniwalang walang halaga at nakakaligaw lang ng tao. Ito ay kino-consider ng tao na araw ng mga puso pero ito ay araw din ng mga taong mangangalunya at mapakiapid sapagkat sa araw na ito ay dinaraos nila sa pamamagitan ng paggawa ng kasalanan.
Maraming nagkakasala sa Valentines Day kasi kahit hindi naman nila asawa o hindi naman mag-asawa gaya ng mag-BF, GF pa lang ay lumalabas at pumapasok sa mga Hotel at Motel para magtalik kaya nga sa araw na ito fully booked na sa dami ng nagpa-booking. Ang iba naman na may asawa nga pero mas ninais pag makasama sa kalayawan ng laman ang kanyang kabit, kalaguyo ma-celebrate lamang ang Valentines.
Kahit mga teenagers ngayon ay napapagaya na rin sa murang edad na 13 ay nagsisimula ng makipag-date na minsan pag walang pag-iingat sa kanloang sarili ay nauuwi sa maagang pag-aasawa o pagbubuntis. Sabi nga ng aming Mangangaral ito ay hindi day of love kundi DAY OF LUSTS ang VALENTINES DAY at sang-ayon po ako dun dahil yun ang nakikita nating obserbasyon sa paligid sa araw na ito.
Ang tunay na Kristiyano ay hindi nakikiisa sa pagdiriwang ito na mula sa pagan origin at customs ng tao na ayaw po ng ating Panginoong Hesus:
Col 2:8 Beware lest any man spoil you through philosophy and vain deceit, after the tradition of men, after the rudiments of the world, and not after Christ.
Mat 15:3 But he answered and said unto them, Why do ye also transgress the commandment of God by your tradition?
Wala pong aral ang ating Panginoong Hesus na makipag-ugnayan tayo sa mga santo gaya ni St. Valentines o kahit sinumang santo na manalangin sa kanila sapagkat iniisip natin na malakas sila sa Dios kaya makakatulong sila na dinggin ng Dios ang ating mga kahilingan sa panalangin. Mali po yun isa lamang ang ating Mediator sa Dios Ama at yun ay walang iba kundi ang ating Panginoong Hesus na ating masasaligan at maasahan:
1Ti 2:5 For there is one God, and one mediator between God and men, the man Christ Jesus;
Napapansin ko sa ibang sekta gaya ng mga bornagain sects kahit hindi naman sila Catholic ay nakikipagdiwang din na dapat sana hindi nararapat kasi tradition yan ng Catholics. Kung kinikilala mo ang iyong sarili na isang Kristiyano ay huwag po tayong makiisa sa kaugaliang hindi naman Biblical, huwag tayong makibahagi sa mga paniniwala ng hindi sumasampalataya:
2Co 6:14 Huwag kayong makipamatok ng kabilan sa mga di nagsisisampalataya: sapagka't anong pakikisama mayroon ang katuwiran at kalikuan? o anong pakikisama mayroon ang kaliwanagan sa kadiliman?
Pabayaan natin sila kung ayaw makinig sa Aral ng Dios at ang Dios na lamang ang bahala sa kanila ang mahalaga ay nagawa nating maibahagi sa kanila ang Salita ng Dios sa abot ng ating makakaya.
Salamat sa Dios!
No comments:
Post a Comment