Pages

Saturday, February 7, 2015

Nararapat Bang Humiwalay sa Asawa na Nagkakasala?

Ang pagkakasala ba ng kapareha ay pwedeng maging ground para maghiwalay? Ayaw na ayaw po ng ating Dios na ang mag-asawa ay naghihiwalay, ayaw Niya na may naisisirang pamilya, galit Siya sa mga taong sumisira ng magandang pagsasama ng mag-asawa at lalong hindi  natin ini-encourage na mag hiwalay ang mag-asawa. Sa loob ng Iglesia tinuturo ng aming Mangangaral ang aral sa pag-aasawa para mapanatili ang maayos na pagsasama sa kaparaanan ng Aral ng Panginoon.

Hindi naman sapat na dahilan na dahil sa nagkakasala ang iyong kapareha ay makikipaghiwalay kana kasi lahat naman ng tao ay nagkakasala at may chance na pwede mag-bago. Kung ang kasalanan naman ng kapareha ay minors lang naman hindi naman grabe to the max at napagtitisan mo subukang idaan sa paghihikayat sa pamamagitan ng aral ng Dios, isama siya sa pagkakatipon para makarinig ng salita ng Dios sa ganitong paraan mapigilan ito ng maaga  bago pa lumala. 

Pero sadyang may mga tao talaga na sila din mismo sa loob ng kanilang bahay ang gusto sumira ng kanilang pagsasama na humahantong sa paghihiwalay. Sila yung mga
kapareha sa buhay na  laging nagkakasala, wala sa vocabularyo ang magbago at patuloy pa rin sa pagkakasala. Halimbawa ang kasalanang ginagawa ni Mister ay nambabae laging gumagamit ng mga bayarang babae mas mabuti na yung hiwalayan dahil yun ay kasalanang pangangalunya at minsan dahil sa iba't-ibang babae ang nakakatalik niya ay makakuha pa  ng sakit at maihawa pa ang misis.

May mga asawa na ang bisyo ay droga o di kaya naman ay drug pusher o drug dealer pa, pagsusugal na extreme na talaga na kahit pambili ng pagkain ng pamilya ay pinantataya, laging lasing na araw-araw ay lasingan  at ginawa mo na lahat ng paghihikayat para tumalikod siya  sa pagkakasala pero ayaw pa ring magbago mas mainam na hiwalayan na lamang. Kasi walang mapupuntahan ang buhay ng kapareha, lagi kayong mag-aaway , mauubos ang kinikita dahil binibili ng alak, sinusugal, dino-droga at minsan pa nga sa sobrang kalasingan at droga nababalitaan sa TV nakakagawa ng karumal-dumal na gawa gaya ng ginagalaw pa minsan ang anak at ang iba naman ay napapatay ang sariling asawa at anak.


1Co 15:33  Huwag kayong padaya: Ang masasamang kasama ay sumisira ng magagandang ugali.


Dahil kung palagi pang kasama ang asawa na ganyang kalse ng pag-uugali at namumuhay sa pagkakasala na  hindi naman interesado magbago ayaw sumunod sa Dios ay nagiging  masamang kasama siya at pag-nakisama  sa taong masama  ang resulta ayon kay Apostol Pablo pati ang magagandang  ugali ng kapareha ay masisira din, mahahawa niya rin.


1Co 5:11  Datapuwa't sinusulatan ko nga kayo, na huwag kayong makisama sa kanino mang tinatawag na kapatid, kung siya'y mapakiapid, o masakim, o mananamba sa diosdiosan, o mapagtungayaw, o manglalasing, o manglulupig; sa gayo'y huwag man lamang kayong makisalo.


Sabi ni Apostol Pablo ayaw ng Dios na makisama tayo  sa mga taong masasama gaya ng mga binanggit niyang uri ng tao sa talata sa taas, kahit makisalo pinapaiwas ng Dios na gawin. Ang lahat ng tao ay tinatawag ng Dios na magbago pero sadyang may matitigas ang ulo ayaw sumunod sa Kanya ang ganitong klase ng kasama sa bahay lalo na kung ito ay kapareha o asawa na galit sa  pagbabago na  inibig pa ang gumawa ng pagkakasala nararapat na humiwalay na lamang kesa mahawa  pa niya  na lumangoy sa kasalanan.



Salamat sa Dios!

No comments:

Post a Comment