Isaias 34:16 Inyong saliksikin sa aklat ng Panginoon, at inyong basahin: kahit isa sa mga ito ay hindi magkukulang, walang mangangailangan ng kaniyang kasama; sapagka't iniutos ng aking bibig, at pinisan sila ng kaniyang Espiritu.
Pages
▼
Wednesday, February 11, 2015
Huwag Gumanti ng Masama sa Masama
Natural na reaksiyon ng tao pag ginawan ng masama ay ang makaisip na gumanti din ng masama halimbawa minura ng isang tao ang kausap niya ang kadalasan na ganti ng minura ay magmura din ng pabalik doble o triple pa, sunod-sunod na pagmumura. Iba naman kapag sinaktan pisikal ang resbak ay gumanti din ng pananakit, naturalisa po talaga ng tao yun lalo na kapag short temper person at wala pang alam sa aral ng Dios.
Ang iba naman kung hindi pisikal na pag-higanti ay dinadaan sa emotional na paghihiganti, pagnasaktan ang damdamin nais din makasakit ng feelings ng iba. Narinig ko nga minsan sa kasamahan ko sabi niya niloloko siya ng kanyang asawa dahil nambabae ang advice naman sa kanya ng isa ko pang kasamahan na manlalaki din siya ng makaganti para quits na.
Masama po ang gumanti ng masama sa masama yan po ay pinagbabawal ng Dios na gawin natin hindi naman kasi makakatulong yan para mapabuti tayo bagkus nakakadagdag pa ng galit at nagkakasala pa tayo.
1Th 5:15 Tingnan nga ninyo na huwag gumanti ang sinoman ng masama sa masama; nguni't sundin ninyong lagi ang mabuti, ang isa'y sa iba, at sa lahat.
Sa halip na masama ang iganti natin ang nararapat gawin ay daigin ito ng mabuti:
Rom 12:21 Huwag kang padaig sa masama, kundi bagkus daigin mo ng mabuti ang masama.
Kabutihan ang pinang-gaganti sa masama...pag minura o pinagsasalitaan tayo ng masasakit huwag ng pumatol pa at mas lalo na kung inanalimura tayo dahil sa Panginoong Hesus mas mabuting manahimik na lang at tanggapin na mapalad tayo.
Mat 5:11 Mapapalad kayo pagka kayo'y inaalimura, at kayo'y pinaguusig, at kayo'y pinagwiwikaan ng sarisaring masama na pawang kasinungalingan, dahil sa akin.
Kapag nambabae si Mister mga Misis huwag mo namang gantihan ng panlalaki kasi sa halip na siya lang ang nagkasala ay madadamay ka rin dahil gagantihan mo rin ng paggawa ng isa pang kasalanan magiging dalawa na kayo na nagkakasala, mali po ang ganun.
Ang nararapat na iganti ay pagmamahal, pagtatapat sa kapareha malay mo loobin balang araw mare-realize din niya at makonsensiya at titigil din siya at mamahalin kapa lalo.
Sinaktan ka man pisikal huwag na lang gumanti ng pananakit pabalik umiwas na lang pero kung hindi mo talaga matangap maari din naman daanin na lang sa hustisya ng tao. Mahirap talaga gawin lalo na kung sobrang kasamaan na ang ginawa sa atin pero dahil Kristiyano tayo dapat ipaubaya na lang natin sa Dios Ama ang pag-higanti bahala na sa Kanya ang Ama kung anong paraan niya sasawayin ang taong gumawa sayo:
Rom_12:19 Huwag kayong mangaghigantihan, mga iniibig, kundi bigyan ninyong daan ang galit ng Dios: sapagka't nasusulat, Akin ang paghihiganti; ako ang gaganti, sabi ng Panginoon.
Salamat sa Dios dahil kinasangkapan Niya ang aming kinikilalang Mangangaral na turuan kami na huwag gumanti ng masama sa masama ayon sa Biblia.
Salamat sa Dios!
No comments:
Post a Comment