Sunday, February 8, 2015

Paraan para maging Responsable ang Asawa

Napakaganda ng pagsasama ng mag-asawa kung parehong lumalakad sa pamamaraan ng Dios walang magiging problemang mabigat at kung meron man ay madaling malunasan.

Subalit  hindi lahat ng mag-asawa may ganitong katangian dahil hindi maiiwasan na ang dalawang nagsama ay pagkakaiba parehong iba ang kinalakihang environment, culture, minsan religion, lumaki sa iba't-ibang ugali at pananaw.

Bunga nito may ilang  tao na lumaking  iresponsable at nadala hanggang sa pagkakaroon ng   pamilya ibig kong sabihin hindi naman sila masamang kasama o hindi naman sila yung gumagawa ng mabibigat na pagkakasala laban sa kapareha kundi  mga asawa na halimbawa lumaking  tamad at umaasa sa magulang kaya ng nagka-asawa ay nadala parin ang katamaran sa paghanap ng trabaho, kasama ang  barkada sa tambayan, pabaya sa kanyang tungkulin sa loob ng bahay, hindi marunong lumingap, at ang iba naman may trabaho nga  pero napababayaan naman ang maglaan ng panahon para makasama ang pamilya. Ang totoo niyan isa ako sa ganun ang naging buhay ko dati pero ng ako ay nakapakinig ng aral ng Dios nabago ko at pilit na pinapanatili  kahit minsan ay sumasablay ako still trying hard pa rin kumakapit sa aral na aking natutunan.


Kung ikaw na nagbabasa ngayon na experience mo sa kasalukuyan ang ganitong sitwasyon at may  asawa kang  iresponsable ano kaya ang gagawin mo? Marami kasing paraan na ang tao ay magbago in my case ako ay nabago without help from my family and wife although may mga mistakes at lapses pa rin nagagawa dahil sa kahinaan bilang tao but still I'll do things na maitama ng madali, ganun pa man  masasabi ko  hindi na ako ang dati. The reason is nakapakinig ako sa mga pangangaral ng aming kinikilalang Mangangaral na nag lead sa akin na iwan na ang dating pangit na sistema ng pamumuhay.


Pero ilagay natin ang sitwasyon na ang asawa mo ay hindi pa nakapakinig ng aral o ayaw makinig ng aral ng Dios, ano kaya ang gagawin mo para siya  maidala mo sa katuwiran at mabago ang kanyang pagiging iresponsableng kapareha?

Sa batas ng tao pwede maging ground ang pagiging iresponsable para maghiwalay ang mag-asawa. Pero sa Dios, sa mga Kristiyano we  find ways and Biblical means  especially  gagawin ito para sa mga bata.

Kung isa kang sumasampalataya sa Dios at naniniwala ka sa aral ng Panginoon maraming paraan na magagawa mong responsable ang asawa   sa pamamagitan pagpapakita mo ng ang iyong pananampalataya sa Dios an  sa ganitong paraan ay maaring unti-unti mo siyang mahikayat:



1Co 7:13  At ang babaing may asawang hindi sumasampalataya, at kalooban niyang makipamahay sa kaniya, ay huwag niyang hiwalayan ang kaniyang asawa.
1Co 7:14  Sapagka't ang lalaking hindi sumasampalataya ay nagiging banal sa pamamagitan ng kaniyang asawa, at ang babaing hindi sumasampalataya ay nagiging banal sa pamamagitan ng kaniyang asawa: sa ibang paraa'y ang inyong mga anak ay nangagkaroon ng kapintasan; nguni't ngayo'y mga banal.



Ayon sa talata ang pakikisama ng babaeng sumasampalataya ay makakahikayat sa hindi sumasampalataya gaya ng iresponsableng asawa na matutoto  siya sa pamamagitan ng kanyang asawa.  Ang Kristiyano ay magagawa niyang responsable ang kanyang asawa, pero paano magagawa yun?..basa po tayo
1Pe 3:1  Gayon din naman, kayong mga asawang babae, pasakop kayo sa inyong sarisariling asawa; upang, kung ang ilan ay hindi tumalima sa salita, ay mangahikayat ng walang salita sa pamamagitan ng ugali ng kanikaniyang asawang babae;

Ganun po pala ang paraan,  ang asawa mo kahit hindi nakarinig ng aral ng Dios  o ayaw makinig ng aral pero dahil sa pamamagitan ng ugaling nakikita niya na pinakikisama mo sa kanya siya  ay nahihikayat. Nabibigyan siya ng pagkakataon na maging curious sa iyong pananampalataya dahil nararamdaman niya na maganda ang bunga nito sa inyong pagsasama sa ganung paraan magbibigay ito ng isipin sa kanya na hindi niya dapat suklian ng pagiging iresponsable ang mabuting pakikitungo mo sa kanya.

 At higit sa lahat salamat sa Dios dahil ang ugaling ipapakita mo ay mula sa pamamaraan ng Dios, kaunting sakripisyo lang para mahikayat ang asawa na maging responsable napakaganda kasi sa mag-asawa na kapwa naglilingkod sa Dios. Kahit sa kabila ng kahirapan at mga problemang dumarating ilapit lang natin sa  Maykapa at ang Dios ang gawing sentro ng buhay natin siguradong  ang miembro ng pamilya  ay magiging responsable at mananatiling di matitinag. Inaanyayahan ko po kayo na dumalo sa ginaganap na Bible Exposition ng aming samahan ng matuto pa ng aral ng Dios.


Salamat sa Dios!


No comments:

Post a Comment