Sadyang may mga tao talaga na ang ugali ay siraan ang kapwa dahl sa inggit kadalasan ngyayari ito sa trabaho na may mga taong gusto mapadali ang promotion ay sisiraan ka sa inyong boss.
Kahit pagdating sa relihiyon may mga kaibayo tayo sa pananampalataya na nais ibagsak ang ating kinaaniban na pasamain sa mata ng tao, ngyayari po ito sa aming samahan na lahat halos ng sekta sa Pilipinas ay nagsanib pwersa para ibagsak ang Iglesia na kinaaniban namin.
Kahit na ganun tinuturo sa amin ng aming mga Mangangaral na mga taogaun ay huwag dapat labanan. uao a Kristano ang Dios ang lalaban para sa atin..sabi niya magiging kaaaway ako ng iyong mga kaaway:
Exodus 23:22 Datapuwa't kung didinggin mong lubos ang kaniyang tinig, at gagawin mo ang lahat ng aking sinasalita; ay magiging kaaway nga ako ng iyong mga kaaway, kaalit ng iyong mga kaalit.
Pabayaan lang natin sila at huwag mag alala kung may taong gustong magbagsak sayo ang Dios ang magbabagsak sa kanya gigibain sila ng Dios...basa po tayo:
1Corinhans 3:16 Hindi baga ninyo nalalaman na kayo'y templo ng Dios, at ang Espiritu ng Dios ay nananahan sa inyo? Kung gibain ng sinoman ang templo ng Dios, siya'y igigiba ng Dios; sapagka't ang templo ng Dios ay banal, na ang templong ito ay kayo.
Ang Dios ang gigiba sa mga gustong gumiba sakanyang mga lingkod ipaubaya natin sa ating Ama ang lahat Siya na ang bahala sa kanila huwag tayong mag-isip man na gumanti mga kapatid at kababayan ko ang Dios ang gaganti para sa atin bigyan daan natin ang Kanyang galit:
Romans 12:19 Huwag kayong mangaghigantihan, mga iniibig, kundi bigyan ninyong daan ang galit ng Dios: sapagka't nasusulat, Akin ang paghihiganti; ako ang gaganti, sabi ng Panginoon.
Hebrews 10:30 Sapagka't ating nakikilala yaong nagsabi, Akin ang paghihiganti, ako ang gaganti. At muli, Huhukuman ng Panginoon ang kaniyang bayan.
Salamat sa Dios!
No comments:
Post a Comment