Isaias 34:16 Inyong saliksikin sa aklat ng Panginoon, at inyong basahin: kahit isa sa mga ito ay hindi magkukulang, walang mangangailangan ng kaniyang kasama; sapagka't iniutos ng aking bibig, at pinisan sila ng kaniyang Espiritu.
Pages
▼
Thursday, April 16, 2015
Ang Utos sa Babaeng Kristiyana
May naka-usap ako na isang babae pero hindi ako sure kung saang denominations siya kabilang, kung sa born again sect ba siya o katoliko ang sabi niya kasi hindi naman bawal sa isang babaeng Kristiyana ang magsuot ng alahas at mamahaling damit kundi ang mahalaga daw ay walang intensiyong masama sa pag-suot nito.
Sa palagay ko hindi siya naturuan ng kanilang preacher kung ano ang mga utos na dapat sundin ng isang babaeng Kristiyana. Ngayon ay ibabahagi ko sa inyo ang aral na tinuro ng aming Mangangaral tungkol sa mga ilang utos sa isang babaeng Kristiyana.
Ang una-unang kautusan sa babae ay pagiging mahinhin:
1Peter 3:2 Sa pagkamasid nila ng inyong ugaling mahinhin na may takot. :3 Na huwag sa labas ang kanilang paggayak na gaya ng pagpapahiyas ng buhok, at pagsusuot ng mga hiyas na ginto, o pagbibihis ng maringal na damit; :4 Kundi ang pagkataong natatago sa puso na may damit na walang kasiraan ng espiritung maamo at payapa, na may malaking halaga sa paningin ng Dios. :5 Sapagka't nang unang panahon, ay ganito naman nagsigayak ang mga babaing banal na nagsiasa sa Dios, na pasakop sa kanikaniyang asawa;
Marami po kasing kababaihan ang reckless sa kanilang pananamit na halos gusto ng ilabas ang hindi naman dapat ilabas. Sumasabay sa fashion kung ano ang uso yun din ang gagayahinkahit mahalay na sa mata. Ayon sa verse dapat may ugaling mahinhin, ang pagayak ay hindi mga palamuti ng buhok, pagsuot na mga hiyas na ginto (alahas) o marinagl na damit (branded clothes) , tinuturo sa kababaihan ang maging simple, lamang dahil ang mahalaga sa Dios ay ang pagkataong natatago sa puso. Ganyan kasi nanamit ang mga babaing banal noon kaya dapat din silang tularan at hindi yung mga artista o model na napapanood. Sinasabi din ng verse na ang babae ay dapat umaasa sa Dios, pasakop sa kani-anilang asawa:
1Timothy 2:11 Ang babae'y magaral na tumahimik na may buong pagkapasakop. :12 Nguni't hindi ko ipinahihintulot na ang babae ay magturo, ni magkaroon ng pamumuno sa lalake, kundi tumahimik. :13 Sapagka't si Adam ay siyang unang nilalang, saka si Eva;
Kailangan pala pasakop ang isang Kristiyang babae sa kaniyang asawa, mag-aral na tumahimik o huwag yung bungangera na laging dinadakdakan ang asawa. Walangkarapatan ang babae na pamunuan ang lalaki bawal na bawal ng Biblia yun na i-under ni babae si asawang lalaki. Baka ma-misinterpret niyo po ang tinutukoy na asawang pagpapasakupan ng babae ay lalaking kristiyano at hindi lasenggo o masamang asawa.
Ito pa ang aral ng Dios sa babae:
Proverbs 31:11 Ang puso ng kaniyang asawa ay tumitiwala sa kaniya, at siya'y hindi kukulangin ng pakinabang. :12 Gumagawa siya ng mabuti sa kaniya at hindi kasamaan lahat ng mga kaarawan ng kaniyang buhay. :13 Siya'y humahanap ng balahibo ng tupa at lino, at gumagawang kusa ng kaniyang mga kamay.
Yan ay aral ng Dios lalo na sa babaeng Kistiyanang may asawa. Siya ay dapat katiwa-tiwala, kapaki-pakinabang, gumagawang kusa ang kaniyang kamay o ibig sabihin naghahanap buhay o kung hindi man ay gumagawa ng kusa ng gawaing bahay,at gumagawa ng kabutihan sa kanyang asawa.
Napakaganda talaga ng aral ng Dios sa babae na sana mataglay ito ng bawat isa na naniniwala na Kristiyana sila. Marami pa pong aral ang Biblia at kung gusto niyo po ay iniimbitahan kopo kayo na dumalo sa aming mga ginaganap na Bible Exposition o Mass Indoctrination sa malalim pa na pagsusuri ng Banal na Kasulatan sa pangunguna ng aming mga Mangangaral.
Salamat sa Dios!
No comments:
Post a Comment