Monday, April 6, 2015

Penitensiya at Pagpapako sa Krus Biblikal ba?


Tradisyon na ng mga kababayan nating mga katoliko ang mag-penitensiya tuwing semana santa, ito ay paniniwala  na ang pagpaparusa sa sarili ay paraan upang mapatawad ang kanilang mga kasalanan. Sila ay nagpapako sa krus na tinutularan ang Panginong Hesus na  gaya ng sa movie na Passion of Christ at ang iba naman ay nagpa-parada sa lansangan  habang hinahampas ang likod.

Yung iba naman siya na mismo  ang nagpaparusa sa sarili may hawak na parang latigo at hinahataw sa  likod niya habang naglalakad.  Yung katawan niya  cristo yung kamay niya na naghahampas ay  Hudyo,  siya din ang pumapalo sa sarili niya ....kaya kalahati cristo kalahati Hudyo ang sarili niya. Nakakatawa isipin pero ganun po nila pino-portray ang penitensiya.

Kahit ang Simbahang Katolika ay  hindi hinihikayat ang indibiduwal member  na mag-pahirap sa katawan o magpapako, ngunit may pagkakamali ang simbahan dahil sa kanilang pagpapabaya. Hindi pagdi-disiplina ng members ay napabayaan ng maging tradisyon ito hanggang ngayon at mananatili hanggang wakas kung walang magpupuna at magtutuwid sa mali.


http://newscentral.ph/blog/2015/02/18/cbcp-huwag-gamitin-sa-turismo-ang-pagpepenitensya-sa-panahon-ng-kwaresma/

Ang ganitong tradisyon ay hindi sinasang-ayunan ng Biblia  na ang pagpapahirap sa katawan ay anyo lamang ng karunungan na walang kabuluhan:

Colossians 2:23  Ang mga bagay na iya'y katotohanang mayroong anyo ng karunungan sa pagsambang kusa, at sa pagpapakababa, at sa pagpapakahirap sa katawan; nguni't walang anomang kabuluhan laban sa ikalalayaw ng laman.

Anyo lang pala ng karunungan ang ginagawang pagpapahirap ng mga katoliko sa kanilang katawan  hindi talaga matatawag na karunungan. Ibig sabihin ng talata na  anyo lang ay gaya din na may tinatawag na kabanalan pero anyo lang at hindi tunay na kabanalan:

2Timothy 3:5  Na may anyo ng kabanalan, datapuwa't tinanggihan ang kapangyarihan nito: lumayo ka rin naman sa mga ito.


May anyo ng kabanalan pero tinanggihan ang  kapangyarihan ng kabanalan gaya rin naman nung may anyo ng karunungan, pagpapakababa, pagpapahirap ng katawan pero walang kabuluhan kasi anyo lang, isang palabas lang , nagpapakita lang sa anyo sa  mga tao na nagpe-penitensiya, at nagpapako sa krus upang maisip ng nakakita  na nagsisi na sila sa kanilang kasalanan. Ayon sa Biblia walang kabuluhan yan hindi makakapagpatawad sa kanilang kasalanan.


Hindi sa pagpaparusa ng sarili o pagpapako sa krus ang paraang tinuturo ng Biblia para mapatawad ang tao kundi sa pamamagitan ng pagsisisi, pagbabagong buhay, at ang pag-iwan ng kasalanan:

Proverbs 28:13  Siyang nagtatakip ng kaniyang mga pagsalangsang ay hindi giginhawa: nguni't ang nagpapahayag at nagiiwan ng mga yaon ay magtatamo ng kaawaan.

Ang pagsisisi ay pagpapahayag sa Dios na tayo ay makasalanan na handang tumalikod sa nagawang kasalanan at ng sa ganun  magtatamo tayo ng kaawaan mula sa ating Ama upang  mapatawad tayo. Pagkatapos natin magsisi ay tanggapin ang  bautismo:

Acts 2:38  At sinabi sa kanila ni Pedro, Mangagsisi kayo, at mangagbautismo ang bawa't isa sa inyo sa pangalan ni Jesucristo sa ikapagpapatawad ng inyong mga kasalanan; at tatanggapin ninyo ang kaloob ng Espiritu Santo.

Malinaw na malinaw po na hindi penitensiya o pagpapako sa krus ng  sarili ang paraan para mawala  ang kasalanan kundi ang pagsisi at ang bautismo na tinuro ng ating Panginoong Hesus. Kaya magalit man ang mga kabababayan nating katoliko ay tuwiran kong sinasabi ang katotohanan  na  kalokohan ang ginagawa nilang  magpapako sa krus, paparusahan ang katawan tuwing semana santa. Bagama't hindi rin natin masisi sila dahil sabi nga nakasanayan na daw nila itong gawin nakamulatan na ang kaugaliang ito  samakatuwid nakasanayan na nilang gawin ang mali at pinagpapatuluyan pa. Awa at tulong ng Dios ay mabuksan ang kaisipan ng ilan sa ating mga kababayan na umalis sa mali.

Salamat sa Dios!





No comments:

Post a Comment