Hindi na bago sa atin na kapag topic ang PULITIKA ang unang sumasagi sa ating isip palagi ay madumi, corruption, mga katiwalian, sabwatan, atbp. pang masamang gawain ng pulitiko sa loob ng kanyang opisina. Pansamantala alisin muna natin yung negative definition sa word na PULITIKA at alamin ang talagang tunay na kahulugan nito.
ANO BA ANG MEANING NG POLITICS?
Word Origin and History for politics
n.
1520s, "science of government," from politic (adj.), modeled on Aristotle's ta politika "affairs of state," the name of his book on governing and governments, which was in English mid-15c. as "Polettiques." Also see -ics.
Politicks is the science of good sense, applied to public affairs, and, as those are forever changing, what is wisdom to-day would be folly and perhaps, ruin to-morrow. Politicks is not a science so properly as a business. It cannot have fixed principles, from which a wise man would never swerve, unless the inconstancy of men's view of interest and the capriciousness of the tempers could be fixed. [Fisher Ames (1758-1808)]
*** http://dictionary.reference.com/browse/politics
Ang Politics sa orihinal na kahugan pala ay mabuting pamamahala, is the science of good sense, may kinalaman sa pamamahala ng sambayanan, a science of government.
Hindi pala tama ang sinasabi ng iba na ang Pulitika ay marumi hindi po totoo yun, kaya nagkaroon ng masamang kahulugan ang Politics dahil ang mga tao na pumasok sa pulitika ang gumawa na maging marumi ito gaya ng ginagawang palakasan, kampi-kampi, mga katiwalian,at iba pang gawang masama na ipinasok sa pulitika. Sa ating bansa ang Politics ay hindi naman masama kundi ginawa lamang itong pugad ng kasamaan ng mga taong matatakaw sa kapangyarihan at kayamanan, ginamit ang pulitika sa sariling interests.
Syempre naman may mga pulitiko din naman na maayos at mabuti ang kanyang panunungkulan na mahal ng taong bayan pero majority talaga ang corrupt na pulitiko. Hindi din naman natin masisisi ang mga tao nakasanayan na nilang isipin na ang pulitika ay masama dahil na rin sa mga naitalang kasamaang ginagawa ng mga masamang pulitiko na na bubulgar.
Hindi po marumi ang Pulitika o ang Gobyerno katunayan tinuro ni Apostol Pablo na magpasakop tayo dahil ang Dios ang naghalal ng mga kapangyarihan ng pamahalaan:
Romans 13:1 Ang bawa't kaluluwa ay pasakop sa matataas na kapangyarihan: sapagka't walang kapangyarihan na hindi mula sa Dios; at ang mga kapangyarihang yao'y hinirang ng Dios. :2 Kaya nga't ang sumasalangsang sa kapangyarihan, ay sa utos ng Dios sumasalangsang: at ang mga nagsisalangsang ay magsisitanggap ng kahatulan sa kanilang sarili.
Tinuro ni Apostol Pablo na dapat magpasakop sa gobyerno o pamahalaan, sumunod sa batas. Ito ngayon ang nagbibigay sa atin ng karapatan na pumili ng leader na bobotohin na sa paningin natin ay karapatdapat na mamuno.
Hindi hindi rin iniaral ng Panginoong Hesus na mag rebelde sa gobyerno ang mga Kristiyano sa panahong yaon, bagkus inutos pa nga niya na ibigay ang nararapat na buwis sa gobyerno at ibigay ang nararapat sa Dios:
Matthew 22:21 Sinabi nila sa kaniya, Kay Cesar. Nang magkagayo'y sinabi niya sa kanila, Kaya't ibigay ninyo kay Cesar ang sa kay Cesar; at sa Dios ang sa Dios.
Iniutos din ng mga Kristiyano na isama sa panalangin ang mga pinuno:
1Ti 2:1 Una-una nga sa lahat ng mga bagay, ay iniaaral ko na manaing, manalangin, mamagitan, at magpasalamat na patungkol sa lahat ng mga tao; :2 Ang mga hari at ang lahat ng nangasa mataas na kalagayan; upang tayo'y mangabuhay na tahimik at payapa sa buong kabanalan at kahusayan.
PWEDE BANG SUMAMA SA PULITIKA ANG ISANG MANGANGARAL?
Hindi masama na sumama sa pulitika ang isang Mangangaral kung siya ay mamahala ayon sa kalooban ng Dios gaya din naman ni Propeta Moises na naging pinuno ng bayang Israel na pinamumunan niya ng Theocratic form of Goverment o Gobyernong Maka-Dios. Mabuting gawin ng isang Mangangaral na makapasok sa pulitika ay gumawa ng mga batas na naayon sa Biblia, makatao, maka-Dios na pamamahala.
Sa Dios nagmumula ang pamumuno ng sambayanan sapagkat Siya naglalagay ng mga Hari o pinuno at Siya din naman ang nag-aalis:
Daniel 2:21 At kaniyang binabago ang mga panahon at mga kapanahunan; siya'y nagaalis ng mga hari, at naglalagay ng mga hari; siya'y nagbibigay ng karunungan sa marunong at ng kaalaman sa makakaalam ng unawa;
Ang Dios na Makapangyarihan sa lahat ang Siyang nagkakaloob ng pamumuno sa sinuman na karapatdapat ayon sa Kanyang ibigin:
Daniel 4:17 Ang hatol ay sa pamamagitan ng pasiya ng mga bantay, at ang utos ay sa pamamagitan ng salita ng mga banal; upang makilala ng mga may buhay na ang Kataastaasan ay nagpupuno sa kaharian ng mga tao, at ibinibigay niya ito sa kanino mang kaniyang ibigin, at itinataas niya sa kaniya ang pinakamababa sa mga tao.
Ang isa pang halimbawa na sumama sa pulitika ay gaya ni Propeta Daniel at ang kanyang mga kaibigan:
Daniel 2:48 Nang magkagayo'y pinadakila ng hari si Daniel, at binigyan siya ng maraming dakilang kaloob, at pinapagpuno siya sa buong lalawigan ng Babilonia, at pinapaging pangulo ng mga tagapamahala sa lahat na pantas sa Babilonia. :49 At si Daniel ay humiling sa hari, at kaniyang inihalal, si Sadrach, si Mesach, at si Abed-nego, sa mga gawain sa lalawigan ng Babilonia; nguni't si Daniel ay nasa pintuang-daan ng hari.
Ang masama ay kung ang Isang Mangangaral kumandidato sasama sa karumihan ng mga pulitikong nagpaparumi sa pulitika, kung siya ay sasama sa paraan na kanilang pamumuhay, sasama sa kanilang maruruming pamamaraan ng pamamahala. Gaya ni Propeta Daniel na nagkaroon ng mataas na katungkulan sa pulitika o gobyerno ni King Nebuchadnessar pero hindi siya nakihalubilo sa karumihan ng pamahalaang yao gaya ng pagsamba sa dios-diosan.
Kaya kung ang isang Mangangaral kumandidato na alam niyang maraming dumi ang pulitikang sasamahan niya gaya halimbawa ng pamamalakad ni Ex. Pres. Arroyo, Erap..etc. o kaya naman ng mga nakakulong na senador na sina Revilla, Estrada at Enrile dahil sa katiwalian ng panahon ng termino nila at nakihalubilo ang Mangangaral sa maruming gawain ng mga pinunong ganun sa ilalim ng pamamahala niya hindi dapat botohin ang Mangangaral na yun.
Hindi masama ang pulitika pero kapag narumihan na ito gaya ng ginagawa ng masasamang pulitiko na gustong magpayaman ng mapayaman nagiging pansanlibutan na ito sapagkat ang hangarin ng kayang puso ay magnakaw na ng pera sa kaban ng bayan sa ganitong sitwasyon hindi dapat humalubilo ang isang Mangangaral sa sanlibutan gaya ng karumihan na ginawa ng tao sa pulitika.
Hindi nararapat ihalal ang isang Mangangaral na kumandidato sa pulitkang alam niyang maraming dumi dahil sa kagagawan ng tao, hindi siya maaring kumandidato dahil mahirap maglingkod sa dalawang panginoon.
Matthew 6:24 Sinoma'y hindi makapaglilingkod sa dalawang panginoon: sapagka't kapopootan niya ang isa, at iibigin ang ikalawa: o kaya'y magtatapat siya sa isa, at pawawalang halaga ang ikalawa. Hindi kayo makapaglilingkod sa Dios at sa mga kayamanan.
Kasi kapag ang isang Mangangaral pumasok sa pulitika at nakiayon siya sa mga karumihang ng masasamang pulitiko gaya ng pagnanakaw ng pera, masisira ang kanyang paglilingkod sa Dios, hindi niya magagawang maglingkod na pagsabayin ang paglilinkod sa Dios at paglilingkod sa pera o kayamanan , dahil ang resulta maaring mabulag siya ng pera at lisanin ang paglilingkod sa Dios.
Sapagkat ang kawal ng Dios ay hindi dapat makihalubili sa mga bagay ng buhay:
2Timothy 2:4 Sinomang kawal na nasa pagkakawal ay hindi nahalubilo sa mga bagay ng buhay na ito; upang siya'y kalugdan niyaong nagtala sa pagkakawal.
Ibig sabihin ang mga bagay ng buhay gaya ng mga worldy things, corruptions, evil affairs hindi dapat makihalubilo ang isang Mangangaral, kaya kahit na sa loob siya ng pulitika na namamahala manatili siyang kawal o Mangangaral na hindi humahalubilo sa mga karumihanng nasa loob nito, makisama siya ng pakikiasamang Kristiyano pero hindi dapat makihalubilo sa kanilang maruruming pamamaraan ng pamamalakad.
Nasagot na po natin ang tanong, pwede kumandidato ang isang Mangangaral sa pulitika basta wag lamang siyang sasama o makihalubilo sa karumihang nasa loob nito, mamahala siya ng may pagka-Dios na ang layunin ay maglingkod sa Dios at sa sambayanang nasasakupan niya at hindi dahil sa perang kikitain o magpayaman na gaya ng ginagawa ng ibang masamang pulitiko.
Salamat sa Dios!

No comments:
Post a Comment