Pages

Wednesday, October 7, 2015

Dapat Bang Manalangin Kay Maria na Ina ng ating Panginoong Hesus?


Si Maria po ay Ina ng ating Panginoong Hesus sa katawang tao at hindi po siya Dios para manalangin tayo sa kaniya at  ang katawagang INA NG DIOS sa kaniya ay mali kasi ang Dios po ay walang ina walang pasimula Siya ang kauna-unahan sa lahat. Nauna pa ang Panginoon Hesus mula sa pasimula.  Si Maria ay ina lamang ng katawang tao ng ating Panginoong Hesus at hindi ng pagka-Dios nito.

Hindi po tama na manalangin kay Maria sapagkat hindi naman siya Dios, wala siyang taglay na katangian na kagaya ng Dios upang madinig  ang lahat ng dasal ng tao  o nakikita niya ang  lahat ng tao sa mundo. Katunayan walang Apostol o Kristiyano noon na nanalangin sa  kaniya at  kung tutuusin ay nakikita nila at nakakausap personal sa halip nanalangin sila sa Dios kasama si Maria....Basa po tayo:

Acts 1:13  At nang sila'y magsipasok sa bayan, ay nagsiakyat sila sa silid sa itaas, na kinatitirahan nila; ni Pedro at ni Juan at ni Santiago at ni Andres, ni Felipe at ni Tomas, ni Bartolome at ni Mateo, ni Santiago na anak ni Alfeo, at ni Simong Masikap, at ni Judas na anak ni Santiago. :14  Ang lahat ng mga ito'y nagsisipanatiling matibay na nangagkakaisa sa pananalangin na kasama ang mga babae, at si Maria na ina ni Jesus, at pati ng mga kapatid niya.


Nabasa niyo po si Maria kasama  ng mga alagad na nananalangin sa Dios dahil yun po ang utos na sa Dios po magdasal at humiling...


Philippians 4:6  Huwag kayong mangabalisa sa anomang bagay; kundi sa lahat ng mga bagay sa pamamagitan ng panalangin at daing na may pagpapasalamat ay ipakilala ninyo ang inyong mga kahilingan sa Dios.

Sa pananalangin po natin ay dumirekta po tayo sa Dios dahil sa Dios naman ay walang palakasan gaya ng sa gobyerno ng tao, sabi kasi ng mga katoliko ang mga banal o santo gaya ni Maria, San Pedrto, San Francis, etc..ay malapit sa Dios kaya daw  malakas at komo malakas sila daw po ang makikisuyo sa Dios na pagbigyan ang kahilingan mo, gaya daw ni Maria  na isang  ina na kapag nanalangin ka sa kaniya siya ay maglalambing sa kaniyang anak na Panginoong Hesus na ibigay ang dasal natin. Yun po ang katuwiran nila kaya ginagawa nila dumadaan muna sila sa mga santo kay Maria sa pananalangin para tulungan na madinig ng Dios. Mali po yun at wala sa Biblia ang ganung pangangatuwiran dagdag kwento na lang po yun.

Ang palakasan po ay hindi diwa ng Dios sa Biblia ang Dios po ay patas o fair sa lahat, Siya po ay Hustisya sabi nga po ng aming Tagapagturo na kahit ikaw pa ang walang kwentang tao sa mundo at kailangan mo ng hustisya ay makakamit mo ito sa Dios  at hindi palakasan gaya ng nasa isip ng iba.


Bsahin nyo po  ang panalangin ng Katoliko kay Maria:

Aba Ginoong Maria, napupuno ka ng grasya,
Ang Panginoong Diyos ay sumasaiyo.
Bukod kang pinagpala sa babaing lahat
At pinagpala rin naman ang anak mong si Hesus.
Santa Maria, Ina ng Diyos
Ipanalangin mo kaming makasalanan
Ngayon at kung kami'y mamamatay.
Amen
Naitanong ko rin yan noon sa sarili ko kung bakit tinatawag na GINOO si Maria samantalang siya naman ay babae parang mali po at walang batayan na grammar ang tawaging GINOONG MARIA ang isang babae lalo na kinikilala nilang ina pala ng Dios dapat po sana ay GINANG MARIA. Ang isa pa eh!  ina pala ng Dios ang pagkakilala tapos inutusan na ipanalangin mo kaming makasalan at  gagawin niya habang buhay  sabi: mula ngayon hanggang kami ay mamatay.amen. Biro niyo po kinikilala nilang Ina ng Dios pero inutusan sa halip na igalang, biro mo ina ng Dios inistorbo mo habang buhay para manalangin sayo.

Mali po yun kung meron tayong kailangan ay dumirekta po tayo sa Dios at huwag nating ipasa kay Maria o sa sinumang santo dahil aral  po ng Panginoong Hesus sa bawat isa sa atin na manalangin tayo gaya ng tinuro niya sa mga alagad na laging manalangin:



Matthew 26:41  Kayo'y mangagpuyat at magsipanalangin, upang huwag kayong magsipasok sa tukso: ang espiritu sa katotohanan ay may ibig, datapuwa't mahina ang laman.



Sa kahinaan ng ating laman na natutukso tayo ay manalangin tayo sa Dios utos po yun lahat kung kristiyano ka at huwag ipasa sa iba. Kaya po sa kahuli-hulihan ay huwag po tayong manalangin sa kay Maria atin po siyang ginagalang bilang naging kasangkapan ng Dios para ipagdalang tao ang katawang tao ng ating Panginoon Hesus at huwag na hihigit pa  doon na para bagang itinataas na natin siya na parang Dios.

Manalangin po tayo sa Dios Ama at hilingin natin  sa pangalan ng ating Panginoong Hesus sapagkat siya lamang ang ating at Tagapamagitan sa Dios at wala ng iba pa.


1Timothy 2:5 
Sapagka't may isang Dios at may isang Tagapamagitan sa Dios at sa mga tao, ang taong si Cristo Jesus,


Salamat sa Dios!

No comments:

Post a Comment