Noon naniniwala ako na ang Iglesia Katolika Apostolika Romana ang siyang tunay na relihiyon kasi kung ito ay mali sana hindi ito laganap sa mundo at pinagmamalaki ko rin na kaya totoo ang Catholics dahil marami itong members sa buong mundo kumpara sa ibang Christian denominations na nagsilitawan.
Pero batayan ba ng totoo ang pagdami ng members ng isang relihiyon? Basa po tayo...
Psalm 37:35 Aking nakita ang masama sa malaking kapangyarihan, at lumalaganap na gaya ng sariwang punong kahoy sa kaniyang lupang tinubuan.
Mabilis po palang lumaganap ang hindi totoo, pag-masama pala madaling makahawa kaya dumadami ang miembro. Kahit na tingnan natin sa mundo sino ba ang mas marami ang masama o ang mabuti? Para masagot ito pansinin niyo pag linggo sino ang mas marami? ang sumasamba o ang mga nasa sabungan, pasyalan o kalayawan. Di ba totoo na mas marami ang masama ibig kung sabihin na mas marami yung mga taong nasa makamundong gawa kumapara sa mga taong sumasamba sa Dios. Bakit po ganun? Basa po tayo....
Matthew 7:13 Kayo'y magsipasok sa makipot na pintuan: sapagka't maluwang ang pintuan, at malapad ang daang patungo sa pagkapahamak, at marami ang doo'y nagsisipasok. :14 Sapagka't makipot ang pintuan, at makitid ang daang patungo sa buhay, at kakaunti ang nangakakasumpong noon.
Ayon sa diwa ng talata maluwang ang papunta sa kapahamakan at madaling makapasok doon at makipot naman ang daang patungo sa buhay o kaligtasan. Parang ganito yun sa sa ibang relihiyon ang kaligtasan para sa kanila ay mabilis lang walang kahirap-hirap tataas lang ng kamay at tanggapin daw na personal saviour ang Panginoong Jesus ay ligtas na.
Sa Biblia hindi po ganun dahil hindi madaling makuha ang na mga bagay na mahalaga gaya ng Kaligtasan na gusto ng lahat ng sumasampalataya. Sa kurso nga lang ng tao kung gusto mo makapasa sa pagka Doctor kailangan mong mag spend ng 10 years ng pag-aaral at patitiyaga sa pagpasok para makapagtapos o di kaya 9 years sa Law para maging lawyer tapos pagdating sa Relihiyon ang Kaligtasan na mas mahalaga sa lahat ng bagay sa mundo ay ituturo lang ng Pastor na makakamtan mo pagka-magtaas lang ng kamay at mag "halelluyah" ay pasado na sa langit.
Mas madaling pumasok sa masama at mabilis itong lumaganap dahil walang bawal-bawal kung may pagbabawal man ay hanggang verbal lang at hindi pinapatupad ang pagtitiwalag na gaya ng ginagawa sa loob ng tunay na Iglesia. Sa tunay na Iglesia kasi maraming bawal gaya ng sugal, bawal ang alak, bawal mambabae, bawal ang pananamit na mahalay atbp. pang labag sa tinuturo ng Biblia. Sa tunay na Iglesia ang sinumang member na lumabag ay nilalapatan ng hatol ayon sa Biblia at inaalis sa loob pag-hindi siya magtino hindi tulad ng ibang samahan kinokonsente ang mga members.
Titus 3:10 Ang taong may maling pananampalataya pagkatapos nang una at ikalawang pagsaway ay itakuwil mo;
Mahirap umanib ang ibang tao dahil sa dami ng bawal naniniwala sila pero hindi umaanib kasi maraming bawal, mahirap aniban ang totoo hindi masyado marami pero sa mali mas marami ang sumasama. Kaya hindi pwedeng sabihin ng kahit sinong samahan man na ang paglago nila ay katunayan na sila ang totoo o ng mga Iglesia ni Manalo na kaya sila ang totoo dahil dumadami sila o ng Katoliko na marami sila sa mundo kaya sila ang totoo dahil kung paramihan ng miembro ang basehan ng katotohan lalabas mas totoo ang Islam kasi mas marami ang muslim kesa sa mga katoliko.
Tunay na ang Iglesiang totoo ay dadami at pararamihin ng Dios pero hindi basehan na komo dumadami ay sa Dios agad, isa ito sa katangian ng relihiyon pero marami pang batayan para masabing ito ay nasa katotohanan at ang isa dun ay ang Aral na dala dala ng samahan. Marami nga ang members kung mali naman ang doktrina wala ding saysay mapapahamak lang ang mga naakay nito.
SALAMAT SA DIOS!
ISLAM SURPASSES ROMAN CATHOLICISM AS WORLDS LARGEST RELIGION
Monsignor Vittorio Formenti, who compiles the Vatican's yearbook, said in an interview with the Vatican newspaper L'Osservatore Romano that "For the first time in history, we are no longer at the top: Muslims have overtaken us". He said that Catholics accounted for 17.4 percent of the world population—a stable percentage—while Muslims were at 19.2 percent. "It is true that while Muslim families, as is well known, continue to make a lot of children, Christian ones on the contrary tend to have fewer and fewer," the monsignor said.
LINK:
https://en.wikipedia.org/wiki/Christian_population_growth#Roman_Catholic_Church
http://news.nationalgeographic.com/news/2008/03/080331-AP-islam-largest.html
No comments:
Post a Comment