Alamin natin ngayon kung ano ba ang pinakatamang position sa pananalangin na nakasulat sa Biblia na tinuro sa amin ng aming Mangangaral. Marami tayong mababasa na mga talata sa Biblia na position ng panalangin na ginawa ng mga unang lingkod ng Dios tulad ng pagluhod, pagpatirapa, patayo o nakataas ang kamay, lahat ng ito ay hindi naman natin sinasabing mali ang aalamin natin ay ang pinakatamang postion ng pananalangin na mas nararapat gawin ng isang Kristiyano.
Maraming sekta ng relihiyon ang tumututol sa paraan ng aming pananalangin ito daw ay imbento lamang ng aming Mangangaral at walang batayan sa Biblia, sinasabi din nila na mali daw ang pakahulugan at unawa namin sa salitang ginamit sa greek kaya kinukutya at pilit nilang gibain. Ang masasabi lang namin ay inggit lang sila dahil kami lang ang totally nakasunod sa position ng panalangin na nasa Biblia.
Ano ang dapat na position sa pananalangin?
Suriin muna natin ang Koine Greek words ng ilang verses. Basahin natin una ang Matthew 26:39 na ginawa ng ating Panginoong Hesus ng siya ay nanalangin sa Dios Ama:
Actual copy of the Codex Sinaiticus (Mat 26:39):
KAI - and
ΠPOCEΛΘωN - He went further
MIKPON - a little
EΠECEN - bowed
EΠI - upon
ΠPOCωΠON - face
AYTOY - of him
ΠPOCEUXOMENOC - praying
Ang sabi ang Panginoong Hesus ng nanalangin naka- "bowed upon face" o sa ibang salin ay “fell on his face” sa tagalog "nagpatirapa":
Mat 26:39 At lumakad siya sa dako pa roon, at siya'y nagpatirapa, at nanalangin, na nagsasabi, Ama ko, kung baga maaari, ay lumampas sa akin ang sarong ito: gayon ma'y huwag ang ayon sa ibig ko, kundi ang ayon sa ibig mo.
Basahin pa natin ang isa pang verse:
Acts 9:40 But Peter put them all forth, and kneeled down, and prayed;
Acts 9:40 Datapuwa't pinalabas silang lahat ni Pedro, at lumuhod, at nanalangin;
Acts 9:40 ButG1161 PeterG4074 putG1544 them allG3956 forth,G1854 and kneeled down,G5087 G1119 and prayed;G4336
Acts 9:40 (pseudo-copy Codex Vaticanus):
TRANSCRIPTION - translation:
ΠETPOC - Peter
KAI - and
θEIC TA ΓONATA - kneeled down
ΠPOCHYξATO - prayed
Ayon sa talata si Apostol Pedro ay :nag- "kneeled down and prayed".
"TA ΓONATA" to be specific means "the knees"
"θEIC" means the "down" part.
Kung kukunin natin ang root word ng θEIC, ito ay τίθημι (tithemi): Ano ang kahulugan ng Tithemi?
Greek Strong Lexicon
G5087
τίθημι
tithēmi
tith'-ay-mee
A prolonged form of a primary word θέω theō (which is used only as an alternate in certain tenses); to place (in the widest application, literally and figuratively; properly in a passive or horizontal posture.
Marami pong verses sa New Testament na ginamitan ng word na "tithemi" at hindi lamang sa pananalangin dahil ito ay may iba't-ibang kahulugan depende sa nilalaman ng context. Ngayon kumuha tayo ng mga sitas na ginamitan ng tithemi at tignan natin kung ano ang kahulugan nito ayon sa nilalaman ng context.
Ang word na TITHEMI ay sinalin sa english na "KNEEL DOWN" at sa tagalog ay "NANIKLUHOD" na ginawa din naman ng Panginoong Hesus at ng mga Apostol sa panalangin:
Luke 22:41 And he was withdrawn from them about a stone's cast, and kneeled down, and prayed,
Luke 22:41 At siya'y humiwalay sa kanila na may agwat na isang itsang bato; at siya'y nanikluhod at nanalangin,
Luke 22:41 AndG2532 heG846 was withdrawnG645 fromG575 themG846 aboutG5616 a stone'sG3037 cast,G1000 andG2532 kneeled down,G5087 G1119 and prayed,G4336
Acts 20:36 At nang makapagsalita na siya ng gayon, ay nanikluhod siya at nanalanging kasama silang lahat.
Acts 20:36 And when he had thus spoken, he kneeled down, and prayed with them all.
Acts 20:36 AndG2532 when he had thusG5023 spoken,G2036 he kneeled down,G5087 G846 G1119 and prayedG4336 withG4862 themG846 all.G3956
G5087
τίθημι
tithēmi
tith'-ay-mee
Sa mga nabanggit na talata ang "tithemi" ay may kinalaman sa position kaya ang kahulugan nito sa loob ng context ng verses ay properly in a passive or horizontal posture. Pero bakit sigurado kami na kailangan magawa ang horizontal posture sa pananalangin?
Kasi ng nanalangin ang Panginoong Hesus ang kanyang mukha ay nakaharap malapit sa lupa o nakayukod, he fell on his face o nagpatirapa at yun ay magagawa lamang sa pananalangin kung nasa passive, horizontal posture postion. Ang Panginoong Hesus at ang mga Apostol ay ating mga halimbawa kaya kung ano ang kanilang paraan sa panalangin ay gayon din dapat isagawa. Kaya ito ang dahilan kung bakit ang aming paraan ng panalangin ay panikluhod o patirapa in horizontal posture na hindi ginagawa ng ibang relihiyon .
Nalaman na natin na ang Panginoong Hesus at ang mga alagad sa pananalangin na naka-"kneel down" nanikluhod, nagpatirapa, nakayukod sa lupa , naka-prostrate na horizontal posture sa greek ay tithemi, kaya sa mga talata na ginamit sa taas ang kahulugan ng Tithemi ayon sa nilalaman ng context ay patungkol sa position ng panalangin. Ang Tithemi sa Hebrew word ay “Kara” or pronounced “Kaw-rah” :
Psalm 95:6 Oh magsiparito kayo, tayo'y magsisamba at magsiyukod; tayo'y magsiluhod sa harap ng Panginoon na May-lalang sa atin.
Psalm 95:6 O come,H935 let us worshipH7812 and bow down:H3766 let us kneelH1288 beforeH6440 the LORDH3068 our maker.H6213
H3766
כָּרַע
kâra‛
kaw-rah'
A primitive root; to bend the knee; by implication to sink, to prostrate: - bow (down, self), bring down (low), cast down, couch, fall, feeble, kneeling, sink, smite (stoop) down, subdue, X very.
Allam na natin na ang katumbas ng greek word na TITHEMI na translated sa english na "kneel down" at ang sa hebrew ay KAWRAH na ang meaning ay "to bend the knee".
Ano ba ang ibig sabihin ng “bending of the knee”?
Ito ay pagluhod pero hindi kagaya ng luhod na ginagawa ng mga katoliko o ng ibang sekta na 90 degrees angle, ang pagluhod na ito ay pag-bend ng tuhod na nilalagay mo ang iyong sarili sa postrate position o nagpapatirapa kao sa ibang salita ay paninikluhod, in short kapag nagpapatirapa ka ang tuhod mo ay naka bend. Hindi ito katulad ng a muslim na nakatuwad na nakaharap ang ulo sa lupa pero ang puwit ay nakaangat. Ang paninikluhod o pagtitirapa ay horirzontal posture na naka-fully bend ang tuhod na nakababa ang puwit , nakaharap ang mukha sa lupa.
Kneeling down, bow down o pagluhod na horizontal posture (tithemi, kawrah), pagpatirapa, paninikluhod, pagyukod
Pagluhod na 90 degrees
Ang posisyong TITHEMI O KAWRAH ay sinasagawa during ng aming worship services sa Iglesia, sa panalangin ng buong congregation at sa silid kung mananalangin. Pero case to case basis din, halimbawa kung incapable ang isang member na makapag kneel down gaya ng mga disable people o may sakit na hindi makaka-pagtirapa o makapanikluhod dahil sa kanilang karamdaman, pwede manatiling nakatayo o nakaupo sa pananalangin. Hindi rin ito ginagawa in public places o bumibyahe sa loob ng sasakyan dahil may utos na bawal manalangin ng nakikita ng ibang tao, pwedeng manalangin ng pa-usal o sa isip lang sa ganitong mga sitwasyon. Pero kung magagawa naman ito na wala namang balakid ay gawin dahil ito ang nararapat ayon sa Biblia.
Salamat sa Dios!
No comments:
Post a Comment