Saturday, January 9, 2016

Ano Ba Ang Dapat Na Maging Pananaw Ng Kristyano Sa Death Penalty?


 Hindi lingid sa atin na lumala na ang krimen sa ating bansa binabalita ng media ang mga karumaldumal na pagpatay, massacre, rape slay, drugs cases at iba pang heinous crime at ang agad nating naiisip para matigil o mabawasan ay ibalik ang Death Penalty.

At kung tayo ang biktima o kamag-anak ng biktima ay magpupuyos tayo sa galit sa kriminal at nais din natin na sila ay mamatay at kung maari nga ang iba sila na mismo ang gaganti para patayin ang may sala. Alamin natin sa Biblia kung ano ba ang dapat nating maging pananaw sa parusang kamatayan kung tayo ay tagasunod ng Panginoong Hesus.


Sa katotohanan ang death penalty ay mula sa Dios kaya ito ay biblical pero dapat din natin i-condider ang mga circumstances na pinapayagan ng Biblia o ang tinuturo tungkol sa death penalty. Sa panahon  ni Propeta Moises ang death penalty ay umiiral sa bayan ng Israel:

Hebrew 10:28  Ang magpawalang halaga sa kautusan ni Moises sa patotoo ng dalawa o tatlong saksi, ay mamamatay na walang awa: 

Maliwanag sa panahon ni Propeta Moises pinapatupad ang death penalty sa mga israelita na lahat ng lumalabag sa batas  ay papatayin ng walang awa sa patotoo ng dalawa o tatlong saksi at yun ay sa pamamagitan ng Stoning o pagbato na ang taong bayan mismo ang gagawa. Mga listahan ng krimen na pinapatawan ng death penalty sa Lumang Tipan:
PAGPATAY (Exodus 21:12-14; Leviticus 24:17,21), PAGLAPASTANGAN  (Leviticus 24:14,16, 23), PAGTATRABAHO SA ARAW NG SABBATH (Exodus 31:14, 35:2, Numbers 15:32-36), PANANAKIT  O PANLALAIT SA MAGULANG (Exodus 21:15,17), HINDI PAGSUNOD SA MAGULANG (Deuteronomy 21:18-21), KIDNAPPING (Exodus 21:16), PAGHAHANDOG NG TAO (Leviticus 20:2-5), ANG HINDI MAGKULONG NG ISANG MAPANGANIB NA HAYOP NA NAGRESULTA SA KAMATAYAN (Exodus 21:28-29), PAKIKIPAGTALIK SA HAYOP (Exodus 22:19, Leviticus 20:16), PANGANGALUNYA (Leviticus 20:10; Deuteronomy 22:22), INCEST (Leviticus 18:6-18, 20:11-12,14,17,19-21), PANGKUKULAM AT PANGGAGAWAY (Exodus 22:18, Leviticus 20:27, Deuteronomy 13:5, 1 Samuel 28:9), PAGSISINUNGALING SA MGA KASO (Deuteronomy 19:16-19), GAWANG HOMOSEXUAL  (Leviticus 20:13), MALING PROPESIYA (Deuteronomy 18:20), PROSTITUSYON SA ANAK NA BABAE NG SASERDOTE (Leviticus 21:9)
PAKIKIPAGTALIK SA BABAENG NAKATALAGANG IKASAL AT  SA LALAKING  HINDI NAMAN KATIPAN (Deuteronomy 22:23-24), PAGBIBINTANG NA HINDI BIRHEN ANG ISANG BABAE SA ORAS NG PAG-AASAWA (DEUTERONOMY 22:13-21)
HINDI PAGSUNOD  SA PASYA NG HUKOM O SASERDOTE (Deuteronomy 17:12)


Ganun po kahigpit ang Batas ni Moises na bigay ng Dios na ang lahat ng lumalabag ay pinapatawan ng kamatayan. Sa panahon ng dispensation ng Panginoong Hesus hindi siya  pabor sa pisikal na kamatayan  at wala tayong mababasa na kahit isa na inutusan niya na patayin pagnagkasala. Para sa kaniya ang makasalanan kahit gaano kasama pagnagkaroon ng pananamplataya maaring makapagbago, magsisi at bumalik sa Dios at magbagong buhay. Dahil nais ng Dios na lahat ng tao ay mangaligtas:

1Timothy 2:3  Ito'y mabuti at nakalulugod sa paningin ng Dios na ating Tagapagligtas; :4  Na siyang may ibig na ang lahat ng mga tao'y mangaligtas, at mangakaalam ng katotohanan. 

2Peter 3:9  Hindi mapagpaliban ang Panginoon tungkol sa kaniyang pangako, na gaya ng pagpapalibang ipinalalagay ng iba; kundi mapagpahinuhod sa inyo, na hindi niya ibig na sinoman ay mapahamak, kundi ang lahat ay magsipagsisi. 

Sa New Testament labag sa kalooban ng Dios ang death penalty  kasi yun ngang magnanakaw na masamang masama na pinatawan ng death penalty katabi  ng Panginoong Hesus na nakabayubay sa krus pero at the point of death  nakakita ng kabutihan ang Panginoon sa kaniya at tinanggap. Ang death penalty is not applicable in the christian era kung Biblia ang pag uusapan. Sa loob ng Church during that time  ang sinumang lumabag sa Batas ni Cristo, mga hindi sumunod sa Batas ng Dios ay inaalis lang  sa Church at hindi pinapatawan ng death penalty:

1Corinthians 5:11  Datapuwa't sinusulatan ko nga kayo, na huwag kayong makisama sa kanino mang tinatawag na kapatid, kung siya'y mapakiapid, o masakim, o mananamba sa diosdiosan, o mapagtungayaw, o manglalasing, o manglulupig; sa gayo'y huwag man lamang kayong makisalo. :12  Sapagka't ano sa akin ang humatol sa nangasa labas? Hindi baga kayo nagsisihatol sa nangasa loob? :13  Datapuwa't sa nangasa labas ay Dios ang humahatol. Alisin nga ninyo sa inyo ang masamang tao. 

Ang nakasulat ang sinumang lumabag sa utos sa loob ng Church ay aalisin sa iglesia ini-excommunicate at hindi binabato hanggang sa mamatay, kaya walang possession ang death penalty sa panahon ng Christian era o Christian dispensation..inaalis lamang ang masasasama. 

Sa ating panahon especially sa ating bansa  kahit Biblical ang death penalty hindi dapat ito ipatupad  kung saan ang Supreme Justice ay umaamin na may miscarriage of justice ( primarily is the conviction and punishment of a person for a crime they did not commit.)

 Hindi gaya ng sa panahon ng mga israelita  pinapatupad ang death penalty kasi ang mga judges are appointed by God, si Moises ay appointed ng Dios, sila ay mapagkakatiwalaang mga hukom. Hindi sila corrupt walang silid para sa corruption at ang mga saksi na magpapatunay ng krimen ay mga tunay na saksi hindi sila binayaran o mga bulaang saksi at sila ay ginagabayan ng mga anghel na nagsasabi kay Moises kung ano ang gagawin:

Acts  7:37  Ito'y yaong Moises, na nagsabi sa mga anak ni Israel, Palilitawin ng Dios sa inyo ang isang propeta na gaya ko, mula sa inyong mga kapatid. :38  Ito'y yaong naroon sa iglesia sa ilang na kasama ang anghel na nagsalita sa kaniya sa bundok ng Sinai, at kasama ang ating mga magulang: na siyang nagsitanggap ng mga aral na buhay upang ibigay sa atin: Acts 7:53  Kayo na nagsitanggap ng kautusan ayon sa pangangasiwa ng mga anghel, at hindi ninyo ginanap. 

Ngayon kung ibabalik ang death penalty sa Pilipinas ay  wala tayong magagawa hindi naman tayo pwedeng lumaban sa pamahalaan bawal naman ng Dios na lalaban sa awtoridad pero kung ipagtibay ng Saligang Batas yan ng Kongreso ng Pilipinas susunod kami  kahit hindi kami  sang-ayon hindi kami pwede tumutol sa batas na yan. Hindi naman ibig sabihin na dahil hindi kami sumasang-ayon sa death penalty ay ayaw na naming mawala ang krimen o gusto naming proteksiyonan ang mga kriminal nilalagay lamang natin sa tama ang pagiging Kristyano natin na siyang nararapat. Kung ibabalik nga ang parusang yan ay pasasakop kami sa batas dahil mismong si Apostol Pablo ay nagpahayag ng kanyang pagkilala sa kapangyarihan ng pamahalaan na magpataw ng parusang kamatayan kung kinakailangan:

Romans 13:1  Ang bawa't kaluluwa ay pasakop sa matataas na kapangyarihan: sapagka't walang kapangyarihan na hindi mula sa Dios; at ang mga kapangyarihang yao'y hinirang ng Dios. :2  Kaya nga't ang sumasalangsang sa kapangyarihan, ay sa utos ng Dios sumasalangsang: at ang mga nagsisalangsang ay magsisitanggap ng kahatulan sa kanilang sarili. :3  Sapagka't ang mga pinuno ay hindi kilabot sa gawang mabuti, kundi sa masama. At ibig mo bagang mawalaan ng takot sa may kapangyarihan? gawin mo ang mabuti, at magkakamit ka ng kapurihan sa kaniya: :4  Sapagka't siya'y ministro ng Dios sa ikagagaling mo. Datapuwa't kung ginagawa mo ang masama, ay matakot ka; sapagka't hindi walang kabuluhan ang pagdadala niya ng tabak: sapagka't siya'y ministro ng Dios, tagapaghiganti sa ikagagalit sa gumagawa ng masama. :5  Kaya nga't dapat na kayo'y pasakop, hindi lamang dahil sa kagalitan, kundi naman dahil sa budhi. 


Si Apostol Pablo ay hindi sang-ayon sa death penalty dahil siya ay tagasunod ng kaustuan ng Panginoong Hesus subalit dahil may utos din  ang Dios na sumunod sa awtoridad, magpasakop ay nagpasailalim siya sa batas ng tao. Minsan sa buhay niya muntik na siyang patawan ng death penalty at hindi naman siya tumutol basta mapatunayan lamang na siya ay tunay na lumabag.

Acts 25:11  Kung ako nga'y isang makasalanan, at nakagawa ng anomang bagay na marapat sa kamatayan, ay hindi ako tumatangging mamatay; datapuwa't kung walang katotohanan ang mga bagay na ipinagsasakdal ng mga ito laban sa akin, ay hindi ako maibibigay ninoman sa kanila. Maghahabol ako kay Cesar. 


Mayroon di namang limitasyon ang pagsunod sa pamahalaan, hindi kumo may utos ang Dios na magpasakop sa gobyerno ay tatalima tayo. Kapag ang gobyerno ay lumabag sa tinuturo ng Biblia obligado tayong huwag sumunod:


Acts 5:29  Datapuwa't nagsisagot si Pedro at ang mga apostol at nangagsabi, Dapat muna kaming magsitalima sa Dios bago sa mga tao. 


Halimbawa nito  kung ang pinuno ng gobyerno ay nagbaba ng utos na patayin lahat ng mongoloid o baliw na makita sa daan ay hindi dapat tayo sumunod. O kaya naman kung magpatupad ng batas na legal na ang pag-kasal  ng bakla o tomboy, o legal na ang abortion o legal na ang marijuana at shabu ay dapat huwag nating sang-ayunan ang mga ganitong batas. Dahil wala namang tinuro ang Biblia na sumunod tayo sa gobyerno kahit na kontra na sa salita ng Dios.


Sa pagtatapos bilang mga Kristiyano, hindi tayo dapat matuwa kung may death penalty  pero hindi rin tayo dapat lumaban sa kapangyarihan ng gobyerno na maglapat ng death penalty sa mga gumagawa ng mga karumaldumal na krimen.


Salamat Sa Dios!

No comments:

Post a Comment