Sa paghahanap ng tunay na relihiyon mahalaga po ang pangalan kasi hindi naman basta kahit anong pangalan lang basta may inaaniban. Ang sabi nga ng iba ang relihiyon ay parang barko na mamimili ka na lang ng sasakyan. Pero kung mamimili ka din naman dapat ang piliin mo ay yung papunta sa Dios, basahin mo muna yung karatulang nakalagay sa sasakyan kung saan ito papunta upang hindi maligaw.
Sa paksang ito alamin natin kung ano ba ang pangalan ng relihiyong nasa Biblia. Ito ba ay tinatawag na Roman Catholic Church, Iglesia ni Cristo, Seventh Day Adventsist Church, Jehovah's Witness, Jesus is Lord Church, Baptist Church, Born Again Fellowships etc.
Bago natin alamin kung ano yung pangalan na yun itanong muna natin ang ganito: Mahalaga po ba sa Dios ang pangalan..basa po tayo:
Ecc 7:1 Ang mabuting pangalan ay maigi kay sa mahalagang unguento; at ang kaarawan ng kamatayan kay sa kaarawan ng kapanganakan.
Pinapakita ng talata ang kahalagahan ng pangalan , sa mga bornagain at iba pang sekta ang paniwala nila hindi na mahalaga ang pangalan katuwiran nila may pangalan nga kung sa demonyo naman. Mapapansin natin sa dami ng grupo ng bornagain iba-iba ang pangalan ng kanilang samahan although iisa lang daw sila pero magkaiba ang mga ginagamit na pangalan sa kanilang bahay pinagkakatipunan.
Sa Biblia po mahalaga ang pangalan kaya nga nagbibigay tayo ng pangalan sa ating mga anak para ito ang magiging opisyal na pantawag sa kanya. Si Adan nga po ang unang trabahong ibinigay ng Dios sa kanya ay ang magbigay ng pangalan sa mga hayop...basa po tayo:
Gen 2:19 At nilalang ng Panginoong Dios sa lupa ang lahat ng hayop sa parang at ang lahat ng ibon sa himpapawid; at pinagdadala sa lalake upang maalaman kung anong itatawag niya sa mga iyon: at ang bawa't itinawag ng lalake sa bawa't kinapal na may buhay ay yaon ang naging pangalan niyaon.
Ganun po kahalaga ang pangalan para sa Dios nagbigay Siya ng pangalan sa mga hayop sa pamamagitan ni Adan. Kahit nga po ang mga anghel sa langit ay binigyan din ng pangalan like Anghel Miguel, Anghel Gabriel pati na rin po ang lahat ng mga bituin ay may record ang Dios ng bawat pangalan ng mga ito dahil siya ang nagbigay ng pangalan...basa po tayo:
Psa 147:4 Kaniyang sinasaysay ang bilang ng mga bituin; siya ang nagbibigay sa kanila ng lahat nilang pangalan.
Ano po ba ang utos ng Dios tungkol sa mabuting pangalan..basa po tayo:
Pro 22:1 Ang mabuting pangalan ay maiging piliin, kay sa malaking kayamanan, at ang magandang kalooban, kay sa pilak at ginto.
Mahalaga po talaga ang pangalan at dapat piliin ang mabuting pangalan..Sino po ba ang absolute na mabuti...basa po tayo:
Luk 18:19 At sinabi sa kaniya ni Jesus, Bakit mo ako tinatawag na mabuti? walang mabuti, kundi isa, ang Dios lamang.
Ang pinagmulan ng lahat ng kabutihan, ang absolute goodness ay ang Dios although ang ating Panginoong Jesus ay tinatawag na mabuting pastor, at ang mga nilikha ng Dios sa umpisa ng paglalang ay mabuti at ang salita ng Dios ay mabuti pero ang pinakamataas at pinakamabuting guro ay ang Dios kaya gusto ni Lord Jesus na i-attribute ang salitang MABUTI sa Dios. Ibig sabihin ang pangalan ng Dios ang mas mabuting piliin.
Kung ang pagbibigay ng pangalan ay mahalaga sa tao, sa hayop, sa mga anghel at sa mga bituin aba! syempre po mas lalo na yung sambahayan o bayan ng Dios na dapat tinatawag ito sa Kanyang Pangalan...basa po tayo:
Dan_9:19 Oh Panginoon, dinggin mo; Oh Panginoon, patawarin mo; Oh Panginoon, iyong pakinggan at gawin; huwag mong ipagpaliban, alangalang sa iyong sarili, Oh Dios ko, sapagka't ang iyong bayan at ang iyong mga tao ay tinatawag sa iyong pangalan.
Piliin po natin ang relihiyong tinatawag sa kanyang pangalan dahil siya ang may gawa nito para sa Kanyang kaluwalhatian:
Isa_43:7 Bawa't tinatawag sa aking pangalan, at yaong aking nilikha ay sa aking kaluwalhatian, yaong aking inanyuan oo, yaong aking ginawa.
Ang Dios po ang nagtatayo ng lahat ng bagay kaya Siya rin po ang nagtayo ng Kanyang sambahayan, o bayan o bahay para sa kanyang mga tao...basa po tayo:
Heb_3:4 Sapagka't ang bawa't bahay ay may nagtayo; datapuwa't ang nagtayo ng lahat ng mga bagay ay ang Dios.
May bahay po bang natayo ang Dios? Ano po ba ang Bahay ng Dios na upang tayo ay mapabilang sa kanyang sambahayan...basa po tayo:
1Ti 3:15 Nguni't kung ako'y magluwat ng mahabang panahon, ay upang maalaman mo kung paano ang dapat sa mga tao na ugaliin nila sa bahay ng Dios, na siyang iglesia ng Dios na buhay, at haligi at suhay ng katotohanan.
1Ti 3:15 But if I tarry long, that thou mayest know how thou oughtest to behave thyself in the house of God, which is the church of the living God, the pillar and ground of the truth.
Yan po ang tawag sa Bahay ng Dios ang IGLESIA NG DIOS ang haligi at saligan o suhay ng katotohanan. Sa Iglesia na ito inilagay ng Dios ang mga Apostol...basa po tayo:
1Co 12:28 At ang Dios ay naglagay ng ilan sa iglesia, una-una'y mga apostol, ikalawa'y mga propeta, ikatlo'y mga guro, saka mga himala, saka mga kaloob na pagpapagaling, mga pagtulong, mga pamamahala, at iba't ibang mga wika.
Ang IGLESIA NG DIOS o CHURCH OF GOD yan po ang ipinangaral ng ating Panginoong Jesus at ng Mga Apostol..hindi po kami yun kundi umanib lang kami sa Iglesiang nasa Biblia...kaya ang tawag namin sa aming sarili ay Members Church of God International....members lang po kami sa Iglesiang nasa Biblia pina-register sa batas ng tao at hindi po si Bro.Eli ang nagtayo nito kundi sumampalataya lang kami sa IGLESIA na nasa Biblia at aming inaniban at pinapangaral ng aming Mangangaral.
Ang CHURCH OF GOD o IGLESIA NG DIOS ay nakasulat sa maraming talata ng Biblia na opisyal na pangalan ng Iglesia sa Biblia na ginamit sa sulat ng mga Apostol...basa po tayo:
CHURCH OF GOD
Act_20:28 Take heed therefore unto yourselves, and to all the flock, over the which the Holy Ghost hath made you overseers, to feed the church of God, which he hath purchased with his own blood.
1Co 1:2 Unto the church of God which is at Corinth, to them that are sanctified in Christ Jesus, called to be saints, with all that in every place call upon the name of Jesus Christ our Lord, both theirs and ours:
1Co 10:32 Give none offence, neither to the Jews, nor to the Gentiles, nor to the church of God:
1Co 11:22 What? have ye not houses to eat and to drink in? or despise ye the church of God, and shame them that have not? What shall I say to you? shall I praise you in this? I praise you not.
1Co 15:9 For I am the least of the apostles, that am not meet to be called an apostle, because I persecuted the church of God.
2Co 1:1 Paul, an apostle of Jesus Christ by the will of God, and Timothy our brother, unto the church of God which is at Corinth, with all the saints which are in all Achaia:
Gal 1:13 For ye have heard of my conversation in time past in the Jews' religion, how that beyond measure I persecuted the church of God, and wasted it:
1Ti 3:5 (For if a man know not how to rule his own house, how shall he take care of the church of God?)
Tinawag din itong CHURCHES OF GOD sa tagalog na salin ay MGA IGLESIA NG DIOS:
1Th 2:14 For ye, brethren, became followers of the churches of God which in Judaea are in Christ Jesus: for ye also have suffered like things of your own countrymen, even as they have of the Jews:
1Co 11:16 But if any man seem to be contentious, we have no such custom, neither the churches of God.
2Th 1:4 So that we ourselves glory in you in the churches of God for your patience and faith in all your persecutions and tribulations that ye endure:
Maliban sa Opisyal na tawag na CHURCH OF GOD tinawag din itong CHURCH OF THE FIRST BORN:
Heb_12:23 To the general assembly and church of the firstborn, which are written in heaven, and to God the Judge of all, and to the spirits of just men made perfect,
Tinawag din itong CHURCHES OF THE SAINTS:
1Co 14:33 For God is not the author of confusion, but of peace, as in all churches of the saints.
Tinawag din itong CHURCHES OF CHRIST take note po wala pong mababasa na Church of Christ o Iglesia ni Cristo na singular sa Biblia ng claim ng mga Iglesia ni Cristo ni Manalo:
Rom 16:16 Salute one another with an holy kiss. The churches of Christ salute you.
Ang CHURCH OF GOD O IGLESIA NG DIOS ay tinawag din sa pangalan ng lokal kung saan nanduon ito..tulad ng:
2Th 1:1 Paul, and Silvanus, and Timotheus, unto the church of the Thessalonians in God our Father and the Lord Jesus Christ:
2Co 8:1 Moreover, brethren, we do you to wit of the grace of God bestowed on the churches of Macedonia;
Rev 2:18 And unto the angel of the church in Thyatira write; These things saith the Son of God, who hath his eyes like unto a flame of fire, and his feet are like fine brass;
Rev_3:1 And unto the angel of the church in Sardis write; These things saith he that hath the seven Spirits of God, and the seven stars; I know thy works, that thou hast a name that thou livest, and art dead.
Rev_3:14 And unto the angel of the church of the Laodiceans write; These things saith the Amen, the faithful and true witness, the beginning of the creation of God;
Ngayon nalaman na natin ang tunay na pangalan ng relihiyong nasa Biblia ang CHURCH OF GOD o IGLESIA NG DIOS...pero maaring sabihin niyo na marami ding sekta na gumagamit din ng the same name so tunay din po ba sila. Sabi po ng Biblia ang kaaway ng Dios ay ginagamit din ang Kanyang pangalan...basa po tayo:
Psa_139:20 Sapagka't sila'y nangagsasalita laban sa iyo ng kasamaan, at ginagamit ng iyong mga kaaway ang iyong pangalan sa walang kabuluhan.
Dahil may kaaway ang Dios hindi lang po natatapos sa pangalan lang ito po ay isa sa pangunahin na dapat mataglay ng isang relihiyong nagki-claim na sila ang tunay na Iglesiang nasa Biblia. Dapat taglay nito ang pangalan na CHURCH OF GOD O IGLESIA NG DIOS. Ang susunod natin alamin ay kung ang mga nagki-claim na sila ay tunay na Iglesia din ng Dios dapat pati sa turo o aral ay sa Dios at kasang-ayon sa nakasulat sa Biblia.
Joh_7:17 Kung ang sinomang tao ay nagiibig gumawa ng kaniyang kalooban, ay makikilala niya ang turo, kung ito'y sa Dios, o kung ako'y nagsasalita na mula sa aking sarili.
Kaya po mga kababayan, mga kaibigan ay inaanyayahn ko po kayo na dumalo sa ginaganap ng aming samahan na Bible Exposition hosted by Bro.Eli magtanong at magsuri po kayo upang maalaman niyo ang dalisay na aral ng ating Panginoong Jesus.
Sana po makapagbukas ng inyong kaisipan ang paksang ito at iba pa sa blog na ito na mula sa pagtuturo na akinng narinig sa aming Mangangaral na tinatawid ko po sa inyo...maaring ako po bilang ordinaryong kaanib lamang ay magkulang o magkamali ng paliwanag kaya mas mabuti po na bisitahin niyo ang aming mga website na naka-post dito sa blog para personal po kayong makapagtanong sa aming Mangangaral.
Sana loobin ng Dios na makasama ko po kayo sa tunay na Iglesia ng Dios na nasa Biblia.
Salamat sa Dios!
No comments:
Post a Comment