Payag kaba na ikaw ay naapi? Sa buhay natin minsan nakakaranas tayo ng pang-aapi kahit wala naman tayong ginagawang masama, sumasama ang ating kalooban nasasaktan sa mga ginagawa at salitang binabato sa atin, mga panlait, pang-iinsulto, pang-aagrabiyado atbp. na katulad nito.
Ano po ba ang tinuturo ng Biblia na dapat nating fgawin pag-nangyayari sa atin ang ganito? Dapat po ba tayong mag-react at ipagtanggol ang ating sarili? Sa iba kasi hindi sila papayag na inaapi at kahit magkamatayan pa ay talaga namang lalaban maipagtanggol lamang ang kanilang dignidad.
Bilang Kristiyano ano ang nararapat nating gawin? Aral po ng aming Mangangaral na mas maganda na yung tayo ang naaapi kesa naman tayo ang mang-api. Kung baga po eh! mas ok na yung tayo ang nanakawan kesa tayo ang magnakaw...basa po tayo ng halimbawa sa salita ng ating Panginoon:
Act 20:35 Nagbigay halimbawa ako sa inyo sa lahat ng mga bagay, na sa ganitong pagpapagal ay dapat kayong magsisaklolo sa mahihina, at alalahanin ang mga salita ng Panginoong Jesus, na siya rin ang may sabi, Lalo pang mapalad ang magbigay kay sa tumanggap.
Sabi po mapalad ang magbigay kay sa tumanggap, ang diwang tinuturo ng talata na ikaw na nga yung nawalan kasi nagbigay ka pero ikaw pala ang mapalad, masasabi niyong baliktad di po ba kasi dapat yung tumatanggap siya ang mapalad kasi nabigyan siya. Inaaral lamang sa atin na mas mabuti na yung na agrabiyado ka kay sa ikaw ang nang-aagrabiyado...basa po tayo:
1Co 6:7 Ngayon nga, tunay na isang pagkukulang sa inyo ang kayo-kayo'y magkaroon ng mga usapin. Bakit hindi bagkus ninyong tiisin ang mga kalikuan? bakit hindi bagkus kayo'y padaya?
Sabi ng Panginoon magtiis ng kalikuan,halimbawa niloko ka, inutangan ka tinakbuhan, kung ikaw halimbawa ay nakaramdam na nadaya...advice po ni St. Paul magpadaya na lamang sa halip na gumanti, ok na yun pumayag ka na lang na padaya kasi kung papatulan mo pa ay mag-aaway lang kayo at baka kung saan pa mauwi. Ganun po talaga ang buhay Kristiyano dapat may ugaling matiisin.
1Pe 2:20 Sapagka't anong kapurihan nga, kung kayo'y nangagkakasala, at kayo'y tinatampal ay inyong tanggapin na may pagtitiis? nguni't kung kayo'y gumagawa ng mabuti, at kayo'y nagbabata, ay inyong tanggapin na may pagtitiis, ito'y kalugodlugod sa Dios.
Sabi po ni St. Peter kalugod lugod po sa Dios na ikaw itong gumagawa ng mabuti tapos tinatampal ka pa ay tanggapin na may pag-titiis upang maging kalugod lugod po sa Dios. Ang mahalaga po ay malugod sa ating ang Dios kahit hindi malugod ang tao sa ating nagawang kabutihan sa kanila.
Mapalad yung nag-titiis gaya ng mga Kristyano na nagbabata gaya ng sabi nga ng Panginoong Jesus pag-sinampal ka sa kanan ay ibigay mo pa ang kaliwa...ikaw na yung aping-api dahil sinampal ka ay ibibigay mo pa pati ang kabila...basa po tayo:
Mat_5:39 Datapuwa't sinasabi ko sa inyo, Huwag kayong makilaban sa masamang tao: kundi sa sinomang sa iyo'y sumampal sa kanan mong pisngi, iharap mo naman sa kaniya ang kabila.
Gusto pong ituro sa atin ng Pangioong Jesus na tayong mga Kristiyano na huwag gumanti at matutong magtiis sa lahat ng mga bagay na masama na ginagawa sa atin. Mahirap po talag pero dapat pong gawin ntn an kalooba g Panginoon.
Sapagkat kung tayo ay magtitiis...basa po tayo:
Mat_24:13 Datapuwa't ang magtitiis hanggang sa wakas ay siyang maliligtas.
Salamat sa Dios!
No comments:
Post a Comment