Saturday, October 11, 2014

Ang Pagsunod sa Asawa

Isa sa pinagmumulan ng pag-aaway ng mag-asawa ay kung sino sa kanilang dalawa  ang dapat na masunod sa pamamahay at kung  hanggang saan ba dapat sundin ng asawa ang kanyang kapareha. Lalo na kapag magkaiba pa  ng relihiyon naku malaking problema po.

Kinakatwiran pa ng iba na hindi sa lahat ng bagay dapat masunod ang asawa, hindi po ito totoo dahil laban po yan  sa aral ng Dios na hindi dapat maging katwiran ng isang Kristiyano...basa po tayo:


Eph_5:24  Datapuwa't kung paanong ang iglesia ay nasasakop ni Cristo, ay gayon din naman ang mga babae ay pasakop sa kani-kaniyang asawa sa lahat ng mga bagay.

Click Here:


Kung isa kang tunay na Kristiyano dapat mong sundin ang asawa lalo na ang mga babaeng asawa na kailangang pasakop sa kanyang asawa sa lahat ng bagay  maski sa pananamit, pagkain o kahit sa anumang bagay na bahagi ng pag-aasawa.

Baka ma-misinterpret niyo po ang salitang LAHAT NG BAGAY hindi po nangangahulugan nito na kahit alam mo ng  masama ang inuutos o pinapagawa ay susundin  pa rin, mali po yun. Ang dapat lamang sundin ay ang lahat ng bagay na  kanyang sinasabi na  kasang-ayon sa sinasabi ng Dios sa Biblia ibig sabihin kapag ang asawa ay may pinapagawa na labag sa aral ng Biblia at ikasasama mo ito ay huwag dapat sundin.

Click Here:



Kahit mahal na mahal pa natin kung dadalhin lang tayo sa paggawa  ng masama ay tanggihan ang pagsunod. Basta't laban na sa katwiran ng Dios ang inuutos ng asawa ay huwag po susundin ang dapat po natin bigyan ng priority sa buhay ay ang pagsunod sa Dios bago ang  tao...gaya ng sinabi ni St. Peter...basa po tayo:

Act_5:29  Datapuwa't nagsisagot si Pedro at ang mga apostol at nangagsabi, Dapat muna kaming magsitalima sa Dios bago sa mga tao.


Kahit ano pa ang pinapagawa sayo ng tao kahit siya ay nanay, tatay, kapatid  at asawa mo pa kung labag naman sa aral  ng Biblia ay huwag pongsundin  mas unahin natin ang pagtalima sa Dios kesa sa tao.

Sabi nga po ni Bro. Eli hindi naman tayo tinuturan ng Dios na awayin natin ang ating asawa dahil utos po ng Biblia na pinapamahal ang asawa. Nararapat lamang natin  mahalin ang asawa kaya lang may limitasyon  sapagka't sinabi ng Panginoong  Jesus ang magmahal sa asawa, ama ina, kapatid anak ng higit sa Kanya ay hidi karapatdat sa Kanya...basa po tayo:


Mat 10:37  Ang umiibig sa ama o sa ina ng higit kay sa akin ay hindi karapatdapat sa akin; at ang umiibig sa anak na lalake o anak na babae ng higit kay sa akin ay hindi karapatdapat sa akin.


Kung yun nga lang na ibigin natin ang ating ama at ina na ating kadugo at nagpalaki sa atin n higit sa ating Panginoong Jesus  ay hindi karapatdapat sa Kanya eh! di lalo ng hindi pwede na  ibigin ang asawa ng higit sa Kanya. Unahin po nating ibigin ang Dios at ang Panginoong Jesus para tayo ay maging alagad niya...basa po tayo:


 Luk 14:26  Kung ang sinomang tao'y pumaparito sa akin, at hindi napopoot sa kaniyang sariling ama, at ina, at asawang babae, at mga anak, at mga kapatid na lalake, at mga kapatid na babae, oo, at pati sa kaniyang sariling buhay man, ay hindi siya maaaring maging alagad ko.


Siyempre kapag iniibig natin ang Dios dapat unahin natin Siyang sundin kesa sa kahit kaninuman. Hindi po pinagbabawal na ibigin ang asawa utos nga pong mahalin subalit huwag lang po pahihigitin sa ating Panginoong Jesus. Ako po naniniwala na ako ay nasa totoong Iglesia at kahit sabihin pa ng aking asawa na iwan ko ang aking kinaanibang relihiyon at sumama sa kanyang relihiyon ay hindi po ako susunod at hinding-hindi ko ipagpapalit ang aking mahal na Dios Ama at Panginoong Jesus sa kahit sinumang tao...iwan na lang nila ako, magalit sila at maging  masama ako s kanilag paningin ay ok lang po dahil nagtitiwala ako nandiyan  naman ang aking Dios na hindi ako iiwan kahit kailan.

Asahan po natinna kapag pinili  natin sumunod sa Dios ay makakalaban natin ang ating sariling pamilya...basa po tayo:

Mat 10:34  Huwag ninyong isiping ako'y naparito upang magdala ng kapayapaan sa lupa: hindi ako naparito upang magdala ng kapayapaan, kundi tabak.
Mat 10:35  Sapagka't ako'y naparito upang papagalitin ang lalake laban sa kaniyang ama, at ang anak na babae laban sa kaniyang ina, at ang manugang na babae laban sa kaniyang biyanang babae:
Mat 10:36  At ang magiging kaaway ng tao ay ang kaniya ring sariling kasangbahay.

Mat 10:37  Ang umiibig sa ama o sa ina ng higit kay sa akin ay hindi karapatdapat sa akin; at ang umiibig sa anak na lalake o anak na babae ng higit kay sa akin ay hindi karapatdapat sa akin.


Sabi nga po ng aming Mangangaral, " Ang Dios kaya kang bigyan ng asawa pero ang asawa hindi ka kayang bigyan ng Dios".

Maliwanag na po na kung hindi naman labag ang pinapagawa ng asawa sa utos ng Dios ay sundin po natin pero huwag nating kalimutan na ang pagiging tunay na Kristiyano ay sinusunod una sa lahat-lahat ay  ang Dios at sa ating Panginoong Jesus sa lahat ng paraan sa kahit kaninuman.


Salamat sa Dios!

No comments:

Post a Comment