Wednesday, November 5, 2014

Panalangin para sa Patay

Sa Iglesia Katolika isang doktrina ang manalangin para sa mga minamahal nating mga kamag-anak na pumanaw na  ng sa ganun mabawasan ang kanilang paghihirap sa purgatoryo. 

Paniwala ko noon kasi kapag hidni naman masyadong makasalanan ang namatay ay pupunta siya sa Purgatoryo...sabi ng lola ko ang kondisyon daw dun ay medyo hindi raw masyadong mainit  kumpara sa Impierno. At dahil nga mahal natin sila ang isang paraan para matulungan sila  makaalis  sa kanilang kalagayan ay dapat  ang palaging pananalangin sa Dios para sa patay upang patawarin sila ng unti-unting mabawasan ang kasalanan hanggang sa sila ay maging malinis bago makapasok sa langit.

Sa ganyang paniniwala po ako lumaki pero sumagi din naman sa isip ko noon ang katanungan kung totoo nga ba ang paniniwalang ganun. Natugunan ang tanong ko ng marinig ko ang kasagutan  sa pakikinig ko kay Bro. Eli noon ang pananalangin para sa patay ay wala o pala  sa loob ng Biblia at kahit ang mga unang Kristiyano ay hindi nagsagawa ng pagdarasal sa patay. Kasi ayon sa Biblia ang kaluluwa ng lahat ng tao ay nasa kamay na ng Dios kapag siya ay namatay...basa po tayo:



Job 12:10  Nasa kamay niya ang kaluluwa ng bawa't bagay na may buhay, at ang hininga ng lahat ng mga tao.

Click Here:
Nakakagala pa ba ang Espiritu ng Taong Namatay
Kaluluwang Nagpaparamdam
Araw ng Patay

Wala ng magagawa pa ang mga taong buhay para sa mga patay kahit ano pang panalangin na gawin natin ay useless na dahil ang kapalaran ng mga taong namatay ay nasa Dios na po, ang Panginoon na ang bahala sa kanila at wala na tayong pakialam pa. Ang mga patay ay nasa ilalim na ng kapangyarihan at pangangalaga ng ating Dakilang Dios  at bubuhayin lamang sila sa pagdating ng paghuhukom para panagutan ang kanilang mga nagawa ng sila ay nabubuhay pa.

Ang sabi po ni Bro. Eli ang dapat po nating ipanalangin sa Dios ay ang buhay at hindi ang patay dahil  po yan ang utos sa Biblia, ipagdasal mo ako at ipagdadasal din naman kita, Kung magkapatid tayo sa Iglesia ang sabi  magpatawaran tayo at magpanalanginan  tayo sa isa't-isa...basa po tayo:


Jas 5:16 
Mangagpahayagan nga kayo sa isa't isa ng inyong mga kasalanan, at ipanalangin ng isa't isa ang iba, upang kayo'y magsigaling. Malaki ang nagagawa ng maningas na panalangin ng taong matuwid.


1Jn 5:16  Kung makita ng sinoman na ang kaniyang kapatid ay nagkakasala ng kasalanang hindi ikamamatay, ay idalangin siya at bibigyan siya ng Dios ng buhay, na ukol sa mga nagkakasala nang hindi ikamamatay. May kasalanang ikamamatay: hindi tungkol dito ang sinasabi ko na idalangin niya.

Yan po ang dapat nating gawin ang ipanalangin ang buhay at hindi ang patay, iwan na po natin ang mga imbentong doktrina na  itinuro sa atin na wala sa Biblia gaya ng  pagdarasal para sa patay na  hindi naman po pala  makakatulong sa mga namatay na.

Mag-basa po tayo ng Biblia  at mag-suri po  mga kababayan para mabuksan ang ating kaisipan ng maalis tayo sa maling turo na  utos lamang ng tao upang ang ating pagsamba ay maging makabuluhan.

Mar 7:7  Datapuwa't walang kabuluhan ang pagsamba nila sa akin, Na nagtuturo ng kanilang pinakaaral ng mga utos ng mga tao.


Salamat sa Dios!

No comments:

Post a Comment