Pages

Wednesday, October 22, 2014

Ang Tungkulin ng Lalaki sa Kanyang Misis

Sa nakaraang post pinag-aralan natin ang tungkulin ng babae sa kanyang Mister ngayon naman ay alamin natin ang tungkulin ng lalaki sa kanyang Misis. Sa ibang relihiyon ay hindi ito tinuturo sa kanilang mga members kaya ang resulta minsan ay hindi pagkakaroon ng  magandang pagsasama sa pamilya. Sa aminng samahan po ay itinuro ito ng aming Mangangaral at nais ko namang  itawid  sa inyo mga readers sa mga hindi pa alam ang aral na ito.

Bago natin umpisahan ay review muna tayo ng kunti sa napag-aralan natin tungkol sa tungkulin ng babae..basa po tayo:

 Eph 5:23  Sapagka't ang lalake ay pangulo ng kaniyang asawa, gaya naman ni Cristo na pangulo ng iglesia, na siya rin ang tagapagligtas ng katawan.


Ang babae na nagbabalak mag-asawa ay dapat tanggapin na magkakaroon siya ng presidente sa buhay niya, ayon sa talata ang lalaki ang pangulo ng kanyang asawa gaya ng ating Panginoong Jesus na pangulo ng Iglesia. Sa lahat ng paraan ay kailangan na mataas ang lalaki sa kanyang Misis  sa apelyido dapat gamitin ng babae ang apelyido ng lalaki, sa pagde-desisyon kailanaan sumangguni muna si Misis sa lalaki hindi pwede yung kung ano ang gusto niya yun ang masusunod bawal po yun..basa po tayo:


Eph 5:24  Datapuwa't kung paanong ang iglesia ay nasasakop ni Cristo, ay gayon din naman ang mga babae ay pasakop sa kani-kaniyang asawa sa lahat ng mga bagay.

Isang aral na dapat tanggapin ng babae na nag-asawa ay magpasakop sa  lalaki at hindi  pwede na ang babae ay parang presidente na naka-pameywang at ang Mister  ang busabos, hindi niya pwede na lapastanganin ng basta-basta ang asawa...dahil ang ibinigay na tungkulin ng Dios sa lalaki  sa loob ng bahay ay maging presidente o pangulo.

Halimbawa kapag tanggap  na ng babae na si Mister ang presidente at nagpapasakop na siya..antanong ano namnan ang dapat na tungkulin ni Mister kay Misis?

Eph 5:25  Mga lalake, ibigin ninyo ang inyo-inyong asawa, gaya naman ni Cristo na umibig sa iglesia, at ibinigay ang kaniyang sarili dahil sa kaniya;

Inaamin ko po na ng hindi pa ako kaanib sa Iglesia at hindi ko pa alam ang talagang aral na dapat ko sanang matutunan bilang presidente ng pamilya ay hindi ako naging mabuting asawa sa aking maybahay, lagi po akong naglalasing, at tamad na tamad po ako sa bahay, at hindi po ako masyadong expressive  sa aking pagmamahal sa kanya.
Mali po pala yun bunga po yun ng walang aral ng Dios  na akala ko normal lang yun na gawin ng isang lalaki gaya ng ibang pamilya. Kaya po kayong mga Mister payo ko po na pag-aralan ang salita ng Dios tungkol sa tungkulin natin bilang pagulo ng tahanan ng hindi kayo magaya sa aking nakaraang pamumuhay.
Ayon sa nabasa natin sa efeso 5:25 dapat ibigin ng lalaki ang kanyang asawa..antanong paano iibigin ang asawa?...basa po tayo sa kasunod na verse:

Eph 5:28  Gayon din naman nararapat ibigin ng mga lalake ang kani-kaniyang sariling asawa, na gaya ng kanilang sariling mga katawan. Ang umiibig sa kaniyang sariling asawa ay umiibig sa kaniyang sarili:


Para maunawaan niyo po ang diwa ng talata mas mabuti po basahin niyo po ang paliwanag ni Bro. Eli sa nagtanong  na quote ko sa Bible Exposition videos ito po sabi niya:

 "Ayan ang mga lalaki iibigin ninyo ang inyong  asawa gaya ng inyong sariling katawan, kapag ikaw naman babae makunswelo ka naman na magpapasakop  eh! kasi ang sumasakop sayo mahal na mahal ka eh! ang pagmamahal sayo gaya ng sarili niyang katawan..siguro ako man ang babae pagka ang lalaking sasakop sa akin ay mahal ako kagaya ng sarili niya..ang ibig sabihin na mamahalin   ang asawa mo gaya ng sariling mong  katawan , ayaw mong nagugutom huwag mong gugutumin ang asawa mo, ayaw mong nasasaktan huwag mong sasaktan ang asawa mo, ayaw mong napapahiya huwag mong ipapahiya yung  asawa mo, kung lalaki ka yaw mong nagiginaw bibili ka ng jacket aba! kailangan ibili mo rin yung asawa mo... pangit yun! labag sa Dios yun ikaw lang ang may jacket ang asawa mo ay wala eh! maginaw kayong pareho diba? ganun kapatid kaya pag inibig mo yung asawa mo gaya ng iyong  sarili magkakaroon kayo ng mutual na proteksyon sa isat isa . Isa yan sa mga aral sa pag-aasawa ng lalaki kaya kung magpasakop ka man aba! ok naman kasi ang lalaki na pinagpapasakupan mo mapagmahal naman sayo hindi sasama ang loob mo na magpasakop. Napakaganda po ng aral sa mag-asawa mga kapatid sana ma-realize niyo ang punto na ibig kong sabihin."
Ganun po pala dapat  tayong mga lalaki ay iibigin natin ang ating mga asawa gaya ng ating sarili. Nakakalungkot isipin na sa hindi  pagka-alam sa aral ng Biblia  tayong mga Mister ay nakakagawa ng mga bagay na hindi dapat gawin sa kay Misis, nabibigyan natin sila ng pait o sama ng kalooban na pinagbabawal  po ng Dios...basa po tayo:


Col_3:19  Mga lalake, ibigin ninyo ang inyo-inyong asawa, at huwag kayong maging mapait sa kanila.

Naalala ko po ang aking nakaraang pamumuhay na sa hindi ko pagkilala ng katuwiran ay nasaktan ko ng kalooban ang aking maybahay, nakapagsalita ako ng masasakit na salita na hindi dapat sabihin ng isang nagmamahal sa asawa, pero salamat sa Dios at nakawala ako sa ganung masamang pag-uugali dahil sa pagkarinig ko ng pangangaral ng aming Kapatid na Eli.
 
Sina-suggest ko  po sa inyo mga kapwa ko Mister kung kayo po may takot sa Dios sundin niyo po  ang aral ng Biblia tungkol sa pag-asawa na dapat nating masunod bilang Kristiyano.

Lagi po tayong umunawa at habaan ang pasensiya dahil sensitive po ang mga babae dapat ingatan sila gaya ng sinasabi sa talata sa baba...basa po tayo:
1Pe_3:7  Gayon din naman kayong mga lalake, magsipamahay kayong kasama ng inyo-inyong asawa ayon sa pagkakilala, na pakundanganan ang babae, na gaya ng marupok na sisidlan, yamang kayo nama'y kasamang tagapagmana ng biyaya ng kabuhayan: upang ang inyong mga panalangin ay huwag mapigilan.

Para pala hindi mapigilan ang panalangin natin sa Dios ay pakundanganan natin ang ating mga Misis. Ano pa ang kasunod na tunkulin ng lalaki...basa po tayo:

1Co 7:3  Ibigay ng lalake sa asawa ang sa kaniya'y nararapat: at gayon din naman ang babae sa asawa.

Sabi nga po ni Bro. Eli kung minsan ang pagkawasak ng pamilya ay ng gagaling sa hindi pagkakaalam ng mag-asawa ng nararapat na ibigay sa isat isa. Kaya sabi ng Dios ibigay ng lalaki ang nararapat sa babae ganun din ang baabe sa lalaki dapat may  give and take relationship na pakikinabangan ng relasyon. Ano-ano po ba ang nararapat na ibigay ng lalaki sa babae na nararapat sa kanya? 

Tahanan kahit upahan lang kahit maliit lang na kuwarto sapat na muna yun sa mag-asawa na  nag-uumpisa , Suweldo dapat ibigay kay Misis bawas mo yung sayo tapos ibigay mo yung nararapat na pambili ng pangkabuhayan o para sa gastusin ng bahay at mga bata, pagkain, pananamit etc...

Dapat ding bigyan ni Mister ng karangalan ang babae at hindi yung siya ay kabit lang na nagtatago baka makita ng original...dapat nag-iisa lang siya sa buhay ni Mister. At lingap kay Misis dapat na alagaan at huwag pabayaan upang hindi magkasakit, alamin kung may sarili siyang problema na tinatago at baka nahihiya lang sabihin. At si Misis naman dapat ibigay niya rin ang nararapat kay Mister ang pagpapasakop sa kanyang Mister bilang presidente, paggalang at serbisyo gaya ng paglalaba, pagluto, pagmasahe kung gusto ni Mister etc..

At ang higit sa lahat ay ang ARAL NG DIOS na dapat ipakisama ng mag-asawa sa bawa't isa..kasi kung wala ito madali pong mawasak ang pamilya kasi ang dalawang mag-asawa ay pundasyon ng isang pamiya  pagmahina ang pundasyon, mahina ang kabahayan.. pag nag-umpisa sa magandang pundasyon maganda ang kayarian ng isang gusali. At kapag ang mag-asawa ay naturuan ng ARAL NG DIOS ang kanilang pagsasama ay hindi mabubuwag at lalo pa itong titibay.

Mga Binata na nais mag-asawa alamin niyo po ang aral na ito ng hindi naman magiging kaawa-awa ang magiging Misis ninyo, naranasan ko na rin po ang mamuhay ng walang ARAL NG DIOS hindi po maganda at nakakapangsisi sa huli. Sa mga lalaking may asawa na hindi pa alam ang aral na ito ay makakatulong po ito sa inyo bilang paalala.

Ang araling ito ay maiksi lamang na mas may malalim at mas malinaw pa na paliwanag ang aming mga Mangagaral na si Bro. Eli at Bro.Daniel, ako ay isang aliping walang kabuluhan lamang at ordinaryong member lang na maaring magkamali sa paliwanag at magkulang,  gusto ko lang na magtawid lang din po sa inyo ng amin ding natutunan mula sa kanila galing sa Biblia.


Salamat sa Dios!




No comments:

Post a Comment