Pages

Monday, October 27, 2014

Bakla at Tomboy May Kaligtasan

Naging viral ang balita sa  pagpatay ng isang sundalong amerikano sa isang transgender  na  ikakasal sana sa  kasintahang German. Naging usapan ito sa social media at  umani ng  positive at negative comments.

Click Link:
US Marine na suspek sa pagpatay sa transgender sa Olongapo City, kinilala na

Dahil nga naging usap-usapan yan ay chance natin na alamin kung saan ba nagmula ang mga ganyan bakla at tomboy...sa society kasi ay nakakatanggap sila ng discriminations sa ibang tao na hindi nakakaunawa ng kanilang kalagayan
may iba din na nagsasabi na hindi sila galing sa Dios, hinahatulan at sinasabihang pang mga salot at ma-iimpierno.

Sa Biblia po ba ay ganun ba ang pananaw ng Dios sa mga ito gaya ng tingin ng  tao..umpisahan po natin na pag-aralan. Alam naman natin na ang nilikha ng Dios ang  tao na babae at lalaki...kaya nga ang conclusion agad ng ilan ang mga bakla at tomboy ay hindi likha ng Dios...

Genesis 1:27  At nilalang ng Dios ang tao ayon sa kaniyang sariling larawan, ayon sa larawan ng Dios siya nilalang; nilalang niya sila na lalake at babae.

Ang lalaking si Adan at babaeng si Eba ay nilikha na  walang kapintasan sa  pisikal na anyo masasabi nating sila ay maganda at makisig  katunayan:


Genesis 1:31  At nakita ng Dios ang lahat ng kaniyang nilikha, at, narito, napakabuti. At nagkahapon at nagkaumaga ang ikaanim na araw.

Napakabuti ng nilikha ng Dios noon ibig sabihin walang kapintasan na maiisip tayo. Pero habang lumalakad ang panahon ang tao ay nagkaroon na ng pagkakaiba-iba ng lumitaw na sina Cain, Abel at Seth at ang sunod-sunod na hanggang sa panahon natin  may pagbabago ng naganap sa mga tao tulad ng  hindi na magkakamukha, taas, kulay ng balat, etc.....kaya hindi maiiwasan na may mga  tao mula pa sa  pagkapanganak ay nagkaroon ng kaibahan sa iba sa kanyang anyo o kalagayan na minsan laban sa dapat na maging nature niya.

Ang lahat ng gawa ng Dios ay may karunungan at hindi yung basta naisip niya lang ng walang dahilan, hindi po kagustuhan ng tao na siya ay ipinanganak na mayroon ng kapintasan o kapansanan gaya ng pangyayari habang naglalakad ang mga Apostol  at Panginoong Hesus na  may nakita silang isang bulag mula ng ipinanganak...basa po tayo:


Joh 9:1  At sa pagdaraan niya, ay nakita niya ang isang lalaking bulag mula sa kaniyang kapanganakan.
Joh 9:2  At itinanong sa kaniya ng kaniyang mga alagad, na nangagsasabi, Rabi, sino ang nagkasala, ang taong ito, o ang kaniyang mga magulang, upang siya'y ipanganak na bulag?


Ito po ang sagot ng ating Panginoon:

Joh 9:3 
Sumagot si Jesus, Hindi dahil sa ang taong ito'y nagkasala, ni ang kaniyang mga magulang man: kundi upang mahayag sa kaniya ang mga gawa ng Dios.

Sabi po ng Panginoon  kaya siya pinanganak na bulag ay upang mahayag ang gawa ng Dios, upang makita natin na Siya ay may kapangyarihan at  karapatan sa Kanyang nilikha...kahit gumawa siya ng pangit at maganda ay hindi tayo pwedeng tumutol sa Kanya..wala po tayong karapatan na tumutol kung bakit ginawa niya tayo ayon sa gusto Niya...basa po tayo:


Romans 9:20  Nguni't, Oh tao, sino kang tumututol sa Dios? Sasabihin baga ng bagay na ginawa doon sa gumawa sa kaniya, Bakit mo ako ginawang ganito? 
:21
 
O wala bagang kapangyarihan sa putik ang magpapalyok, upang gawin sa isa lamang limpak ang isang sisidlan sa ikapupuri, at ang isa'y sa ikahihiya.

Nakakagawa ang Dios ng kahit anong gusto niya..ang mga bakla at tomboy o lahat ng uri ng tao ang may likha po noon sa kanila ay ang Dios at hindi naman natin pwede sabihin na komo hindi sila straight na lalaki at babae ay  demonyo ang lumikha sa kanila..dahil ang demonyo ay hindi naman po tagapaglikha.
Lahat po ng tao kahit ano pa siya ay mula sa iisang lahi...basa po tayo:

Genesis 3:20  At tinawag na Eva ng lalake ang kaniyang asawa, sapagka't siya ang naging ina ng lahat ng mga nabubuhay.


Ang mga bakla at tomboy ay nabubuhay din po di ba? kaya ang ina na pinagmulan nila  ay si Eva. Hindi naman po pwede na dahil ba sa may bakla at tomboy ay sumulpot na lang sila bigla sa tabi-tabi....natural na ipinangak din po sila, pinagbuntis din sila ng kanilang magulang..lahat ng pinanganak sa mundo ay galing sa lahi ni Eva at ni Adan na nilikha ng Dios.


Lahat po ng uri ng tao ang Dios po ang may likha sa kanila  may kapansanan man o wala gaya ng  bulag, pipi, bingi..etc..

Exodus 4:11  At sinabi sa kaniya ng Panginoon, Sinong gumawa ng bibig ng tao? o sinong gumawa ng pipi, o bingi, o may paningin, o bulag sa tao? Hindi ba akong Panginoon

Hindi naman kasalanan ng isang tao kung siya ay ipinanganak na bakla o tomboy kung talagang ipinanganak na siyang ganun...hindi po pwede natin sisihin kung sila ay ipinanganak sa katawang lalaki na may pusong babae gayun din naman sa mga tomboy. May mga bakla nga po na pilit magbago na nag-aasawa ang ilan para patunayang sila ay lalaki   pero lumalabas pa rin ang nature ng  pagiging bakla .

Basahin po natin ang sulat ni Apostol Pablo na binanggit niya ang mga bakla at tomboy...basa po tayo:


1Corinthians 6:9  O hindi baga ninyo nalalaman na ang mga liko ay hindi magsisipagmana ng kaharian ng Dios? Huwag kayong padaya: kahit ang mga mapakiapid, ni ang mga mananamba sa diosdiosan, ni ang mga mangangalunya, ni ang mga nangbababae, ni ang mga mapakiapid sa kapuwa lalake.

Ang binanggit na  mapakiapid sa  kapwa lalaki ang tawag natin sa ating term ay bakla...at sa  tomboy naman ..basa po tayo:

Romans 1:26  Dahil dito'y ibinigay sila ng Dios sa mga mahahalay na pita: sapagka't pinalitan ng kanilang mga babae ang katutubong kagamitan niyaong nalalaban sa katutubo:
:27  At gayon din naman ang mga lalake, na nang iwan na ang katutubong kagamitan sa mga babae, ay nangagningas sa kanilang karumihan ng pita ang isa't isa, na gumagawa ng kahalayan ang mga lalake sa mga kapuwa lalake, at tumatanggap sa kanilang sarili ng kagantihan ng kanilang pagkakamali.


Sabi pinalitan nila ang kanilang katutubo na laban sa katutubo....meaning yung nature nila na babae talaga ay kanilang iniwan na against sa kanilang nature ibig sabihin sa halip na magpakababae ay nagpapakalalaki yun nga ang tomboy...ganun din ang lalaki gumagawa ng kahalayan sa kapuwa lalaki yun nga po ang mga bakla.

Ang tanong natin may kaligtasan po ba sila? Opo naman ang  Dios po natin ay hindi nagtatangi ng tao:

Romans 2:11  Sapagka't ang Dios ay hindi nagtatangi ng mga tao.

Gusto niya lahat ng tao ay maligtas:

1Timothy 2:4  Na siyang may ibig na ang lahat ng mga tao'y mangaligtas, at mangakaalam ng katotohanan.


Maliwanag na ang Dios ay hindi nagtatangi at ang  lahat ng tao ibig Niyang maligtas...pag sinabing lahat yun po ay sumasaklaw sa lahat ng klase ng tao. kesa bakla, tomboy, silahis, lalaki, babae..etc.. dahil ayaw niya po na may mapahamak kahit isang tao: 

2Peter 3:9  Hindi mapagpaliban ang Panginoon tungkol sa kaniyang pangako, na gaya ng pagpapalibang ipinalalagay ng iba; kundi mapagpahinuhod sa inyo, na hindi niya ibig na sinoman ay mapahamak, kundi ang lahat ay magsipagsisi.


Hindi po gusto ng ating Dios ang may  mapahamak kahit isa maging tomboy pa o bakla basta sumunod lamang  sa Dios at nagsisi  sa kasalanan, nagbagong buhay, hindi lumabag sa utos...ang katunayan ang binganggit sa  Corinto  sa bandang huli sinabi ni Apostol Pablo  na sila ay nilinis na , binanal, nahugasan, inaring ganap sa pangalan ng ating Panginoong Jesus ...tingangap sila ng Dios sa Iglesia noong una...kaya kahit gaano pa kasama ang tao, kahit ano pa siya...bakla, tomboy,  silahis etc. basta sumunod siya sa Dios at nagbagong buhay at hindi nagagawa ng kalikuan ay may kaligtasan po ayon sa Biblia...basahin po natin ulit...gamitin natin ang Sambayanang Pilipino Biblia...basa po tayo:


Sambayanang Pilipino Biblia
1 Corinto 6: 9-11

9 Hindi ba ninyo alam na hindi mag-mamana ng kaharian ng Diyos ang mga sakim? Huwag kayong paloloko: ang mga mahalay, mga sumasamba sa mga idolo, mga nakikiapid, mga bastos, mga bakla,
10 mga magnanakaw, mga sakim, mga lasenggo, mga basagulero, at mga ganid ay hindi magmamana ng kaharian ngDiyos.
11 At ganyan nga ang ilan sa inyo; subalit hinugasan na kayo, pinabanal na kayo, pinawalang-sala na kayo sa ngalan ng Panginoong Jesucristo at sa Espiritu ng ating Diyos.



Ang Sodoma at Gomora na alam natin na pugad ng lahat ng uri ng tao na gumagawa ng kahalayan ay pinarusahan ng Dios sa pamamagitan ng pagpa-ulan sa kanila ng apoy dahil sa kanilang masasamang gawain:

Jude 1:7  Gayon din ang Sodoma at Gomorra, at ang mga bayang nasa palibot ng mga ito, na dahil sa pagpapakabuyo sa pakikiapid at sa pagsunod sa ibang laman, ay inilagay na pinakahalimbawa, na sila'y nagbabata ng parusang apoy na walang hanggan.

Pero gaya nga ng sabi ng mga talatang nabasa natin sa taas kahit bakla tomboy kung hindi naman niya ginagawa ang masamang gawa gaya ng ginagawa ng  sa Sodoma at Gomora ay may chance po sa kaligtasan basta magsisi po sila at sumunod sa Dios.


Sa aming samahan po ay maraming umaanib na mga  bakla at tomboy nagkakaroon kasi  sila ng pag-asa sa buhay na nakita nila na kahit ganun sila ay pare-pareho lang tayo sa mata ng Dios. Ang Isang bakla na nagbago ay dapat ng suunod sa palatuntunan ng Dios na nararapat niyang magawa gaya ng hindi na siya pwedeng magpahaba ng buhok, mag-make-up, mag-suot ng damit pambabae at maglandi o rumampa, bawal rin na mag-boyfren at gumawa ng kahalayan, in short dapat siyang umayos ng kagayakang panlalaki sa panlabas na kahit taglay niya pa rin ang pusong babae sa panloob.

Ganun din po sa mga tomboy na nagbalik loob sa Dios ang kagayakan nila ay gayak pambabae sa panlabas  na taglay ang pusong lalaki sa panloob...mahirap po sa kanila ito pero kung gusto nila maligtas ay kailangan nilang tiisin ang mga bagay ng kautusan.
Sa ibang relihiyon o Iglesia  kinokondena nila  ang mga bakla at tomboy  hindi 
tinatanggap kasi daw po wala ng kaligtasan ang mga ito  unless na magpakalalaki o magpakababae muna  sila meaning to say parang pipilitin  o dadayain ang kanilang sarili na mag-aaktong lalaki o babae sa panloob at panlabas ng sa ganun ay masabing nagbago na nga.

Sa paniwala kasi nila ang  labas daw sa kanilang Iglesia  o relihiyon ay may hatol  ng maiimpiyerno  ang ganyang Iglesia po ay hindi  yun sa Dios kasi kahit si Apostol Pablo ay hindi humahatol sa labas ng Iglesia ang may karapaan pong humatol ay ang Dios lamang...basa po tayo:

1Corinthians 5:12  Sapagka't ano sa akin ang humatol sa nangasa labas? Hindi baga kayo nagsisihatol sa nangasa loob?
:13
 
Datapuwa't sa nangasa labas ay Dios ang humahatol. Alisin nga ninyo sa inyo ang masamang tao.


Mga kababayan huwag po nating hatulan ang ating kapwa kahit sila man  ay bakla, tomboy, silahis..etc...Hayaan po natin ang Dios ang humatol sa kanila ang magagawa lang natin ay  hikayatin sila sa pagsunod sa  Dios. Hindi po pamantayan ng kalitasan ang pagiging tunay na lalaki o babae...may mga tunay na lalaki at babae na ma-iimpierno din  po kung sila ay hindi sumunod sa utos ng Dios. Tunay nga na lalaki at babae pero nagpapakabuyo naman sa kalayawan mga  lasenggo, mangangalunya, makikiapid, manloloko sa asawa, mga sinungaling   sila po  ay wala ding kaligtasan.

Galatians 5:19 
At hayag ang mga gawa ng laman, sa makatuwid ay ang mga ito: pakikiapid, karumihan, kalibugan,
:20
 
Pagsamba sa diosdiosan, pangkukulam, mga pagtataniman, mga pagtatalo, mga paninibugho, mga pagkakaalitan, mga pagkakampikampi, mga pagkakabahabahagi, mga hidwang pananampalataya,
:21 
Mga kapanaghilian, mga paglalasing, mga kalayawan, at ang mga katulad nito; tungkol sa mga bagay na ito ay aking ipinagpapaunang ipaalaala sa inyo, tulad sa aking pagpapaalaala nang una sa inyo, na ang mga nagsisigawa ng gayong mga bagay ay hindi magsisipagmana ng kaharian ng Dios.


Sa mga readers na bakla, tomboy at mga kauri nito may pag-asa po kayo sa kaligtasan, mahal po kayo ng ating Dios ayaw Niya po kayo ay mapahamak basta po hanapin Niyo po Siya, sundin ang Kanyang mga utos at makakaasa po kayo sa Kanyang pangako na buhay na walang hanggan. Mag-suri po kayo at isama niyo po  ang aming samahan na  inyong suriin nandiyan po ang aming Bro. Eli at Bro. Daniel na bukas palad  para sa inyo at magtuturo ng aral na dapat niyong matutunan ayon sa Biblia. Purihin ang Dios!

Salamat sa Dios! 

10 comments:

  1. Marami po akong tanong na nais ko masagot Isa po akong part ng lgbt at nais makilala pa Ang dios

    ReplyDelete
  2. 1 Corinto 6:9-10 sa nilalaman ng talata maliwanag na hindi magmamana ng kaharian ng Diyos ang bakla. Kaya paano maliligtas?

    ReplyDelete
  3. yan ang hirap para hndi marunong sa biblia ptisariling sinasabi minamali.. hndi n nga magmamana ng kaharian ung bakla at tomboy eh linaw linaw na sinabi hahah boboo

    ReplyDelete
  4. Diyos lamang ang hahatol, walang sinuman sa atin ay may karapatang humatol. Diyos lamang ang nakakakilala ng buo sa tao base sa kanyang puso at mga gawa.

    ReplyDelete
  5. Ibig po bang sabihin. Kahit na tomboy ka o bakla. Basta dika makikipag sex sa kapwa mo lalake, parehas na babae for tomboy. Maliligtas ka.

    Paano naman po Yung nararamdaman nila titiisin nalang yun? Masama pobang umiibig. Bakit pa sila naging ganuon if bawal din pala silang makipag relasyon. Di naman ata makatarungan. Di naman nila ginusto yun.

    ReplyDelete
  6. pwede po ba magsuot yung mga babae ng polo at sa mga lalaki naman ay dress?
    tuwing may pagsamba

    ReplyDelete
    Replies
    1. Deuteronomio 22:5

      5 Ang babae ay huwag mananamit ng nauukol sa lalake, ni ang lalake ay magsusuot ng pananamit ng babae; sapagka't sinomang gumagawa ng mga bagay na ito ay karumaldumal sa Panginoon mong Dios.

      Delete
  7. eh nagbago ba si Eli Soriano
    sa pagiging BAKLA? hinde!
    namatay si Eli Soriano sakit
    na AIDS na sakit na nakuha
    niya sa pagiging BAKLA!

    ReplyDelete
  8. ✓kinonsinte ni Eli Soriano
    ang pagbaBAKLA ng mga
    BAKLA dahil sa ABULOY!

    ReplyDelete
  9. Ang sagot, ayon sa Bibliya ay likas na nalalaman ng bawat tao, na ang pagiging bakla at tomboy ay imoral at hindi normal, at ang tanging paraan upang pigilan ang likas na kaalamang ito ay gawing normal ang pagiging bakla at tomboy at salungatin ang lahat ng oposisyon. Ang pinakamagandang paraan upang gawin itong normal ay ituring ang pagaasawa sa pagitan ng dalawang magkapareho ang kasarian na kapantay ng tradisyonal na pagaasawa sa pagitan ng isang lalaki at isang babae. Inilalarawan ito sa Roma 1:18-32. Nalalaman ng tao ang katotohanan dahil ginawa itong payak ng Diyos. Ngunit tinanggihan ng tao ang katotohanan at pinalitan ito ng kasinungalingan. Isisnusulong ng mga makasalanan ang kasinungalingan at pinipigilan at nilalabanan naman ang katotohanan. Ang ipinakikitang kapusukan at galit ng marami sa mga nagsusulong ng karapatang pantao ng ikatlong kasarian sa mga lumalaban sa kanila, sa katotohanan, ay isang indikasyon na hindi nila kayang ipagtanggol ang kanilang posisyon. Ang pagtatangkang ipanalo ang isang mahinang posisyon sa pamamagitan ng pagtataas ng boses ay ang pinakamatandang pandaraya na ginagamit sa mga aklat tungkol sa pakikipagdebate. Marahil, wala ng mas angkop na paglalarawan sa adyenda ng mga kilusang nagsusulong sa karapatan ng mga bakla/tomboy kaysa sa sinasabi sa Roma 1:31, “Sila'y naging mga hangal, mga taksil, mga walang puso, at di-marunong lumingap sa kapwa.”

    ReplyDelete