Pages

Tuesday, October 14, 2014

Aral na Pagpapasakop ng Babae sa Asawa

Ang paksang ito ay makapagbibigay ng kaalaman  patungkol sa tungkulin ng babae sa kanyang asawa. Marami kasing mga babae na hindi alam ang ganitong aral  dahil hindi naituro ng kanilang pastor  at ang kakulangan sa aral ng Dios ay nagbubungan ng pagaaway at nauuwi pa sa hiwalayan.

May mga babae kasi na ang pag-iisip ay isip-superior at ma-pride gusto nila sila ang nasusunod at namumuno sa isang pamilya. Ina-under ang asawa minsan  siya pa  ang nagde-desisiyon sa pamilya, umaalis ng bahay hindi nagpapaalam sa asawa, nagbebenta ng gamit o bumibili ng mga bagay na walang pahinutlot sa asawang lalaki.

Para maiwasan ang ganito dapat maalaman ng isang babae kung saan nararapat ilagay ang kanyang sarili sa pamilya. Sa aming Iglesiang kinaaniban ay hindi problema ito  dahil majority sa mga babaeng kaanib ay tanggap ang aral na ito na tinuro ng atin ng Panginoong Jesus
sa pagtatawid  ng aming kinikilalang mga sugo na akin din naman nais maibahagi sa kapwa.


Ikaw na babae nagbabasa ngayon kung kino-consider mo na ikaw ay lingkod ng Dios , Isang Kristiyana ay alamin mo ito:

1Ti 2:11  Ang babae'y magaral na tumahimik na may buong pagkapasakop.
1Ti 2:12  Nguni't hindi ko ipinahihintulot na ang babae ay magturo, ni magkaroon ng pamumuno sa lalake, kundi tumahimik.
1Ti 2:13  Sapagka't si Adam ay siyang unang nilalang, saka si Eva;
1Ti 2:14  At si Adam ay hindi nadaya, kundi ang babae nang madaya ay nahulog sa pagsalangsang;

Nabasa niyo po malinaw na ang babae ay dapat pasakop, ang pakahulugan po ni St. Paul ang babae po pala ay under sa lalaki sapagkat ang babae po sa totoo lang ay madaling madaya gaya ng ngyari kay Eva,  madaling maloko, mahina ang kalooban mahina ang katawan kumpara sa lalaki,  kung meron man exceptional na lang po yun pero in general mahina ang babae kaya siya ang unang inatake ni Satanas sa hardin ng Eden.

Paulit-ulit po itong iniaaral ng mga Apostol sa mga babaeng Kristiyana...basahin po natin ang mga sumusunod na talata:

Eph 5:22  Mga babae, pasakop kayo sa inyo-inyong sariling asawa, na gaya ng sa Panginoon.

Col_3:18  Mga babae, pasakop kayo sa inyo-inyong asawa, gaya ng nararapat sa Panginoon.
Tit 2:1  Nguni't magsalita ka ng mga bagay na nauukol sa aral na magaling:.....Tit 2:4  Upang kanilang maturuan ang mga babaing may kabataan na magsiibig sa kanikaniyang asawa, magsiibig sa kanilang mga anak, mangagpakahinahon, Tit 2:5  Mangagpakahinahon, mangagpakalinis, mangagpakasipag sa bahay, magagandang-loob, pasakop sa kanikaniyang asawa, upang huwag lapastanganin ang salita ng Dios:

1Pe 3:1  Gayon din naman, kayong mga asawang babae, pasakop kayo sa inyong sarisariling asawa; upang, kung ang ilan ay hindi tumalima sa salita, ay mangahikayat ng walang salita sa pamamagitan ng ugali ng kanikaniyang asawang babae;


Maaring itanong niyo kung anong uri ng pagpapasakop po ba ang dapat ipasakop ng babae sa lalaki...basa po tayo:

Eph 5:24  Datapuwa't kung paanong ang iglesia ay nasasakop ni Cristo, ay gayon din naman ang mga babae ay pasakop sa kani-kaniyang asawa sa lahat ng mga bagay.

May comparative statements po  si St. Paul sabi niya kung paano ang Iglesia ay nasasakop ng ating Panginoong Jesus gayun din  ang babae ay pasakop sa kaniyang asawa sa lahat ng bagay. Ganun po kasi ang ating Panginoong Jesus  nasasakop niya ang Iglesia sa lahat ng aspeto ng buhay ng Kristiyano sa pamamagitan ng Kanyang kautusan na dapat masunod ng Kanyang nasasakupan kaya nga po tinawag ang ating Panginoon na Dakilang Mananakop. Sa ganitong statement ni St. Paul ang babae ay nararapat lamang magpasakop sa kanyang asawa sa lahat ng bagay.



Teka po ang pinag-uusapan na dapat pagpapasakupan ng babae sa lahat ng bagay ay lalaking Kristiyano  at hindi lalaking lasenggo o sugarol dhil kung pasasakop ka sa ganitong klase ng lalaki eh! baka pati ikaw ay painumin din at utusang magsugal eh! di dalawa na kayo ngayon. Naalala ko pa noon na hindi pa ako kaanib at hindi ko pa alam ang ganitong aral ay isa po akong lasenggo at minsan ay kasama ko po ang asawa ko sa inuman. Salamat sa Dios at naalis ang bisyo kung yun.

Ang Kristiyanong lalaki naman po kasi ay hindi naman yun mag-uutos o magdidikta ng ikakasama ng kanyang misis dahil nga po siya ay may aral na natutunan  sa Bblia kaya dapat maging kampante ang babae na sumunod sa kanya ng walang question.

Kahit pati sa pananamit ng misis ang dapat masunod ang lalaki , kung ayaw niyang pasuot ang damit na mahalay ay huwag mag-reklamo dahil hindi ka naman uutusan na  mananamit na hindi ayon sa pamantayan  ng Biblia.

Pag-sinabi ng lalaki  halimbawa na  huwag makipag usap sa ibang lalaki   dapat sumunod for the own sake para maiwasan ang tukso ni Satanas na makakapagdulot ng hiwalayan.

Kung may plano na gawin  dapat  isangguni muna sa asawang lalaki at pagkasunduan ng maayos kung ano ang nararapat at ikabubuti at ang final decision ay nasa lalaki na dapat masunod ng babaeng nagpapasakop.


Kayong mga dalaga na nagbabasa ngayon ay mag-isip isip po muna  kayo bago mag desisyon na  mag-asawa dahil ang pag aasawa ay may kaakibat na  obligasyon at yun ay  magpapasakop ka sa iyong asawa sa lahat ng bagay ibig sabihin magkakaroon ka ng amo o boss sa buhay mo.

Isipin mo ha! kapag  dalaga ka ang  ang nanay mo pa nga siguro  ang naglalaba ng panty at bra mo  pero pagmay asawa ka na kahit brief ng asawa mo na parang bacon na yung garter ay lalabahan mo yun.

Kahit anong pabango na gusto mo ay mabibili at magagamit mo pero pag may asawa ka na pag sinabi ng asawa na ayaw niya ng pabango mo ay susundin mo yun dahil  tungkulin no na magpasakop na hindi na pwede mabago sapagkat iyun ang katalagahan ng Dios...basa po tayo..na dapat malaman ng isang babaeng Kristiyana:

1Co 11:3  Datapuwa't ibig ko na inyong maalaman, na ang pangulo ng bawa't lalake ay si Cristo, at ang pangulo ng babae ay ang lalake, at ang pangulo ni Cristo ay ang Dios.

Nabasa nyo po na ang pangulo ng bawat't lalaki ay ang ating Panginoong Jesus at ang pangulo Niya ay ang Dios Ama at ang pangulo ng babae ay ang lalaki. Kaya hindi po pwede baguhin ang katalagahan iyan dahil si Lord Jesus nga ay hindi payag baliktarin ang katalgahan ito na ang Panginoong Jesus ang ilalagay na nasa taas ng Dios Ama...basa po tayo:

Joh 14:28  Narinig ninyo kung paanong sinabi ko sa inyo, Papanaw ako, at paririto ako sa inyo. Kung ako'y inyong iniibig, kayo'y mangagagalak, dahil sa ako'y pasasa Ama: sapagka't ang Ama ay lalong dakila kay sa akin.

Malinaw po na ang Dios Ama ay dakila kesa sa ating Panginoong Jesus therefore hindi po maari baliktarin ang sistema ng Dios sa leadership ang unang authority ay ang Dios Ama kasunod ating Panginoong Jesus, ang lalaki at sailalaim nito ay  ang babae. Kaya dapat itong tupdin ng isang sumsampalatayang babae sa aral ng Dios na siya ay may pangulo at yun ang lalaki na naitalaga ng Dios na maging gayun.

Maliban sa pagpapasakop ng babae sa lalaki ano pa ang tungkulin niya sa kanyang asawa?...basa po tayo:

Eph 5:33  Gayon man ay umibig naman ang bawa't isa sa inyo sa kani-kaniyang sariling asawa gaya ng sa kaniyang sarili; at ang babae ay gumalang sa kaniyang asawa.

Sabi po ni Bro. Eli ayon sa Biblia isang malaking batas ng Dios sa babae ay ang paggalang sa kanyang asawa..alam nyo po kung bakit? May instinct kasi ang babae pag-nagsama na sila bilang mag-asawa at nabisto na niya ang buong pagkatao ng kanyang partner nawawala niya ang paggalang sa kanyang asawa .

Minsan ang iba pa nga naririnig at nakikita ko sa kapitbahay pinapahiya ang asawa, kinagagalitan sa harap ng ibang tao, sinisigawan at minumura pa nga..hindi na binigyan ng kahihiyan ang asawa niya.

Ang babaeng lingkod ng Dios, isang Kristiyana ay hindi po dapat nag-uugaling ganun sa halip ay igalang niya ang msiter gaya ng paggalang na binigay ni Sarah kay Abraham.


1Pe 3:5  Sapagka't nang unang panahon, ay ganito naman nagsigayak ang mga babaing banal na nagsiasa sa Dios, na pasakop sa kanikaniyang asawa;
1Pe 3:6  Na gaya ni Sara na tumalima kay Abraham, na kaniyang tinawag na panginoon: na kayo ang mga anak niya ngayon, kung nagsisigawa kayo ng mabuti, at di kayo nangatatakot sa anomang kasindakan.

Kita nyo po sa paggalang ni Sara kay  Abraham tinawag niya itong panginoon...imagine nyo po yun sa sobrang ginalang niya Panginoon  ang tawag niya po. Kaya mga babae
 para mabilang kayo na  anak  ni Sara at Propeta Abraham dapat matuto kayong gumalang at magpasakop sa inyo-inyong asawa.

Ang kawalan ng kaalaman ng mag-asawa sa batas ng Dios ay nagbubunga ng broken family at ang apektado  ay  mga bata huwag po sanang ganito kasi ayaw ng Dios na may nasisirang pamilya.

Sa mag-asawa dapat  pareho  sumumpa na  sumunod sa  batas ng Dios .. dapat alam ng babae  na  tungkulin niya ang gumalang at magpasakop sa mister  at syempre pag-ganun ang ugali ng babae  ang lalaki naman ay susuklian niya ng pagmamahal. Para maging   maayos ang pag-sasama  alam dapat ng magakapareha kung paano i-adjust ang sarili ayon sa batas ng Dios.

Sa mga kababaihan, kung ibinibilang mo ang iyong sarili na Kristiyana sumunod ka po sa utos ng Dios magpasakop ka po sa iyong asawa nasa Biblia po yan ng sa ganun ay magkaroon ng continous at harmonious relationship. Paano ka iibigin ng asawa mo ng nararapat kung sinusuway mo mismo ang batas ng Dios na dapat kang gumalang sa asawa at magpasakop.

Sana po ay may natutunan kayo sa paksang ito na naitawid lamang sa amin ng aming Mangangaral na maaring hindi naituro sa inyo ng pastor. Makinig po kayo sa aming programa  ANG DATING DAAN.

Salamat sa Dios!


3 comments:

  1. this is hypocrite. so you mean na ang mga babae ay mag rely lang sa kalalakihan sa lahat ng oras? It doesn't apply to all relationship. why? kase hindi lahat ng lalake reliable. and you know what? you're making an excuse para maging inferior mga lalake kaya ang daming nagdurusang mga babae dahil sa maling paniniwala na tinuturo niyo

    ReplyDelete
  2. Iglesia ni cristo po ako kailangan ko bang magpasakop sa di ko kapanampalataya. Kinasal po kami na di pa po ako kaanib sa loob ng iglesia ni cristo.

    ReplyDelete