Pages

Friday, October 17, 2014

Magka-iba ang Relihiyon

Paano kung ang pamilya mo: magulang, kapatid, asawa, anak ay magkaiba kayo ng relihiyon sila ba ay may pag-asang din sa kaligtasan?  Mahal po natin ang ating pamilya at gusto natin na sila ay makasama sa pangako ng Dios sa mga nagsisi-ibig sa Kanya ang buhay na walang hanggan.
Sa amin po  magkaiba kami ng relihiyon ng aking mga magulang at kapatid sila  ay  devoted Catholics  at ng asawa ko naman ay member ng JIL  pero sa kabila ng ganitong sitwasyon  umaasa pa rin ako sa awa at tulong ng Dios na sana mabuksan ang kanilang puso't isip  at gabayan ng Dios na makita nila ang katotohanang nalaman ko at aking sinampalatayanan. May awa ang Dios.

Sabi po ni Bro. Eli ang chance ay hindi natin pwede alisin sa tao dahil yun ay bigay  ng Dios  sa tao kahit sinumang tao kahit na masamang tao pa siya ay  binibigyan ng ating Dios  ng chance...basa po tayo:
2Pe 3:9  Hindi mapagpaliban ang Panginoon tungkol sa kaniyang pangako, na gaya ng pagpapalibang ipinalalagay ng iba; kundi mapagpahinuhod sa inyo, na hindi niya ibig na sinoman ay mapahamak, kundi ang lahat ay magsipagsisi.


Sabi ng talata ang Dios po ay  mapagpahinuhod sa atin at gusto niya na magsipagsisi ang tao dahil ayaw niya na ang sinuman ay mapahamak, wala pong tinatangi ang ating Dios gusto niya po lahat tayo ay maligtas...basa po tayo:


1Ti 2:4  Na siyang may ibig na ang lahat ng mga tao'y mangaligtas, at mangakaalam ng katotohanan.

May chance po ang lahat ng tao na maligtas basta tanggapin lang natin ang katotohanan ibig sabihin para tayo ay maligtas dapat po sumunod tayo sa Kanya dahil kung hindi tayo susunod ay wala tayong pag-asang makamtan ang buhay na walang hanggan...basa po tayo:


2Th 2:11  At dahil dito'y ipinadadala sa kanila ng Dios ang paggawa ng kamalian, upang magsipaniwala sila sa kasinungalingan:
2Th 2:12  Upang mangahatulan silang lahat na hindi nagsisampalataya sa katotohanan, kundi nangalugod sa kalikuan.


Hahatulan po ng Dios ang ayaw sumampalataya sa katotohanan...basa po tayo:
2Th 1:8  Na maghihiganti sa hindi nagsisikilala sa Dios, at sa kanila na hindi nagsisitalima sa evangelio ng ating Panginoong Jesus:
2Th 1:9  Na siyang tatanggap ng kaparusahan, na walang hanggang kapahamakang mula sa harapan ng Panginoon at mula sa kaluwalhatian ng kaniyang kapangyarihan.


Wala po talagang kaligtasan  ang mga taong ayaw  sumampalataya  at sumunod sa Ebanghelyo ng ating Panginoong Hesus. Ang ating pamilya, mga kamgag-anak  po ay may chance, may pag-asa sa buhay na walang hanggan kung sila po ay susunod sa utos, sa tunay na aral ng Biblia.
Hindi po pwede biruin ang Dios na magpapatuloy pa rin tayo  sa mali pero ligtas pa rin, ang Dios po ay kapangyarihang sinusunod at pinag-pagpapasakupan para tayo ay maligtas. Mahirap po maligtas ang taong tumatanggi na magpasakop at tumatangging sumunod sa Dios.

Ang magagawa na lang   natin ay manalangin sa Dios para tulungan tayo na hikayatin sila na makaaalam ng tunay na aral ng ating Panginoong Jesus.

Salamat sa Dios!



No comments:

Post a Comment