Tuesday, October 7, 2014

Puso o Isip? Alin ang dapat Masunod?

Ito ang tanong " Ano ang dapat sundin ang Puso o ang Isip?  madalas itong naitatanong lalo na sa mga taong umiibig at nabibigo. Sinasabi ng iba na dapat gamitin ang isip, maging praktikal sa panahon ngayon at hindi ang puso dahil  gutom lamang ang aabutin.

May napanuod pa akong video na pinagdedebatehan nila ang tanong na ito..ang sabi ng panig sa Isip..dapat gamitin ang isip para hindi maloko ng hindi masaktan at  ang sabi naman ng isa..aanhin ang kayamanan kung hindi naman masaya dahil walang pagmamahal.

Ang opinion ko rito kung pag-ibig sa opposite sex ang pag-uusapan dapat sundin ang puso, kapag mahal mo ang isang tao natural na gagawa ka ng paraan para mapasaya siya at mabigyan siya ng magandang buhay..hindi mo siya gugutumin. Ang puso naman ay madaling turuan kahit hindi mo nga mahal ay pwede nating matutunan mahalin sa katagalan. Ayon sa Biblia nga kahit kaaway ay pinapa-ibig ng Dios..hindi ito iuutos ng Dios kung alam niya na ang tao ay walang kakayahang maturuan ang kanyang puso na umibig.
Luk_6:27  Datapuwa't sinasabi ko sa inyong nangakikinig, Ibigin ninyo ang inyong mga kaaway, gawan ninyo ng mabuti ang nangapopoot sa inyo,


Sabi pa kaya daw nilagay sa taas ang utak o isip at ang puso ay sa baba ay upang sundin natin ang ating nasa isip dahil mataas kesa sa puso...mali po ang ganitong pananaw. Sabi ni Bro. Eli Biblically speaking ang ating iniisip ay nagmumula po sa ating puso..basa po tayo.


Mat 15:19  Sapagka't sa puso nanggagaling ang masasamang pagiisip, mga pagpatay, mga pangangalunya, pakikiapid, mga pagnanakaw, mga pagsaksi sa di katotohanan, mga pamumusong:

Ang sabi po ni Jesus na ang masamang pag-iisip ay ng gagaling sa puso ito po ay totoo  kasi ang Panginoong  Jesus ay highest authority kasama siya sa paglalang  ng tao kaya alam niya. Ang puso ang nag-didikta ng ating mga  actions. Ang isip natin  na sa puso din  po yun kaya pag ang taong  may masama ang isip ay masama din ang puso it follows na pagmasama ang puso masama din ang isip ..basa po tayo:

Luk 6:45  Ang mabuting tao ay kumukuha ng kagalingan sa mabubuting kayamanan ng kaniyang puso; at ang masamang tao'y kumukuha ng kasamaan sa masamang kayamanan: sapagka't sa kasaganaan ng puso ay nagsasalita ang kaniyang bibig.

Sabi ang  mabuting tao kumukuha sa mabuting  kayamanan  ng kaniyang puso ganun din ang masama ay sa kayamanan ng masama  niyang puso. Kung Biblical ang pag-uusapan ang ating puso ang ugat ng lahat ng ating ginagawa, ang ating iniisip, sinasalita, tinitigan... sa science kasi  iba ang paliwanag nila ang ating mga actions, five senses ay pinapagana ng ating utak o iniisip at sinasabi na ang pag-ibig ay mula sa isang parte ng ating utak sa hypothalamus.

Mas maniniwala ako sa sinasabi ng Biblia dahil Dios ang lumikha sa tao kesa sa scientific explanation ng mga tao na nilalang lamang. Nalalaman natin ang laman ng puso ng tao kahit hindi  nakikita sapagkat nahahayag sa kanyang paggawa.  Kung ano ang ating kinikilos, iniisip yun ay nagmumula sa ating puso.


Katunayan na ang Isip ay mula sa puso : May isang pangyayari  habang gumagawa ng pagpapatong ng kamay ang mga Apostol  may isang tao ang ngalan ay Simon ang nag-alok ng salapi upang bigyan din siya ng kapangyarihang gaya ng mga Apostol pero pinagsabihan siya na magsisi kasi nababasa nila ang isip niya mula sa kanyang puso...basa po tayo:


Act 8:20-23

Datapuwa't sinabi sa kaniya ni Pedro, Ang iyong salapi'y mapahamak na kasama mo, sapagka't inisip mong tamuhin ang kaloob ng Dios sa pamamagitan ng salapi.

Wala kang bahagi ni kapalaran man sa bagay na ito: sapagka't ang puso mo'y hindi matuwid sa harap ng Dios. Magsisi ka nga sa kasamaan mong ito, at manalangin ka sa Panginoon, baka sakaling ipatawad sa iyo ang pagiisip ng iyong puso.
Sapagka't nakikita kong ikaw ay nasa apdo ng kapaitan at sa tali ng katampalasanan.

Sundin po natin ang salita ng ating Dios upang magkaroon tayo ng malinis na puso upang makagawa tayo ng mabuti...

1Ti_1:5 
Nguni't ang kinauuwian ng bilin ay ang pagibig na nagbubuhat sa malinis na puso at sa mabuting budhi at sa pananampalatayang hindi paimbabaw:
Mat_5:8  Mapapalad ang mga may malinis na puso: sapagka't makikita nila ang Dios.


Kung Pangkalahatan na ang Pag-uusap, Alin ang susundin Puso o Isip ang sabi ng aming Mangangaral  ang dapat na sundin ay ang Dios kasi ang isip at puso natin ay pwedeng magkamali ng haka pero kung sa Dios tayo susunod Siya ang magtuturo sa atin kungpaano ang tamang pagpapasiya.
Salamat sa Dios!

No comments:

Post a Comment