Dati may naka-sharing ako na ibang sekta ng relihiyon at may paksa kaming pinag-uusapan na pinatotohanan ko ang aking view gamit ang mga verses ng Biblia. Pero tila yata hindi niya kayang sanggain ang mga nilatag ko kaya ang depensa niya may kanya-kanya kasing ineterpretasyon ang tao sa nababasa niya kaya naka-depende yun sa tao at gaano daw po ba ako ka sure kung tama ang interpretasyon sa ginamit kong verse.
Ang sagot ko syempre ay ang tinuro sa akin ng aming Mangangaral. Ito ang isa sa mga dahilan kung bakit maraming sekta dahil ang tao ay may kanya-kanyang interpretasyon doon sa verse na binabasa niya. Ang katotohanan po ang interpretasyon ng mga verses sa Biblia ay hahanapin rin po sa loob ng Biblia at hindi tayo ang lalapat ng ating sariling pakahulugan. Bakit?..basa po tayo...
Isa 55:8 Sapagka't ang aking mga pagiisip ay hindi ninyo mga pagiisip, o ang inyo mang mga lakad ay aking mga lakad, sabi ng Panginoon.
Isa 55:9 Sapagka't kung paanong ang langit ay lalong mataas kay sa lupa, gayon ang aking mga lakad ay lalong mataas kay sa inyong mga lakad, at ang aking mga pagiisip kay sa inyong mga pagiisip.
Ang sabi po ang pag-iisip ng Dios ay mataas kaysa sa ating pag-iisip kaya paano natin bibigyan ng interpretasyon ang salita ng Dios gamit ng ating maliit na kaiisipan. Meaning wala tayong business na mag-interpret ng kanyang salita dahil sure na magkakamali tayo.
Ang Biblia ay may ginagamit na salita na hindi dapat bigyan ng sariling interpretrasyon ng tao o bigyan ng sariling paliwanag...basa po tayo:
2Pe_1:20 Na maalaman muna ito, na alin mang hula ng kasulatan ay hindi nagbuhat sa sariling pagpapaliwanag.
Paano natin malalaman ang interpretasyon o kahulugan ng mga nakasulat sa talata ng Biblia?...basa po tayo:
Isa_34:16 Inyong saliksikin sa aklat ng Panginoon, at inyong basahin: kahit isa sa mga ito ay hindi magkukulang, walang mangangailangan ng kaniyang kasama; sapagka't iniutos ng aking bibig, at pinisan sila ng kaniyang Espiritu.
Nagtitiwala ako sa sinabi ng Dios na ito na ang Kanyang mga salita ay hindi magkukulang at ang dapat lang natin gawin ay magsaliksik at magbasa . Kung maghahanap tayo ng kahulugan ng word sa Dictionary di po ba kinukuha natin ang definition na provided ng Dictionary mismo at hindi tayo ang nagbibigay ng ating sariling definition.
Ganun din po sa Biblia kung gusto natin malaman ang kahulugan ng sinasabi ng verse hanapin natin sa loob ng Biblia at ang Biblia ang magpapaliwanag nito at hindi tayo ang magbibigay ng sarili nating pakahulugan.
May binigay si Bro Eli Na halimbawa pra maunawaan natin kung pano hanapin ang interpretasyon sa Biblia...basa po tayo:
Php 3:2 Magsipagingat kayo sa mga aso,..
Php 3:2 Beware of dogs,
Diba po nababasa natin yan sa mga gate ng bahay lalo na sa mga mayayaman...BEWARE OF DOGS..kung tayo po ang magbibigay ng interpretasyon ay sasabihin natin dapat tayong mag-ingat sa asong nakabantay sa bahay na yun..maaring may Doberman, German Shepherd, Bulldog, pitbull..etc na nakabantay kaya dapat mag-ingat.
Hindi tayo magtatanong sa dog trainer ng kahulugan nito dahil hindi naman dog trainer ang may sabi kundi ang Dios sa pamamgitan ng Kanyang mga Apostol kaya sa Dios din tayo magtatanong sa loob ng Biblia.
Ngayon hanapin natin ang interpretasyon ng BEWARE OF DOGS sa loob ng Biblia..sino ba yung aso at sino yung pinag-iingat... basa po tyo:
Isa 56:11 Oo, ang mga aso ay matatakaw, sila'y kailan man ay walang kabusugan; at ang mga ito ay mga pastor na hindi nangakakaunawa: sila'y nagsilikong lahat sa kanilang sariling daan na mula sa lahat ng dako, bawa't isa'y sa kaniyang pakinabang.
Ayun naman pala...ang ASO na tinutukoy ay ang MGA PASTOR na dapat TAYO ay mag-ingat. Maraming pastor sa panahon natin na matatakaw sa pera, walang kabusugan..sila yung ginagawang pagkakakitaan ang relihiyon na hindi tumitigil sa collection sa mga members tulad ng prayer request na wala sa Biblia, love offerings, ikapu na hindi utos, abuluyan santacena..at marami pa. Anong klaseng mga aso po ito?
Isa 56:10 Ang kaniyang mga bantay ay mga bulag, silang lahat ay walang kaalaman; silang lahat ay mga piping aso, sila'y hindi makatahol; mapanaginipin, mapaghiga, maibigin sa pagidlip.
Mabuti pa po yung aso na literal kahit pakainin mo ng marami ay napapakinabangan ng tao dahil nagbabantay para hindi nakawan ang amo niya, nagbibigay ng warning para malaman kung may strangers na papalapit sa ating bakuran sa pagkahol nito pero itong aso na sinasabi ng Biblia ay walang silbi hindi tumatahol mga piping aso at tamad pa na sila ay ang mga pastor na mali ang sinasabi at nanliligaw ng kapwa tao para kumita ng salapi.
Yan ay isa lamang sa halimbawa kung paano ang Biblia ang mismong nagbibigay ng sariling interpretasyon sa kanyang sarili, ang Dios ang magpapaliwanag sa Kanyang salita sa loob ng Biblia at ang dapat lamang nating gawin ay saliksikin at basahin ang kasulatan.
Salamat sa Dios!
No comments:
Post a Comment