Sa paghahanap ng totoo mahalaga na maalaman muna natin kung ang Mangangaral na ating pakikingan ay sa Dios, hindi dapat basta may hawak ng biblia at nagsasalita ng mga verses ng kasulatan ay tatanggapin na natin na siya ay Manganagaral na sa Dios kasi may iba na ang intensiyon ay magpayaman lamang at ginagawang pagkakakitaan ang relihiyon.
Para matukoy natin ang sa Dios na Mangagaral alamin natin sa Biblia kung ano ba ang mga palatandaang ibinigay ng Dios sa kanyang Mangangaral para makita natin kung ang nangangaral ay totoo ang sinasabi o hindi at ang kanyang tinataguyod na aral ay tama o mali.
Para matukoy natin ang sa Dios na Mangagaral alamin natin sa Biblia kung ano ba ang mga palatandaang ibinigay ng Dios sa kanyang Mangangaral para makita natin kung ang nangangaral ay totoo ang sinasabi o hindi at ang kanyang tinataguyod na aral ay tama o mali.
Batay sa Biblia ang palatandaan sa Mangagaral o Sugo ng Dios ay may kaalamang hindi masusukat, kailangang hanapin natin yung nagsasalita ng Salita ng Dios na ang intensiyon yung Salita ng Dios ay maipangaral sa mga tao sapagkat yun ay kaligtasan..basa po tayo:
Joh 3:34 Sapagka't ang sinugo ng Dios ay nagsasalita ng mga salita ng Dios: sapagka't hindi niya ibinibigay ang Espiritu sa pamamagitan ng sukat.
Yung Mangangaral o Sugo ng ng Dios mayron pa lang Espiritu na hindi makakayang sukatin basta pag nagsalita siya ng Salita ng Dios ay tuloy-tuloy, dere-deretso siyang nagsasalita ng Salita ng Dios at ang sinasabi niya hindi galing sa kanyang sarili...basa po tayo:
Joh 7:17 Kung ang sinomang tao ay nagiibig gumawa ng kaniyang kalooban, ay makikilala niya ang turo, kung ito'y sa Dios, o kung ako'y nagsasalita na mula sa aking sarili.
Joh 7:18 Ang nagsasalita ng sa ganang kaniyang sarili'y humahanap ng kaniyang sariling kaluwalhatian: datapuwa't ang humahanap ng kaluwalhatian niyaong sa kaniya'y nagsugo, ang gayon ay totoo, at sa kaniya'y walang kalikuan.
Ang pinadala po pala ng Dios hindi mula sa sarili ang sinasalita niya ibig pong sabihin hindi siya nag-iimbento ng iniaaral niya at ang kanyang kaalaman ay hindi kayang gibain ng kahit sino...basa po tayo:
Luk 21:13 Ito'y magiging patotoo sa inyo.
Sabi ng Panginoong Hesus "Ito'y magiging patotoo sa inyo." sa kanyang mga Mangangaral...nagbigay siya ng ebidensiya na patotoo..ano po yun? ituloy natin sa kasunod na talata...basa po tayo:
Luk 21:14 Pagtibayin nga ninyo ang inyong mga puso, na huwag munang isipin kung paano ang inyong isasagot:
Luk 21:15 Sapagka't bibigyan ko kayo ng isang bibig at karunungan, na hindi mangyayaring masalangsang o matutulan man ng lahat ninyong mga kaalit.
Kapag nakakita ka ng Mangangaral na kung sumagot ay hindi nag-iisip kasi binibigay lang ng Dios sa kanya ang isasagot na hindi mula sa kanyang sarili yun ang bigay ng Dios na palatandaan sa Kanyang Sugo. Ang karunungan at bibig niya ay mula sa Dios ang sinasagot niya ay hindi matutulan ng lahat niyang kaaway yun po ang ebidensiya na ang Mangangaral na yun ay nagsasalita ng totoo. Maghanap po kayo ng Mangangaral na pag tinanong mo hindi nag-iisip ng sagot may sagot agad ang sagot galing sa Dios sa Karunungan ng Dios na nababasa sa Biblia at hindi kayang tutulan ng kahit na sino sa kanyang mga kaalit o kaaway. Kapag yung pastor niyo po ayaw magpatanong o kung sumagot ay kwento dinadaan ka lang sa matatamis na salita na mula sa kanyang pagkaunawa at walang batayan sa Biblia hindi po yun sa Dios.
Ngyari po sa mga Apostol na walang nanalo sa kanilang mga sinasabing karunungan walang maaring makatutol at walang maaring manaig sa mga Apostol kaya ang ginawa sa kanila ay ginipit, pinatay, pinag-usig dahil ang kanilang sinasabi ay hindi matutulan mga eskriba, pariseo, saduceo at mga relihiyosong tao nasa panahon nila gaya ng alagad na si Esteban...basa po tayo:
Act 6:9 Datapuwa't nagsitindig ang ilan sa nangasa sinagoga, na tinatawag na sinagoga ng mga Libertino, at ng mga Cireneo, at ng mga Alejandrino, at ng mga taga Cilicia, at taga Asia, na nangakipagtalo kay Esteban.
Natupad po kay Esteban na alagad ng ating Panginoong Hesus ang Lukas 21:13-15 na hindi kayang malabanan ng mga ito ang kanyang karunungan at ang espiritu na kanyang pinapangungusap ganun din po kapag nakakita ka ng ganung Mangangaral na hindi matutulan yun po ay Kinasiyahan ng Dios hindi ka pa natatapos magtanong may sagot na siya.
Ako po ay naniniwala na natagpuan ko na ang Mangangaral na yun at natupad sa kanya ang Lukas 21:13-15 sa katauhan ni Bro. Eli.
Kahit maging hanggang ngayon may mga tanong ako na gusto kong itanong ng personal sa kanyan pero nasasagot na sa tuwing ako ay nanonood ng programang Ang Dating Daan at sa pagdalo lagi ng pagkakatipon.
Sana po nakatulong ang paksang ito kung kayo ay naghahanap ng Mangangaral na sa Dios o di kaya naman ay upang maalaman din po ninyo kung ang inyong pastor ay lumalapat sa mga palatandaang ibinigay ng Dios sa Kanyang Mangangaral.
Huwag po tayong basta-basta nakikinig lang sa kung sino-sino na may hawak ng Biblia at nagdadaldal ng talata magkaroon po tayo ng pag-susuri at magtanong dahil ang pinag-uusapan natin dito ay ang ating kaligtasan.
Salamat sa Dios!
Salamat sa Dios dahil meron ganito na mangangaral sa ating panahon.
ReplyDeleteSalamat sa Dios dahil meron ganito na mangangaral sa panahon natin ngayon. To God be the Glory.
ReplyDelete