Sa pamamagitan ng blog na ito ay layon kong makabahagi sa pagpapalaganap ng katotohanang nasa Biblia kahi sa malit na paraan lamang sa tulong at awa ng Dios. Naniniwala kasi ako na itong Iglesiang kinaaniban ko ay ang tunay na bayan ng Dios pero marahil maraming tutol sa mga hindi kapananampalataya at maghahanap ng katiyakan kung ito nga ay ang tunay na Iglesia na tinatag ng Dios.
Ang Dios po nagtayo ng Iglesia ng una 2000 years ago sa pamamamagitan ng ating Panginoong Hesus at dahil nga meron ng Iglesiang nakatayo ay hindi marapat na sa ating panahon ay magtayo pa tayo ulit ng atin ang gagawin na lamang po natin ay aniban yung dating nakatayo na, upang magkaroon tayo ng affiliation sa naunang Iglesia...basa po tayo:
Eph 3:6 Na ang mga Gentil ay mga tagapagmana, at mga kasangkap ng katawan, at mga may bahagi sa pangako na kay Cristo Jesus sa pamamagitan ng evangelio,
Ang mga Gentil na tinatawag sa Biblia ay tumutukoy sa mga bansang nasa labas ng Israel ibig pong sabihin kasama ang Pilipinas sa Gentile Nations dun kasi hindi naman tayo mga Israelita. Ang unang Relihiyon ay natatag noon sa Israel at ang mga nasa labas ay tinatawag na mga Gentiles pero ayon sa nabasa nating talata sa taas tayong mga Gentil ay tagapagmana din naman may bahagi sa pangako. Ang hawak nating Biblia ang Salita ng Dios ang siyang daan natin para tayo ay masangkap sa katawan na siyang Iglesia...basa po tayo:
Col 1:18 At siya ang ulo ng katawan, sa makatuwid baga'y ng iglesia; na siya ang pasimula, ang panganay sa mga patay; upang sa lahat ng mga bagay, ay magkaroon siya ng kadakilaan.
Ang Iglesia ang katawan at tayong mga Gentil ay sasangkap sa katawan sa pamamagitan ng ebanghelyo. Halimbawa parang ganito..sabi ng mga Kristiyano ng una nasa Biblia huwag kang papatay sinunod nila yun ngayon ng nakarating sa atin ang Biblia nabasa natin sinunod din natin na huwag pumatay, nanalangin sila hindi paulit-ulit nabasa natin sinunod natin yung paraan ng panalangin na tinuturo ng Biblia...lahat ng nabasa natin na sinulat ng mga unang Kristiyano sinunod natin sa ganung paraan nagkakaroon tayo ng kaugnayan sa kanila...sa Iglesia...basa po tayo:
1Jn 1:3 Yaong aming nakita at narinig ay siya rin naming ibinabalita sa inyo, upang kayo naman ay magkaroon ng pakikisama sa amin: oo, at tayo ay may pakikisama sa Ama, at sa kaniyang Anak na si Jesucristo:
Ang mga nakita at narinig ng mga Apostol ay ibinalita nila yun ay ang Aral, ang Ebanghelyo upang ang sabi ay magkaroon tayo ng pakikisama sa kanila. Ang tanong matagal na silang patay paano natin malalaman yung balita na kanilang narinig at nakita...tuloy natin ang basa sa kasunod na verse:
1Jn 1:4 At ang mga bagay na ito ay aming isinusulat, upang ang ating kagalakan ay malubos
Ang mga narinig nilang aral sa ating Panginoon ay sinulat nila na kapag yun ay tinanggap din naman natin ngayon nagkakaroon na tayo ng fellowship sa mga Apostol , sa Panginong Hesus at sa ating Dakilang Dios Ama.
Parang ganito halimbawa kahit hindi ka pumunta ng TESDA mismo para mag-aral ay pwede ka makapag-aral sa pamamagitan ng kanilang programa nila sa Internet na online course makakapag-aral...ibig sabihin kahit hindi tayo pumunta sa Israel o hindi man natin sila personal na na-meet para umanib ay nandito naman sa atin ang Biblia kumbaga yan ang plano... sabi ni Bro. Eli kung kumbaga sa building nanjan ang plan tinayo sa Israel ng una ang plano na yun ng tinayo ay kumpleto nasa plano eh!...ngayon nakarating sa ating panahon ang plano tinayo rin natin...pero hindi kami nagtayo ng bago kundi yun pa rin yung dati kasi sinunod lamang namin yung pattern o plano pareho lang yun ang aral na sinunod ng mga unang Kristiyano at nakarating sa atin at sinunod naman natin yun nagkakaroon tayo ng felllowship o ugnayan sa kanila.
Kaya kami po ay hindi nagtayo ng sariling relihiyon gaya ng iniisip ng iba tinawag kaming Members ng Church of God o MCGI...ipina-rehistro lamang sa SEC para maging legal sa batas ng tao ang mga transactions nito..members lang po kami sa Iglesiang nasa Biblia kasi ang aming sinampalatayan ay ang nasa Biblia at kami po ay nakakatiyak na yun ang totoo kasi ang buong aral na sinunod ng mga unang Kristiyano ay sinusunod naman namin dito sa Pilipinas at sa iba pang bansa na umanib din sa Iglesiang nasa Biblia. Sana loobin ng Dios na kayo po ay makasangkap din sa katawan na siyang Iglesia.
Salamat sa Dios!
No comments:
Post a Comment