Pages

Saturday, November 1, 2014

Araw ng Patay

Bago pa man sumapit ang November 1 ang  Araw ng mga Patay ay pumupunta na ang mga tao sa puntod ng kanilang patay upang maglinis, aalisin ang mga damo at pipinturahan para sa pagdating ng araw ng mga patay ay malinis na itong dalawin ng mga kamag-anak. 

Naranasan ko po noon na sumama upang maglinis ng puntod ng aming mga matandang patay lalo na ang puntod ng lolo ko at  kaming mga mag-pinsan pati ang mga tito at tita at ilan pang mga kamag-anak ay pumipisan upang manalangin sa puntod, magisindi ng kandila at ang mag-alay ng mga pagkain.

Magmi-misa ang pari at pagkatapos ay iikutin  niya ang buong sementeryo habang nagbabasbas  sa mga puntod. Sinisisiguro talaga namin na kahit kunti ay mawisikan ng holy water ang puntod ng aming patay dahil paniwala namin makakabawas yun sa kanilang kasalanan na nagawa ng nabubuhay pa sila at upang  maalis sa kinalalagyan nilang  PURGATORYO.

Ngunit ng  ako ay namulat sa katotohanan natuklasan ko na ito po ay maling doktrina ng Iglesia Katolika ayo sa Biblia, ang Araw ng mga Patay ay imbento lamang ng simbahan. Kahit ang Seremonyang Misa  ay  wala din po sa Biblia kahit sa Bibliyang Katoliko pa basahin ni ang mga Apostol ay hindi ginamit ang salitang Misa. At ang bawat pagpapamisa ng patay  ay maybayad pa po, ang tema ng Misa ay para daw po maalis ang mga kaluluwa ng mga patay sa Purgatoryo.


The Roman Catholic celebration is associated with the doctrine that the souls of the faithful who at death have not been cleansed from the temporal punishment due to venial sins and from attachment to mortal sins cannot immediately attain the beatific vision in heaven, and that they may be helped to do so by prayer and by the sacrifice of the Mass (see Purgatory).[1] In other words, when they died, they had not yet attained full sanctification and moral perfection, a requirement for entrance into Heaven. This sanctification is carried out posthumously in Purgatory.

http://www.catholic.org/saints/allsouls/



Ang katotohanan po wala pong PURGATORYO sa Biblia kahit sa Katolikong Bibliya ay hindi po nag-eexist ang salitang ito o ang concept man nito. Kahit na ang ating pambansang bayani na si Dr. Jose Rizal ay sinabi niya sa kanyang aklat na Noli Me Tangere  na walang mababasang Purgatoryo sa Biblia mula Old Testament hanggang New Teatament. 

Sinabi niya ito dahil nabasa niya ang buong Biblia kaya nga po siya namatay sa firing squad kasi may mga sinasabi siyang laban sa doktrina ng Iglesia Katolika  at ang isa dun ay sinabi niya na walang purgatoryo.

Sabi po ni Bro. Eli ay magbukas po tayo ng pag-iisip mga kababayan kung gusto  natin ng  totoo  at naghahanap tayo ng katotohanan  dapat ang matutunan natin  ay ang Salita ng Dios..na matuto tayong hindi hihigit sa nasusulat:


1Co 4:6  Ang mga bagay ngang ito, mga kapatid, ay inianyo ko sa halimbawa sa aking sarili at kay Apolos dahil sa inyo; upang sa amin ay mangatuto kayo na huwag magsihigit sa mga bagay na nangasusulat; upang ang sinoman sa inyo ay huwag magpalalo ang isa laban sa iba. 


Ang mga haka-haka na wala sa Biblia ay hindi dapat maging batayan sa relihiyon ang pagkatuto natin na dapat matutunan ay hindi hihigit sa nasusulat. Bakit sa sulat tayo dapat matuto?...basa po tayo:

1Co 14:37  Kung iniisip ninoman na siya'y propeta, o ayon sa espiritu, ay kilalanin niya ang mga bagay na sa inyo'y isinusulat ko, na pawang utos ng Panginoon.

Ganun po  pala ang  mga sinulat ng mga Apostol ay utos ng ating Panginoon  yun po ang dahilan kung bakit sinabi ni  Apostol Pablo na  matuto tayo sa nakasulat at huwag tayong hihigit dun. Ibig sabihin pag wala sa Biblia ay hindi po yun ang dapat nating gawin at ang isa na riyan ay ang paniniwalang may Purgatoryo. Wala pong mababasa sa Lumang Tipan na ang mga sinaunang Israelita ay nagdiwang ng Araw ng Patay o kahit na sa panahong Kristiyano ng Bagong Tipan ay wala pong ganitong doktrina.

Ang napapansin ko sa tuwing sasapit ang araw ng patay ay nagiging dahilan para pang-negosyo dahil mabili po  ang kandila...iba-iba ang size at desinyo iba din ang presyo, may mga nagpapa-private na misa na may bayad sa pari. Pinagkakakitaan po yang Araw ng Patay, mabili ang mga bulaklak, mga costume party, at handaan na parang fiesta.

Pati po ang bendisyon sa patay ay wala po sa Biblia dahil ang patay po ay nasa kamay na ng Dios wala na po tayong pakialam hindi na dapat pang bendisyunan pa.


Job 12:10  Nasa kamay niya ang kaluluwa ng bawa't bagay na may buhay, at ang hininga ng lahat ng mga tao.

Sabi nga po ni Bro.Eli kung yang pagbe-bendisyon sa mga patay ay nakakapagligtas sa kanila eh! dapat po bilang Pari na may layuning iligtas ang mga kaluluwa lalo na sa mga members na katoliko sana ang ginawa na lang ay umarkela ng fire truck punuin ng holy water at bugahan lahat ng puntod sa sementeryo para maligtas ang mga kaluluwa sa purgatoryo kung meron man.

Hindi naman po natin sinasabing kalimutan na natin ang ating mga namatay o hindi na bigyan pagpapahalaga ang atin lamang sana kung tayo ay mga Kristiyano ang pamamaraan na dapat nating gawin ay yung pong nakabatay sa Biblia..kasi useless po pa ang ating ginagawa kung wala naman kinalaman sa kaligtasan natin , nagsasayang lamang tayo ng pagod, oras at pera at mapapahamak pa sa impierno dahil sa maling paniniwala. Magsuri po tayo mga kababayan.



Salamat sa Dios!




No comments:

Post a Comment