Pages

Saturday, November 1, 2014

Kaluluwang Nagpaparamdam

 Maraming mga tao naniniwala na ang kanilang patay ay bumabalik para magparamdam sa kanila ayon sa kwento ay hindi daw matahimik o di kaya may gustong tapusing misyon sa mundo. 

Marami na rin akong narinig na kwento tungkol sa mga multo ng kanilang  tatay, nanay, kapatid, kamag-anak, kaibigan etc. kahit ang ate ko na-ikwento niya na nagpakita ang multo ng aming tiyuhin pati ang mga kaibigan ko ay nai-share nila minsan ang karanasan  sa mga multo.

Para malaman natin kung
totoo nga ba ang mga kaluluwa ng ating pamilya o kamag-anak na namatay ay pwede pang bumalik upang magparamadam  ay  alamin natin mula sa Biblia...basa po tayo:


Job 7:9  Kung paanong ang ulap ay napapawi at nawawala, gayon siyang bumababa sa libingan ay hindi na aahon pa.
Job 7:10  Siya'y hindi na babalik pa sa kaniyang bahay, ni malalaman pa man niya ang kaniyang dako.



Ang dapat nating paniwalaan ay ang  sinabi ng Dios kay sa sa kwento lamang ng tao..ansabi po sa talata ang bumaba sa libingan o patay ay hindi na-aahon o babalik pa. Paano pa magagawang  magpaparamdam ng  patay kung ang patay mismo ay wala ng pakiramdam...basa po tayo:Ecc 9:10  Anomang masumpungang gawain ng iyong kamay, gawin mo ng iyong kapangyarihan; sapagka't walang gawa, ni katha man, ni kaalaman man, ni karunungan man, sa Sheol (libingan), na iyong pinaparunan.


Kapag ang tao  ay patay na wala na po itong  kakayahang makagawa pa na magbalik-balik sa ating bahay o kahit saan para magparamdam at hindi na rin sila makakaalam sa mga ngyayari sa paligid nila, totally mawawala na ang kanilang  feelings at tuluyang mapuputol  ang ugnayan ng mga patay sa mundo ng mga buhay...basa po tayo:

Ecc 9:5  Sapagka't nalalaman ng mga buhay, na sila'y mangamamatay: nguni't hindi nalalaman ng patay ang anomang bagay ni mayroon pa man silang kagantihan; sapagka't ang alaala sa kanila ay nakalimutan.
Ecc 9:6  Maging ang kanilang pagibig, gaya ng kanilang pagtatanim at ng kanilang pananaghili ay nawala ngayon; na wala man silang anomang bahagi pa na magpakailan man sa anomang bagay na nagawa sa ilalim ng araw.


Ang mga napapanuod natin sa tv na mga documentaries tungkol sa mga patay na bumabalik at ngapapakita aay wala pong katotohanan. Kahit yan pong mga espiritista na nakakausap daw nila ang mga kaluluwa at nade-detect ang espiritu ng mga patay ng tao sa paligid gamit ang kanilang mga imbentong special gadget ay pawang kasinungalingan lamang.

Siguro kung isa ka sa nakaranas ng pagpapakita ng multo ng iyong magulang o kaanak, etc.  ay tutol ka dahil  na experience mo mismo na makakita nito. Opo totoo pong may nagpapakitang mga multo pero hindi po yun ang kaluluwa ng iyong magulang, kamag-anak, etc. kundi mga masasamang espiritu po yun na kinokopya ang larawan ng tao para manukso, manakot at  iligaw ang mga tao sa paniniwala at paglilingkod sa Dios upang paniwalain tayo na ang patay ay pwede pang magpakita para magparamdam sa atin  na laban naman sa Salita  ng Dios na sinasabi na hindi na pwede pa ayon sa mga  talatang nabasa natin sa taas.


 
Ang mga naamoy natin na kandila, mga bulaklak,  may parang may hinihilang kadena sa gabi, yun ay gawa  ni Satanas siya mismo ay  espiritu din  may kaharian  na may maraming alagad na  mga  demonyo na may kakayahang  nakakapagpalit ng  anyo gaya ng multo, kapre, engkanto duwende , tiyanak, higante... at iba pang lamang lupa na likha ng isip ng tao na binibigyan anyo  ng mga demonyo o masamang espiritu na pakalat kalat sa mundo para maghasik ng maling paniniwala.

Rev 16:14  Sapagka't sila'y mga espiritu ng mga demonio, na nagsisigawa ng mga tanda; na pinaparoonan nila ang mga hari sa buong sanglibutan, upang tipunin sa pagbabaka sa dakilang araw ng Dios, na Makapangyarihan sa lahat.


Ang namatay  na mga tatay, nanay, kapatid o kamag-anak  ang kanilang kaluluwa po  ay hindi na babalik  pa sila ay  bubuhayin  lamang  muli pagdating ng ating Panginoong Jesus  pero samantalang ngayon ay wala silang kaalaman, walang magagawa, wala na silang nararamdaman o ipaparamdam pa man at hindi nababalik para magparamdam pa sa tao.


Salamat sa Dios!


13 comments:

  1. Hello, may katanungan po ko. Ngayon ko lang po siya nakita. Habang nagsasalamin at nagsusuklay po kasi ako, may nakita po akong dumaan sa likod at nabigla po ako kasi para pong ginaya po mismo yung physical appearance ko. Sana po masagot po ito agad. Maraming Salamat po.

    ReplyDelete
  2. Hello, may katanungan po ko. Ngayon ko lang po siya nakita. Habang nagsasalamin at nagsusuklay po kasi ako, may nakita po akong dumaan sa likod at nabigla po ako kasi para pong ginaya po mismo yung physical appearance ko. Sana po masagot po ito agad. Maraming Salamat po.

    ReplyDelete
  3. walang nakakaalam ng lahat. may mga bagay na maaring nasasabi na may katotohan or makatotohanan.minsan kase ang nasusulat sa biblia napapansin ko ay ginagawang literal ng iba. napakalalim po ng mga salitang yan.bakit naniniwala lang ang iba sa masamang espiritu.masamang espiritu lang ba ang pwedeng magparamdam. nakakagaang nang kalooban ang minsan bisitahin ka ng yumao mung mahal sa buhay. tama ang mga patay ay hindi na babalik pa ni wala silang alam dahil patay na nga. pero ang tinutukoy dun ay ang katawang lupa.pero ang espiritu ay mananatili hindi namamatay. yun lang ay sa pananaw ko dahil mabait ang Dios natin. katawang lupa lang ang nawawala sa atin.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Sangayon po ako sa sinabi nyo. Kung ang demonyo ay kayang makapasok sa simbahan, bakit ang angel hindi pwede makapasok sa sugalan. Sa mga tao na gumagawa ng sarili nilang interpretation ng mga nakasulat sa Biblia, gaano kayo nakakasiguro na tama nga ang mga sinasabi nyo kasi kung meron mali dyan at pinangaral nyo yan, eh di pinarami nyo lang yong pagkakaunawa sa maling pangangaral nyo. Meron kayo pananagutan dyan. Ang point ko lang naman, ang accuracy ng mga karamihan sa interpretation ng biblia ay hindi 100% tumpak, pero kung makapagsalita ang mga ito akala mo ay alam nila ang lahat ng bagay.

      Lalo na yong mga tao dyan na mga self-proclaimed evangelists kuno. Mas mahirap yan kasi meron kayo mga million na followers na mga naniniwala sa inyo. Ang kaalaman ng tunkol sa Diyos ay nakalulunod, samantalang mababaw pa lang naman mga nalalaman.

      Delete
    2. Tama po kayo, ang pag unawa sa biblia ay hindi dapat nililitereal,naniniwala ako na minsan dumadalaw cla pero ang dapat nating pagkaingatan ay may mga masamang esperito na sumasama dyan, kasi yung uncle ko pagkatapos nya malibing nagparamdam sya sa kanyang apo sa pamamagitan ng panaginip at niyakap nya daw ito at hinalikan,at sabi daw ng kasama ng kaluluwa cguro yung yung sumundo na kapatid daw ng namatay,eh sabi ng sumndo wag kang pa balik balik dyan d na tayo taga dyan, pero sabi ng uncle ko hintay may hindi pa ako nasasabi, so yun last habilin nya na bilhan ang kanyang apo ng bike kasi yun yung promise nya bago namatay,nung ikalawang beses bumalik tapos yun padin pinaalala ang bike at niyakap sya ng papa ko kasi magkapatid cla,yun subrang higpit ng yakap,,pero sa nakikita namin pinahawak kasi namin ang crucifix parang may binubugaw sya at sa tingin masamang kaluluwa na nag aabang at gusto syang palitan sa katawan ng bata,pero matapos sya sabihan na wag kang mag alala bibilhan namin ang bata ng gustong bike,kaya ayon nag paalam sya uuwi nadaw sya at habilin nya pakainin ang bata after,kaya ayon after don bumagsak ang bata at wala ng maalala. It's a good thing na kahit sa ganong paraan naramdaman mo sila ulit kahit saglit at sa panghuli.

      Delete
  4. Naniniwala naman po ako sa bible? Kaya nga mpo nagtataka ko bkit nil sinasabi na nagpaparamdam or nagpapakita? Ang aking ina ay 2buwan na pong pumanaw.. Lahat sa aming pamilya ay nghihintay na magparamdam siya.. Kahit ano kahit saan? Subalit ni isa po'y wala.. Pro minsan pong nakaburol sya no'n at kasalukuyang nag iisip aku ng masamang bagay na gwin laban sa kapwa ko. May narinig po kong boses na bumulong sakin.. At tinawag ang pangalan ko. At kaboses ito ng asking ina.. Na wari'y ako po ay kanyang pinipigilan na wag gawin ang nasa aking isip.. Ano po sa palagay ninyo ang ibig sabihinnn non?

    ReplyDelete
  5. KKAOPERA KO SA PUSO YEAR 1997.. NASA RECOVERY ROOM AKO. NNAGINIP AKO.. NA NASA ULAP DAW AKO NKAUPO KATABI NG LOLO KO NA PUMANAW NA.. KINAUSAP NIYA AKO.. WAG DAW MUNA . BUMALIK DAW MUNA AKO SA IBABA DTO SA MUNDO. AT NGISING AKO UMIIYAK... ANO PO IBIG SABIHIN NITO? KUNG WALANG MULTO SYON SA INYO BKIT NKITA KO MISMO LOLO KO?

    ReplyDelete
  6. minsan ang sumusulat sa biblia ay di pa nila nararanasan mamatay at mabuhay para tukuyin nila na ang mga patay ay di na babalik di na nga babalik ang mga patay kasi nga katawang lupa pero espiritu ay buhay pa rin...ang makakasagOt lang talaga sa lahat ay walang iba kundi ang ating Panginoong Diyos na syang may likha ng lahat...talagang totoo na mabait ang Diyos kapag nagsumamo ka at sobrang masakit na mawalan ng mahal sa buhay ay talaga namang papayahan nya ang eapiritu ng namatay na dalawin ang mga mahal nila na buhay
    yan din ang pananaw ko

    ReplyDelete
  7. Hello may tanong po ako please gusto ko ng kasagutan at ano dapat kong Gawin.
    May sakit po ako ngaun pero mlakas papo ako khit may nararamdaman ako .

    May isang boses po akong narinig na parang malalim at malamig na boses tawag nya pangalan ko wla naman po akong kasama that time mag isa lng po ako at hinayaan ko lng po patuloy ako sa ginagawa ko tapos mga ilang minuto po palabas nako may nkita akong itim na tao palabas din po papuntang exit ng elevator. Ano po ibig sabihin nong sir? Tulongan nyo naman po ako ano po dapat kong gagawin 😢😥😥. Maraming salamat po sa sagot nyo. Please

    ReplyDelete
  8. Totoo talaga na may multo..kasi nun papunta ako sa kusina namin.pag nasa sala ka kasi kita mo na ang kalan ko...may nakita akong babae na naja sideview at parang may kausap...akala ko pamangkin ko at nang palapit na ako nagkatinginan kami at dun sya nagulat at sya pa ang biglang nagpunta sa pintuan ng kusina.at nang tingnan ko walang tao at nakasara ang pintuan at may screen din yun...sobrang ganda nun babae..naglaho sya at sa akin pa natakot...marami akong nakikita lalo dito sa loob at labas ng bahay...white men....kaya maniwala kayo na bumabalik din ang mga kaluluwa ng namatay...ba experience ko ng lahat yan

    ReplyDelete
  9. sapat na po ang mga bible verses (na binanggit sa itaas) na nagsasabi tungkol sa namatay nating mahal sa buhay ang mahalaga po ay alam natin na tinanggap ng mahal nating yumao si Jesus bilang Lord and Savior sapagkat ito lamang ang assurance na kasama sila na bubuhayin sa 2nd coming ni Jesus sa mundo. Tayo naman pong mga nabubuhay ay dapat ito rin ang gawin bago maunahan tayo ng kamatayan at di po natin makuhang tanggapin sya bilang Lord and Savior (sincere na pagtanggap at pagtalikod sa dating buhay).

    ReplyDelete