Maraming mag-asawa ang hindi mag-kasundo sa maraming bagay na nauuwi sa pagtatalo at hiwalayan. Tumatabang ang relasyon hanggang sa bandang huli ay napagpasiyahan na lamang na maghiwalay kesa sa patuloy na magsama ng hindi na masaya at wala ng pagmamahalan sa isat'-isa.
Sa ganitong sitwasyon kapag ang mag-asawa ay naghiwalay sila ba ay malaya ng makakahanap ulit ng bagong makakasama sa buhay ng hindi nagkakasala? Alamin natin ang sagot ng ating Panginoong Hesus...basa po tayo:
Mat 5:32 Datapuwa't sinasabi ko sa inyo, na ang sinomang
lalake na ihiwalay ang kaniyang asawa, liban na lamang kung sa
pakikiapid ang dahil, ay siya ang sa kaniya'y nagbibigay kadahilanan ng
pangangalunya: at ang sinomang magasawa sa kaniya kung naihiwalay na
siya ay nagkakasala ng pangangalunya.
Karamihan sa nag-sasama ang hindi alam ang aral na ito akala nila dahil hiwalay na sila sa kanilang pareha ay malaya na silang uli makakahanap ng makakasama. Mayroon ding iba na nais hiwalayan ang asawa dahil siguro sa nagsasawa na kahit mabait naman ang asawa at mapagmahal pero hindi siya nakuntento ang ginawa naghahanap ng paraan para ma-justify ang paghihiwalay niya ng sa ganun ay makahanap ulit ng bagong kakasamahin.
Sa talatang nabasa natin sa taas ang unawang pinaparating nito na kapag inihiwalay ng Mister ang Misis niya ay nagbibigay siya ng kadahilanan sa babae na ito ay mangangalunya ibig sabihin magiging prone sa adultery ang babae kasi may tendency na ito ay maghanap ng lalaki at malalapit sa kasalanang pangangalunya.
Kung ang lalaki naman ay inihiwalay sa asawa at may nagkagusto sa kanya at napangasawa niya ito ay nagkakasala din ng pangangalunya. Ang kalalabasan magiging apat na silang mangangalunya...ang dalawang asawang nag-hiwalay , ang lalaking nag-asawa sa babaeng hiwalay sa Mister at ang babaeng nag-asawa sa lalaking hiwalay sa kanyang Misis. Ang mga gumagawa ng pangangalunya at pakikiapaid ay paparusahan ng Dios...basa po tayo:
Heb_13:4 Maging marangal nawa sa lahat ang pagaasawa, at huwag nawang magkadungis ang higaan: sapagka't ang mga mapakiapid at ang mga mapangalunya ay pawang hahatulan ng Dios.
Halimbawa naman kung ang babae ay iniwan lang pero hindi naman siya naghanap ng lalaki yung Mister na ng iwan ay hindi pwedeng mag-asawa sapagkat pag nag-asawa siya magkakasala siya ng pangangalunya ganun din kapag ang lalaki ay iniwan ni Misis at hindi naman siya naghanap ng bagong mapapangasawa ang Misis ay hindi pwedeng mag-asawa dahil kapag ginawa niya ito magkakasala ng pangangalunya.

Basahin ulit natin ang sinabi ng ating Panginoong Hesus:
Mar 10:11 At sinabi niya sa kanila, Ang sinomang lalake na ihiwalay ang kaniyang asawa, at magasawa sa iba, ay nagkakasala ng pangangalunya laban sa unang asawa:
Mar 10:12 At kung ihiwalay ng babae ang kaniyang asawa, at magasawa sa iba, ay nagkakasala siya ng pangangalunya.
Mar 10:12 At kung ihiwalay ng babae ang kaniyang asawa, at magasawa sa iba, ay nagkakasala siya ng pangangalunya.
Ang isang ground na pwede makipaghiwalay ang isa sa kanyang asawa kung napatunayan niya na nagkasala ng sekswal na imoralidad gaya ng pangangalunya o pakikiapid ito ay sapat ng dahilan para hiwalayan niya ito. Ayon sa talata ang tanging ang inosenteng partido o yung nagawan ng kasalanan ng kapareha lamang ang pinapayagan ng kasulatan mag-asawang muli.
Halimbawa naman kung ang dalawa ay nagkasundo kapwa na maghiwalay at hindi sekswal immorality ( pangangalunya o pakikiapid) ang dahilan o sabihin na natin gusto nila maghiwalay dahil sa hindi magkasundo sa maraming bagay sila ay nararapat pa ring manatiling walang asawa kasi sa Batas ng Dios nakatali pa rin sila sa kautusan.
1Co 7:27 Natatali ka ba sa asawa? huwag mong pagsikapang ikaw ay makakalag. Ikaw baga'y kalag sa asawa? huwag kang humanap ng asawa.
Ngayon halimbawa may ilang buwan o taon na silang hiwalay at ang isa sa kanila ay hindi nakatiis at talagang nilalamig sa gabi at gusto may makayakap na unan na buhay at nag-desisyon na maghanap ng bagong mapapangasawa magkakasala siya ng pangangalunya at magbibigay naman ng chance o karapatan na makapag-asawa ng hindi nagkakasala ng pangangalunya ang isang nakapagtiis na partido.
Ituloy po natin ito sa isa pang paksa: Bakit hindi pwede mag-asawa ulit ang nag-hiwalay liban sa pangangalunya?
Salamat sa Dios!
No comments:
Post a Comment