Sa buhay mag-asawa hindi maiiwasan na maraming bagay ang hindi pinagkakasunduan ng dalawa na humahantong sa hiwalayan. Kahit ako naman noon sa di ko pagkaalam sa aral ng Dios sa mag-asawa ay madalas kaming nag-aaway na mag-asawa at sa sobrang galit ay nasabihan ko ng maraming beses ang aking maybahay na hiwalayan na lang ako ng sa ganun ay maging malaya na siya sa akin at gawin ang gusto niyang naisin sa buhay.
Bilang tao na nagnanais makasunod sa aral ng ating Panginoon hindi nararapat na gawin pala natin ang makipaghiwalay sa asawa. Sa pagtuturo ni Bro. Eli ay natutunan kong baguhin ang ganitong pananalita sa asawa at hindi ko na ito inulit pang muli dahil sa Biblia po galit pala ang Dios sa mga naghihiwalay...basa po tayo:

Mal_2:16 Sapagka't aking kinapopootan ang paghihiwalay, sabi ng Panginoon, ng Dios ng Israel,...
Sa Batas ng Dios ang dalawang taong nagkasundo na magsama sa iisang bubong ay magiging isang laman na huwag paghiwalayin ng tao:
Mat 19:5 At sinabi, Dahil dito'y iiwan ng lalake ang kaniyang ama at ina, at makikisama sa kaniyang asawa; at ang dalawa ay magiging isang laman?
Mat 19:6 Kaya nga hindi na sila dalawa, kundi isang laman. Ang pinapagsama nga ng Dios, ay huwag papaghiwalayin ng tao.
Tayong mga tao ay hindi binigyan ng kapangyarihan mag-desisyon na hiwalayan ang ating asawa o maging sinuman na payagan paghiwalayin ang pinapagsama ng Dios maghigpit po ang batas na yan na huwag salangsangin.
Katunayan hinikayat ni Apostol Pablo ang mag-asawa na huwag talagang maghiwalay bawal po pala sa babae o lalaki ang humiwalay sa kanyang asawa. Subalit nagbigay po siya ng option na kung humiwalay ang may-asawa ay manatiling walang asawa o makipagkasundo kung maari...basa po tayo:
1Co 7:10 Datapuwa't sa mga may asawa ay aking ipinaguutos, Nguni't hindi ako, kundi ang Panginoon, na ang babae ay huwag humiwalay sa kaniyang asawa.
1Co 7:11 (Datapuwa't kung siya'y humiwalay, ay manatiling walang asawa, o kaya'y makipagkasundo sa kaniyang asawa); at huwag hiwalayan ng lalake ang kaniyang asawa.
Sabi pa ni Apostol Pablo pag-sikapang huwag makalag pero kung ayaw na papigil at gusto na kumalag hindi siya pwedeng humanap na asawa muli...basa po tayo:
1Co 7:27 Natatali ka ba sa asawa? huwag mong pagsikapang ikaw ay makakalag. Ikaw baga'y kalag sa asawa? huwag kang humanap ng asawa.
Bakit po sinabi ito ni Apostol Pablo ibig bang sabihin na pumapayag siyang maghiwalay ang dalawa? Hindi po ganun sapagkat may mag-asawa talaga na hindi magkasundo at hindi na mapigilan ang maghiwalay kung kaya sinabi niya na kung gagawin nila ito ay manatiling walang asawa. Dahil kahit na naghiwalay sila sa kanilang sariling desisyon pero sa mata ng Dios ay hindi sila hiwalay kasi po ang babae o lalaki ay nakatali sa kautusan sa asawa habang buhay...basa po tayo:
Rom 7:2 Sapagka't ang babae na may asawa ay itinali ng kautusan sa asawa samantalang ito ay nabubuhay; datapuwa't kung ang asawa'y mamatay, ay kalag na sa kautusan ng asawa.
Rom 7:3 Kaya nga kung, samantalang nabubuhay ang asawa, siya'y makikisama sa ibang lalake, siya'y tatawaging mangangalunya: datapuwa't kung mamatay ang asawa, ay laya na siya sa kautusan, ano pa't siya'y hindi na mangangalunya, bagaman siya'y makisama sa ibang lalake.
Ang kamatayan ng isa ang makapagpa-kalag sa kautusan ng asawa. Halimbawa ang dalawang partido ay nagkasundo na maghiwalay na totally ay hindi pa rin nagangahulgan na malaya na silang mag-asawa ulit pero kung nais mag-asawa talaga kailangang hitntayin niyang mamatay yung kapareha. Kapag nilabag ng isang partido at nag-asawa sa iba tatawagin siyang mangangalunya at yung natirang partido na nanatiling walang asawa ay magbibigay naman sa kanya ng ground na hiwalayan niya ang nangalunya o nakiapid na asawa at may chance na mag-hanap ng bagong iibigin ng hindi nagkakasala.
Mat 5:32 Datapuwa't sinasabi ko sa inyo, na ang sinomang lalake na ihiwalay ang kaniyang asawa, liban na lamang kung sa pakikiapid ang dahil, ay siya ang sa kaniya'y nagbibigay kadahilanan ng pangangalunya: at ang sinomang magasawa sa kaniya kung naihiwalay na siya ay nagkakasala ng pangangalunya.
Ulitin po natin..ganito yun: Ang utos huwag maghiwalay ang mag-asawa kung maaring madaan sa pakikipagkasundo ay gawin sana ito. Ngayon kung gusto talagang maghiwalay at hindi naman pakikiapid ang dahilan ay manatiling walang asawa ang isa't-isa bawal sa kanila ang maghanap ng bagong makakasama dahil nakatali sila sa kautusan na ang kamatayan lamang ang makakapagpalaya sa kanila.
Pinapayagan lamang ng kasulatan na mag-asawa ulit ang babae o lalaki ng hindi nagkakasala kung ang dahil ng paghihiwalay ay pakikiapid o pangangalunya ng isa.
Pinapayagan lamang ng kasulatan na mag-asawa ulit ang babae o lalaki ng hindi nagkakasala kung ang dahil ng paghihiwalay ay pakikiapid o pangangalunya ng isa.
Mga Kababayan ang paksang ito ay naghihikayat na huwag po tayong makipag-hiwalay sa ating asawa dahil ayaw po ng Dios na nasisira ang pamilya kung maaari na pagkasunduan ang mga bagay na hindi pinagsasang-ayunan ay gawin po natin, kailangan lang magparaya, magpatawad at magpakababa tayo.
Ang paliwanag ko pong ito maikli lamang na maaring magkulang o magkamali, kulang pa po ang aking kaalaman at umaasa lamang sa pagtuturo mula sa kinikilala kong Sugo ng Dios at bilang ordinaryong kaanib ay pwede po akong magkamali ng pagkaunawa kaya minumungkahi ko na mainam pag may mga katanungan kayo tungkol sa buhay mag-asawa ay direkta po kayong mag-sangguni at magtanong sa aming Mangangaral na si Bro. Eli at Bro. Daniel dahil sila ang mas lalong nakakaunawa ng mga bagay na nasusulat sa Biblia.

Salamat sa Dios!
No comments:
Post a Comment