Pages

Sunday, November 23, 2014

Upang Maligtas Umalis Ka sa Mali

Maraming relihiyon ngayon ang naglipana  sa mundo at ang bawat isa ay nag-aangkin na sila ang nasa katotohanan subali't hindi maaring ang lahat ay nasa katotohanan kasi ang katotohanan ay isa lamang hindi pwede yung isa ay  totoo at ang isa ay totoo din o ang iba ay totoo din naman.

Pag-ganun kung lahat ay nasa katotohanan bakit hindi nagkakaisa sa pananampalataya at sa aral na kanilang pinapangaral. Iisa lamang po ang totoong relihiyong nasa Biblia at yun ang Iglesia ng Dios na dapat aniban ng mga tao. Maliban sa Iglesia ng Dios lahat ba ng relihiyon ay may kaligtasan?

Turo  po ni Bro.Eli ang lahat ng tao po ay may kaligtasan hindi natin  pwedeng tanggalin ang karapatang ito  kahit ano pa ang relihiyon niya basta susunod siya  sa Dios ay may pag-asa po  sa buhay na walang hanggan. Ang gagawin lamang po halimbawa natuklasan mong mali pala yung kinakaaniban mong relihiyon at nabasa mo sa Biblia na dapat kang sumunod sa Dios na umalis ka sa mali  ay may pag-asang maliligtas ka...basa po tayo:


2Co 6:17  Kaya nga, Magsialis kayo sa kanila, at magsihiwalay kayo, sabi ng Panginoon, At huwag kayong magsihipo ng mga bagay na marumi, At kayo'y aking tatanggapin,
 
Ang Dios po natin ay nakahandang tanggapin ang sinuman na sumunod sa Kanyang utos at ang isa dun ay ang umalis sa mali. Pag-nakita mong mali na  ang tinuturo ng relihiyon mo na walang batayan sa Biblia at puro imbento lang lisanin mo na po at sumunod  sa sinasabi ng Dios na umalis gaya ng mga Israelita na pinapaalis ng Dios sa mali...basa po tayo:

Isa 52:11  Kayo'y magsiyaon, kayo'y magsiyaon, kayo'y magsialis doon, huwag kayong magsisihipo ng maruming bagay; kayo'y magsilabas sa gitna niya; kayo'y mangagpakalinis, kayong nangagdadala ng mga sisidlan ng Panginoon.


Maliwanag na pinapaalis ng Dios ang tao  sa mali at upang magpakalinis, sinabi rin po yan sa mga taga-Roma na umalis sa mali...basa po tayo:


Rom 16:17  Ngayo'y ipinamamanhik ko sa inyo, mga kapatid, na tandaan ninyo yaong mga pinanggagalingan ng pagkakabahabahagi at ng mga katitisuran, laban sa mga aral na inyong nangapagaralan: at kayo'y magsilayo sa kanila.
Rom 16:18  Sapagka't ang mga gayon ay hindi nagsisipaglingkod sa Cristong Panginoon, kundi sa kanilang sariling tiyan; at sa pamamagitan ng kanilang mabuting pananalita at maiinam na mga talumpati ay dinadaya ang mga puso ng mga walang malay.

Kaya pinapaalis tayo ng Dios sa mga manloloko  gaya ng mga pastor na nangangaral na walang batayan sa kasulatan kundi nandadaya ng walang malay na miembro  sa pamamagitan ng matatamis na pananalita  sapagkat sila ay naglilingkod sa kanilang tiyan at  hindi sa  Cristong Panginoon natin.


Mga kababayan huwag po nating gawing katwiran na kahit anong relihiyon basta naniniwala sa Dios ay ok na, alamin po natin kung ang Iglesiang ating kinabibilangan ay nakaayon ang aral sa mga nakasulat sa Biblia. Magsuri po tayo at magbasa ng Biblia ng sa ganun kung matuklasan mong mali ang relihiyon mo ay sumunod po tayo sa Dios na  umalis sa mali  at hanapin ang totoo ng makamtan natin ang ating inaasam na kaligtasan.

Salamat sa Dios!

No comments:

Post a Comment