Pages

Wednesday, November 19, 2014

Kailangan ba ang Gawa sa Kaligtasan?

Hindi po lahat ng nangangaral ng Biblia ay naiintindihan ang nakasulat sa loob nito kaya mahalaga na tayo ay magsuri din ng sa ganun  maalaman natin kung yung tinatawid sa ating pananampalataya ay nakaayon ng tama sa mga talata ng Biblia. 

Ang isa sa kapansin-pansin na paniniwala ng  mga Bornagain at Baptists ay yung iniaaral nila sa tao   na sapat na ang sumampalataya sa ating Panginoong Hesus upang  maligtas kahit ano pang gawin na kasalanan ay hindi aapekto sa kaligtasang nasa iyo na mula ng tanggaping tagapagligtas ang Panginoon. Naniniwala din ang mga grupong ito na  yung gawa natin ay hindi makapagliligtas sa tao kundi dahil sa BIYAYA sa pamamagitan ng pananampalataya  at ang  batayan na ginagamit nila ay ang nasa Efeso 2:8-9 ...basahin po natin:


Eph 2:8  Sapagka't sa biyaya kayo'y nangaligtas sa pamamagitan ng pananampalataya; at ito'y hindi sa inyong sarili, ito'y kaloob ng Dios;
Eph 2:9  Hindi sa pamamagitan ng mga gawa, upang ang sinoman ay huwag magmapuri.



Kung uunawain maiigi wala namang sinasabi sa talata kahit sa diwa nito na  kapag sumampalataya ka lang ligats kana  kahit magkasala pa basta  ligtas na,  yan yung doktrinang OSAS o One Saved Always Saved. Tama po ba ang kanilang pagkaunawa sa talatang ito? Alamin po natin sa diwang tinuturo ng kasulatan para maunawa natin ang kahulugan ng Efeso 2:8-9. Ito po ay mula pa rin sa pagtuturo ng aming kinikilalang Sugo ng Dios si Bro.Eli na aking ibabahagi din  sa inyo ang kanyang paliwanag.

Kung tayo po  ay Kristiyano papano ba tayo naliligtas?  Tama po ang nakasulat sa Efesos 2:8-9 na Sa BIYAYA tayo ay nangaligtas..ang kasunod na tanong ay kung papaano ba nagliligtas ang BIYAYA? basa po tayo:


Tit 2:11  Sapagka't napakita ang biyaya ng Dios, na may dalang kaligtasan sa lahat ng mga tao,
Tit 2:12  Na nagtuturo sa atin, upang, pagtanggi natin sa kalikuan at sa mga kahalayan ng sanglibutan, ay marapat mabuhay tayong may pagpipigil at matuwid at banal sa panahong kasalukuyan ng sanglibutang ito;


Ayon sa talata ano po ang  napakita?  sagot: ang BIYAYA NG DIOS, Ano ang dala ng Biyaya ng Dios? sagot: kaligtasan  sa lahat ng tao, Paano maliligtas? sagot: ang sabi ng Biyaya ng Dios mabuhay tayo ng may pagpipigil, matuwid  at banal  yan ang kaligtasan. Ibig sabihin  kung nabuhay ka na hindi sa kabanalan , nabuhay ka na walang pagpipigil, at hindi ka huminto sa paggawa ng kung ano-anong kasalanan ay walang kaligtasan  kasi ang BIYAYA nagpakita at nagtuturo para ka  maligtas at mabuhay  na may pagpipigil, walang kalikuan at kahalayan, mabuhay ng matuwid at banal. Kapag  ayaw pong  mag- banal ng tao ano  ba ang mangyayari sa kanya?...basa po tayo:


1Th 4:7  Sapagka't tayo'y tinawag ng Dios hindi sa ikarurumi, kundi sa pagpapakabanal.
1Th 4:8  Kaya't ang nagtatakuwil, hindi ang tao ang itinatakuwil, kundi ang Dios, na nagbibigay sa inyo ng kaniyang Espiritu Santo.

Sino ang tinatakuwil natin kapag ayaw  nating magpakabanal? sagot: ang Dios,  pwede pala itakuwil ng Dios ang tao pag hindi nagbabanal   ang gusto kasi ng Biyaya ng Dios magpakabanal tayo napakita siya para magligtas at nagtuturo Siya na mabuhay tayo ng may pagpipigil at matuwid at banal. Kaya yang paniniwalang OSAS ay napakamali kasi ang Dios ay pwedeng itakuwil ang tao na kontra sa paniwala ng mga pastor na kapag tinanggap na ang Panginoon ay hindi na matatakuwil pa kasi sure na yung salvation niya ...isa pang katunayan na ang Dios ay pwede itakuwil ang tao...basa po tayo:

1Ch 28:9 
At ikaw, Salomon na aking anak, kilalanin mo ang Dios ng iyong ama, at paglingkuran mo siya ng sakdal na puso at ng kusang pagiisip: sapagka't sinasaliksik ng Panginoon ang lahat na puso, at naaalaman ang lahat na akala ng pagiisip: kung iyong hanapin siya, ay masusumpungan siya sa iyo; nguni't kung pabayaan mo siya, kaniyang itatakwil ka magpakailan man.



Ang paghahanap po sa Dios ay kabanalan po yun pinapakita lamang na gusto nating magpasakop sa Kanya kaya natin Siya hinahanap at pag ganun ang intensiyon ng ating puso ay masusumpungan po natin ang Dios pero pag pinabayaan po natin Siya meaning lalabagin natin o babalewalain natin Siya ay itatakuwil Niya tayo magpakailanman.


Balikan natin yung  Efeso 2:8-9 wala namang nakasulat  na hindi na kailangan ang gumawa ng mabuti kasi ang sabi raw ayon sa unawa ng mga pastor hindi dahil sa gawa tayo naligtas dahil baka ang sinuman ay magmapuri... ibig nilang sabihin kahit ano pang klaseng gawa kahit mabuting gawa pa yan basta gawa hindi daw yun makakatulong sa kaligtasan ng tao...basahin po natin ulit:

Eph 2:8  Sapagka't sa biyaya kayo'y nangaligtas sa pamamagitan ng pananampalataya; at ito'y hindi sa inyong sarili, ito'y kaloob ng Dios;
Eph 2:9  Hindi sa pamamagitan ng mga gawa, upang ang sinoman ay huwag magmapuri.

Mali po ang interpretasyon nila diyan dahil lalabas hindi na kailangan ng gawa o gumawa  kasi hindi naman daw kailangan ang gawang mabuti para maligtas baka daw magmapuri ang tao. Suriin po natin kung tama ang pakahulugan ng mga pastor na ito tanong natin  bakit ba sinabi ni Apostol Pablo na hindi sa pamamagitan ng mga gawa? Anong  gawa ba yun na na magagawa ng tao na ipagmamapuri  niya? Anong gawa ba yun  ang tinutukoy ng talata na hindi dahil dun ay maliligtas tayo? Basahin po natin ang sagot ng Biblia:

Tit 3:5  Na hindi dahil sa mga gawa sa katuwiran na ginawa nating sarili, kundi ayon sa kaniyang kaawaan ay kaniyang iniligtas tayo, sa pamamagitan ng paghuhugas sa muling kapanganakan at ng pagbabago sa Espiritu Santo,


Yun po pala yun, ang hindi natin  ikaliligtas na gagawin natin ay yung gagawin nating katuwiran na sarili lang natin  pero kung ang gagawin ay ang Katuwiran ng Dios ay iba po  yun, iba yung Katuwiran mula sa ating sarili at iba ang Katuwiran ng Dios..basa po tayo:

Rom 10:3  Sapagka't sa hindi nila pagkaalam ng katuwiran ng Dios, at sa pagsusumakit na maitayo ang sariling kanila, ay hindi sila napasakop sa katuwiran ng Dios.


Meron po pala mga tao ang ginagawa ay katuwiran ng mula sa kanilang sarili at yun ang hindi natin  ikaliligtas pero pag ang gagawin po natin ay ang Katuwiran ng Dios yun nga ang kailangan  nating gawin para maligtas tayo kasi sabi ng Bibliya hanapin ang Katuwiran ng Dios:



Mat 6:33  Datapuwa't hanapin muna ninyo ang kaniyang kaharian, at ang kaniyang katuwiran; at ang lahat ng mga bagay na ito ay pawang idaragdag sa inyo. 


Anlinaw po talaga na may gagawin tayo yun nga po ang Katuwiran ng Dios tapos sasabihin nitong mga pastor sa kanilang members na hindi na gagawa, hindi na kailangang gumawa ng mabuti , isa po yang panloloko sa kapwa tao yan  ang katunayan na kailangan yang gawang mabuti ituloy lang po  natin ang Efeso 2:8-9 na kanilang ginagamit na batayan sa verse 10..kasi pinuputol nila ang mga verses po eh!...basa po tayo:


Eph 2:10  Sapagka't tayo'y kaniyang gawa, na nilalang kay Cristo Jesus para sa mabubuting gawa, na mga inihanda ng Dios nang una upang siya nating lakaran.



Ngayon nakita na natin   kung alin yung tinutukoy na gawa na sa pamamagitan ng gawa na yan ay hindi tayo nangaligtas upang ang sinuman ay huwag magmapuri. Yun ang gawang sariling katuwiran natin  pero ang sabi ni Apostol Pablo kung itutuloy  sa verse  10 sabi sapagkat tayo ay kanyang gawa...yan ang dahilan kaya hindi dahil sa gawang katuwiran ng sarili maliligtas tayo sapagkat tayo'y kanyang gawa na nilalang kay Cristo Jesus para sa mabubuting gawa na inihanda ng Dios. Nabasa niyo po sa verse 10 na  meron palang gawa na inihanda ang Dios na yun ang gagawin natin hindi yung gawa ng katuwiran na gawang ating sarili kaya tama ang sabi ni Apostol Pablo sa verse  9 na hindi dahil sa gawa upang ang sinuman ay huwag magmapuri...aling gawa yun?

Yung  gawang maipagmamapuri mo na ikaw mag-isa ang gumawa pero kung ang ginagawa mo ay Katuwiran ng Dios hindi mo yun pwedeng ipamagmapuri o ipagyabang  kasi ang Dios ang gumagawa nun, hindi mo yun magagawa kung hindi ka tulungan ng Dios kaya sabi ni Apostol Pablo sapagkat tayo ay kanyang gawa yun ang dahilan kaya hindi dahil sa gawang katuwiran ng sarili maliligtas tayo sapagkat tayo'y Kanyang gawa na nilalang kay Cristo Jesus para sa mabubuting gawa na inihanda ng Dios.  Ibig pong sabihin meron po talaga tayong hindi dapat na gawin yung gawang pansarili pero yung gawang pinapagawa ng Dios na inihanda niya ng una  pa ay kailanagan nating gawin po yun ang mabubuting gawa upang siya nating lakaran at pag hindi natin ginawa yun hindi po tayo maliligtas...basa po tayo:



1Jn 3:18  Mumunti kong mga anak, huwag tayong magsiibig ng salita, ni ng dila man; kundi ng gawa at katotohanan. 

Kailangan pala may gawa talaga tayong gagawin at  hindi yung salita lang ng salita gaya ng mga pastor na daldal sila ng daldal na manampalataya lang kay Cristo ay ligtas na at hindi kailangan ng gawa . 

Maliwanag naman po kung nauunawaan lamang ng mga taong ito hindi sila maliligaw na ang tinutukoy na gawa na hindi batayan para maligtas ang tao ay yung gawa na mula sariling katuwiran.

Pero kung ang gagawin ay yung pinapagawa ng Dios na inihanda niya ng una na sa verse 10 ay maiintindihan na kailangan talaga natin gumawa kasi kapag hindi tayo gumawa ay hindi tayo maliligtas at pag hindi tayo gumawa ibig sabihin hindi tayo sumusunod sa Dios..


Rev 14:12  Narito ang pagtitiyaga ng mga banal, ng mga nagsisitupad ng mga utos ng Dios, at ng pananampalataya kay Jesus.
Rev 14:13  At narinig ko ang isang tinig na mula sa langit na nagsasabi, Isulat mo, Mapapalad ang mga patay na nangamamatay sa Panginoon mula ngayon: oo, sinasabi ng Espiritu, upang sila'y mangagpahinga sa kanilang mga gawa; sapagka't ang kanilang mga gawa ay sumusunod sa kanila.



Ayan po ang mga nagtiyaga ng mga banal o mga taong nagpakabanal na gumawa sa pamamagitan ng pagtupad ng utos ng Dios, ang utos po ng Dios ay ginagawa po yan tinutupad  at hindi binabasa lang. 

Ayon sa talata nagpahinga sa gawa ang mga ito.. Ibig sabihin nung sila ay buhay pa  gumawa ng gumawa tapos ng namatay na nagpahinga na sa paggawa  kaya ang mga taong ito ay guwawa sila hanggang mamatay... kaya nga sabi nangagpahinga sa kanilang mga gawa. Kailangan po  talaga natin ang gawa ang gawang pinapagawa ng Dios at hindi yung gawa na mula sa ating sariling katuwiran.

Mag-aral po tayo ng kasulatan mga Kababayan, suriin po natin kung yung pinapangaral ng mga pastor  ay nakabatay sa Biblia. Salamat po sa Dios nalaman natin sa paksang ito na mali po ang aral ng OSAS ng mga Bornagain at Baptists na  hindi na kailangan ng gawa basta sumamaplataya ka lang ay ligtas na forever.


Salamat sa Dios dahil natuto ako ng katuwiran sa Biblia sa pamamagitan ng Kanyang mga   lingkod na Mangangaral. Mga kababayan dalo po kayo sa ginaganap na Bible Exposition ng aming samahan upang matutunan niyo rin po ang tamang aral ng ating Panginoon.


Salamat sa Dios!

No comments:

Post a Comment