Sunday, December 7, 2014

Blood Transfusions Bawal ba sa Biblia?

 Ang grupong against sa Blood Transfusions o Pagsalin ng Dugo ay ang JEHOVAHS WITNESS ayon sa kanilang doktrina simula pa daw sa panahon  nila Noah ay pinagbabawal na ng Dios ito at an pinagbabatayan nilang verse  ayon sa kanilang babasahin ay ang nasa Genesis 9:3-4

 "God imposed this one restriction. They were not to consume blood.(Genesis 9:3,4)" ***Watchtower 2008 Oct 1 p.31

Ayon sa mga publikasyon ng Watch Tower Society tinuturo sa kanilang members na  mali ang magtangkang magligtas ng buhay sa pamamagitan ng blood transfusions dahil ang peligro na dulot nito ay pagkawala ng eternal life:


    "As Christian witnesses of Jehovah, her parents, Darrell and Rhoda Labrenz, correctly viewed blood transfusion as a violation of God's law and thus opposed it. They were concerned about their baby's eternal welfare, for everlasting life is the prospect only of those adhering to God's laws."
***Yearbook 1975 p.224

    "But suppose one's wife or child were near death. Giving blood, no matter who the loved one might be, would still constitute a violation of God's law. Just because one is near death, this does not give one liberty to break God's commands. When one is near death is no time to tamper with or violate the law of God, but a time to draw as near as possible to God by remaining faithful. Everlasting life is the reward for faithfulness. How foolish it would be to gamble away the prospect of life eternal for the very uncertain promise of a cure by blood transfusion!"
***Watchtower 1970 Apr 15 p.249

    "What if a Christian is badly injured or is in need of major surgery? Suppose doctors say that he must have a blood transfusion or he will die. Or course, the Christian would not want to die... Would a Christian break God's law just to stay alive a little longer in this system of things? Jesus said: "Whoever wants to save his soul [or, life] will lose it; but whoever loses his soul for my sake will find it." (Matthew 16:25) We do not want to die. But if we tried to save our present life by breaking God's law, we would be in danger of losing everlasting life."
*** What Does The Bible Really Teach (2005) pp.130-131 



Malinaw na hindi pinapahintulutan ang magsagip ng buhay sa pamamagitan ng bllod transfusions  kahit ikamatay  pa ng kanilang minamahal sa buhay basta huwag lamang silang lumabag sa Batas ng Dios. Sa katotohanan wala naman pong nilalabag na Batas ng Dios ang sinuman na magsagawa ng pagsalin ng dugo para ikaligtas ng buhay ng kapwa ang mga JW Elders lang  naman ang gumagawa ng interpretation sa mga talata upang palabasin na  ito ay pinagbabawal ng Dakilang Manlilikha.

Paniwala po kasi nila ang Blood Transfusions ay gaya rin ng pagkain ng dugo  ng tao kasi ipinapasok sa katawan subalit sa isa pa ian babasahin  inamin din naman mismo nila  na ang verse sa Gen. 9:3-4 ay hindi patungkol sa pagkain ng dugo na pinagbabawal ng Dios:



"All reasonable minds must conclude that it was not the eating of the blood that God objected to, but it was bringing the blood of the beast in contact with the blood of man."
***Golden Age 1931 Feb 4 p.294


Bukod diyan kinukuha  din nilang suporta  ay ang verse ng Deuteronomy 12:23; Acts 15:28, 29 at Leviticus 17:14 na ang sabi  ang dugo ay gaya rin naman ng buhay kaya hindi dapat kainin.

Mali po ang kanilang pagkaunawa sa mga talata dahil ang pnagbabawal ng Dios sa Kanyang mga lingkod na kainin ay ang dugo ng mga ibon at mga  hayop. Pero hindi naman natin sinasabi na puwedeng kumain ng dugo ng tao dahil bwal po kumanin ng nilalang na may dugo. Ang pagsasalin po ng dugo ay hindi naman kakainin yung dugo ng kapwa na ipapasok sa bibig dadaan sa tiyan at mag undergo ng  process of digestion , kaya nga po tinawag na salin isasalin o ililipat lang  sa katwan ng  pasyente para magdugtong ng buhay.

Para pagtibayin ang ganitong paniniwala na ang Blood Transfusions ay gaya na rin ng pagkain ng  dugo ng tao gumawa sila ng sarili nilang paliwanag ay isang nutrients gaya ng pagkain:


 
   "Each time the prohibition of blood is mentioned in the Scriptures it is in connection with taking it as food, and so it is as a nutrient that we are concerned with in its being forbidden." ***Watchtower 1958 Sep 15 p.575

Mali po ang depinisyon  nilang yan dahil ang Dugo ay hindi naman nutrient at hindi rin nagbibigay sustansiya sa  katawan kundi ito ay bodily fluids. Hindi naman yan ang purpose ng operation  na kaya sinasalinan ay para magkaroon ng nutrients at lumusog ang pasyente kundi  upang ang dugong isinalin ay magsilbing as a volume expander at tagadala ng nutrients at oxygen sa katawan.

Ang nakakapagtataka lamang na kung bawal ang blood transfusion sa kanila dahil parang kumain na rin ng dugo ng tao  bakit naman pumapayag ang JW sa organ transplant lalabas parang payag din silang kainin ang  organ ng tao ayon sa logic nila.

Walang pinagbabawal ang Biblia na magsalin ng dugo bagkus ito pa nga ay nakakapagligtas ng buhay ng tao  halimbawa kung  ang asawa mo ay na-caesarian at nangangailangan ng dugo tapos nagkataon na magkapareho kayo ng bloood type...hindi mo ba bibigyan ang asawa mo ng iyong dugo at hayaan na lamang siyang mamatay?  Mali po yan dahil ang mag-asawa ay magkaisang laman ayon sa Biblia therefore hindi lamang spiritually isa ang mag-aswa kundi kahit physically sila ay iisang laman kaya hindi pwedeng ipagkait ng isa ang kanyang dugo sapagkat pinag-isa  na sila bilang isang laman.


Mat 19:6  Kaya nga hindi na sila dalawa, kundi isang laman.

Ang pag-liligtas ng buhay ng kapwa sa pamamagitan ng pagsasalin ng dugo ay  mabuti  at hindi pinagbabawal Dios. Pag-alam natin na  ito ay ikabubuti at hindi natin  ginagawa ay kasalanan:


Jas_4:17  Sa nakakaalam nga ng paggawa ng mabuti, at hindi ginagawa, ito'y kasalanan sa kaniya.


Utos nga po ng Dios na ibigay natin ang ating buhay ...basa po tayo:

1Jn 3:16  Dito'y nakikilala natin ang pagibig, sapagka't kaniyang ibinigay ang kaniyang buhay dahil sa atin; at nararapat nating ibigay ang ating mga buhay dahil sa mga kapatid.
Kung tayo ay inuutusan  na ibigay ang buhay  sa kapatid hindi po baga  mas ibibigay natin ang buhay sa ating sariling asawa  o anak, magulang, kapatid sa laman na halimbawang nagangailanagn lamang ng 500ml ng dugo para siya ay maligtas. Naniniwala ang mga JW na ang Dugo ay gaya rin ng buhay kaya bakit natin ipagkakait ang Dugo sa nagangailanagan at labagin ang utos ng Dios na ibigay natin ang ating buhay sa kapwa.

Katunayan nga po yung sanggol sa tiyan ng  ina ay iisa lamang ang dugo na dumadaloy sa kanila tapos ng inilabas na ay ipagkakait na ng anak o ina ang kanilang dugo sa isa't-isa dahil lamang sa maling aral ng JW na kapag ipinasok  ang dugo  sa katawan ng ibang tao ay para na ring kinain niya ito. Kung ganyan ang argumento nila mali pala ang Dios sa  ginawang human process of birth na pagbubuntis ng isnag  ina kasi iisang dugo lang dumadaloy sa  sanggol na kung sususndan ang logic ng JW ay  parang kinain niya rin ang dugo ng kanyang ina.


Ang resulta ng maling doktrinang ito ay nagtala ng  maraming JW members na namatay sa mga nakalipas na taon at Inaamin din naman ng Watch Tower Society na ang kanilang laban sa blood transfusions ay humantong sa pagkamatay ng mga JW members na 26 kabataang JW:


    "Jehovah's witnesses do not argue that blood transfusions have not kept alive patients who otherwise might have died."

***Blood, Medicine and The Law of God p.38


    "In former times thousands of youths died for putting God first. They are still doing it, only today the drama is played out in hospitals and courtrooms, with blood transfusions the issue." ***Awake! 1994 May 22 p.2


Nakakawa ang mga membres na hindi nag-susuri sa kasulatan sila ay napapahamak dahil sa maling aral na naitawid sa kanila. Ang isa pa sa dahilan ng mga JW ay para takutin ang kanilang mga members na tumanggap  ng  blood transfusions ay mahahawa daw ng masamang ugali ang masasalinang pasyente:


"The blood in any person is in reality the person himself. ... poisons due to personal living, eating and drinking habits ... The poisons that produce the impulse to commit suicide, murder, or steal are in the blood. Moral insanity, sexual perversions, repression, inferiority complexes, petty crimes - these often follow in the wake of blood transfusion."
***Watchtower 1961 Sep 1 p.564



 "Frequently, in connection with attempts to force transfusions on the children of Jehovah's Witnesses, great public hostility has been whipped up by the press. In some instances, even without a legal hearing at which the parents could speak, judges have ordered that their children be transfused. In more than 40 cases in Canada, however, the transfused children were returned dead to their parents."
***Jehovah's Witnesses-Proclaimers of God's Kingdom p.184


"But Jehovah's Witnesses believe that to be transfused . . . [may] result in eternal damnation."
***How Blood Can Save Your Life p.31

Kalokohan na lang po ito at walang sientific na evidence mas maniniwala siguro ako kung sasabihin nila na mahahawa ang tao kapag ang isinalin sa kanya ay maruming dugo mula sa taong may sakit  pero syempre bago kumuha ng blood donors ay may examination pang daraanan kug healthy ang dugo ng donor.

Sa mga JW members magsuri pa po tayo at huwag yung tatanggap na lang sa kung ano ang ipapaliwanag ng inyong mga elders bukas po ang pintuan ng aming samahan para sumagot ng tanong niyo ukol sa pananampalataya.


Salamat sa Dios!

No comments:

Post a Comment