Saturday, December 6, 2014

Paniniwala ng Jehovah's Witness sa Pangalan ng Dios YHWH

 Nakatalakayan ko po ang isang member ng Jehovah's Witness tungkol sa Banal na Pangalan ng Dios na nakasulat sa hebrew ang TETRAGRAMATON na kung isusulat sa modo ng ating pagbabasa sa english ay YHWH tinutulan ko ang kanilang paniwala na ayon sa JEHOVAH at para patunay ay nag-post ako mula sa kanilang babasahin na nagsasaad  na hindi kilala ng mga sinaunang Jews at Christians ang salitang  JEHOVAH dahil ng pronounciation nito ay nawala :


Hence some moderns have framed the name of Jehovah, unknown to all the ancients, whether Jews or Christians; for the true pronunciation of the name, which is in the Hebrew text, by long disuse is now quite lost.”

***Reasoning From The Scriptures p. 192

Yan po ay quote ng JW author mula sa footnote ng Duay Reihm  Bible Version ng Catholics sa Exodus 3:6 na kanilang sinusuportahan dahil gusto nilang patunayan na kahit na naniniwala ang naglathala ng salin ng Bibliyang ito na base na rin sa kanilang pag-aaral na ang JEHOVAH ay hindi kilala ng mga ancient Jews at Christians at hindi alam ang tamang bigkas ng pangalan ng Dios dahil nawala subalit ginamit pa rin nila ang word na Jehovah sa Catholic Encyclopedia .

Gusto nilang ipatanggap sa tao na hindi mali ang gamitin ang Jehovah kasi ginamit sa Duay Reihm Bible ng Catholics. Alam nyo naman po na ang mga JW kahit kontra sila sa ibang relihyon basta ang tinuturo ay susuporta sa kanila kukunin nilang batayan.

Ang tanong natin sang-ayon ba ang mga JW na nawala ang tamang bigkas ng pangalan ng Dios o ang Tetragramaton?

Ito po ang sagot ng mga JW sa kanilang online site:

Which form of the divine name is correct—Jehovah or Yahweh?
No human today can be certain how it was originally pronounced in Hebrew. Why not? Biblical Hebrew was originally written with only consonants, no vowels. When the language was in everyday use, readers easily provided the proper vowels. In time, however, the Jews came to have the superstitious idea that it was wrong to say God’s personal name out loud, so they used substitute expressions. Centuries later, Jewish scholars developed a system of points by which to indicate which vowels to use when reading ancient Hebrew, but they put the vowels for the substitute expressions around the four consonants representing the divine name. Thus the original pronunciation of the divine name was lost.

*** WATCH TOWER ONLINE LIBRARY:  http://wol.jw.org/en/wol/d/r1/lp-e/1101989238

Mga JW na mismo  ang umamin na walang nakakaalam ng tunay na bigkas ng Divine Name ng Dios kaya yang Jehovah o Yehovah o Yahweh ay hindi tamang bigkas ng Tetragramaton ayon sa mga JW kundi ito ay imbento lamang na bigkas para sa Tetragramaton. Pag-imbento lang ng tao hindi po yun tunay na pangalan ng Dios.

Para makalusot pinaninindigan nila na ang JEHOVAH ay salin lamang sa english at dahil nga ito ay english daw hindi ito kilala ng mga Apostol. Ibig sabihin hindi talaga ito ang tamang bigkas ng banal na pangalan ng Dios ang Tetragramaton. Para makumbinse tayo nagbigay ang kausap kong JW ng halimbawa na  si Apostol Santiago  hindi alam na ang James ang magiging anyo ng kanyang pangalan makaraan ng maraming taon.

Tama po siya hindi alam ni Apostol Santiago na James sa english  pero alam ni Apostol Santiago ang tamang bigkas ng kanyang pangalan “Ya‘akov Ben-Zavdai” naisulat, nababasa at narinig niya sa kanyang panahon at hindi yan pinagtatalunan ng mga scholars ngayon unlike sa JEHOVAH  na hindi na nga kilala ang imbentong salita na yan pati ang tunay na bigkas nito ay walang nakakaalam.

Ang totoo niyan ang word na JEHOVAH ay hindi english word kundi latinization:

Jehovah /dʒɨˈhoʊvə/ is a Latinization of the Hebrew יְהֹוָה, one vocalization of the Tetragrammaton יהוה (YHWH), the proper name of the God of Israel in the Hebrew Bible. This vocalization has been transliterated as "Yehowah",
***GOD, NAMES OF - 5. Yahweh (Yahweh) - Bible Study Tools. Retrieved 19 November 2014.

Ang Jehovah ay pinagsamang latin letters at vowels ng Adonai:
Most scholars believe "Jehovah" to be a late (c. 1100 CE) hybrid form derived by combining the Latin letters JHVH with the vowels of Adonai, but there is some evidence that it may already have been in use in Late Antiquity (5th century).
***Roy Kotansky, Jeffrey Spier, "The 'Horned Hunter' on a Lost Gnostic Gem", The Harvard Theological Review, Vol. 88, No. 3 (Jul., 1995), p. 318.
***George Wesley Buchanan, "The Tower of Siloam", The Expository Times 2003; 115: 37; pp. 40, 41. Quote from Note 19


Patunay lamang na  mali po yung sinasabi nila na ang JEHOVAH ay english translation ng Tetragramaton kaya hindi kilala ng mga sinaunang Jews at Christians.  Kundi ito ay imbentong transliteration ng Tetragramaton na pinagkasunduan lamang ng mga ilang scholars at translators na gamitin. Yan ang dahilan kung bakit may mga Bible versions na may JEHOVAH na nakasulat na inakala ng mga ordinaryong JW members  kapag tinanong natin sila  kung may JEHOVAH sa Biblia ay papakitaan ka nila ng mga iba't-ibang Bible Versions na may Jehovah.

Ang sabi pa po  niya alam ng mga modernong Rabi ang tunay na bigkas sa pangalan ng Dios at yun daw ang Yehovah in hebrew at sa english ay Jehovah... tela nalilito at hindi na nagkakaugnay-ugnay ang stand ng kausap ko kasi yung pubikasyon na nga nila ang nagsabi na walang nakaalam ng original pronounciation ng Divine Name pero mas pinapaboran niya yung mga Modern Rabis na alam ang tamang bigkas daw.  Samantalang sa kanilang aklat sinasabi na ang paniwala mas tamang bigkas ay ang YAHWEH:

"While inclining to view the pronunciation "Yahweh" as the more correct way, we have retained the form "Jehovah" because of people's familiarity with it Since the 14th century.
***New World Translation, Jehovah's Witnesses, foreword p 25

"Yahweh . .. is admittedly superior to Jehovah. 'The wrong spelling Jehovah OCCURS since about 1100' and then it offers its arguments in favor of Yahweh as the correct and original pronunciation."
***Let Your Name Be Sanctified, Jehovah's Witnesses, p 16-20

Hindi natin malaman kung ano ba ang totoo sa paniniwlaa ng mga JW dahil ang kanilang mga lathala ay iba-ibang pahayag. Ang resulta pati mga members ay nalito na rin  na mas  pinaniwalaan niya pa ang modernong Rabi na ang sabi ay Yehovah ang tunay na bigkas samantalang ang kinaaniban niyang Jehovah's Witness naniniwala na YAHWEH ang mas tamang bigkas. At ang sabi niya pa para paboran ang YEHOVAH ay may mga salin ang Bibliya na gamit ang salitang ito nangangahulugan lamang na tutol siya sa kapwa niya mga JW na ang paniwala ay YAHWEH ang tamang bigkas. Ayon pa sa kanilang babasahin ang bigkas na JEHOVAH ay hindi eksakto:

The Divine Name Brochure p.10, by the Watchtower Society states:

"Even though the modern pronunciation Jehovah might not be exactly the way it was pronounced originally, this in no way detracts from the importance of the name. While many translators favor the pronunciation Yahweh, the New World Translation and also a number of other translations continue the use of the form Jehovah because of people's familiarity with it for centuries."

Kahit alam nila na ang YAHWEH ang tamang bigkas na  pinapaboran din ng maraming translators ay pinatili nila ang paggamit ng JEHOVAH dahil familiar na sa tao. Ang ginawa nilang ito ay para sa ikalulugod ng tao at hindi ng Dios. Sana mag-suri pa ng maigi ang mga JW at hindi nakasalig lamang lahat  sa mga kaalamang galing sa kanilang tinatawag na Elders.

Salamat sa Dios!

No comments:

Post a Comment