Sa buhay mag-asawa hindi nawawala ang away at tampuhan kahit sa maliit na bagay lang may hindi pinagkakasundo ang dalawa. Ang dahilan ang mag-asawa kasi ay dalawang magkaibang individual, magkaiba ang katawan, espiritu at kaluluwa.
Magkaiba ang kinalakihan na ugali at level ng kaisipan na minsan naging ugat ng hindi mabuting argumento sa pagitan ng dalawa kahit gaano pa nila kamahal ang isa't-isa.
Alamin natin kung ano ba ang tinuturo ng Biblia para mapanatili ang mabuting relasyon sa kabila ng ganitong kaibahan.
Hindi ko ito natutunan sa dati kong relihiyon bago mag-asawa kaya ang resulta nag-tatalo kaming madalas mag-asawa sa kunting bagay lang, mga bagay napaka-simple pero hindi made-desisyunan agad kasi ang bawat isa may gustong plano na masunod na hindi naman tanggap ng isa, kung may mabuo man na desisyon yun ay pumapayag na lang pero ang kalooban ay laban pa rin.
Para manatili po pala ang mabuting relasyon dapat magkaroon ng points of agreement ang mag-asawa sabi ni Bro. Eli dahil magkaibang tao po pero kahit sila ay magkaiba ang sabi ng Biblia bilang mag-asawa sila ay pinag-isa sa laman...basa po tayo:

Mat 19:5 At sinabi, Dahil dito'y iiwan ng lalake ang kaniyang ama at ina, at makikisama sa kaniyang asawa; at ang dalawa ay magiging isang laman?
Ang kalooban ng Dios para sa mag-asawa ay maging isang laman upang mag-unite ang dalawa, mayrong point na ng babae ay mai-attach sa kanyang husband ganun din ang lalaki sa kanyang wife. Ang point na sinasabi ng Biblia na pagkakaisahan ng mag-asawa ay ito..basa po tayo:
Hos 2:19 At ako'y magiging asawa mo magpakailan man; oo, magiging asawa mo ako sa katuwiran, at sa kahatulan, at sa kagandahang-loob, at sa mga kaawaan.
Hos 2:20 Magiging asawa mo rin ako sa pagtatapat; at iyong makikilala ang Panginoon.
Ang points ayon sa talata ng pagsasaluhan ng mag-asawa ay sa KATUWIRAN, sa KAHATULAN, sa KAGANDAHANG LOOB , sa KAAWAAN at sa PAGTATAPAT...yan ang mga punto na dapat magkita ang mag-asawa na kanilang pagkakaisahan para mapanatili ang matibay na pagsasama at maiiwasan ang hiwalayan.
Unawain po natin ang mga points na yan, mga points of agreement ng mag-asawa: unang-una ay ang Katuwiran...halimbawa nito sa pananamit kung ayaw ng Mister na magsuot ka ng fit o di kaya ay maiksing short dahil mahalay sa paningin at sinang-ayunan mo rin sa puntong yan nagkakaisa kayo kaya walang pagtatalunan.
Sa Kahatulan...halimbawa gusto mong bumili ng gamit gaya ng television, ref o cellphone, etc. dapat pag-usapan at pagkasunduan ang hatol kung bibili ba o hindi kung sang-ayon ang asawa mo, baka naman kulang ang suweldo at walang budget dapat kino-consider yun. Hindi mag-aaway ang magkapareha kasi merong guide o may point of agreement kung tama ba ang hatol ng asawa na huwag munang bumili o ipagpaliban muna at unahin yung talagang pangangailangan sa bahay.

Sa pagde-desisiyon dapat payag lahat hindi mabuti kung ang isa lang ang nagde-desisyon at sunod-sunuran ang isa o kanya-kanya sila, napaka-pangit ng ganung pagsasama walang pagkakaisa kasi pagmumulan yan ng pagtatalo dapat sa isang relasyon namamalagi ang pagkakaunawaan at bigayan.
Isa pang halimbawa na dapat magkaisa sa kahatulan ang dalawa ay sa pag-papa-aral ng bata..sa public o private, lahat naman ng magulang na nagmamahal sa anak ay gustong ibigay ang the best para sa anak pero syempre dapat ding bigyan consideration ang status ng pamumuhay kung makakayanan ba bago ito desisyunan. Mahirap kasi kung ang Misis ay nais na paaralin sa private ang anak samantalang ang Mister naman ay gusto sa public dahil hindi kaya ng budget o maliit lang ang kinikita. Kung saan ang mas mabuti ay parehong pagkasunduan ang desisyon para walang away.
Ganun di sa Kagandahang loob at Kaawaan dapat din nagkakaisa halimbawa kung may gustong tulungan ang asawa na kapatid, magulang o kamag-anak o ibang tao ay nararapat na magkasang-ayon ang dalawa kasi pangit yung ang Mister tutulong sa kanyang magulang na paaralin ang kapatid o di kaya ay humihingi ng pera samantalang ang Misis ay tutol ang kanyang kalooban pagsisimulan yun ng pagtatalo. Ang Katapatan syempre mahalaga lalo ito sa isang relasyon na ang Misis o Mister ay maging tapat at hindi yung naglilihim sa kanyang kapareha na kalaunan pag nalaman ay away na naman.
Yan po ang limang mahahalagang rules o guide points na dapat pagkasunduan ng Mag-asawa para mapanatili ang pagsasamang hindi mauuga ng demonyo sabi ni Bro. Eli.
Salamat sa Dios!
THANK YOU PO SA TIPS.SOBRANG NAKAKATUWA PO YUNG MGA NABASA KO.
ReplyDelete