Pages

Friday, January 2, 2015

Ang Armageddon


Ang salitang  Armageddon ay mula sa Hebrew na "har magiddo"


Ἀρμαγεδδών
Armageddōn
ar-mag-ed-dohn'
Of Hebrew origin [H2022] and [H4023]; Armageddon (or Har-Megiddon), a symbolical name: - Armageddon.

 har - Strong H2022 - meaning "a mountain or range of hills (sometimes used figuratively): - hill (country), mount (-ain), X promotion." This is a shortened form of Harar -

Megiddo - Strong מְגִדּוֹן H4023 /meg-id-do'/ "Megiddon or Megiddo, a place of crowds.")


Ang salitang Armageddon ay isang beses na binaggit sa Biblia sa aklat ng Apocalipsis 16: 16 basahin po natin sa loob ng context para malaman natin kung ano ito..basa po tayo


Rev 16:14  Sapagka't sila'y mga espiritu ng mga demonio, na nagsisigawa ng mga tanda; na pinaparoonan nila ang mga hari sa buong sanglibutan, upang tipunin sa pagbabaka sa dakilang araw ng Dios, na Makapangyarihan sa lahat.
Rev 16:15  (Narito, ako'y pumaparitong gaya ng magnanakaw. Mapalad siyang nagpupuyat, at nagiingat ng kaniyang mga damit, na baka siya'y lumakad na hubad, at makita nila ang kaniyang kahihiyan.)
Rev 16:16  At tinipon sila sa dako na sa Hebreo ay tinatawag na Armagedon.
Rev 16:17  At ibinuhos ng ikapito ang kaniyang mangkok sa hangin; at lumabas sa santuario ang isang malakas na tinig, mula sa luklukan na nagsasabi, Nagawa na:
Rev 16:18  At nagkaroon ng mga kidlat, at mga tinig, at mga kulog; at nagkaroon ng malakas na lindol, na di nangyari kailan man mula nang magkatao sa lupa, isang lindol na lubhang malakas, lubhang kakilakilabot.
Rev 16:19  At ang dakilang bayan ay nabahagi sa tatlo, at ang mga bayan ng mga bansa ay nangaguho: at ang dakilang Babilonia ay napagalaala sa paningin ng Dios, upang siya'y bigyan ng inuman ng alak ng kabagsikan ng kaniyang kagalitan.
Rev 16:20  At tumakas ang bawa't pulo, at ang mga bundok ay hindi nangasumpungan.



Ang Armageddon ayon sa Biblia  ay isang lugar na kung saan magaganap ang huling pagbabaka sa pagitan ng mabuti at masama. Ang  mga espiritu ng demonio ay paparoon sa mga hari ng sanlibutan upang tipunin sila sa pagbabaka sa dakilang araw ng Dios na Makapangyarihan sa lahat. Sa dako na tinatawag na Armageddon doon magaganap ang huling pagbabaka ng masama at mabuti at pagkatapos na magtagumapay ang mabubuti laban sa masasama magkakaroon ng malakas na lindol pagkatapos  mga guguho ang mga bansa at kakilakilabot na mga bagay ang kasunod nito yun na ang umpisa ng pagpaparusa ng Dios ng walang hanggan sa mga taong masasama.

Salamat sa Dios!

No comments:

Post a Comment