Ang buwan ng Disyembre ang pinanabikan ng mga kaibigan nating Katoliko sapagka't ito ang panahon na kanilang pinagdidiriwang ang kapanganakan ng ating Panginoong Hesus. Paniwala nila ang December 25 ang petsa na isinilang ang Tagapagligtas kung kaya malayo palang ay naghahanda na ang mga tao kahit gumastos ng malaki o mangutang maidaos lang ang okasyong ito.
Hindi lamang Katoliko ang kumikilala sa buwang ito kundi pati na rin ang mga non-Catholic sects gaya ng ilan sa Born-again sects at mga kagaya nila. Nagtataka nga po ako sa mga sektang ito dahil kino-condemn nila ang Roman Catholic Church na hindi tunay na relihiyong sa Dios dahil sa mga ilang aral na mula sa tradisyon ng tao na walang basehan sa Biblia na naging kaya nilayasan ang simbahan at umanib sa protestants sects pero bakit pagsapit ng pasko ay nakikiisa sila sa pagdiriwang ng Catholics makikita natin na nangangaroling pa nga sila sa bahay- bahay ng mga katoliko, nagpapalamuti din ng christmas decors, dagdag pa sa kanilang church mismo ay may celebration, party-party din tuwing December 25 at mga christmas presentations at pag-awit ng catholic Christmas songs.
Kung kino-consider ng mga sektang ito ang kanilang sarili bilang mga Kristiyanio na taga-sunod ng Biblia at ang mga Catholics naman ay hindi mga ganap na nagsisisampalataya, ang tanong bakit sila nakikidaos o nakikiisa sa kasiyahan ng tradisyong Pasko ng mga Catholics?
Ayon sa Biblia ang mga Kristiyano hindi dapat makipamatok ng kabilan sa mga di nagsisisampalataya..basa po tayo:
2Co_6:14 Huwag kayong makipamatok ng kabilan sa mga di nagsisisampalataya: sapagka't anong pakikisama mayroon ang katuwiran at kalikuan? o anong pakikisama mayroon ang kaliwanagan sa kadiliman?
Hindi ko po pinagtatanggol ang Pasko ng Catholics pinapakita ko lamang na may mga sekta ng relihiyon na kahit alam nilang mali ang tradisyong ito ay nakikiisa pa rin sila sa mali. Hindi ba nabasa ng mga sektang ito ang talatang iyan sa Biblia o kanila lamang binabalewala ang aral kapalit ng kasiyahang gawa lamang ng tao? Hindi po natin alam ang kanilang intensiyon ang masasabi lamang natin mali po ang makiisa sa pasko na December 25 dahil wala po itong batayan sa Biblia.
Hindi po totoo na ang December 25 ang araw ng kapanganakan ng ating Panginoon at ayon sa history at mga pag-aaral ng scholars ito ay nagmula sa pagan origin.
Pero alamin natin sa Biblia kung sa buwan ng December ba talaga pinanganak ang Tagapagligtas...basa po muna tayo:
Luk 2:7 At kaniyang ipinanganak ang panganay niyang anak na lalake; at ito'y binalot niya ng mga lampin, at inihiga sa isang pasabsaban, sapagka't wala nang lugar para sa kanila sa tuluyan.
Luk 2:8 At may mga pastor ng tupa sa lupain ding yaon na nangasa parang, na pinagpupuyatan sa gabi ang kanilang kawan.
Luk 2:9 At tumayo sa tabi nila ang isang anghel ng Panginoon, at ang kaluwalhatian ng Panginoon ay nagliwanag sa palibot nila: at sila'y totoong nangatakot.
Luk 2:10 At sinabi sa kanila ng anghel, Huwag kayong mangatakot; sapagka't narito, dinadalhan ko kayo ng mabubuting balita ng malaking kagalakan, na siyang sasa buong bayan:
Luk 2:11 Sapagka't ipinanganak sa inyo ngayon sa bayan ni David ang isang Tagapagligtas, na siya ang Cristo ang Panginoon.
Alam niyo po ba na tuwing winter ang Bethlehem ay may makakapal na yelo ang kapaligiran nito gaya ng mga larawan na kuha sa Jerusalaem.
Ngayon pansinin niyo ang nakasaad sa Lukas 2:7-11 na sa panahon ng pinanganak ang ating Tagapagligtas ay napakita ang anghel upang ihatid ang mabuting balita sa mga pastor ng tupa sa parang na nagpupuyat sa gabi sa pagbabantay ng kanilang mga alagang hayop.
Hindi po pwedeng mangyari na December 25 ang event na yan gawa ng sa buwan ng December ay winter season maraming makakapal na ng yelo ang Bethlehem dahil sa sobranng lamig, wala namang pastor na matino ang isip na ilalabas ang mga tupa at pupunta ng parang hanggang gabi para sipunin sila sa lamig at hindi naman makakain ang mga tupa doon dahil hindi naman kumakain ng yelo ang mga tupa.
Logic dictates na hindi winter ipinanganak ang Messiah dahil pag winter nga panahon ng yelo at hindi ilalabas ng mga pastor ang kanilang tupa at tumambay sa parang o bukid para manigas sa lamig therefore masasabi nating summer season ipinanganak ang ating Panginoong Hesus pero hindi natin matukoy kung anong buwan sa summer dahil walang malinaw na impormasyon ang Biblia ukol sa petsa ng kapanganakan. Pero mas maraming nakatala patungkol sa kamatayan ng ating Panginoon..tama lang ang sinasabi ng Biblia na..
Ecc_7:1 Ang mabuting pangalan ay maigi kay sa mahalagang unguento; at ang kaarawan ng kamatayan kay sa kaarawan ng kapanganakan.
Katunayan pa na hindi winter o sa buwan ng December pinanganak ang Tagapagligtas...itaas lang po natin ang talata sa Lukas 2:1-7 basahin po natin:
Luk 2:1 Nangyari nga nang mga araw na yaon na lumabas ang isang utos mula kay Augusto Cesar, na magpatala ang buong sanglibutan.
Luk 2:2 Ito ang unang talaang-mamamayan na ginawa nang si Quirinio ay gobernador sa Siria.
Luk 2:3 At nagsisiparoon ang lahat upang sila'y mangatala, bawa't isa sa kaniyang sariling bayan.
Luk 2:4 At si Jose naman ay umahon mula sa Galilea, mula sa bayan ng Nazaret, hanggang sa Judea, sa bayan ni David, na kung tawagi'y Bet-lehem, sapagka't siya'y sa angkan at sa lahi ni David;
Luk 2:5 Upang patala siya pati ni Maria, na magaasawa sa kaniya, na kasalukuyang kagampan.
Luk 2:6 At nangyari, samantalang sila'y nangaroroon, at naganap ang mga kaarawang dapat siyang manganak.
Luk 2:7 At kaniyang ipinanganak ang panganay niyang anak na lalake; at ito'y binalot niya ng mga lampin, at inihiga sa isang pasabsaban, sapagka't wala nang lugar para sa kanila sa tuluyan.
Nang pinanganak ang Panginoong Hesus ang Bethlehem ay nasasakop ng Roman Empire na si Cesar Augusto ang kataas-taasang emperador nagibigay siya ng utos na lahat ng tao na magpatala o census. Si Cesar Augusto po ay matalino kaya siya naging napakataas na emperador ng Roman Empire sa tingin nyo po ba mag-uutos siya na magpatala ang mga tao na maglakbay sa daan na alam niyang ang paligid ng Bethlehem o ng nasasakupan niya ay puno ng makakapal na yelo? Hindi po ganun si Cesar Augusto hindi niya iuutos na mag pa-census ng winter o sa buwan ng December sa mga mamayan na maglakbay sa yelo dahil maraming pwedeng magyari sa mga ito sa daan, kahit ang kanilang mga asno ay hindi makakainda sa lamig at baka magkada-dulas-dulas pa sila at lulubog ang mga paa sa yelo at mahihirapan maglakad. Biblical logic masasabi natin na ipinanganak ang Mesiah sa panahon ng Census kaya hindi natin pwedeng isipin na winter ito ginanap kundi summer.
Kahit mga katoliko inanamin sa kainlang libro na hindi December 25 ipinanganak ang Cristo:
Salamat sa Dios!
No comments:
Post a Comment