Pages

Thursday, January 8, 2015

Matuto Tayong Magpatawad

Hindi talaga maiiwasan minsan na kapag ang isang tao ay nakagawa ng kasalanan sa atin lalo na kapag masamang-masama na yung ginawa niya ay ang hirap magbitaw ng pagpapatawad sa taong yaon.

Pero bilang mga tagasunod ng ating Panginoong Hesus paano ba natin patatawarin yung mga taong nagdulot sa atin ng sama ng loob, mga pang-aapi, pang-alipusta o pananakit pisikal.

Instinct na kasi sa tao na kapag ang kapwa nakagawa ng kasamaan sa kanyang kapwa ang reaction ng taong nasaktan ay ang makaganti. Nawawala sa control ang tao, may mga tao na mainitin ang ulo...madaling magalit  halimbawa may sumuntok sayo ang agad na papasok sa isip mo ay suntukin din siya pabalik..ang iba pa nga sa tindi ng galit papatayin pa ang gumawa nun sa kanya.

Ang isang Kristiyano ay hindi dapat malungkot o magalit kung ang kapwa ay makagawa ng kasalanan bagkus dapat pa ngang maging masaya  yan ang turo po sa amin ng aming Mangangaral na galing sa diwa ng Biblia. Parang iisipin niyo na kalokohan yata yun na ginawan ka nga ng masama, nagkasala na nga sayo ay magiging masaya pa ang reaction natin.


Ganito po ang paliwanag ng aming Tagapagturo na  kung ang isang tao ay nagkasala laban sayo ito ay isang opportunity na binibigay sayo ng Dios para magpatawad ka.  Kasi  ang kasunod na iisipin mo bilang Kristiyano   kapag nakaranas ka ng ganun   ay ang magpatawad.
Bakit po?...basa po tayo:


Mat 6:14 
Sapagka't kung ipatawad ninyo sa mga tao ang kanilang mga kasalanan, ay patatawarin naman kayo ng inyong Ama sa kalangitan.


Sabi po ng Panginoon  pag pinatawad mo ang tao sa kanilang mga kasalanan patatawarin ka rin ng Dios Ama. Kaya kapag ang isang tao makagawa ng kasalanan sa atin  ay mabuti po yun kasi may opportunity ka na magpatawad at kapag nagawa mong magpatawad ang Dios Ama naman ay makakahanap ng opportunity na patatawarin ka rin  Niya  sa iyong mga kasalanan.

Kaya sa ating sariling pakinabang pa rin kung magpapatawad tayo kasi kapag nagpatawad ka binibigyan mo ng opportunity ang Dios Ama na patawarin ka rin pero kung hindi ka naman  magpatawad ay tinatanggal mo ang pagkakataon na patawarin ka ng Dios  Ama sa iyong mga kasalanan. Bakit?...basa po tayo sa kasunod na verse:


Mat 6:15  Datapuwa't kung hindi ninyo ipatawad sa mga tao ang kanilang mga kasalanan, ay hindi rin naman kayo patatawarin ng inyong Ama ng inyong mga kasalanan.


Sabi kapag hindi ka nagpatawad hindi ka rin patatawarin kaya kapag binigyan ka ng chance na magpatawad at nagpatawad ka sa mga taong nagkasala sayo ay binigbigyan mo ng chance ang Dios Ama na patawarin ka rin, yun ang gusto niya sa atin na matuto po tayong  magpatawad para patawarin tayo, pinapraktis ng Dios ang Kanyang Hustisya.

Napakahirap po talaga magpatawad pero kailangan nating sumunod sa utos ng ating Panginoong Hesus, sa halip na magalit tayo sa mga taong gumagawa sa atin ng pagkakasala ay mas dapat na lalo tayong matuwa kasi pagkakataon na po natin yun na tayo ay mapatawad din naman ng ating Dios Ama kung sila ay ating patatawarin.


Salamat sa Dios!



No comments:

Post a Comment