Nang hindi pa ako kaanib sa tunay na Iglesia ako po ay dating Katoliko na sumasamba sa Dios sa paraan ng pagluhod sa mga rebulto. Ang alam ko noon kasi kapag nanalangin sa larawan ng Dios gayang pagkakaalam ng marami ay isang tanda ng pagiging Kristiyan at maka-Dios. Pero naging katanungan din sa akin kung bakit kailangan pang dumaan sa mga rebulto kung pwede naman dumiretso na sa Dios sa pagdarasal.
Hanggang sa natuklasan ko ang tamang katuwiran sa pakikinig sa pinapangaral ng aming Mangangaral, yun palang pagsamba sa larawang gawa ng tao ay pinagbabawal ng Dios...basa po tayo:
Act 17:29 Yamang tayo nga'y lahi ng Dios, ay hindi marapat nating isipin na ang pagka Dios ay katulad ng ginto, o ng pilak, o ng bato, na inukit ng kabihasnan at katalinuhan ng tao.
Kung tayo ay tunay na sa Dios hindi pala dapat nating isipin na may pagka-Dios sa mga larawan na gawa sa bato, kahoy o ginto na inukit sa kabihasnan at katalinuhan ng tao. Ang kaluwalhatian, kapangyarihan at kapurihan ng Maykapal ay hindi makokopya at hindi mailalagay sa anumang bagay sabi ng Panginoon...basa po tayo:
Isa 42:8 Ako ang Panginoon; na siyang aking pangalan: at ang aking kaluwalhatian ay hindi ko ibibigay sa iba, o ang akin mang kapurihan sa mga larawang inanyuan.
Hindi kayang i-represent ng bato, kahoy o ginto man na ilagay ang kaluwalhatian ng Dios ito ay kalapastangan sa Kanya at ayaw ng Dios na gawin natin yan...basa po tayo:
Deu 5:8 Huwag kang gagawa para sa iyo ng larawang inanyuan na kawangis ng anomang anyong nasa itaas sa langit, o ng nasa ibaba sa lupa, o ng nasa tubig sa ilalim ng lupa:
Deu 5:9 Huwag mong yuyukuran sila o paglilingkuran man sila: sapagka't akong Panginoon mong Dios ay mapanibughuing Dios, na aking dinadalaw ang kasamaan ng mga magulang sa mga anak, sa ikatlo at sa ikaapat na salin ng nangapopoot sa akin;
Maliwanag ang utos na huwag gagawa ng larawang inanyuan...bawal po ang paggawa yun po ang punto dun kahit ano pa po ang katuwiran natin basta BAWAL PO ANG PAGGAWA ng mga yan. Hindi ako nagtataka kung bakit hindi alam ng karamihang katoliko ito dahil ang problema ay ang kakulangan sa pag-aaral ng salita ng Dios, nasa Biblia hindi lang binabasa.
Wala po tayong makukuhang pakinabang sa mga larawang inanyuan kahit na mangatuwiran pa tayo na ito ay pinapatungkol sa Dios...basa po tayo:
Hab 2:18 Anong napapakinabang ng larawang inanyuan na yao'y inanyuan ng manggagawa niyaon; ng binubong larawan, na tagapagturo ng mga kasinungalingan, na tinitiwalaan ng nagaanyo sa kaniya, na gumawa ng mga piping diosdiosan?
Hab 2:19 Sa aba niya na nagsasabi sa kahoy, Gumising ka; sa piping bato, Bumangon ka! Magtuturo baga ito? Narito, nababalot ng ginto at pilak, at walang hinga sa loob niyaon.
Ang gawaing pagsamba sa mga larawang inanyuan ay kasuklam-suklam po sa ating Dios dahil Siya ay naninibugho. Kahit i-aapply na lang natin sa ating sariling pamumuhay halimbawa yung asawa mo yayakapin ang ibang tao tapos sasabihin niya pinapatungkol niya sayo ang kanyang ginagawa syempre po maninibugho ka ganun po ang ating Dios naninibugho Siya kaya dapat huwag tayo sumasamba sa mga kahoy at ipapatungkol sa Kanya..ayaw Niya po at huwag na tayong magmarunong pa sa Dios, kasuklam-suklam po talaga yan nagagalit po ang Dios:
1Pe 4:3 Sapagka't sukat na ang nakaraang panahon upang gawin ang hangad ng mga Gentil, at lumakad sa kalibugan, sa mga masamang pita, sa mga paglalasing, sa mga kalayawan, sa mga kayamuan, at sa kasuklamsuklam na pagsamba sa mga diosdiosan:
Ang kaparusahan po niyan ay dagat-dagatang apoy:
Rev 21:8 Nguni't sa mga duwag, at sa mga hindi mananampalataya, at sa mga kasuklamsuklam, at sa mga mamamatay-tao, at sa mga mapakiapid, at sa mga manggagaway, at sa mga mapagsamba sa diosdiosan, at sa lahat na mga sinungaling, ang kanilang bahagi ay sa dagatdagatang nagniningas sa apoy at asupre; na siyang ikalawang kamatayan
Hindi pa po huli ang lahat na gaya ko na natutong mag-aral ng Biblia sa pamamagitan ng pag-susuri at pagtatanong mahalaga po na malaman natin yung tamang paraan ng pagsamba na tinuturo ng Biblia sa ikalulugod ng Dakilang Dios.
Salamat sa Dios!

No comments:
Post a Comment